Chapter Seven

2009 Words
Constant Love Angel "Hoy, Angel hindi ka ba uuwi? Baka mahirapan ka nang makasakay ng Bus ngayon!" Siniko naman ako ni Aless habang nanonood ng practice ni Gino sa basketball. Nalaman ko kasing sasali na s'ya finally! At kailangan kong subaybayan ang pacprapractice n'ya dahil may fandom na si Gino. Hindi ako puwedeng magpatalo. "Mamaya na. Mauna ka na" Pinauna ko na si Aless na umuwi. Kanina pa siguro pagod na sumusunod iyon sa akin dahil whole day ang practice nila Gino ngayon. Malapit na kasi ang Intramurals kaya naman, kailangan na nilang mag-practice ng maigi. "Go Ginoloves!" Nagdilim ang mga paningin ko nang marinig ko ang boses na 'yon. Nakapag-shoot kasi si Gino ng 3 points kaya naghiyawan ang mga fans n'ya dito sa tabi ko. Actually magkakasama sila, ako lang yata ang nahiwalay. "Go Ginobabes! Hoooo!" Dahil palaban ako, hindi ako nagpatalo. Mas nilakasan ko pa ang pag-cheer kay Gino. Napansin ko naman na parang nahiya ito sa sigaw ko. "Excuse me? Babes mo si Gino?" may isang babaeng kumalabit naman sa akin kaya napalingon ako sa kanya. Hindi ko s'ya kilala pero base sa pormahan nito isa rin s'yang it girl. Napaka kapal ng make up. Napakaraming burloloy. Ako kasi pulbo lang gamit ko. Maliligo ako sa pulbo. "Nililigawan ko si Gino,"taas noo kong sagot sa kanya. Pinagtawanan naman ako ng mga kasamahan n'ya. Napatingin din sa akin ang ilang babaeng kasama sa fandom ni Gino. "Ikaw pala 'yung parang bubble gum na dikit nang dikit kay Gino," Lalo pa silang tumawa. Medyo na-hurt ako doon. Pero mas Malaki ang pagmamahal ko kay Gino. "May problema ba Michie?" May isang lalaki ang lumapit sa amin. Nakasuot no'ng suot din ni Gino'ng uniform ng basketball. May nakasunod na dalawang lalaki naman sa kanila. Pangiti-ngiti sila sa mga babaeng kasama no'ng Michie. Mukhang playboy ang mga 'to. "May gumugulo ba sa 'yo? Turuan ko ba ng liksyon?" tinignan naman ako no'ng lalaking lumapit kay Michie. Gugulpihin ba ako nito? Halla! Huwag naman! Ang tangkad n'ya. Malayong kaya ko s'yang labanan! Napaka maldita talaga ng babaing ito! *** "Kumusta ka naman? Ang tagal nang hindi kita nakita..." Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng lungkot nang makita ko si Ate Juniel. Iyong mga mata n'yang puno ng pagkaconcern sa akin ay hindi pa nagbabago. Pero ang laki ng nagbago sa mukha at sa katawan n'ya. Nagyon ko pa lang s'ya nakita sa personal. "Okay naman po. Nakakatuwa naman at nagkita tayo." Galak kong saad sa kanya. Masaya akong nakita ko ulit s'ya. Pero ang kalahati ng atensyon ko ay nasa iba. Bigla kasing umalis si Gino, hindi ko alam bakit hinahanap-hanap ko pa s'ya. It should be implied to me why would he leave. "Nandito rin si San. Kaso hindi ko alam kung nasaan s'ya. He'd be happy to see you." I was supposed to respond... Peor nagulat ako nang bigla n'ya akong niyakap. Mahigpit at parang napakainit. I missed her warmth... she used to be like a sister to me. We were happy together. Tanggap n'ya kami ni Gino noon at naging parte ako ng pamilya nila. Kaya naman nang bigla silang naglaho ay sobrang nasaktan ako. Hindi lang kasi si Gino ang nawala. Parang nawalan din ako ng kapatid. But I don't resent any of them. It's in the past. Ang tanging hiling ko na lang noon ay sana mabuti ang buhay nila. But I guess, they lived a good life all these years. *** "Halla!" Nang maimulat ko ang mga mata ko at napansin kong hindi pamilyar sa akin ang kisame ay napabangon ako. Walang inat-inat, Bangon kaagad. Hindi rin pamilyar ang kama at ang lahat! Nasaan ako? Bakit...Bakit wala ako sa kuwarto? Hindi kaya nakidnap ako? Nakita ko 'yung lamp sa tabi ng bed may lames kasi doon. Kinuha ko 'yun at dahan-dahan akong nagtungo sa pintuan. Kung may nakabantay man sa akin sa labas, ihahampas ko kaagad ito sa kanya. Lalaban ako! Lalabas ako ng buhay. Nagulat ako nang biglang tumunog 'yung doorknob. Halla! May papasok. Nang unti-unti itong bumukas ay bumwelo ako. Napapikit ako at nang malapit nang maglandin 'yung lampshade sa lalaking pumasok. Pero nahawakan kaagad n'ya ang kamay ko. "Saklolo—" Naudlot ang pagsigaw ko nang makita ko ang mukha ng lalaking pumasok. Baka sang inis sa mga mata n'ya at sapilitan n'yang inagaw ang lampshade sa akin. Ayaw kong maniwala. Baka nananaginip lang ako. Sinapak ko ang pisngi ko. Shit. Gising ako! Delumpia! "G-Gino.." napapaos na pati ang boses ko. Gino looked around his room and then he finally stared at me. "I prepared breakfast. You can eat with me before you go... 'yon ay kung gusto mo," Breakfast with Gino? At saka paano ako napadpad sa kuwarto ni Gino? Automatic na napatingin ako sa loob ng dress ko. Parang wala namang chikinini eh! Tinignan ko rin ang panty ko. And that is where it hit me. Ano bang iniisip ko? Lasing pa ba ako? Why would Gino do that to me? Eh magjowa nga kami noon diba? Ni hindi n'ya ako ginalaw! *** Nang lumabas ako sa kuwarto ni Gino ay nakita ko na ang kabuan ng sala nito. Simple lang. Kulay black ang pintura ng buong unit ni Gino, Pati kama n'ya black. Wala rin masyadong furnitures. O kahit ano'ng palamuti. Wala rin masyadong utensils. Ang breakfast na tinutukoy ni Gino ay ordered sa isang Restaurant. Ready cook ito at si Gino lang ang nagluto. His house feels empty. Hindi ko ito pagmamay-ari pero nakakaramdam ako ng lungkot dahil sa tahimik at plain ng unit na ito. Special Tapsilog ang breakfast. Nang makaupo ako ay ay pinggan na roon. Una kong napansin ay ang mahaba at malambot na tama. Nakakalaway dahil nang tinusok koi to ng tinidor ay may katas na lumabas. Naglagay ako ng fried rice habang nagtitimpla si Gino ng kape. Nagyon ko lang naalala na hindi man lang ako nagpaalam na 'Uupo na ako Gino nakakagutom na kasi! Kakain na ako' Pero wala namang say si Gino. Napatigil ako nang makita ko ang isang pinggan. May Egg ang tapsilog at iba ang pagkakaluto ng itlog. Nakahiwala 'yong puti sa dilaw. Gino remembered it. Naalala n'ya na gustong-gusto kong magkahiwalay maprito ang egg whites sa yolk nito. Nagdala si Gino ng dalawang kapeng tinimpla n'ya mula sa coffee mixer n'ya. Umupo rin ito sa tapat ko at nagsimulang kumain. It brings back the old days. Mga araw na magkasama kaming kumakain ni Gino at hindi s'ya napapagod makinig sa mga kuwento ko. Nakakamiss 'yung pagbibigay n'ya ng kanina sa akin tuwing nakukulangan ako sa kanin. I wanted to pat his hair because I reall loved doing that. And he would hand my hands dahil ayaw n'yang ginagano'n ko s'ya. I can't do that anymore... Because things are different, all of these are over ten years ago. "Dinala kita rito dahil hindi ko alam kung sa'n ang bahay mo. Pinakiusap ka ni Luke sa akin" bigla naman s'yang nagsalita. "Ah, Oo... pasensya na. " Bigla akong nakaramdam ng hiya. I was so wasted last night that I barely remember anything. Nang makatapos kaming kumain ni Gino ay tumulong ako sa pagliligpit. Pero hindi yata komportable si Gino sa akin na ako ang maghuhugas kaya s'ya na ang tumapos kanina. And now it's time to go home. Magtataka na sina Patty sa akin dahil wala pa ako sa shop. "Uuwi na ako. Salamat sa paghatid sa akin," Nang makapagpaalam ako ay nagtungo ako sa pintuan ni Gino. "Wait..." Napalingon kaagad ako sa kanya nang magsalita s'ya. May kinuha naman itong jacket sa kanyang kuwarto. "Here..." matagal akong nakatitig sa jacket na nilahad n'ya sa akin. Ang init init mag jajacket talaga ako? Ano'ng iniisip ni Gino? "Suotin mo na ngayon. Nanganagwit na ako," Kaagad kong kinuha ito nang mapansin kong naiirita na ang tono ng boses ni Gino. Well kahit init na init ako ay sinuot ko pa rin ito. Bago pa man lumala ang inis ni Gino ay mabilis akong umalis ng unit n'ya. Ayaw ko namang masigawan dahil maganda ang gising ko kahit papaano. *** Hindi naman gaano malayo ang shop mula rito. Naiipan kong maglakad-lakad na lang. Ayun nga lang pansin na galing akong party dahil naka dress pa ako at nakatakong. Hawak-hawak ko pa ang pouch ko. Pero okay lang, it's a good to have a walk. "Hello mga bakla!" Malakas ang pangbulabog ko kina Patty at Glide na una kong nakita nang makapasok ako sa shop. Inalis ko naman kaagad ang jacket na pinasuot ni Gino. "Day, grabe buti naka jacket ka..." Mahinang hinampas naman ni Glide ang braso ko nang makalapit ito sa akin. "Ang init nga eh. Napilitan lang ako isuot ito." "Kitang-kita likod mo oh... Grabe kung ako lang hahatakin ko 'yang tali sa likod para hubad ka. "Ha?" agad ko naman hinawakan ang likod ko. Expose nga! Ba't ngayon ko lang pansin? "Maganda naman kahit papaano—" Bigla akong napatigil nang makita ko ang hawak kong jacket ni Gino... Kaya ba n'ya pinasuot ito sa akin? Kasi kitang-kita ang likod ko? Why? Why would he care about something like this? Bagsak ang balikat kong umakyat sa itaas dahil nandoon ang kuwarto ko. Napaupo ako sa kama ko habang hawak-hawak ang jacket ni Gino. Hindi ko alam, sigur nawawala na ako sa tamang pag-iisip... dahil yinakap ko ang jacket ni Gino. Ang bango at ang lambot. Parang nararamdaman kong niyayakap ako ni Gino. Kahit napaka-unpredictable ni Gino, I still though before that he is the one for me. And that I'll do anything so he would love me back. But I feel guilty towards myself every time I ask, did he really love me? If so, why would he leave without saying goodbye? Hanggang ngayon wala akong siguradong sagot para sa sarili ko. Gino holds the answer... Ang masasabi ko lang ay tunay na minahal ko si Gino noon at hanggang ngayon. Kung babalikan moa ng nakaraan namin, hindi ko masabi kung naging masaya man lang ba si Gino sa akin noon... leaving the last resort to leave me. Minsan mahal n'ya ako... Minsan naman hindi and despite of that, I constantly loved him. *** "Gusto ko lang ipaalam sa 'yo na si Michie ay prinsesa ng Section Mapple. At wala kang karapatan sumagot sa kanya," bahagya akong napaatras nang lapitan ako ng lalaking ito. Nakita ko namang ngiting-ngiti pa 'yung Michie at mga kasamahan n'ya. Ang hirap talaga kapag may back up kang higher years! "Hoy, sasabay ka ba o hindi? Kung hindi mauuna na ako," Nagulat naman ako nang marinig ko ang boses na iyon. Nakita ko naman si Gino na saglit na tumigil sa tapat naming at napatiuna rin sa paglalakad! Mukhang nagulat ang mga babaing nakaantabay sa kanya dahil kinausap n'ya ako! Ako rin gulat! Nagkaroon ako ng pagkakataon para makatakas sa mga bruhang iyon. Tumakbo ako hanggang sa masabayan ko si Gino maglakad. "Sabay tayo uuwi? Talaga!" excited na saad ko naman pero parang pader lang ang kausap ko. 'DI bale, sanay naman na ako. At saka ganito lang talaga ka-sweet si Gino. Nang makarating kami sa Malapit sa waiting shed kung saan dumadaan ang mga bus ay tumigil si Gino sa isang stall ng gotto. Nakakagutom naman kasi ang amoy at saka siguro gutom talaga s'ya. Bale nag-order din ako ng special gotto. Nakatayo lang kaming kumakain. May egg at spring onions at garlic ang gotto. Ang sarap sa amoy at sarap sa pakiramdam sa tyan. "Oh, sa 'yo na lang" Napatigil naman si Gino nang inilagay ko ang boiled egg sa lalagyan ng gotto n'ya. "Bakit?" Napakunot-noo naman ito. "Ayaw ko nang egg na magkasama ang white at yolk" sabi ko naman. "Siraulo ka ba, natural magkasama 'yan" masungit na saad naman nito. Ngumiti lang ako at kumain ulit ng gotto. Mas masarap lalo ang gottona ito dahil kasama ko s'yang kumakain. "Oh..." Napatigil naman ako nang inilagay n'ya sa gotto ko 'yung egg wite at yolk. Buo pa 'yung yok. Nahati naman sa dalawa 'yung egg white. Lumawak ang ngiti kong napatingin kay Gino. Tahimik lang pala si Gino pero may pagka-sweet pa rin nito.  ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD