"Shittt! Hindi ko kaya dude gag*, grabe naman 'yan! Para hindi ko masikmurang tumingin sa katawan ng mga biktima. Pwede bang ikaw na lamang ang mag-video, kasi hindi ko talaga kaya bumabaliktad ang sikmura ko eh, nakakadiri talaga!" wika ng isa sa mga blogger na nais kuhaan ng video ang mga pangyayari. Ngunit dahil nga kahindik-hindik ang sinapit ng biktima at halos magutay- gutay ang katawan ng nga ito ay kahit sino hindi kakayaning tumitig sa katawan ng mga iyon. Kaya naman hindi napigilan ng lalaki na hindi magduduwal. Sa totoo lang nakakasuka at nakakadiri naman talaga ang nangyari sa katawan ng mga biktima kahit sinong matinong tao ay hindi kakayaning titigan ang kalunos-lunos na sinapit ng mga biktima. Idagdag pa ang mga panaghoy ng kamag-anakan ng mga biktima, na kahit anumang