The other guy
Angel
“Ang bagal mo, flag ceremony—” napayuko ako at naghabol ng hininga nang makalabas kami sa bus ni Gino. Siksikan ang bus ngayon at sobrang init! Para ako’ng sinasakal sa loob. Ayaw na ayaw pa naman ng asthma ang summer. Kaya hindi ko na-eenjoy ang summer dahil sa asthma ko.
“Asthmatic ka ba?” naramdaman ko naman ang mga yabag ni Gino na palapit sa akin. Akala ko nauna na siya, bahagyang nakaramdam ako ng saglit na ginhawa nang marinig ko ang boses niya.
“Oo, pero wala iyong gamot ko. Hindi pa ako nakabili.”
Mukhang napansin ni Gino na parang hindi ko pa kayang maglakad ulit. Medyo may kalayuan pa ang school. Iniwan ako ni Gino sa convenient store. Nakisuyo rin siyang hinaan ang aircon doon, ewan ko paano niya napapayag iyong babae.
Napangiti ako nang makita ko’ng bumalik si Gino rito. May dala siyang gamot at bimpo?
“Ito lang ang nabili ko. Huwag ka munang mag-anti biotic kung hindi ka pa nagpapa-check up,” aminado ako’ng gulat na gulat ako sa kinikilos ni Gino ngayon. Nautusan ko pa siyang bumili ng gamot.
“Para saan itong bimpo?” tanong ko naman sa kanya.
“Sa likod mo, pinagpapawisan ka.”
Pinilit ko’ng ilagay ang bimpo sa likod ko kahit di naman ako sanay. Ayaw ko lang na baliwalahin ang sinabi ni Gino.
Nang makainom ako ng gamot ay medyo lumuwag na ang pakiramdam ko. Lalo na’t nandito si Gino. Pero huli na kami para sa first period. Nadamay ko pa siya.
***
“Hoy, kamahal-mahal ng gatas hindi mo lang iinumin ito’ng kape mo!” sita ni Patty kay Bryle na nakayuko sa mesa. Nagpatimpla kasi ito ng kape kanina para sa hangover niya pero nakaidlip ito at hindi na nainom iyong kape.
“Sinayang mo lang ito!” iritang saad pa ni Patty habang pinupunasan ang lamesa at nilagay sa tray na hawak niya ang tasa ng kape ni Bryle.
“Spell Sinayang? A-N-G-EL,” inirapan ko naman si Bryle at nilagpasan. Alam niya kasing lalakad ako sa harapan niya para ibigay ang order ng isang customer sa tabi niya.
“Sabihin mo ‘yang jowa mo, Patty. Kahit barkada natin iyan papatulan ko iyan,” babala naman ni Glide mula sa counter kay Patty. Napangiti ako nang dahil sa sinabi niya. Bakla si Glide pero sa kaibuturan ng damdamin ko iniisip ko sana lalaki na lang siya.
“Hoy, tumayo ka na nga diyan ang pangit mo! ‘di ko alam ba’t nagtitiis pa ako sa ‘yo,” saway naman ni Patty kay Bryle na tumatawa lang. Parang may tama pa ang isang ito eh.
“Oh?” naagaw ang atensyon naming nina Patty nang may mga lalaking pumasok na naka-leather jacket. Bale tatlo silang magkakasunod na pumunta sa counter. Syempre, si Glide ang in-charge kaya hindi na ako umagaw. Panigurado ito ang ga gustong-gusto ni Glide.
“Captain! Ano sa ‘yo?” Napatingin ako sa bagong dating na lalaki na tinawag no’ng isa. Namukhaan ko naman kaagad ito, “Eren?”
“Kilala mo? Ang pogi ng mga kasama,” dumikit naman sa akin si Patty na nakapako ang mag titig sa kanila. Agaw pansin naman kasi ang mga ito, napaka-astig ng awra at hindi maitatangging may hitsura.
“Angel?” Napapitlag naman ako nang luminga-linga si Eren at nakita niya ako. Parang may mga stars na nagsilabasan sa likod ni Eren nang lumingon siya’t ngumiti sa akin.
Hinanda ko ang sarili ko nang papalapit ito sa akin. Babatiin ko sana siya nang biglang humarang ang may hangover na si Bryle.
“Jojowain mo ba o hindi? kung hindi, huwag kang ngingiti nang ganyan,” parang nasaniban ng masamang kaluluwa ang hitsura ni Bryle na ikinagulat naming tatlo.
“Aalis ka o hindi, lintik na kalasingan iyan kailan ka ba lilisanin niyan!”
“Ahh!”
Umalingaw-ngaw ang sigaw ni Bryle nang kinaladkad siya ni Patty sa kanyang tenga paalis sa harapan naming dalawa ni Eren.
“I’m afraid to say baka mas madalas na silang manggugulo rito,” napansin ko ang kaingayan ng mag kasama ni Eren. May sumunod pa kasing dalawa. Balita ko kasi ay may bago silang office dito sa mga buildings malapit sa shop. Ngayon lang yata sila nagkaroon ng branch dito, ayon kay
Luke. Nabanggit ko kasi si Eren kay Luke—but I didn’t received any good impression about him.
“Ah? Si Palomares? Ilang beses na naming nakabangga iyon sa mga kaso, palibhasa masyadong magaling naiinis si Rowin kasi hindi niya kami tinatawag na senior. Ah naalala ko noon, nag-rambulan kami sa bar kasi iyong babae ni Tyron type niya si Palomares, kaya siniraan namin siya. Sinabi naming mabaho paa niya,”
Mariing napapikit ako nang maalala ko ang pinagsasabi ni Luke sa akin.
“Marami pala talagang agent na guwapo,” wala sa sariling saad ko nang mapatingin ako sa mga matitipunong lalaking kasamahan ni Eren. May ilang customers ding kaming babae na nakatuon ang atensyon sa kanila.
“Hmm? Isa ba ako do’n?”
“Oo, parang iyong mga nababasa ko sa web toon—” Napaatras ako nang mapagtanto ko ang mga sinasabi ko. Mukhang naihiwalay na naman ang kaluluwa ko sa katawan ko.
Ayaw ko’ng tignan ang mukha ni Eren na ngiting-ngiti na sa akin. May pagkapilyo nga ito kagaya ng sinabi ni Luke. Nakakainis! Bakit sa lahat ng pagkakataon ngayon pa ako mawawala sa ulirat.
“Hindi naman mabigat sa dibdib ang kaunting papuri sa amin sa kabila ng banta sa mga trabaho naming,” napatingin naman ako kay Eren na umupo sa bakanteng mesa na nasa tabi namin.
“’Di ba? Miss Bangs?” Nanlaki ang mga mata ko sa tinawag niya sa akin.
Samantala ay nang nakita ko’ng palapit na ang mga kasamahan niya sa kanya ay umatras na ako.
***
Maagang nag-paalam si Glide sa akin dahil mayro’n silang family dinner. Pinahintulutan ko naman dahil ilang araw din siyang naiiwan dito sa shop. Ang couple na si Bryle at Patty ay hindi na nakabalik. Si Cleo ay naging busy sa kanyang exams. Pangalawang beses na niyang susubukin ang licensure exam sa pagiging CPA.
Hindi ko alam pero parang pagod na pagod ako ngayong araw at medyo nahihirapan ako’ng huminga Mainit rin ang temperature ngayo’ng araw. Biglaang naging mainit samantalang no’ng nakaraang mga araw ay malamig naman. Siguro nahihirapan na naman ang katawan ko’ng mag-adjust.
“Welcome to coffee—” habang padaan ako sa entrance para sana bumalik sa counter ay may nakita ako’ng customer na paparating pero bigla ako’ng nahilo at kamuntikan na ako’ng nabagsak sa sahig ngunit nagawa niya ako’ng saluhin kagaya ng mga napapanuod ko sa drama. Hindi ko inaasahang mangyayari na ito sa akin, dream come true na ba?
“Are you okay?” napadilat ako nang malaki nang marinig ko ang boses na iyon kaya agad ako’ng tumayo nang tuwid ngunit mahirap pala kapag bibiglain mo. Kamuntikan na naman ako’ng matumba ngunit nahawakan niya ang kamay ko.
Nahihibang na siguro ako at nagiging malala na ang imagination ko. Ilang pagkurap pa ang ginawa ko ay unti-unti ko’ng nakita ang mukha ni Gino na nakatitig sa akin.
“Asthma?” he uttered. Para ako’ng nagising sa sinabi niya. Kanina pa ako nagtataka dahil hirap ako’ng makahinga at medyo mabigat ang dibdib ko kapag inuubo ako. Bakit hindi ko naisip nab aka sinusumpong na naman ako ng asthma!
“Ah…”
“Umupo ka muna doon,” binitawan naman ako ni Gino at bigla itong umalis. Akala ko pa man din ay bibili siya ng kape.
***
Habang nagpapahangin ako rito sa balcony ay bigla ko’ng naalala si Gino kanina. Noon pa man ay kaagad na niyang nasasabi kung sinusumpong ako ng asthma.
Ang high school life talaga ang mahirap makalimutan. But my high school life would be meaningless without Gino.
That person’s existence means the whole world to me.
I lived well because of him. Kaya hindi ako nagsisisi kung bakit mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. My heart would be empty if I don’t have this love for Gino.
Kaya kahit masakit ang pagmamahal na ito, hindi ko ito tatalikuran kahit hindi na siya bumalik.
Napatigil ako sa pagmumuni-muni ko nang mapansin ko si Gino mula sa hindi kalayuan na nakasakay sa kanyang bike. Mukhang hindi na naman ito makatulog. Nakikita ko talaga siya noon pa na nagbibike tuwing hating-gabi. Minsan naglalakad lang siya.
But all this time I wonder, why…
Bakit hindi siya makatulog sa gabi?
Isa lang naman ang naiisip ko’ng dahilan.
Baka may problema siya.
Pero noon pa man hirap na ako’ng basahin si Gino. Minsan hindi ko masabi kung ano ba talaga ang nararamdaman niya.
Napatakbo ako pababa nang makita ko’ng huminto siya sa shop. Nagsarado na kasi kami, baka bibili siya?
May ibang labasan sa likod mula rito sa unit ko. Naabutan ko pa naman siya sa baba.
Pero nakalimutan ko’ng hinihika pala ako at tumakbo ako ng mabilis.
“Ano…bi-bili ka ba?” hinihingal ko’ng tanong sa kanya. Napayuko ako at naghabol ng hininga.
“Makikiupo sana ako,” turo naman ni Gino sa mga bench na nasa labas ng shop. Mariin ako’ng napapikit. Iyon lang naman pala, ba’t ‘di siya umupo kaagad.
“Sige lang, libre iyan…”
Tinabi naman nito iyong bisikleta niya sa gilid at umupo sa bench. Mukhang napagod ito sa pagbibike at saglit sanang magpapahinga rito.
“Umupo ka muna bago ka umakyat ulit,” nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sumunod na sinabi niya.
Umupo ako sa isang bench hindi dahil hindi ko na kaya bumalik. I just want to be with him… kahit sa iisang bench lang… kahit saglit lang.
“You’ve matured but your asthma didn’t leave you…”
Bigla ko’ng naalala noon, kung may tao man na sanay na sanay na sa sakit ko, si Gino iyon. Dahil sa hilig ni Gino magbasa ay marami siyang alam tungkol sa sakit ko. Minsan hindi na ako nagpapacheck-up dahil kaya niyang makaisip ng paraan para maibsan iyong allergy ko. We resorted to herbal medicines before and it was very effective. Palagay ko, bagay sana niya ang mag-doctor.
I was happy.
I am fine with being sick for a long time because he took care of me. Kahit hindi pa kami noon.
“Mahirap nang maalis. Babalik pa rin kasi allergy ko na ito.”
“Here,” napatingin ako sa brown na papel na kinuha niya mula sa bulsa niya at iniurong sa akin. Nang hinawakan koi to ay nakita ko ang mga gamot ko ro’n.
My heart just skipped a beat. He still remembered my brands. Medyo sensitive ako sa mga uri ng gamot kaya hindi ako basta-basta bumibili. Pero mayroon ako’ng gamot na talagang hiyang ko na.
Gusto ko’ng maiyak pero ayaw ko rito.
“Palitan mo na lang ng libreng kape,” ani nito.
Nakalimutan ko kasing mag-stock. At hindi ko talaga ugaling bumili. Noon pa man si Gino na ang bumibili.
“Angel,” he called me. “You’re still a friend to me.”
It was just words but it felt more effective than medicines.
“I should go,” sinundan ko lang naman ito ng tingin nang tumayo siya at nagtungo sa bike niya. Hindi na pala ako nakasagot at napatitig lang ako sa kanya. Gino stayed with me for only three minutes but I am so happy with that.
Yinakap ko ang gamot na galing sa kanya. Naluha ako nang tuluyan habang palayo si Gino sa kinaroroonan ko. Watching even his backs brings all the memories from the past as well as the pain that never left me.
Maraming nagtatanong sa akin, Bakit ba hindi ko raw makalimutan si Gino? Bakit mahal ko siya kahit alam ko namang tinalikuran niya ang pagmamahal ko sa kanya.
My answer is always the same.
I love Gino more than I love my self.
Because he's the sky, the stars, the moon, the sun and the entire universe to me and when he left me, everything returned to nothingness.
***
Mabut na lang at gumaan din ang pakiramdam ko. Naka-attend ako ng klase pero absent ako sa first period. Gano’n din si Gino. Kanina ang init-init pero ngayong hapon umuulan naman. Kaya ako nagkakasakit kasi sa pagbago-bago ng panahon bigla.
“Ano sa tingin mo ang susunod pagkatapos ng ulan?” habang naglalakad kami sa sidewalk na nakahawak ng payong ay napatanong ako kay Gino na nasa unahan.
Masyado ako’ng nag-eenjoy na panuorin ang ulan. It calms my heart. Naniniwala ako’ng hindi naman palaging lungkot ang hatid ng ulan.
“Tag-init?” sumagot naman si Gino sa harapan ko. Napangiti ako. That’s the expected answer that should come from Gino.
“Mali ka ro’n.”
“Eh ano?” nilingon pa ako nito. Bakas sa boses niya na parang hindi siya makapaniwalang mali ang sagot niya.
“Rainbow,” Napatigil ako nang marating naming ang bridge na karugtong palabas ng highway. Sa ilalim ng bridge ay ang ilog marina na umaaboy sa kabilang syudad.
“Pagkatapos ng ulan ay may maliwanag at makulay na rainbow. Ibig sabihin, tuwing makakaranas tayo ng kabiguan, may naghihintay na magandang pangyayari pagkatapos nito.”
“Kahit gaano katagal ang ulan?” tanong ulit ni Gino habang nakamasid ako sa rainbow. Tumango ako at ngumiti ng malawak.
“Umuulan kasi kailangan nang mag-labas ng sama ng loob ang mga ulap. Kagaya natin, may hangganan din ang kaya nilang ipunin,”
Humarap ako kay Gino na kasalukuyang nakatingin sa direksyon kung saan ako nakatayo. Ngayon ay magkaharap na kami.
“Kaya huwag kang mag-iipon lang, maglabas ka rin. Puwede kang umiyak sa akin. Gaya ng ginagawa ng mga ulap, puwede mo ring ibuhos lahat sa akin kapag masyadong nang mabigat.”
***
Saludo ako sa puso mo, Angel… Sana all katulad mo magmahal.