Kagaya ng plano nila kanina, maghapon nga sila sa MOA. Kumain din sila sa isang chinese restaurant na nagse-serve ng gulay. Maging Si Janine ay gulay din ang kinain. Sabagay sa loob naman kasi ng isang buwan ay nasanay na rin ito na gulay lagi ang inuulam nila at isda hindi na rin ito kumakain ng karne na pabor naman iyon sa kanya. Naglibot lamang sila sa loob ng mall, hindi naman sila namili ddahil ayaw ni Janine. Tama na daw iyong pinamili nila kanina sa Baclaran, nangangamba kasi ito na baka maubusan sila ng pera. Mas matipid pa nga itong kesa sa kanya. Kahit ang pamamalengke ay ito ang nagba-budget. Ito kasi ang nagluluto, sabi nito mas makakatipid kung ito ang magba-budget ng kanilang gastusin. Kaya naman binibigyan lamang niya ito ng limang libo, budget na nila iyon sa loob ng dala