Kinahapunan, lumabas siya ng bahay para mamili ng ilang gamit sa bahay.
May nakita kasi siyang talipapa sa may dulo ng kalyeng pinasukan kanina ng tricycle na naghatid sa kanya.
Pasalamat nalang siya dahil kumpleto pala ang talipapang iyon. Bumili siya ng ilang gamit para sa kusina, pati maliit na lutuan dahil kahit na hindi siya marunong magluto, balak niyang pag-aralan iyon dahil nag-iisa na lamang siya.
Bumili din siya ilang pirasong damit dahil kukunti lamang ang dala-dala niyang damit. Namili na rin siya ng ilang groceries.
Kinagabihan. Lumabas ulit siya ng bahay para maghanap ng karendiryang maaaring makainan. Hindi naman siya nahirapan sa paghahanap dahil may malapit ding maliit na karendirya mula sa inuupahan niyang bahay. Tumingin siya sa mga putaheng nakadisplay sa estante.
Ngunit ganon na lamang ang pagbaliktad ng kanyang sikmura ng makitang puro lamang loob ang mga lutong ulam doon. Tila sineng nag-flash back sa utak niya ang nangyari sa party, kung papanong kainin ng kanyang ina ang kaawa-awang bata na naging biktima nito.
Tumakbo siya pabalik sa inuupahan at doon halos lumabas na ang kanyang bituka dahil sa kasusuka.
Hapong-hapo ang katawang napasalampak siya sa sahig. At muli tahimik nanaman siyang lumuha. Nang medyo gumaan-gaan na ang kanyang pakiramdam , nagsalang siya ng tubig sa maliit na kaserolang kanyang nabili kanina.
Talagang gutom na gutom na siya kaya nagpasya siyang magluto nalang ng instant noodles. Mga ilang sandali lamang naluto na ang noodles at kumain na siya.
Nang matapos humiga na siya sa papag, napagdesisyunan niyang mag ikot-ikot bukas para maghanap ng kahit maliit lamang na kutson. Medyo masakit kasi sa likod ang papag, wala din siyang magamit na una at kumot kaya talagang kailangan niyang bumili.
Buti nalang nataong summer ang kanyang paglalayas kaya wala siyang pasok. Pero balak din niyang ipagpatuloy ang pag-aaral kahit wala na siya sa poder ng kanyang mga magulang. Mga ilang sandali lang at nakatulog na siya.
Kinabukasan, maaga siyang nagising. Matapos mag almusal ng nabili niyang pandesal sa may labasan. Napasya siyang lumabas na at puntahan ang sinasabing pamilihan ng landlady. Nasalubong niya kasi ang babae kaninang bumili siya ng pandesal kaya nagtanong siya dito. Itinuro siya nito sa Baclaran at itinuro na din nito kung papano pumunta doon.
Madali naman niyang natunton ang lugar. At namangha siya sa nakita. Halos lahat yata ng paninda ay nandito na sa lugar na ito. Kahit maaga pa ay napakarami ng namimili.
Pumunta siya sa isang malaking pwesto doon na nakitaan niya ng panindang kutson. Tumingin-tingin siya ng maaaring magkasya sa maliit na papag na nasa kanyang kwarto.
Nang biglang makarinig siya ng pagkabasag ng plato. Napalingon siya, nakita niya ang isang dalagita na marusing na tila takot na takot.
Sa tingin niya ay isa itong pulubi. Halos umusok naman ang ilong ng matabang babaeng nagtitinda ng mga plato at baso na nasa gilid lang ng bangketa.
"Hay*p kang pulubi ka! Pano mo babayaran ang mga nabasag mo ha! Kung bakit kasi dito kapa tumakbo nasagi mo tuloy ang paninda ko!" galit na galit na bulyaw ng babae dito.
"Pa-pasensya na po Ate, hindi ko naman po sinasadya ei," hinging paumanhin nito sa babae habang humihikbi.
"Anong pasensya! Mababayaran mo ba ako ng pera sa pasensya na yan?! Ang kailan ko ay pera, dali! Kung hindi makakatikim ka talaga sakin, ipapakulong kita!" malakas na sigaw nito sa dalagita na noon ay wala ng tigil sa pag-iyak, akmang sasabunutan ng Ale ang dalagita.
Hindi naman nakatiis si Khalil, lumapit siya sa mga ito at pinigilan ang kamay ng tindera sa akmang pagsabunot nito sa dalagita.
"Tama na po Ale, hindi naman po niya sinasadya ei. Hindi po tama na saktan mo siya," seryosong sabi ni Khalil sa babae.
"Aba aba aba! At may tagapagtanggol pa ang pulubing ito! Pano na ngayon ang mga paninda ko, Aber?! Ganyan nalang ba iyan, basag-basag, dina mapakinabangan!" galit na bulyaw din nito kay Khalil.
Kinuha ni Khalil ang wallet na nasa bulsa at humugot ng dalawang libong piso doon. Napamulagat naman ang mata ng babae.
"Siguro naman po sapat na ito sa nabasag niya, kung tutuusin sobra-sobra pa iyan dahil halos wala pang isang dosena ang nabasag nya. At isa pa ho lisin ninyo ang ugali niyong iyan, ang manakit ng taong kaya niyong tapaktapakan. Dahil wala kayong karapatang saktan ang sinuman kahit pa katulad niyang isang pulubi lamang," mahabang pahayag ni Khalil dito bago ibinigay ang pera. Inaya naman niya ang kaawa-awang dalagita na lumayo sa lugar na iyon.
Hinawakan niya ang madumi nitong kamay, hindi siya nandiri kahit medyo may amoy talaga ang dalagita.
"Buti nga sa babae na yan! Ei di pahiya sya ngayon!" narinig ni Khalil na sabi ng isang babaeng nakikiusyoso sa nangyari.
"Grabe! Ang gwapo na nga niya super bait pa! Akalain mong tulungan niya iyang pulubi na yan, kahit mukha siyang mayaman," dinig naman niyang sinabi ng isang dalagang tindera ng damitan.
Di niya ito pinansin at nagtuloy-tuloy silang pumasok sa may malaking gate, sa tingin niya'y isa iyong malaking simbahan. Naupo sila sa tila hagdan doon patungong loob ng simbahan.
"Tahan na Nene, hindi kana sasaktan ulit ng Ale na iyon," pag-alo niya dito. Suminghot-singhot ito at pinunasan ng maruming kamay nito ang luhang namamalisbis sa mukha nito. Kaya naman lalong dumumi ang mukha nito.
"S-salamat po Kuya, ang bait ninyo po. Ibang-iba po kayo sa mga taong halos pandirihan ang katulad kong pulubi. Kaya po sobra-sobra po ang tulong na nagawa ninyo sa akin. Hindi ko po alam kung papano ko kayong mababayaran." pasasalamat nito kahit medyo gumagaralgal pa ang boses.
Natawa siya.
"Talagang kakaiba ako Nene, dahil ako ay anak ng aswang," mapait na bulong niya sa sarili.
"A-ano po Kuya?" tanong nito.
"Ahh, wala Nene," nakangiting sagot niya dito. "Kuya, isang tubig nga po," baling niya sa napadaan na lalaking may dalang panindang tubig.
Inabutan naman siya ng manong. Kinuha niya ang panyo na nasa loob ng bag at binasa iyon ng bahagya at iniabot sa dalagita. Napatingin naman ito sa kanya na tila nagtatanong ngunit inabot din nito ang binasang panyo.
"Punasan mo iyang mukha mo, masyado ng madungis," sabi niyang nakangiti.
"Aah, sige po," pinunasan nga nito iyon.
"Bakit ba kasi tumatakbo ka kanina? Nabangga mo tuloy iyong paninda nong Ale, pano nalang kung wala ako don ei di nasaktan ka niya," tanong niya dito habang patingin-tingin sa paligid.
"Hinahabol po kasi ako ng grupo ni Boy Tigas, gusto po nila akong isali sa pangkat nila pero ayaw ko po dahil masama po ang ginagawa nila. Mga snatcher po sila Kuya, ayaw ko po maging snatcher," sabi nito na muling inabot kay Khalil ang panyo.
Bigla namang napalingon si Khalil dahil sa sinabi nito.
"Ano kamo?! Snatch—!" biglang sabi ni Khalil ngunit hindi niya naituloy dahil manghang napatitig siya sa mukha ng dalagita.
"s**t! Napakaganda nya!" bulalas niya sa sarili.
Hindi maitatangging napakaganda talaga ng dalagita. Hugis puso ang kanyang mukha, medyo alon-along buhok na kulay light brown animo kinulayan ngunit normal na kulay ng buhok niya ito. May kaputian din ito, nagtataglay ng likas na mamula-mulang labi at mas bumagay pa dito ang pagkakaron ng broken chin.
Bagama't may kapayatan ito at bata pa, pero mahahalata na din na may hubog na ang katawan nito. Medyo maliit ang hinaharap nito kaya ayos lang kahit wala itong suot na panloob.
"Opo Kuya, mga snatcher po. Kaya nga po nagkandasubsob ako sa putikan dahil sa pagtakas ko sa kanila. Tsaka po manyakis po si Boy Tigas, marami na pong mga pulubi dito ang ni-rape non," patuloy nito.
"Ano?! Rapist ang gagong yon?!" bulalas niya. Sa kanyang isipan, ibig sabihin delikado itong magpakalat-kalat sa kalyeng ito.
"Opo Kuya, kaya nga po natatakot ako sa kanila lalo pa't pursigido silang kuhain ako. Gusto ko man pong umalis sa lugar na ito, wala naman po akong ibang mapupuntahan. Napadpad po kasi ako dito simula nong mamatay ang Lola ko, ulilang lubos na rin po kasi ako sa ama't ina," medyo may bahid ng lungkot na sabi nito.
Hindi mawari ni Khalil kung bakit naaawa siya sa dalagita. Lalo pa't nalaman niyang nag-iisa na ito sa buhay. Parang katulad niya, nag-iisa nalang din siya ngayon.
"Sa bahay ka nalang tumira," biglang nasabi ni Khalil. Tila nawala siya sa sarili dahil kung bakit nasabi niya ang bagay na iyon. Maging siya ay nagulat din.
ITUTULOY