Chapter Twelve

2462 Words
I stay Angel Balisa ako’ng naglalakad dito sa sa Garrisons, umagang-umaga. Sobrang bigat ng ulo ko pagkagising ‘ko at kahit nakainom na ako ng gamot ay medyo masakit pa rin ang ulo ko. Grabe! Nag-inom nga talaga ako kagabi! Dapat hindi na lang! Nagsisisi talaga ako’ng naglasing ako! Palibhasa tapang-tapangan naman kasi ako, ayan tuloy… sakit sa ulo ang inabot ko. Naisip ko’ng magpunta sa convenient store at maghanap ng gusto ko’ng kakainin kung mayro’n man ako’ng makita. Maaga rin kasi si Glide na nakarating sa shop kaya sabi n’ya s’ya na muna ‘yung magaayos para ngayong umaga. “Tabi!” Naring ko ang sigaw na ‘yun sa likuran ‘ko pero bago ko pa man din lingon iyon ay natulak na ako ng lalaki. Napakabilis ng pangyayari! Nang tumingin ako sa kamay ko ay wala na ang wallet na dala ko. “Magnanakaw!” napasigaw ako at napabalikwas ng bangon. Tumakbo ako para habulin siya pero masyado s’yang mabilis. Napansin ko naman ang isang lalaking nakahigit sa bili ko’ng tumakbo. Mukhang hinahabol n’ya rin iyong lalaki. Sa hindi kalayuan ay natanaw ko iyong lalaking lumagpas sa akin, nahuli nga niya iyong lalaki. Nakita ‘ko ring naglabas siya ng posas. Pulis pala iyon? Naka-civillian kasi kaya hindi ko nahalata. May dalawang pulis na nakauniporme ang dumaan sa harapan ko—ito yata iyong mga nagpapatrol. Sinalubong nila iyong lalaki na nakahabol sa magnanakaw. Hindi mo masyadong maiisip na pulis din ang isang ito dahil hindi nga naka-uniform at parang model. Wait, naisip ko pa iyon? Wala na nga iyong wallet ko! “Miss,” nabalik ako katinuan nang linapitan ako nito at tinawag. Medyo mas matangkad siya sa akin kaya tumingala ako kaunti para tignan siya. “Sa ‘yo ito ‘di ba? Pasensya ka na, nadamay ka pa,” Napakamot naman ito sa ulo. “Oh?” Bigla ko’ng nakita ang nakaburdang badge sa inner shirt nito. Natakpan siguro ito kanina dahil may suot siyang leather na jacket. “Agent ka? NIA?” Gulat naman itong napatango sa akin. Marahil ay hindi niya inaasahang malalaman ko ito. Agent din kasi si Luke—ang pinsan ko kaya alam ko iyong badge na iyon. “Paano mo nalaman ito…” tanong naman niya. “Agent ang pinsan ko at ang mga kaibigan niya. Natural alam ko,” syempre pinagyabang ko naman, after all lahat ng mga kaibigan ni Luke ay astig na agent! I’ve seen them work sometimes. Ganito’ng awra sila. “Sino? Baka kilala ko?” parang naintriga naman ito kaagad at napahawak pa sa baywang. Ano ‘to umagang-umaga tsimisan? “Si Luke Villiarde—“ Napatigil ako nang bigla siyang napatawa. “I hate to say it, but Luke and his friends were my seniors, ang limang iyon, they always overdo things. Sino’ng hindi makakakilala sa kanila?” lalo pang napahalakhak ito. “I heard that from Rowin too…” hindi ko alam pero hindi ko na mahanap iyong yabang na nararamdaman ko sa looban ko kanina. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ko ang pinagagawa ng limang iyon. I’ve heard rumors that Rowin entered the world of being a mafia. But that’s it, I don’t know the rest of the story. “Anyway, I’m Agent Eren Palomares. Apelyido ko lang siguro ang maalala ng pinsan mo dahil ito naman ang tawag nila sa akin.” *** Bilang pasasalamat ay inimbitahan ko si Eren sa Coffee Shop pero bago kami nagpunta do’n ay nagpahintay ako sa convenient store kasi bumili ako ng chichirya. Feeling VIP ako kasi hinintay naman niya ako nang walang reklamo. Sa unang impression ko kay Eren, masyado siyang mabait sa hitsura niya. Kapag hindi siya nagsasalita at tahimik lang siya mapagkakamalan mong one of the bad boys siya. Hindi ko naman inaasahan na mas madalas ang pagngiti niya kaysa sa akin. Pakiramdam ko masayahing tao si Eren. “Ang bilis ng service ninyo rito, ha. Bagay sa mga nagmamadali sa umaga,” Nang lumapit ako sa table kung nasaan si Eren ay nadatnan ko s’yang nakatitig sa pila ng mga magtatake-out. Iba kasi ang counter para sa kanila. “Coffee Rush nga ‘di ba?” kumindat naman ako sa kanya nang makaupo ako sa harapan niya. “Wow, ang bango ng kape tapos tatlong klase ng cake?” “I have a high respect for people like, kaya naman deserve mo ng kahit ganitong p*****t sa ginawa mo kanina,” parehas kaming napatawa sa sinabi ko. “Sa pagkakaalam ko, medyo delikado ang trabaho ninyo,” medyo napahina ang boses ko ro’n. Saka lang ako nakaramdam ng pagsisising binitawan ko ang mga salita ko nang masabi ko na ito. May be it was too personal to tell. “I think that is the thrill of my job,” he just smiled. Pero wala naman akong nararamdaman sa kanyang bahid ng takot. Siguro sanay na nga siya. “Oh, this coffee is amazing,” napansin ko’ng matagal siyang nakatitig sa cup ng kape niya nang matikman niya ito. that smile, I know that. I always feel happy whenever I see that. Ito iyong mga ngiti na kusang guguhit sa mukha ng isang tao’ng ineenjoy ang kanyang kape. “Para bang ramdam mo iyong ingat ng mga kamay na naglagay ng mga beans sa coffee blender,” Bigla ko’ng naalala ang unang beses na nagkaroon ako ng interest sa kape—that was when I was in highschool. Batid ko’ng mahilig si Gino noon sa kape. I know Gino hardly smiles, pero napapansin ko na tuwing nagkakape siya ay ngumingiti siya. I tried a lot of brands before. Gusto ko’ng hanapin iyong tamang timpla ng kape na makakapagiwan ng matamis na ngiti sa mukha ni Gino. Nanaig naman ang pagkahilig ko sa paghahanap ng tamang blend ng kape. And to think that Gino is drinking my coffee, I feel happy somehow. Kahit hindi na ako ‘yung dahilan kung bakit siya ngumingiti. “Lalim naman ng iniisip mo, baka malunod ka,” Binalik naman ako sa ulirat ng pagkatok ni Eren sa lamesa. Umiling-iling kaagad ako at ngumiti. “Pasensya na, may hangover pa yata ako,” pagkukunwari ko naman sa kanya. Hindi lang naman siya ang nakakahalata minsan na natutunganga ako. I guess fate will keep surprising me from now on. Grabeng turning point ang ibinigay niya. Hindi ko ito inaasahan. *** Maaga yatang naubos ang mga customer sa Coffee Shop. Nagdecide na umuwi ng maaga sina Cleo pero naiwan si Glide sa loob. Naglilinis na rin ang mag staffs namin sa loob. Naisip ko’ng umupo rito sa bench sa tapat ng Coffee Shop. Medyo mainit na, pero mabuti na lang mahangin pa rin. Bigla ko’ng naalala iyong paglalasing ko kagabi. Halos wala akong maalala, liban na lang sa nagiinom ako sa harap ng bartender. “Oh, Shems!”  Napahawak ako sa bibig ko nang bigla ko’ng maalala, Lasing na lasing ako kagabi, Sino ang nag-uwi sa akin? “Babaita ka, nauubusan ka na ba ng katinuan? Bigla-bigla ka nagsasalita d’yan mag-isa,” Napatingin ako kay Glide na nasa gilid ko at mukhang nagtapos siya ng basura. “Ikaw ba nag-uwi sa akin kagabi?” Na-tense ako nang ngumisi Glide at nakatitig lang sa akin. “Hoy! Huwag mo na ako’ng biruin!” saway ‘ko naman sa kanya. “Oo, sino pa ba? Feeling mo may mag-uuwing iba sa ‘yo?” inirapan lang naman ako nito at nagtuloy-tuloy sa papasok sa loob. Sabagay, wala naman ako’ng inaasahang iba. Ano bang ginawa ko sa loob ng sampung taon? Napatitig ako sa mga tao’ng nakikita ko’ng dumadaan, sa mga sasakyan na sumasabak sa traffic at sa buong paligid. Wala ako’ng maramdaman. Like satisfaction or fulfillment. Kung tatanongin ako kung nakamtam ko na ba ang mga pangarap ko, hindi siguro ako makakasagot. But the way I think more about my life, it is good and well. My future is settled, I’m good with my career. My Family is stable and they are happy. Still, all these great things that happened in my life… I still feel nothingness inside me. Ano pa ba ang kulang? Mahahanap ko pa ba iyong kulang? Or I’ll just live my life settling for less… Napatigil ako sa pag-iisip nang makita ko si Gino sa hindi kalayuan. Napadungaw siya sandal sa shop. Ngayon ko lang naalala na hindi ko pala siya nakita buong araw. Mukhang pauwi na ito. Nahihibang na siguro ako dahil iniisip ko n asana puwedeng umupo si Gino sa tabi ko at makipagkuwentuhan sa kanya kahit sandali lang. But since we have past, we can’t do that. It was like our past tainted our present. Pero dahil si Gino ay si Gino, naglakad lamang ito para lampasan ako. Hindi ko alam kung bakit ako biglang ngumiti. Siguro ay inaasahan ko na ganito ang Gino na nakilala o at siguro ay matagal nang malinaw sa akin na wala na ako’ng lugar sa buhay ni Gino ngunit pilit ko’ng tinatakpan iyon ng delusyon ko’ng balang araw ay babalik siya. Nang yumuko ako ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang ilang patak ng mga luha ko sa pants ko. Tignan mo nga naman at hindi na namaalam ang mga luha ko, kusa na lang silang bumabagsak. Parang ang damdamin ko na mismo ang tumutulong sa akin na ilabas iyong bigat—ng sampung taon na paghahanap ko ng dahilan para isipin na hindi naman talaga ako iniwan ni Gino. Dahil si Gino ang pinakamatalinong tao’ng kilala ko. Hindi siya gagawa o magdedesisyon sa isang bagay na walang malalim na dahilan. I guess it is not Gino’s fault that I still feel broken now. It was me all along. I am the one who doesn’t want to let go. Para ako’ng kumakapit sa isang sanga na puno ng tinik, alam ko’ng masakit kapag hahawakan ko pa pero hinawakan ko pa rin. And the end of this, Gino is still have the to find the one who he wants to be with. Medyo mahirap nga lang isipin na maaring si Aless iyon. I know… Gino wouldn’t let her hold his hand for nothing. I know Gino… I know that man because he filled who I am… I was his shadow, and I would know everything about him. Maybe he was just a dream and he left me because I need to wake up from it. “Tell me, Gino… hindi mo na ba ako papayagang managinip ulit kahit sandali lang?” bulong ko sa sarili ko nang napahawak ako sa dibdib ko. May nakita akong kamay na nag-abot ng panyo. Dahan-dahan ako’ng nag-angat ng tingin upang tignan ang tao’ng nasa harapan ko. “E-Eren?” “Baka mag-viral tayo, kunin mo na,” nataranta naman ako kaya kinuha ko ang panyo, but on second thought that was useless. “Magkakape ulit sana ako kaso sarado na ata,” anito at umupo sa tabi ko. “Sasabihan ko si Glide, teka—“ tinangka ko’ng tumayo ngunit hinawakan naman niya ang balikat ko at sapilitan ako’ng pinaupo ulit. “Tapusin mo muna pag-iyak mo,” parang nag-uutos naman ang boses nito. “Hindi ako umiiyak ‘no” giit ko naman ito sa kanya. After all, nakakahiyang nakita niya ako kanina na umiiyak na parang baliw. “Ano pala ‘yan, pawis?” “Oo. Mainit eh,” pinaypayan ko naman ang mga mata ko gamit ang isang kamay ko. “Grabe, ang init na kasi tapos traffic pa. Akala ko pa man din hindi traffic sa Garrisons kaya lumipat ako rito. Gano’n pa rin pala,” dismayadong saad naman nito. “Hmm…oo nga” wala sa katinuan naman na napasang-ayon ako sa kanya. “Alam mo ba kung saan ako nanggaling?” Nilingon ko naman siya sa tabi ko, kasalakuyan siyang nakasandal sa bench at nakatingala sa itaas. “Nirescue namin iyong ilang mga bata na namamalimos tapos binibigay sa mga sindikatong naguutos sa kanila ang pera. May nahanap kaming orphanage para sa kanila,” Hindi ako naimik, hindi ko naman kasi alam kung ano dapat isagot ko ro’n. Hindi ko rin inaasahang uungkatin niya iyon. We just met a while ago but he talked to me like we’ve known each other before. “Masaya sila. Finally, I get to see their smiles,”  Napako ang titig ko sa kanya nang nilipat niya iyong tingin niya sa akin. Hindi ako nakalihis ng tingin “Sana ikaw din,” ngumiti siya. “I don’t know what it is but your eyes seemed so heavy.” Parang kumirot ang damdamin ko sa kanyang sinabi. Muling nabalot ng luha ang mga mata ko. “Mababawasan ‘yung sakit kung titigil ka sa pagpapanggap…” *** “Hmmmp,” Kanina pa ako nasisindak sa mga titig ng ate ni Gino sa akin. Kagaya ng gawain ko ay sinundan ko ulit si Gino hanggang sana sa malapit na kanto sa kanila ngunit nakasalubong naming ang ate n’ya sa malapit sa bus stop. Alam ko’ng ate niya ito dahil dakilang stalker ako ni Gino. “Napapansin ko’ng lagi kang nakabuntot sa kapatid ko, ah. Alam mo bang kapag may nangyari sa ‘yo sa pagsunod-sunod mo sa kanya rito ay kami ang mananagot?” diretsang saad naman nito sa akin. May kalakihan ang katawan ng ate ni Gino at medyo malalim ang boses nito kaya talagang may kaba ako’ng nararamdaman. Samantala si Gino naman ay nasa gilid lang at parang walang pakialam. “M-Mahal ko po si Gino!” Napasigaw ako at napapikit. Ramdam na ramdam ko ang katahimikan na bumalot sa maing tatlo. Mabuti na ito para malinaw. Nang minulat ko ang mga mata ko ay napatingin ako kay Gino, ayun ulit nakatingin lang sa ibang direksyon at parang walang pakialam. Napaka-sweet naman ng lalaking ito, may nag-confess sa kanya tapos sa iba nakatingin. “Liligawan ko po siya hanggang sa lumambot na po ang puso niya sa akin! Gusto ko lang po ipaalam sa inyo…” Hinihingal na sabi ko. Hindi ko alam bakit parang tumakbo ako sa isang marathon, grabe ang hingal ko, eh. “Ahh!” napahawak ako sa noo ko nang pinitik ni Gino iyon. “Gumising ka nga, nananginip ka pa rin ata,” sita naman nito sa akin, siguro tinutukoy niya iyong pagtulok ko kanina sa bus. “Okay!” nag-thumbs up naman bigla sa akin ang ate ni Gino, bigla siyang ngumiti sa akin. Malayo sa ekpresyon niya kanina. “Dumalaw ka sa bahay minsan para maipagluto kita, pasensya ka na sa kapatid ko’ng hard to get. Ang ganda kasi niya. Nahiya ako, eh!” Hindi ko na pinigilan ang tawa ko. Medyo kwela pala ang ate ni Gino at kayang-kaya niya ang kasungitan ni Ginod. Nang tinangka kasi ni Gino ang sumimangot at kinurot siya ng ate niya sa tagiliran. “Tara na, Gino. Magiingat ka sa pag-uwi mo ha” nagpaalam naman si Ate Julia at napatiuna sa paglalakad. “Gino…” tawag ko sa kanya bago niya ako tuluyang tinalikuran. “Bobo ako sa maraming bagay pero…” huminga ako ng malalim at nag-angat ako ng tingin sa kanya. “Pag-aaralan ko ang buong pagkatao mo, nang sa gano’n puwede mo nang pag-isipan kung sasagutin mo ako o hindi.” Nagulat na lang ako nang bigla lang ngumisi si Gino—para naman iniinsulto ako ng lalaking ito. Wala talagang kahit katiting na ka-sweetan eh! “Totoo iyon! Hindi ako susuko. Walang sukuan sa akin, didikit ako sa ‘yo hangga’t mapagod ka na at sagutin mo na ako!” palaban ko’ng saad. Hindi na ako nilingon ni Gino at nagpatuloy lang ito sa paglalakad. *** Alam niyo ba kung saang mafias series galing si Agent Palomares? Hihi. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD