When we fall
Gino
Naantala ang ginagawa ko sa laptop ko nang tuloy-tuloy na pumasok si Gord sa opisina ko.
“Sir, may mga taga-NIA na gusto kang makausap” agad ako’ng napatayo at naalarma sa pahayag ni Gord. I mean, bakit sila nandito? And it is very unsual to be visited by them.
It is an implied rule not to refuse entertaining them because if it’s the NIA, it’s national problem.
NIA or National Intelligence Agency is where Tyron formerly works. His job wasn’t easy and it’s very dangerous because they go undercover. Mas mahirap na kaso ang hawak ng mga ito kaysa sa mga pulisya since they are the secret agents of the government.
Niluwangan naman ni Gord ang pagkakabukas ng pintuan at iniluwal ang dalawang lalaking nakasuot ng leather jackets. I don’t know why but I guess this is their usual clothings. Usually naka-civillian kasi ang mag ito, hindi mo mapaghihinalaang NIA kaagad.
“Good Morning, Mr. Fontanilla,” bungad ng isang agent na seryosong nakatingin sa akin. Inayos ko ang necktie ko at umalis sa desk ko upang salubungan sila. Tinanggap ko ang kamay na nilahad niya sa akin.
I’ve seen this face yesterday…
“I’m Agent Palomares from NIA,” pinakita naman nito ang kanyang I.D na galing sa bulsa ng jacket niya.
“Gusto lang sana naming mag-conduct ng interrogation mula sa lahat ng empleyado ninyo,” diretsong saad naman nito.
“Why? What’s happening?” gulat ko’ng tanong. Napakarami tuloy ng pumapasok sa isipan ko’ng dahilan.
“This person is familiar to you, right?” umabante naman ang kasama niyang isa at iniabot ang isang larawan ng babae.
There is nothing to be scared of because I know nothing about whatever it is, but this agent is intimidating. Malayo sa hitsura ng mukha niyang nakita ko sa coffee shop kahapon.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang larawan ng isang babaing nakahandusay sa sahig at parang walang buhay. It’s not the typical type of corpse that is covered with blood. And that girl is familiar to me.
“She’s Amelia, isa sa mga myembro ng Accounting Department, If I am not mistaken, she’s been working here for only three months,” I confirmed to him.
“She was found dead last night. We figured out that she has been threatened for few weeks. Base rin sa Forensics, she was drugged at overdose ang ikinamatay niya,” paliwanag naman nito.
“Are you saying that one of my employees killed her?” hindi ako makapaniwala. Bukod sa makakaapekto ito sa reputasyon ng company ay nakakatakot din na may isang mamatay tao rito.
“We’re not sure yet. But according to the text messages recovered on her phone, someone very close to her killed her. Also, this killer knows all of her routine including her works…” sumabat naman ang isang agent na kasama ni Palomares.
“Also, there is this text message from the killer saying she’s been watched in this office,” iniabot naman sa akin ni Palomares ang ilang papel na naglalaman ng printed text messages mula sa cellphone ni Amelia.
I scanned some of it, one conversation caught my attention.
“Meet me at the Capsules?” binasa ko ito, mayro’ng ding reply si Amelia na pupunta siya. The Capsule is the room for my employees whenever they want to rest since 24-hours kaming nag-ooperate. But we have codes for the door towards the Capsule. Bawat empleyado ay may bar code sa kanilang Employee I.D at ito ang iniscan upang i-recognize ng security lock ang kanilang identity.
***
Pinahintulutan ko’ng magsagawa ng imbestigasyon ang NIA sa office. Naantala lahat ng trabaho at napansin ko ang pag-papanic ng mga empleyado. That is expected. NIA is the real deal, there is no refusing.
Pinagamit ko ang conference room bilang silid kung saan kakausapin nila ang mga empleyado. But as what I’ve been observing since a while ago, there is nothing to be suspicious yet.
“Sir, do you want to take a break?”
Napansin yata ni Gord na kanina pa ako problemad rito. It’s past lunch time and I haven’t left my spot. I want to observe this interrogation.
I have resolve on this one. I can just make money speaks. That is what I have been doing. Aminado naman ako na kapag may mga gulong ganito ay nagagawan ko ng paraan—that without following any standards. Ngunit kamakailan ay gusto ko’ng ibahin ang paraan ng pag-aayos ko ng mga bagay-bagay. I should stop pulling strings.
Isa pa, ibang gulo ito. A dead person is involved.
Ilang oras pa ang lumipas at natapos ang interrogation. Nagpaiwan ako rito sa silid upang kausapin si Palomares. Pero hindi pa man kami nag-uusap ay parang nagtatagisan na kaming dalawa ng titig.
“Unfortunately, the killer is not one of them… that is if no one is covering for them,” pinagtaasan naman ako nito ng kilay. I’m pissed off with the tone of his voice, maybe this is the usual him when it comes to these things, he’s good with provoking, I observed that a while ago.
“Are you saying, I’m hiding the killer?” I hissed.
“Hindi ba iyon ang mga gawain mo?” I tapped the table loudly. I got angry all of a sudden. Mukhang bago pa siya pumunta rito ay inimbestigahan na niya ako.
“You keep a lie low profile but you’re good with your dirty tricks in business…Gino Fontanilla? I guess every businessmen needs to be dirty a bit,” I heard a soft smirk right after he said that.
“You—“ bigla na lang nandilim ang mga paningin ko at napakuyom ang mga palad ko.
“I’ll find that killer, that’s specialty,” may kasamang pagbabanta ang pagkakasabi nito. Tinapik pa niya ang aking balikat bago siya tuluyang umalis ng silid.
Napatingin ako sa mga palad ko,
They are disgusting…
***
Six months ago
“Gino!” Umalingaw-ngaw ang sigaw ni ate at ang pagkatok niya ng malakas sa pintuan ko. Pero tinakpan ko ang mga tenga ko at yumuko sa mga tuhod ko.
Kasalukuyan ako’ng nakaupo sa sahig at napasulyap ako sa tabletang gamot na nakakalat sa sahig. Pero kahit ano’ng pilit ko’ng maging bingi sa mga naririnig ko ay nangingibabaw pa rin ang paghagulgol ni ate sa labas ng pintuan ko.
“Leave me alone…” Napaigting panga’ng saad ko. I don’t need anyone, I don’t want to be with anyone.
Anyone will leave right?
Wala naman talagang nagtatagal, kahit si Mama na pinangako na hindi ako iiwan ay iniwan niya pa rin ako. I’ll just have to be alone… para hindi na ako mahirapan.
I’m tired.
I was born being tired of this world.
Wala namang magandang dulot ang buhay, you’ll just wake up and do the same routine. Pagod na ako’ng gawin iyon.
Pagod na ako’ng sumunod sa gusto ng mundo.
I just want to sleep and not to wake up again.
Hindi ba’t mas matiwasay ang kamatayan? Tahimik at walang ingay. Walang malungkot… It’s just that you won’t feel anything.
Nagulat ako nang makarinig ako ng malakas na kaladabog. Nakita ko na lang na bukas ang pintuan. Nakita ko si San na hawak-hawak si Ate, at si Tyron na napakatalim ng titig sa akin.
Hindi ako nakapalag nang bigla niya ako’ng kwinelyuhan at at sapilitang pinatayo. He’s so strong.
“Gusto mong mamatay?” mapanghamon na saad nito. Mahigpit ko’ng hinawakan ang kamay niya upang kumalas ngunit sadyang malakas siya. He’s a Fighter afterall.
“Ako ang gagawa mismo kung iyon ang gusto mo—“
Napahiyaw nang malakas si Ate nang ilabas ako ni Tyron sa balcony. Napaliyad ako nang tinangka niyang ihulog ako.
“I can just kill you here! Sagot! Gusto mo ba talagang mamatay! Gago ka!” galit na galit si Tyron na nakatitig sa akin. Napapikit ako at hindi sumagot. Hindi ko alam kung hindi o oo ang isasagot ko. I’m torn in between. But will I die like this? But this is what I want right?
“Ahhhhh!” Napasigaw ako kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.
Bakit ang sakit ng dibdib ko! Gusto ko na itong alisin! But I would die after doing that, pero iyon lang ang paraan.
My heart is heavy and it was like being stabbed over the years.
“Do it,” I said to him. He was shocked to what I said…
“I’m corrupted. I don’t know what is wrong with me…Just kill me.”
***
Nabalik ako sa ulirat nang may maramdaman ako’ng humatak sa akin at nakarinig ako ng malalakas na busina ng sasakyan. That’s when I realized I am standing in the middle of the road. Oo nga pala at nag-Go sign na kanina para tumawid, pero hindi yata ako tumuloy na tumawid at natigil ako sa gitna ng pedestrane lane.
Agad na nag-iwas ng tingin si Angel sa akin nang sinulyapan ko s’ya. Siya pala ang humila sa akin kanina, I guess I owe her one.
All these I have been mad at myself for not having anyone…
Habang tinitignan ko siya na nakatingin sa ibang direksyon habang hinahangin ang kanyang buhok at nalalantad ang kanyang mukha dahil nahahawi ang buhok nitong nakaharang sa kanyang pisngi ay napaisip ako… I had angel in my life before… Kung may maituturing man ako sarili ko’ng pag-aari ay siya iyon.
Pero iniwan ko siya.
She was everything that has never rejected who I was…
“Hmm, okay ka lang ba?” tumikhim ako nang mag-salita siya. Saglit na pinasadahan ako ng tingin nito ngunit iniwasan pa rin niya ang mag tingin ko.
“Yup. Thanks,” I said. Tumango lang si Angel at naglakad ito palayo sa akin. Napatingin ako sa braso ko’ng hinawakan niya kanina.
I guess it was the warmth that Angel possessed which awakened me.
Dati ay tumatakbo palagi si Angel palapit sa akin habang nakangit nang napakalawak. Ngayon ay nilalagpasan na lamang namin ang isa’t – isa.
Hahakbang na sana ako upang maglakad nang mapansin ko’ng napahinto si Angel. Nanlaki ang mga mata ko nang lumingon ulit siya sa akin, wala pang tatlong segundo ang nakalipas ay nakit ko na siyang tumatakbo pabalik dito.
My memory of the high school Angel who used to run towards me appeared in my vision as I am staring at her running towards me.
Something has pinched my heart as I reminisce about it.
“A-Ano, may promo ang coffee rush ngayon, baka gusto mong subukan?”
“I was about to go there,” I lied. Hindi ko lang kasi matanggihan ang sinabi niya.
***
Amoy pa lang ng kape ay parang napapawi na ang pagod ko. Bakit nga ba hindi ako nag-kape kaninang umaga? Mukhang nakalimutan ko yata.
Si Angel ang nag-serve ng kape at ng cake. Ang promo nila ay unlimited cakes para sa trial ng ilang bagong flavor ng cakes na idadagdag nila sa menu. Wala naman ako’ng ibang gustong cake kundi ang pianono.
“Hindi ko makakain itong dalawang slice,” nang tangkahin niyang umalis ay nagsalita ako,
“Kainin mo itong isa,” inurong ko ang isang plato ng cake sa tapat ko.
“ah… okay,”
Hindi ko naman inaasahang uupo siya sa tapat ko para kainin iyon. Pero hindi ko namang gustong paalisin siya do’n. After all sa kanya naman itong shop at customer lang ako.
Sitting like this makes me remind again the old days. Gusto kasi ni Angel noon na lagi kaming sabay kumain. I enjoyed seeing how she eats before. Napakapayat niya pero napakalakas ng appetite kumain at madalas pati pagkain ko ay kinakain niya.
“I heard what happened,” after a few bites, Angel talked to me.
“Well, I started losing some customers, wala pang isang araw,” I sighed. Malaking dungis sa image ng company ang nangyari, Hindi pa man din nagtatagal ang company naming na bago lang ay may kaharap ng ganito.
“Wala ka namang hindi kayang i-solve, kaya malulusutan niyo iyan,”
Napangiti ako kaunti sa sinabi ni Angel. I took a sip into my coffee to somehow hide that. She still sees me as a genius,
Mali ka ro’n Angel,
Ang dami ko’ng hindi kaya i-solve.
I wouldn’t feel this empty if I was able to solve anything. No one is too strong for everything. Most of us are weak as we are being squeezed by life… some survives and they got stronger, but some give in and surrender, just like me…
“I heard you are an investor sa maraming negosyo. I admit, I was with your analyzing skills…”
“Ah, tamad kasi ako, gusto ko’ng kumikita kahit wala ako’ng ginagawa…” his words were smart enough to stun a business man like me. Ito naman ang usual mindset ng karamihan.
“But being an investor requires a lot of knowledge, did you… study?” it was weird asking that. Noon pa man ay alam ko nang ayaw na ayaw ni Angel mag-aral.
“That’s rude! Oo naman nag-aral ako ‘no!” nagulat naman ako nang biglang tumaas ang boses niya na parang nagagalit sa akin.
“I was just asking… politely,” kalmadong saad ko naman sa kanya.
“Why did you dye your hair?”
That was off topic, likas kasing golden brown ang buhok ni Angel pero black na ngayon. Hindi ko rin alam kung bakit tinanong ko ito. Maybe I was observing her too much.
“Black is strong…”
Napatakom ang bibig ko sa sagot niya. That’s what I usually tell her, just like my likings to black coffee whenever I’m feeling down.
I can’t believe I am having this conversation with her when I tried hard to avoid this ever since I met her again.
The more I think about her, I slowly confronted myself that at some point in the past… I was happy…
***
Nadapa ako sa sahig nang sinuntok ako ni Tyron. He will not kill me. At least that’s how I know him. That was a punch with full force at parang nagimbal ang utak ko doon.
“If you want to die and you can just kill yourself somewhere far from us. Somewhere I can’t chase you,” pagbabanta naman nito.
“Sino ka para paiyakin ang asawa ko, Sino ka para paiyakin ang ate mo! You’re an asshole!”
“Tyron!” hiyaw ni ate nang binangon niya ulit ako para suntukin. Napakabigat ng kamao ni Tyron, will this be enough to wake me up?
“and if you want to die, at least tell us what for…” nilubayan na ako ni Tyron pero hindi pa rin ako makabangon mag-isa dahil sa suntok niya.
“Mama…” Napapikit ako at napahagulgol sa pag-iyak.
Buong akala ko ay natatanggap ko na ang pagkawala niya. Pero nang mahalungkat ko ang katotohanan sa pagkamatay niya ay hindi ko natanggap. Parang binalik ang sakit ng nakaraan at mas lumala pa.
Wala man lang ako’ng nagawa bilang anak para protektahan siya.
***
Hello, reminder and a friendly guide lang. You can check out Mafias Series 4: A Beautiful Temptation particularly chapter forty-six for references sa pagkamatay ng Mama ni Gino. It was explained there and… matino pa si Gino do’n haha!