Chapter Nine

2449 Words
Roses from the Heart Gino “Gino!” Mariing akong napapikit nang marinig ko ang sigaw na iyon. Hindi na kailangan lumingon. Dahil alam kong si Angel iyon. Malapit na maging ringtone ang pagtawag ni Angel sa pangalan ko. Alam na rin kaagad ng mga kasamahan ko na boses n’ya iyon. Ang masaklap tuwing sisigaw si Angel ng pangalan ko ay iniiwan agad ako ng dalawang kasamahan ko. Ilang sandali pa akong naglakad at nahabol n’ya na naman ako. Minsan napapagod na akong magalit at magreklamo dahil napaka-persistent ni Angel. Minsan parang ako pa ang napapasama kahit wala naman akong ginagawang masama. “Gino, natuto ako gumawa ng bento box kahapon. Pinagbaon kita!” Napahawak ako sa maliit na bag na nilapat n’ya sa dibdib ko. Hindi ko naman gustong nagtatapon ng pagkain kaya hinawakan koi to baka malaglag. “Nilagyan ko rin ng coffee iyan, sana magenjoy ka.” Parehas kaming napatigil sa paglalakad nang makarating kami sa Practical Arts building kung nasaan ang TVE na subject naming. Entrepreneurship sa akin at Food Technology kay Angel. Bakit ko alam? Kasi dinadalhan niya ako lagi ng niluluto nila. Nakakantyawan na ako sa class room dahil sa kanya. Pero dahil sanay naman ako na hindi nakikialam sa paligid ko ay parang wala lang sa akin. Hindi ko namalayang ilang segund na kaming natitigan ngunit ang ngiti ni Angel ay hindi pa rin napapawi. Noong una ay nakaramdam ako ng inggit dahil parang araw-araw ay may dahilan itong ngumiti. “Galingan mo ngayong araw! Sige mauuna na ako!” Nauna naman itong nagpaalam sa akin. Medyo natapakan ang pride ko roon dahil dapat ako ang nauna. Napailing akong humakbang papasok sa building, hindi ko rin maintindihan bakit kinuha ko ang lunch pack na ibinigay n’ya. Nawawala na yata ako sa katinuan. *** Sino’ng mag-aakala na makakapag-asawa pala si Andrei. Kasama ko ngayon si Caldrin dito sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal ni Andrei. Naiintindihan kong nakapag-asawa na si Caldrin dahil nabuntis nito ang girlfriend n’ya noong college pero si Andrei na hindi pa rin nababawasan ang pagiging babaero ay nakakapagtaka. “Buti nakarating kayo,” nang namataan kami ni Andrei sa aming puwesto ay sinalubong kami nito habang abot tenga ang ngiti. “Syempre, aba eh iuuwi ko ‘yung ulo ng litson,” pabirong saad naman ni Caldrin. I can say that my friend here has changed. Pamilyadong tao na kasi at minsan ay humihingi sa akin ng tulong. Hindi naman kasi stable ang work n’ya sa isang insurance company at tatlo pa man din ang anak nito ngayon. Si Andrei naman ay balita ko, mayaman ang babaing papakasalan n’ya.  Kilala ko ang Family Company ng in-laws nito, iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit ako imbitado bukod sa ginawa akong sponsor ni Andrei. “Kailangan mag-inuman tayo sa susunod ‘yung tayong tatlo lang,” suhestyon naman ni Andrei. Tignan mo nga naman at hindi pa naitatali parang gusto nang kumawala. Nagpaalam sa amin si Andrei dahil magsisimula na ang ceremony. Hindi gaano karami ang bisita, palagay ko ay mga relatives lang at mga kaibigan ang nandito. Engrande ang kasal, the venue is expensive. There are white roses everywhere. I liked that part because it means purity. Puti ang at berde ang motif ng kasal. Nang dumating ang bride ay nakapatay lahat ng ilaw at nakatutok sa kanya ang spotlight, when I glanced at Andrei he was crying. I’m in no position to tell if that’s real or not since I don’t have much experience in love. But as a man, Andrei’s tears are filled with joy and love to that woman. I may have felt that before. That sound of the violin makes the ceremony more nostalgic. It’s painted within their faces, this marriage faced trials. Naging kwela naman ang exchange of vows dahil nataranta si Andrei. He ended up saying impromptu lines, tinago na lamang nito ang papel kung saan n’ya sinulat ang kanyang vows. I do not understand marriage. But every time I watch ceremonies like this, it felt so happy. My sister was the happiest woman I’ve seen who got married even after that, she still cried and got hurt. Tyron isn’t perfect. I am one who’s confident to say it. But Tyron becomes better because of my sister. Noon pa man hindi ko maintindihan kung bakit pinipilit ni ate na mahalin si Tyron kahit hindi naman dapat. I don’t love as an enough reason to change and to let yourself be consumed. Or maybe I am the weird one. After the wedding ceremony comes the program. Dahil ganap na silang mag-asawa, required ang mga kaibigan at mga kamag-anak nilang magbigay ng mensahe para sa kanila. The look of the champagne that has been served right now has attracted my eyes. Hinawakan ko ang kupita at inamoy. Natetempt na naman akong uminom nang maramihan. “Goodevening po sa lahat” My attention was diverted upon hearing that voice. Ten years, and I could still remember it. Nasa harapan si Angel at hawak ang mic. Nandito siya? Hindi ko alam kung bakit hindi ako masyadong nagulat. But I didn’t see her a while ago “’Di ba si Angel ‘yan? ‘yung ex mo?” siniko naman ako ni Caldrin. Nanatili akong tahimik at nakatingin sa kanya na nagngingitian sila no’ng bride. Mukhang kaibigan ni Angel ang isang ito. Mas marami yatang paghinga si Angel kaysa sa mga nasasabi n’ya kaya naman nagtawanan ang ilang mga bisita. She was always like this in front of everybody. Pero hindi naman sa akin, always straight-forward siya at minsan walang filter. “Ang laki nang pinagbago ni Angel. Parang musmos pa lang s’ya no’ng hinahabol ka n’ya.” I keep hearing Cladrin’s compliments. I am shocked as well. Malaki ang pinagbago niya. Sabagay, sa loob ng sampung taon marami talagang mangyayari. Ang gusto ko lang tanongin sa tadhana ay bakit pinaglapit ulit ang mundo namin pagkatapos ng napakahabang panahon? Pagkatapos ng pagbibigay ng message ay may kaunting palaro lang. Siguro iyon ‘yung mga tradisyon sa mga bagong kasal, but none of that entertains me. Inabala ko lamang ang sarili ko sa counter kung saan maari kang magsawa sa alak. There a lot of kinds of wine in here. Tatlong klase na ang natitikman ko. Nang bigla akong nakarinig ng hiyawan ay napalingon ako sa harap. Maghahagis na ang bride ng kanyang bouquet. Hindi ko alam bakit may ganitong segment lagi? Puwede namang bumili na lang ng iba. “Ahh!” Lalo pang lumakas ang sigaw ng mga kababaihan nang inihagis na ng bride ang bouquet niya. Ngunit nagkamali yata ito ng pinaghagisan dahil napunta rito sa gilid, kung nasaan ako ang bouquet. Wala sa loob na pinulot ko ang bouquet. “Mukhang isa sa mga guest nating lalaki ang nakapulot! Yieee!” Parang tuwang-tuwa pa ang MC sa pahayag niya. Nagtaka naman ako kung bakit nakatingin ang mga kababaihan sa akin. Bumaba naman mula sa stage ang MC at naglakad papalapit sa akin. “Kanino mo gustong ibigay ang bouquet sir? Ikaw ang magdesisyon dahil ito ang twist ng ating segment.” Nakaramdam ako nang matinding hiya nang itinutok niya sa akin ‘yung mic. I really don’t want to be caught up to these kinds of stuffs. Sana hindi ko na lang pinulot iyong bulaklak. When I stared at the eyes of those girls in front, parang nag-sspark pa ang kanilang mga mata at lahat sila gustong makuha ang bulaklak. Ano ba kasing mayro’n ang bulaklak na ito? “Lapit po tayo sa kanila…” I dragged to the front as she leads me there. Kinakantyawan na kasi ako, nakakahiya kapag mag-walkout pa ako. I saw Angel behind those girls in front. Napatingin ako sa bouquet ng putting rosas na hawak ko. It would be weird to give it to anybody, lalo na’t hindi ko alam ang dahilan ng segment na ito. My body dragged me to where Angel is. Gumilid ang mga babaeng nasa harapan niya. She was shocked to see me walk towards her, ako rin nagulat din ako. It’s like someone is controlling me. Nilahad ko ang bulaklak kay Angel pero nakatitig lang siya do’n. Medyo nangangawit na rin ako. So I had no choice but to reach for her hand. Her hand is sweaty. Gusto kong ngumisi pero that would be an insult. Nanlalamig pa man din ito. Nang maipahawak ko sa kanya ang bulaklak ay kaagad din akong umalis sa harapan nila. Nagsipagpalakpakan ang mga tao habang palakad ako pabalik sa counter. “Congratulations sana nga ay sumunod ka na ring ikasal!” and then I halted when I just heard that. *** Karamihan sa mga guest ay nagsipaguwian na. Pero kami na sumasamantala sa mga drinks ngayong gabi ay hindi pa. Naparami nagkuwentuhan naming ni Caldrin kanina ngunit nagpaalam din ito dahil hinahanap na siya ng asawa niya. “Hinihingi ng kapatid ng asawa ko number mo.” I felt delighted as Andrei came sat down beside me here at the counter. May dala kasi itong mamahaling wine at mukhang regalo ito sa kanila. “Ibibigay ko ba?” anito. “You can give my business card but I’ll only entertain clients,” tugon ko naman sa kanya at nilagok ang alak sa baso ko. Kasabay naman no’n ay ang pagbukas ni Andrei ng wine na hawak niya. Nagsalin ito sa baso ko at kumuha naman siya ng kanyang sariling baso. “It’s a NO, then.” Andrei shrugged his shoulders as he tasted his wine. He was amazed as how Gino drinks his wine like water. “I didn’t expect that you would give the bouquet to Angel.”  “I wasn’t aware of the real reason. If I had known, I wouldn’t.” maagap kong sagot. Hindi naman sa nagsisisi, but yeah, I kind of feel affected. “How come you are okay? I mean sampung taon ang nakalipas…” he asked. I didn’t answer for a few seconds. That was unforeseen. “I’m fine. Matagal naman na.” “She isn’t,” his tone was aggressive. I tried neglecting it but he was staring at me for long. “Even so, I think it’s enough. “ I paused. Lalagyan ko sana ulit ng alak ang baso ko pero hindi ko tinuloy. Kung iinom pa ako baka tuluyang malasing na ako. “Tama nang minahal ko s’ya noon.” Andrei was quiet. Siya naman ang naglagay sa kanyang baso at nilagok niya agad iyon. “If you loved her, why did you leave her?” Andrei left me but his words stayed here.  I wish it didn’t. Dahil mas matapang pa ang mga katagang iniwan ni Andrei kaysa sa mga alak na ininom ko. I am left with a question I couldn’t answer. *** Tumakbo ako papunta sa cafeteria dahil late na ako naka-alis ng class room. May exam kami kaninang 11am at nahuli akong lumabas dahil kinakaaway ko ang sarili ko sa sagot ko sa iisang item. Iyon lang kasi ang hindi ko sigurado. Mas nakakasama sa loob kapag iisa lang ang wrong ko. Mahaba na naman ang pila ag naguubusan na naman ang kakainin. May exam pa man din ako ng ala-una. Ang hirap mag-exam nang walang laman ang tiyan. Bigla kong naalala ang lunch pack na ibinigay ni Angel. Nasa bag ko pala iyon. Humanap ako ng puwesto malapit sa bintana para mas maliwanag. Inilabas ko na rin ang mga libro ko. Medyo nahiya lang ako nang binuksan ko ang lunch box. Napaka-girly kasi may mga puso-pusp pa at pink pa ang kulay ng baonan. Nandito rin ang favorite coffee ko. Ang bagong labas na flavor na Salted Caramel Coffee. Na-hook talaga ako dito noon. Nakakamangha dahil alam talaga niya ang brand ko sa kape. “Wow Gino, ang cute naman ng lunch mo. Bigay ba ‘yan no’ng stalker mo?” Napairap na lang ako nnag may dumaan na kaklase ko sa harapan ko. Kahit halos nakakalahati ko na ‘yung baonan, hindi ko pa rin alam bakit ko kinakain ito. Hindi naman dapat. ** “Gino, pauwi ka na ba? Gusto mo ba nito?” Lumapit ako kay Miss Garingo nang tinawag niya ako. Tapos na ang klase at palabas na sana ako kanina. “Ginamit namin sa TVE kanina pinang demonstrate, may hardin kasi ako ng mga rosas. Mga sobra lang naman ito, puwede ito kapag nilagay mo sa vase na may tubig.” Hindi ko matanggihan si Miss Garingo dahil mabait naman talaga siya sa akin. Minsan ay pagkain din ang binibigay. Estudyante niya kasi si Ate noon at isa si ate sa mga paborito niya. Hanggang ngayon hindi pa niya nakakalimutan. Lumabas ako ng school na may hawak-hawak na rosas. Akala siguro ng iba ay may pagbibigyan ako. Iuuwi ko na lang siguro kaysa masayang. Nakarating ako sa Waiting shed pero nakaalis na iyong Bus. Nadatnan ko rin si Angel do’n pero hindi pa niya ako nakikita. Mukhang malungkot ito. Hindi rin siya sumakay sa bus kanina? Parang maluwag naman ata iyon, hindi ko lang talaga naabutan. “Ah! Gino!” bigla namang lumiwanag ang mukha nitong nagdidilim nang makita niya ako sa shed. “Kumusta araw mo? Kinain mo iyong binigay?” Habang lumalapit ito sa akin ay tumitingin ako sa ibang direksyon. Baka isipin nilang kilala ko, ang lakas kasi ng boses. “Wah! Roses! Sa ate mo ba ito? Ang ganda.” Yumuko pa talaga siya para tignan ang mga rosas na hawak ko. “Ano’ng ulam ang gusto mo bukas? Magluluto ulit ako.” “Wala. Huwag ka na magluto,” sagot ko naman sa kanya. “Dahil may exam bukas. Bawal ka ng itlog. Adobong manok na lang! Masarap ang adobo ko, papatikim ko sa ‘yo. “ Hindi ko naman siya sinagot. Wala namang dinidinig ito sa mga sinasabi ko. Pagod na ako makipag-argue sa isang ‘to. “Tara na!” Napatianod ako nang hinila niya ang isang kamay ko papunta sa Bus. Marami na ang tao sa shed at kaunti na lang ang bakante sa loob. Ang lakas naman ng babaeng ‘to at nahatak niya ako. Agad niya akong pinaupo nang makakita siya ng bakanteng upuan. Siya naman ang tumayo ulit. “Gusto ko tumayo. Ayaw ko umupo. Umupo ka lang” akmang tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako. She was always nice to me, at iyon ang nakakaguilty minsan. Pero hindi ako interesado sa kanya. Bumaba rin si Angel sa station kung saan ako bumaba. Sumusunod ito sa akin hanggang sa malapit sa kanto ng bahay namin. Pero alam kong hindi naman dito ang bahay nila. “’Oy” Tawag ko sa kanya kaya nilingon ako agad nito. Napakamot ako sa ulo na lumapit sa kanya. “Kunin mo na ito at umuwi ka na. Huwag mo na akong ihatid.” Hinawakan ko ang kamay niya at ipinahawak sa kanya ang mga rosas na hawak ko. Nanatili siyang nakatitig sa bulaklak. Mukhang nagulat naman ito. Hindi ko na siya inimik at naglakad ako para lagpasan siya. Hindi naman siya sumunod kaya nilingon ko siya. Naroon pa rin siya sa kinatatayuan niya at nakatitig pa rin sa mga bulaklak na binigay ko. *** Ang tanong ko lang naman ay, 'pag mahal mo ba, iiwan mo? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD