Samantala sa probinsya Nagkakagulo na naman ang buong bayan ng San Miguel maging ang mga karatig na lugar dahil may bago na namang biktima ang pinaghihinalaan nilang aswang. Dalawang estudyante ang nabiktima ng mga ito kagabi, ang hinala ng mga taga barangay na rumesponde ay magkasintahan ng dalawa at ginabi sa pag-uwi. Natagpuan ang mga ito sa isang kubo malapit sa may gitna ng palayan ang abandonadong kubo na iyon. Mukhang gumagawa pa ng milagro ang magkasintahan ng salakayin ng aswang ang mga ito. Katulad ng mga unang nabiktima wak-wak din ang dibdib ng mga biktima, wala ang puso doon at ang iba pang parte ng laman loob. Ang atay naman, maging ang bituka naman ay halos maubos na rin. Ang dugo ay tuyong-tuyo na pero iyong nagkalat na mga dugo sa paligid ay nakakasuka lalo na at medyo