Matapos silang mamili, nag-arkila na lamang siya ng tricycle para ideritso na sila sa kanyang inuupahang lugar. Mabuti na nga lang at pumayag iyong manong kahit bawal daw doon.
Ilang minuto din ang kanilang naging byahe bago sila makarating sa kanilang lugar.
"Para po manong, dito na lang po kami." magalang na wika niya sa driver ng tricycle na sinasakyan nila ni Janine.
"Ah dito lang pala po kuya ang tirahan mo? Nakakarating po ako dito minsan sa paghahanap po ng basura para po ibenta, pero hindi naman po dito sa pinakang lugar na 'to doon lang po sa may bukana." wika naman ni Janine.
"Oo dito lang, sige na baba na tayo." sagot niya dito at pinababa na ito dahil nasa may bandang unahan kasi ito kapag nakababa na ito, saka lang siya makakababa.
Pagkababa nila saka lamang siya nagbayad sa matandang driver, nagpasalamat din sila dito. Tsaka inaya na niya si Janine na umakyat sa taas. Magkatulong nilang binuhat ang kanilang mga pinamili.
Ngunit bubuksan pa lamang nila ang gate ay agad na silang hinarang ng may-ari ng bahay at nakakamayiwangan pa itong hinarap sila.
"Hep hep hep hep, anong ibig sabihin nito hijo? Sino iyang pulubing kasama mo? At saka sino ang may sabi sa iyo na pwede kang magpapasok ng kung sinu-sino dito sa bahay ko? Nangungupahan ka sa bahay ko, ikaw lang, mag-isa ka lang diba? Gaya ng sabi mo mag-isa ka lang. Bakit ngayon may kasama ka at sino 'yan basta-basta ka na lang nagtitiwala sa kung kani-kanino dito sa Manila. Hindi mo pa nga alam kung ano ang ugaling meron iyang kasama mo tapos papatuluyin mo sa bahay ko?!" Masungit na pahayag ng may-ari ng bahay. Todo pamewangan pa ito habang ang isang kamay naman ay dinuduro si Janine.
"Ahh Manang, nais ko po sana siyang ipakilala sa inyo. Si Janine po kaibigan ko po, pero simula po sa araw na ito ay kapatid ko na po siya. Nais ko po na kasama siyang maninirahan dito sa bahay niyo kung maaari lang po sana kasi po wala na rin po siyang matitirhan." magalang na wika niya sa Ginang alam niya na nagagalit ito pero ayaw niyang sabayan dahil baka mapalayas pa siya sa bahay lalong mapasama ang kalagayan nila ni Janine.
"At saan mo naman natagpuan ang bubwet na ito? Hijo bagong salta ka lang talaga dito sa Manila kaya wala ka pang alam sa mga taong naninirahan dito. Karamihan sa mga ganyang mga pulubi ay mananamantala lamang iyan kaya wag ka sana magtiwala diyan. Mabuti pa paalisin mo na ang batang iyan dito para maging okay tayong dalawa." Mataray pa rin wika ng may-ari ng bahay.
"Hindi naman po siya masamang tao manang, mabuti po siyang bata at sa akin naman po siya titira. Kargo ko po siya kung hindi po siya talagang mabuting bata, pero siguraduhin ko po sa inyo na mabuti po siya. Hindi po siya gagawa ng kahit na anong masamang bagay sa kapwa." muling pakiusap niya sa landlady.
"Ay hindi, hindi ako makakapayag! Gagamit din ang kuryente at tubig 'yang babaeng iyan at ang kwarto na inuupahan mo usapan natin ikaw lang ang mag-uupa, tapos ngayon dalawa na kayo. Hindi para sa charity itong paupahan ko noh! Kaya nga pinaupahan ko 'to para pagkakitaan hindi yung hahayaan ko na lamang na kung sino-sino ang titira ng libre! Isang kwarto dalawa kayo, ano yun?! Basta hindi pwede!" mataray na turan ulit nito.
"Grabe naman kayong manang, eh yong tinitirhan nga ng tita ko na inuupahan niya dati mas malaki pa yung silid na inuupahan ni kuya Khalil. Pero nagkakasya naman kaming lahat doon tatlo pa ang anak niya, kasama pa namin ang batugan niyang asawa. Tapos okay lang naman doon sa may-ari ng bahay, tapos sayo medyo malaki naman pero bawal ang dalawa. Grabe naman kayo manang." hindi na nakatiis na sabat ng dalagita.
"Hoy, sinabi ko ba na makisali ka sa usapan namin? Itong si Khalil lamang ang maaaring makipag-usap sa akin dahil siya ang nag-uupa sa aking bahay. Kung ikaw magrereklamo ka eh di doon ka tumira sa tiyhin mo! Bakit ka ba nakikisiksik sa bahay ko ha!" lalo ng nainis ang Ginang dahil sa pagsagot ni Janine dito. Pero hinayaan na lamang niya ang dalagita dahil nakakainis naman talaga ang ginang.
"Baka naman po pwede mo nang mapagbigyan kami Manang. Kawawa naman po kasi si Janine kung papabayaan ko siya sa lansangan na manirahan. Kaya sana naman po payagan nyo na kami, maawa na po kayo sa kanya." pakiusap ni Khalil sa ginang kahit na medyo hindi na rin niya nagugustuhan ng tabas ng dila ng matabang babae.
Napailing na lamang ang dalagitang si Janine, tila hindi nito nagugustuhan ang inaasal ng may-ari ng bahay. Sabagay iyon naman talaga ang ugali nito. Kahapon nga akala nito wala siyang pera pero ng makita nito na may kakayahan siyang magbayad ay agad-agad nitong tinanggap. Kaya naman minabuti niya na bumunot ng isang libong piso sa kanyang bulsa para magbigay na lamang dito ng karagdagang bayad sa bahay. Baka sakaling pumayag ito kapag nagdagdag siya ng bayad.
At hindi nga siya nagkamali, biglang nagbago ang mood nito. Sobrang ganda ng ngiti nito ng makitang dumukot siya ng isang libong piso sa kanyang bulsa.
"Oh ito po Manang dagdag ko na lamang po ang bayad para kay Janine para hindi mo na po siya paalisin. Mabait naman po siyang bata, ako na po ang bahala." Wika niya habang inaabot dito ang isang libo.
Agad namang iniabot iyon ng may-ari ng bahay tsaka malawak ang pagkakangiting tiningnan siya.
"Heto talaga yun ang nais kong sabihin sayo hindi naman pwede di ba na libre na lamang kung natitira dito yang kaibigan mo eh. King ganito ba naman na dinagdagan mo ay wala tayong pag-uusapan pa, okay na okay kaya lang mukhang nakakalimutan mo na two months advance at one month deposit tayo ha kaya kulang ka pa ng dalawang libo." malawak ang pagkakangiting wika ng may-ari ng bahay.
Napailing na mahalin si Janine habang nakatingin sa matabang babae tila hindi ito makapaniwala sa asal nito. Kumuha naman ulit siya ng dalawang libong para idagdag sa binigay dito. Halos umabot naman sa tenga ang ngiti ng matabang babae, sabay kuha ng pera sa kamay niya.
Iyon lamang at ibinukas na nito ang pinto ang gate para makapasok sila tsaka pumasok na sa loob ng bahay nito. Ang tinitirhan kasi nito ay ang baba ng kanyang inuupahan. Nginitian na lamang niya si Janine at saka inaya na itong umakyat sa taas.
Tila nahihiya naman itong sumunod sa kanya. Siya ang nadala ng mga pinamili nila pero ang mga damit ay ito ang may hawak. Nais sana siya nitong tulungan sa kanyang mga dala pero hindi na siya pumayag dahil siya itong lalaki at kaya naman niya dalhin ang lahat.
Napangiti siya ng masilayan ng magandang ngiti sa mga labi ni Janine, ng makapasok na sila sa loob ng kanyang silid na inupahan.
"Maliit lamang po ang silid Kuya pero sapat na po na tirhan natin dalawa at saka po maganda naman po dito eh. Mas malaki pa po ito doon sa tinirhan ko sa tiyahin ko. Iyon nga lang po, iyong magaling na may-ari nagpadagdag pa ng upa. Kakahiya naman sayo nagdagdag ka pa ng bayad para lamang pumayag ang matabang may-ari na iyon na tumira ako dito. Paano po 'yun saan po tayo kukuha ng pambayad kuya? Wala ka naman pong trabaho at maging ako po ay wala ding trabaho. Papano na lamang po kung wala po tayong pambayad sa bahay?" tanong nito sa kanya at tila nahihiya ito.
"Huwag kang mag-alala ako ang bahala sa ang upa natin sa bahay at saka pati na sa panggastos natin araw-araw." nakangiting wika na lamang niya rito. Tsaka inayos na niya ang kanyang mga pinamili.
"Saan ka po kuya kukuha ng pera?Mayaman sa po ba? Uhhmm p-pero kung hindi naman po kaya ko pong tulungan kayo para po magkapera po tayo. Marunong po akong maghanapbuhay iyon bang mangangalakal na lang po ako. Gusto mo po sama na lang tayong dalawa?Bale hindi naman na po siguro ako matitiyempuhan ng ibang mga nangangalakal. Kadalasan po kasi kapag nangangalakal ako nakukuha po nila yung pinagbentahan ko, minsan naman po yung kalakal na pinulot ko iyon ang kinukuha nila. Binibigay ko na lamang po kasi mas matatanda at mas malalaki sila sa akin, pero ngayon na kasama naman na po kita siguro hindi na po." mahabang pahayag nito
"Huwag mo nang alalahanin iyon Janine, may sapat akong pera para panggastos natin. Bale pamana ng mga magulang ko. Ako na ang bahala sa lahat kaya naman na huwag ka na diyang mag-isip pa ng mangangalakal. Ang mabuti pa maligo ka na para makapagbihis ka ng bago mong damit para naman bumango ka na. Ano kasi medyo may amoy ka na kaya siguro nagalit si manang sa baba." natatawa pero nakangiwing wika niya sa dalagita.
"Naku sorry po Kuya, bale mag-iisang linggo na po kasi akong hindi pa naliligo at saka po ang nagpapalit ng damit kaya siguro may amoy na ako. Promise po simula po sa araw na ito hindi na po ako babaho, lagi na po akong mabango, lagi na po akong maliligo at magbibihis. Salamat nga po pala dito sa mga pinamili mong damit ah, sige po maliligo po muna ako." nakangiting wika nito napapakamot pa nga sa ulo dahil sa sinabi niya tsaka inamoy din ito ang sarili at kahit ito ay sumama ang mukha ng maamoy yata nito ang sarili nitong amoy.
Siya naman ay inayos na ang nabili niyang kutson sa papag at bumili na rin siya ng isa pang higaan para naman kay Janine 'tsaka unan at kumot. May mga bibilhin pa sana siyang iba katulad na lamang ng mga damit sana niya kasi iilang piraso lamang ang damit na dala-dala niya. Bumili na rin siya ng tag-isang nilang tuwalya para magamit nila sa paligo at saka bumili na rin siya ng makakain nilang dalawa ni Janine simula ng pananghalian hanggang gabi.
Minabuti na rin kasi niya na bumili ng ilang kagamitan sa kusina pero marami pang kulang kaya siguro babalik na lang sila ni Janine. Nang matapos sinimulan na niyang gayatin ang mga gulay na kanyang binili. Hindi siya marunong magluto ng kahit na anong pero may youtube naman na maaari niyang kuhaan ng idea kaya marahil makakapagluto naman siya ng maayos. Iyon nga lang hindi niya tiyak kung magugustuhan iyon ni Janine.
Ang kanyang niluto ay adobong sitaw na sinahugan lamang niya ng tinapa. Tsaka kung ano man ang maging lasa niyon ay bahala na basta nakakain. Okay na yun sa kanya kung hindi naman kayang kumain ni Janine. Maaaring naman itong bumili na lamang ng ulam sa karendirya. Siya kasi ay hindi maaaring kumain doon lalo na't nakikita niya ang mga putaheng nandoroon na nagpapabaliktad sa kanya sikmura.
Hindi pa niya tapos lutuin ng ulam ay natapos ng maligo si Janine. Lumabas ito ng CR na nakatapis lamang ng tuwalya at hindi niya sinasadyang napatingin doon. Agad din niyang binawi ang kanyang paningin dahil hindi kalakihan ang tuwalyang nabili nila. Iyong maigsi lamang kaya naman labas na labas ang bilugan at mahahaba at maputi nitong hita na kahit na dalagita pa lamang ito ay hindi maitatangging kaakit-akit iyon. At tsaka kakaiba na ang dating sa kanya.
"Umayos ka Khalil, kapatid mo 'yan!" inis na saway niya sa sarili.
"Uhmm... Kuya pwede po bang lumabas po muna kayo saglit. Masyado po kasing maliit yung cr hindi po ako makaayos magbihis doon. Okay lang po ba?" tila nahihiyang pakiusap nito sa kanya.
"Ahh eh O-Oo naman sige ha, l-labas muna ako ha. Sabihin mo lang kung tapos ka na." Kanda utal na sagot niya dito at saka lumabas na siya ng silid.
Masyado nga namang makitid ang CR halos hindi ka nga naman makagalaw kaya mahirap talaga magbihis doon. Kaya naman naisip niya na ayain ulit niya kinabukasan si Janine sa Baclaran para bumili sila ng kurtina na maaari nilang gawing pangharang sa isang panig ng kanyang kwartong inuupahan para magkaroon ng silid. Maaari nilang pagbihisang dalawa iyon at marahil sa kama na lamang niya patutulugin si Janine. Siya na lamang ang sa papag.
Ilang sandali pa at tinawag na siya ni Janine, maaari na daw siyang pumasok dahil tapos na itong magbihis.
ITUTULOY