Plain Life
Gino
“Ikaw ba ang sinusundan niyan?” Hindi ko nilingon si Andrei nang kinalabit niya ako. Pinili kong mag-focus na lamang sa librong binabasa ko.
“Mga freshmen yata iyan pre, Patay na patay kay Gino eh” sumabat naman si Caldrin.
“Imbes na mga freshmen ang atupagin ninyo, Bakit hindi niyo sagutan ito” Iniurong ko sa kanila ang mga workbook nilang pinapasagutan nila sa akin.
“Akala ko ba sagot mo sagot din namin?” Hindi makapaniwalang tanong naman ni Caldrin sa akin.
Ngumisi lamang ako at pinagpatuloy ang pag-babasa ako.
Hindi naman ako masyadong studious na tao. Pakiramdam ko ay mabilis ang pick-up ko sa discussions kaya nakakasagot ako ng mas mabilis kaysa sa kanila. I just love to read something else that is usually outside the lessons we have at school.
“Ano ‘yan porke matalino ka talaga, Gino pinapabayaan mo kami” reklamo naman sa akin ni Andrei.
Kung babawasan lang sana nila ang oras nila sa mga babae nila ay siguro mas makakapag-focus sila sa pag-aaral, pero napapansin ko kaseng puro babae na lamang ang inaatupad nila.
Nang marinig namin ang Bell na tumutunog tuwing Lunch Break dito sa Library ay kaagad kaming napatayo.
Nang makalabas ako sa Library ay mayroong babaeng humarang sa harapan ko. Napatingin ako sa bulaklak na iniaabot niya sa akin.
“Para sa’yo, Gino” Lantad na lantad ang braces nito nang ngumiti pa siya sa akin.
Nakasuot pa ito ng makapal na eye glasses at napakalaki ng backpack niya. Sabagay, ganito kapag freshmen ka. Marami ka pang dalang makakapal na libro na akala mo naman ay ituturo lahat ng mga teacher. Kapag nasa 3rd year kana, hindi mo na dadalhin lahat ng libro mo. Dahil doon mo marerealize na hindi naman tinuturo lahat iyon.
“Allergic ako sa bulaklak.” Tinabig ko ang bulaklak na hawak niya at naglakad ako para lampasan siya. Pero hinabol ulit niya ako at hinarang.
“Chocolates? Walang allergic sa Chocolates!”
“Diabetic ako. “ Inirapan ko lang siya at maglalakad pa sana ulit pero hinawakan niya ang kamay ko. Nagulat ako sa ginawa niya, Hindi naman bago sa akin na may nagbibigay sa akin ng kung ano-ano pero kailan man ay walang nagtangkang humawak sa akin.
“Pork Adobo!” Nanlaki ang mata ko nang mag-labas ito ng tupperware sa kanyang malaking backpack.
“Hindi ako kumakain ng Baboy.” sabi ko naman sa kanya.
“Ay muslim ka ba?” Kumalas ako sa pagkakahawak sa kanya at tinignan siya ng masama.
“Sige, Pangalan ko na lang ang ibibigay ko!” Nagpatuloy ako sa pag-lalakad kahit narinig kong sumigaw pa siya.
“Ako si Angel! Angel ang pangalan ko!”
**
I smiled when I checked my watch. I’m always on time.
It hasn’t been a long time since I moved in here. Garrisons gave me a lot of reasons to stay. It is one of the main cities in San Vidad but the Vintage look of it is still preserved.
May common structure ang ilang buildings dito. It looks like an old village, Ngunit napakaganda ng hitsura. I think this is the uniqueness of Garrisons from the other two cities.
I’m managing our business. Kasama ko si San sa negosyo. Kerr doesn’t want to get involve in Business. Si ate naman ay nagpursigidong maging fashion designer. And now she is happily married. Ayaw ko nang gamabalin ang kapatid ko tungkol sa company namin.
Wala akong bodyguard, o personal assistant. I take care of myself alone. I have my own car but I always take the subway or I just ride on my bike.
I just have a small condo unit here. I just live like a normal average person.
It’s 8:15 am nang mapasulyap ako sa relo ko. Kaagad akong nag-madaling pumasok sa Coffee Rush. This is the only brand of coffee that I drink aside from the coffee I take at home. Hindi ko alam pero, the coffee in here tastes different. Para akong yinayakap sa bawat pag-inom ko ng coffee nila. It’s also a good thing to start my morning. Hindi kase pwedeng mawala ang kape sa araw-araw na paggising ko
.
“Salted Caramel Coffee Sir?”
Even the crew here seems to know what coffee I order always. Whoever the owner of this Shop, she’s a genius.
Nang makuha ko ang order ko ay kaagad din akong umalis. Isang bukod tangi sa kanilang shop ay ang separate counter for take-outs. Maganda ito para sa mga nag-mamadaling pumasok.
Our building is just a few blocks away from here. It like just a nobody entered the office. Nang makarating ako sa 5th Floor kung nasaan an gaming office ay nag-lakad lamang ako at nilagpasan ako ng mga empleyado.
Because I clearly explained to them that I hate being greeted. Hindi ko gusto na pinapakealaman ako ng ibang tao at kung maari ay ayaw kong maki-pagusap sa ibang tao. I have a problem with socializing to other people so I avoided it.
“Sir, Tuloy na daw po ang meeting sa mga Magallanes bukas”
Pero hindi mo pa rin maaiwasang kausapin ka ng ibang tao sa workplace.
Sinalubong ako si Gord sa aking opisina. Sekretarya ko nga pala siya. He’s been working for me ever since I took over Dad’s company.
“Good. Prepare all the things that we need” Ang sabi ko lang sa kanya at umupo sa aking swivel chair.
This is my life for the past 10 years. It’s still the same.
Wala namang masyadong bago sa buhay ko. I just work and then I just go home afterwards. I know that I am different from San and the others. Hindi lingid sa kaalaman ko na may distansya ako sa kanila.
All of them are happy with their lives. Masaya din ako para sa kanila. Maybe I will always be like this. Dahil ako mismo ang tumatangi sa mga posibilidad na mayroon pang ibang ganap sa buhay ko.
I’ll stay with the usual things in my life. I don’t need new ones… or a turning point in life. Parang tubig sa drum ang buhay ko.. Stagnant..
I accepted that Reality a long time ago..
“Mag-papaorder po ako mamaya ng coffee para sa mga guest-“ Bigla namang napatigil si Gord nang makita niya ang kape ko.
“Mukhang may kape na po kayo..”
“Go and order to this shop. Masarap ang kape nila” iminungkahi ko naman sa kanya.
“Mukhang loyal po kayo diyan sa Coffee Shop na iyan. Bihira ko po kayong makita na maging loyal sa isang shop”
So far, aside from this shop. Wala pang café ang nakapagpaamo sa akin. I don’t understand why but The coffee I tasted there felt to nostalgic. Parang natikman ko na ito ng mahabang panahon at para bang hinahanap hanap ko ulit.
“They make good coffees.” Ang sabi ko naman sa kanya.
Meetings always consumes my time. Mas matagal pa ang iginugugol ko dito kaysa sa ibang bagay.
"As for now, 'yon pa lang naman po ang nakikita namin na conflict. "
"For now, let's leave the RnD's project." ang sabi ko naman sa kanila.
"Sir narito na po ang coffees" Napatingin ako sa Pintoan kung saan pumasok ang Front Desk Assistant namin.
"Nako. Wala po ba 'yong delivery man niyo?" Narinig ko pang sabi ni Gord
"Wala po. Busy po kase-Ahhh!" Nagulat na lamang ako nang may narinig ako sigaw.
Napatingin ako sa may pintoan kung nasaan si Gord.
"What's that?" Napatayo ako at humakbang palapit sa pintoan.
May nakita akong babaeng nakatalikod. Mahaba ang buhok nito at nakalugay hanggang baywang.
"Miss okay ka lang?" tanong naman ni Gors sa kanya. Napatango tango lang naman ang babaeng nakatalikod.
"Baka pwedeng pakilakasan?" Napakunot ang noo ni Gord nang bumulong iyong babae.
Akala ko kung ano na. Bigla naman kaseng sumigaw. Nabulabog tuloy ako.
Bumalik na lang ako sa upuan ko dahil pakiramdam ko wala naman nangyari na kung ano.
Pero kahit na anong pilit kong ibalik ang focus ko sa trabaho ko ay nadidistract ako sa babaeng nakatalikod. Hindi ko maintindihan kung bakiy pati ang pag-abot niya ng mga kape ay patalikod parin.
"Gord. I think you should help her."
Agad namang nilapitan ni Gord ang babaeng nakatalikod at tinulangan siyang mag distribute ng mga dala niya.
When Gord gave her the p*****t ay mabilis itong tumakbo palabas ng silid.
She's so weird..
**
"Hala! Parang kamatis kana! Paputok na mukha mo!" Nagulat ako sa pagkalakas lakas na boses ni Ate nang makalabas ako sa gate ang school. Inaabangan pala niya ako dito.
"B-Bakit?" Napahawak naman ako sa mukha ko.
"Ngiting ngiti ka ngayon ha? Bakit? Sino na naman nanligaw sa'yo?"
"W-wala no. " Tumikhim naman ako at napatiuna sa pag-lalakad.
"Meron 'yan! Nako nako. Buti ka pa may naliligaw sa'yo. Kababae kong tao wala eh"
"Hindi ko naman sila inuutusang ligawan ako. "
Ngayon lamang ako natawa sa isang babaeng humahabol sa akin. Hindi na bago may nagpupunilit mag-bigay sa akin. Usuallt naiirita ako. Pero nang tumakbo ako palayo sa kanya ay hindi ko namalayan na tumatawa na pala ako.
Nakakatuwa. In the end. she gave her name kahit hindi ko naman ito hinihingi.
"Paki lag-yan na heart shape na candies!"
Napatigil kami ni Ate sa isang Bakery. Paborito kase ni Ate dito iyong tinda nilang pianono. Pwede ka ring mag-padedicate sa cake na bibilihin mo mismo.
Nang sumabay ako sa pila ni Ate ay napansin ko ang isang babaeng nay malaking back-pack.
Nanlaki ang mata ko nang mamukhaan ko ito. Agad akong nagtago sa likod ni Ate
"Gino po. Paki lagay I love you Gino!"
Napatingin ako sa ibang direksyon nang marinig ko ang boses niya. Kailangan pa talagang isigaw? At bakit nandito na naman siya?
"Hoy, kapag hindi mo inuwi 'yong cake. Patay ka sakin" Nagulat naman ako sa sinabi ni Ate
"Anong Cake!?"
"Iyang sinisigaw ng babae diyan. Sa'yo yon hindi ba? Subukan mong tanggihan lilintikan ka sa akin!"
Napapikit na lamang ako sa sinabi ni Ate. Napakalakas parin ng instinct niya kahit kailan.
Mabuti na lang ang dumiretsong naglakad palayo iyong babaeng iyon. Nakahinga na ako ng maluwag nang umalis na siya.
"Ikaw. Huwag kang taboy ng taboy ng babae. Umiikot lang ang mundo. baka dumating iyong panahon na ikaw ang mag-habol or worst, tatanda kang binata."