Chapter Eight

2337 Words
On Rainy Days Angel “Gino! Good Morning!” Nang makababa si Gino mula sa bus ay kaagad ko s’yang binati. Inirapan lang naman ako nito at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Lagi namang hindi maganda ang gising nito kaya sanay na ako sa mga masamang tingin n’ya. “Coffee—“ hindi ko pa man din naitutuloy ang sasabihin ko sana ay kinuha na n’ya ang canned coffee na binili ko sa convenience store. Siguro para tumahimik ako. Nilalakihan ko ang mga yabag ko upang makasabay kay Gino. Mas matangkad kasi si Gino sa akin, hanggang dibdib n’ya lang ako. Late bloomer yata kasi ako, ang hirap ko tumangkad at magmukhang matured. Samantalang ang mga kaklase kong kasing-edad ko ay matured na ang hitsura. “Gino, malapit na ang prom may date ka ba?” Halos maging puso na ang hugis ng mga mata ko nang magtanong ako sa kanya. Pero hindi naman ito pinansin ni Gino. Kung sinagot ni Gino ang tanong ko ibig sabihin no’n wala s’ya sa wisyo. Gino is not Gino if he is not silent. I get that. “Tabi! Tabi kayo!” Nang makita ko ang isang mama na nakasakay sa isang biseklata at mukhang nawalan ng preno ay tinulak ko papunta sa gilid si Gino dahil sa kanya na didiretso ang bike. “Ahh!” Nailigtas ko si Gino ngunit nadawit ako nang mag-iba  ang direksyon ng bisekleta. Nagkaroon ako ng gasgas sa tuhod nang mapaupo ako sa sahig. Medyo madugo nga lang pero hindi naman sapat para mag-agaw buhay ako. “Miss! Pasensya ka na!” Nilapitan naman kaagad ako ng mama na may-ari ng bisekleta, buti nga hindi s’ya napano. Pero may sugat ang tuhod ko. “Tsk.” Nairita namang tumingin si Gino sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya at nag-V-sign sa gilid ng mata ko. Sinubukan kong tumayo, kaya ko naman kasyo hindi ko maituwid ang tuhod ko. Dumudugo pa kasi ito. Matatakpan naman ng palda ko ang tuhod ko pero tumutulu ‘yung dugo, baka pagkamalang regla. “Buhatin na lang kita papuntang clinic,” Nagulat naman ako nang biglang yumuko si Gino sa harapan ko at pinaharap n’ya ang backpack n’ya. “Hindi kaya ko naman—“ “Ang sama na ng tingin ng mga tao sa akin, halika na “ Dala ng inis nito ay napataas ang tono ng boses n’ya. Kaya naman yumapos ako sa balikat ni Gino. Kinilig ako nang maramdaman ko ang paghawak ni Gino sa hita ko nang tumayo s’ya. Piggy-back ride mula kay Gino? Puwede na siguro ako mamatay! *** Hindi ko inaasahan ang kakausapin kong businessman ay dito ko kikitain mismo sa building nina Gino. Nakarating na ako sa mismong workplace ni Gino dahil ako nga ang angdeliver noon ng kape n’ya. Magkakaroon ng bagong mall dito sa Garrisons at gusto akong kausapan para sa pag-rent ng space doon mismo. Hindi pa man din tumatagal ang Coffee Rush pero nararamdaman ko ang smooth na pagtakbo ng business. I think this is also a good opportunity to expand our business. “Oh…” Nakita ko naman si Gino nan a halos kasabayan ko lang na papunta sa harapan ng building. Hawak-hawak na n’ya ang coffe na lagi n’yang inoorder sa shop namin at may katawag ito sa cellphone n’ya. Napabilis ang paglalakad nito. Hindi ko alam kung bakit ko rin binlisan at bakit gusto kong sumabay. Maybe it’s just some old hobbies. Tinulak ni Gino ang Curved Sliding door kaya sumunod naman ako. Napaatras ako nang maitulak ako ni Gino dahil biglang na-stuck ang curved glass door sa gitna, kaya ang ending parang nakulong kami dito. Laking gulat naman ni Gino nang masaksihan n’yang ako ang nasa likuran n’ya. Lumapi tsa amin iyong body guard at sinubukang hatakin ang glass door, pero mukhang nai-stuck talaga ito. “Wait lang po, Sir puntahan ko lang ang Engineering,” paalam naman no’ng security. Gumagana naman ang ibang sliding doors pero bakit sa amin biglang nag-malfunction. Feeling ko nahihiya na si Gino dahil hindi mo naman maiiwasang makita dahil transparent ang door at maraming pumapasok at lumalabas sa building. Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang kamay ko dahil mainit dito sa loob. Siguro nainitan din si Gino dahil niluwangan n’ya ang neck tie n’ya. Mukhang nagmamadali pa man din ito kanina tapos na-stuck pa nga kami dito. Dahil wala naman akong ibang magawa, hindi ko mapigilan ang hindi magnakaw ng tingin kay Gino. Ngayon ko lang narealize na may body figure pala ito. Medyo tumangkad s’ya at lumusog ang pangangatawan. Medyo hapit ang inner polo ni Gino. Pero hindi naman umabot sa point na puputok na iyong butones n’ya. Pero pinagpapawisan na talaga kaming dalawa rito. Kanina pa silip nang silip si Gino pero hindi pa bumabalik ‘yung security. Kanina pa tunog nang tunog ang phone n’ya. “Shit.” Namilog ang mga mata ko nang marinig ko ang pagmura ni Gino. May kasamang ungol kasi ito. Ang sexy naman no’n! Hindi na yata nakatiis si Gino at inalis na ang coat n’ya. Dahil nakatalikod s’ya sa akin at medyo basa na ang polo nito at kitang-kita ko ang itaas na bahagi ng likod ni Gino. Malapag pala ang mga braso nito at ang waist… ang sexy! Hindi gaano malaki at hindi rin kaanoo maliit ang waist ni Gino, sakto lang sa kanyang katawan! Lalo yatang uminit. “O-Okay ka lang naman?” Nabulabog naman ang pag-iimagine ko nang nilingon ako saglit ni Gino. Hindi ako okay kasi ang init at ang init mo pa! “Hmm. Oo naman…” Bigla akong naramdam ng ilang nang mapansin kong maraming dumadaan sa kabilang glass door ang napapatingin sa akin. Karamihan ay lalaki. Ang tagal naman kasi, gusto ko nang makaalis dito dahil basang-basa na siguro ako. Nang sinundan ko ang tingin nang isa ay hanggang sa likod ko ay nakatingin siya. And then it hit me. Shems! Naka-white pala kasi ako! Red ang kulang ng bra ko so, kung basa na ang likod ko. Kitang-kita na! Sobrang init na kasi dito. Wala man lang aircom o fan. Malapit na rin ako masuffocate. Ang liit ng espasyo at dalawa kaming maghahati sa hangin. “Oh” hinagis naman sa akin ni Gino ang coat n’ya na suot n’ya kanina. Nasapo ko naman ito sa dibdib ko. “Suot mo muna.” “Mainit” reklamo ko naman. “Ayaw kong maeskandalo. Suotin mo na.” I just felt chills when Gino turned around to see me. He’s serious this time. Alam ko ang mag tingin na iyan, malapit na ito sumabog. Sinunod ko na lang ang sinabi n’ya. Kahit init na init na ako. Pero okay na ito kaysa pag pyestahan ako. Makaraan pa ang ilang minute ang may mga dumating sa Maintenance Department. Ilang segundo lang naman ang tinagal upang maayos iyong pintuan at sa wakas nakalabas din kami. Pero sobrang pawisan na ako, hindi ko alam kung puwede akong humarap sa meeting ng  ganito. Nakahabol kami sa elevator ni Gino. Buti na lang hindi siksikan ang elevator dito. Magpipindot sana ako kaso nauna si Gino. “Saang floor ba?” at dahil malapit s’ya sa elevator at tinanong n’ya ako. “5th Floor,” pero nakita kong 5th floor din ang pinindot ni Gino kaya nagtinginan kaming dalawa. “T-That’s my office… I mean the entire floor.” Napaawang ang bibig ko sa sinabi ni Gino. Kinuha ko ulit ang cellphone ko at tinignan ang usapan naming no’ng businessman na ka-meet ko. Tama naman, 5th floor nga. Pero hindi ko naman inaasahang office iyon nina Gino. “Ano’ng gagawin mo do’n?” Hanggang ngayon pala ay nakatitig pa rin sa akin si Gino. “May ka-meet akong businessman…” “Is that Mr. Hong?” Napatango-tango kaagad ako  sa kanyang sinabi. Napatingin si Gino sa itaas, nasa 5th floor na pala kami. Nagulat na lang ako nang bumukas ang elevator ay hinatak n’ya agad ako palabas do’n. Pagkapasok naming sa automatic glass door ay binati s’ya ng security ang ng ilang mga empleyadong nakasalubong naming pero hindi s’ya sumagot. Pero teka! Hawak-hawak ni Gino ang kamay ko! Siguro sing-pula na ng kamatis ang pisngi ko. Kasi hawak-hawak talaga n’ya! May isang office sa may dulo. Ito yata ang office ni Gino dahil napakalawak nito. Kaunti lang ang kagamitan pero ang design, similar sa unit n’ya. May isang lalaking medyo kasing tangkad ni Gino ang sumalubong sa amin. Napatingin kaagad s’ya sa kamay ni Gino na nakahawak sa kamay ko kaya binitawan kaagad ni Gino ito dahil na rin sa pagkailang. “Mr. Hong will arrive in 15 mins, Sir…” bungad naman sa amin no’ng lalaking nadatnan naming dito sa silid. “Can you give her clothes to wear? Ako rin, kailangan kong magpalit” *** Hindi ko alam kung paano nakahanap si Gord—ang Secretary ni Gino ng damit pambabae. Si Gino kasi may ilang extrang damit rito. Ilang segundo na rin akong nakatitig sa salamin. I’m wearing a black corporate skirt and a long sleeve na foldable hanggang siko. Kulay gray ang top ko and strangely, bagay na bagay. Kakaiba rin ang taste ni Gord sa fashion. I commend him! Gino told me that Mr. Hong is a very strict person. Baka mapahiya lang daw ako kapag haharap ako na gano’n ang hitsura. Inayos ko na rin ang buhok ko. May maliit na pouch ako kung saan may pressed powder ako at isang lipstick. May maliit din akong lalagyan ng blush. Ito talaga ang hindi puwedeng kalimutan tuwing papasok sa trabaho o mag-aapply hehe. Pagkatapos kong mag-ayos ay dumiretso ako sa conference hall. Doon ko raw makakausap si Mr. Hong. Kanina pang umaga na kakaiba ang nangyayari sa akin. Una, nastuck ako sa curved sliding door kasama ni Gino, ngayon naman it turns out dito pala ang meeting ko. Ang weird. Puro Gino ang umaga ko… Sana laging ganito. Pagkabukas ko ng pintoan sa conference hall ay nakita ko do’n si Gino na nakatutok sa kanyang laptop. Nakapag palit na ito ng kanyang corporate suit. I have to admit, he looks really good in everything. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Ang guwapo, ang linis… gano’n pa rin ang pagtingin ko sa kanya. Feeling ko umusbong pa nga. It’s really weird to see each other in a more matured form. Kung High School pa rin ako hanggang ngayon siguro tumakbo na ako palapit kay Gino at dumikit na parang isang bubble gum. I guess time really change everything… except that I’m still in love with him. “Sit, I’ll give you heads up…” Kaagad naman akong umupo sa tabi ni Gino. Buti na lang nagsalita s’ya kundi hindi ko alam kung gaano pa ako katagal tititig sa kanya. Sana huwag akong pagalitan ni Gino mamaya, dahil parang hindi pumapasok sa isip ko ang mga sinasabi n’ya dahil most of the time nakatingin lang ako sa kanya. Mas naging madaldal si Gino ngayon, syempre businessman eh. Pero ang bawat salita n’ya ay napaka-informative. Very professional… Maiinlove ka talaga eh, napakadaya naman. Dumating naman si Mr. Hong sa tamang oras. Palagay ko ay close silang dalawa ni Gino. Marami silang pinagusapan. I couldn’t believe that Gino knows a lot about our coffees, nakakataba ng puso. Gino laughs in between our conversation, but as his ex-girlfriend and his ten-year-lover I know it was all faked. Gusto ko lang malaman bakit hindi na totoo ang mga ngiti at tawa n’ya? *** Sa lahat ng pagkakataon talaga, ngayon ko pa iniwan ang payong ko? Eh bakit naman kasi biglang uulan eh ang init-init kanina. Fake news talaga si Kuya Kim minsan—kidding! Syempre hindi mo naman masasabi kung kailan talaga uulan o hindi gaya ng posibilidad na iwan ka n’ya… Puwede s’yang umalis kahit mahal mo pa s’ya ngayon. Nang medyo humina ang ulan ay tumakbo na ako. Pagtatawanan lang nina Glide kung magbubus pa ako. Halos isang kilometro lang naman yata ang layo tapos iyong babaan ng bus ay medyo malayo na shop. Hindi naman kasi puwedeng bumaba ka kung saan-saan. Iyon ang patakaran sa Garrisons para iwas traffic. I slowed down when I saw a familiar back. Nakita ko si Gino na naka-suot ng earphones. Medyo mabagal ang lakad nito kaya kung bibilisan ko ay malalagpasan ko s’ya. Mukhang nag-eenjoy ito sa ulan at sa earphones n’ya. Buti pa s’ya may payong na dala. Sige, magpapaulan na lang ako. Okay lang naman. Ayaw kong istorbohin ang pagmuni-muni n’ya. Napayakap ako sa sarili ko nang medyo lumakas ang ulan at hindi ko inaalis ang titig ko sa kanya. He seems peaceful but sad. “Ahh!” napasigaw ako nang biglang may isang sasakyan ang dumaan at bumusina nang napakalakas. Wala pala ako sa side walk. Dahil do’n ay napalingon si Gino sa likod, kaya naman nakita na n’ya ako. Tumigil ito sa paglalakad at nakatitig lang sa akin. Basang-basa na kasi ako. “Puwede bang maki-payong. Sa shop lang ako…” Kinapalan ko na talaga ang mukha ko nang makalapit ako sa kanya at yakap-yakap ang bag ko. Hindi naman umimik si Gino at medyo inurong sa akin ang payong. Sumabay ako sa bagal ng paglalakad n’ya. This reminds me of the good old days… Pasulayap-sulyap ako kay Gino tuwing nakatingin s’ya sa ibang direksyon. Masaya pa rin ako dahil hindi n’ya ako tinataboy. Masakit lang dahil hindi na siguro n’ya ako mahal. Masakit dahil iniwan n’ya ako nang walang paalam… Masakit dahil mahal ko pa s’ya…nang sobra. But this painful love makes me survive… *** “Halla naulan!” Ilalabas ko na sana ang payong ko pero nakita ko si Gino na parating dito sa guard house. Napatingin ako saglit sa tuhod ko. Dinala talaga n’ya ako sa clinic kanina at hindi umalis hangga’t hindi ako nagagamot. Napaka-sweet, Hindi nga ako nakapag-concentrate sa klase dahil ‘yun lang iniisip ko eh. “Gino! Makikipayong ako!” hinabol ko naman s’ya dahil nang makita n’ya ako sa guard house ay binilisan n’ya ang paglalakad. Hindi naman halatang iniiwasan ako eh? Siniksik ko ang sarili ko kay Gino. Ramdam ko naman ang pagkainis nito. Pero okay lang atlist magkasama kami sa iisang payong. Pangarap ko ‘to talaga. Ang dami kong drama na napapanood, nagkakaroon sila ng loves story dahil hindi sila nagdadala ng payong. “Magdala ka nga ng payong mo kasi.” Inis na saad naman ni Gino. “Sa susunod magdadala na ako.” Sa maulan na hapon na iyon, sabay kaming naglakad ni Gino. *** Sakit… Mahal pa pala kasi… 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD