Pagpasok niya ng silid ay nakabihis na si Janine, suot na nito ang ternong kulay pink na pambahay na binili nila. Bumagay naman sa kaputian nito ang kulay niyon. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang napakaganda at maaliwalas nitong awra. Idagdag pa ang napakaganda nitong ngiti sa kanya, parang may kung anong mainit na bagay na tila humaplos sa kanyang puso ng mga sandaling iyon.
"Kuya Khalil, ayan po ha nakaligo na po ako. Hindi na po ako mabaho kaya hindi na po kayo mababahuan sa akin." masaya nitong turan sa kanya.
"Mabuti naman kung ganoon Janine, dapat parati ka ng maliligo ha at saka magpapalit ka lagi ng damit mo hindi na pwede 'yung katulad nong ginagawa mo sa lansangan. Syempre may natitirahan na tayo at pwede ka nang maligo kahit kailan mo gustuhin. Kung kulang pa yung damit mo maaari pa tayong bumili bukas." wika niya dito.
Napansin niya na may suot suot na itong bra, ito mismo ang nagpabili niyon sa kanya at pinili nito ang kakasya dito dahil sabi nga nito ay wala itong kakayahan na bumili ng ganoon. Kaya hinahayaan lamang nito na nakabuyangyang ang dibdib pero nakiusap ito sa kanya na bibili sila ng ganoon. Kaya pinapili niya ito dahil wala naman siyang alam sa sukat nito.
Tsaka okey na rin iyon na matuto itong gumamit ng bra dahil dalagita na ito. Hindi pwedeng palagi na lamang itong walang bra tsaka isa pa lalaki siya, mabuti sana kung parehas silang babae.
"Oo naman po kuya, promise po palagi na po akong maliligo. At syempre magpapalit na rin po ako palagi ng damit. Tsaka po okay na po itong damit ko, ilang pares na rin naman po yung nabili natin eh. Kaya po ang gagawin ko na lang lalabhan ko na lamang po kaya huwag na po kayong mag-alala kahit na po hindi na tayo bumili pa ulit ng damit kasi sayang ang pera. Kailangan po nating magtipid para po may pambayad po tayo palagi sa bahay. Mahirap po kasing tumira sa kalsada kaya ayaw ko po na maranasan niyo ang manirahan sa kalsada ng dahil po sakin." Mahabang pahayag nito.
"Mabuti naman kung ganon Janine pero wala naman sanang problema kung bumili pa tayo ng ibang damit. Babae ka at kailangan mo ay maraming damit. Pero ikaw kung iyan ang nais mo." nakangiting wika niya dito.
Tsaka tiningnan na niya ang kanyang nilulutong adobong sitaw at sa tingin naman niya ay tamang-tama na iyon para ahunin. Kailangan pa niya ang magsalang ng kanin para makakain na sila ng tanghalian.
"Kumakain kaba nitong adobong sitaw Janine? Pero kung hindi bili ka na lang ng ulam mo. Tsaka pala may isa lang sana akong kahilingan sayo kung maaari lang." wika niya dito.
"Oo naman wala po Kuya, wala po akong arte sa pagkain kahit ano po kinakain ko. Uhmm ano po ba yung kahilingan mo kuya, sabihin mo lang po kahit ano po susundin ko po." wika nito sa kanya.
"Mabuti naman at kumakain ka ng gulay. Ako kasi hindi ako kumakain ng kahit na anong karne. Kaya okay lang sa akin na kumain ng mga gulay at prutas pati na isda. Ikaw lang ang inaalala ko baka mahilig ka sa mga karneng baboy o manok, ako kasi ayaw ko talaga. Kung nais kumain ka na lamang diyan sa labasan, may karinderya sa labasan doon maraming putahe. Ako kasi ayaw ko ng karne dito lalo na yung mga sariwa at kahit na naluto na. At kahit na anong putahe kaya okay lang ba sayo 'yun?" paliwanag niya dito.
Baka kasi mahilig ito sa karneng baboy o kaya ay karneng manok. Basta kahit anong klaseng karne hindi talaga ito puwedeng kumain dito dahil siya rin ang mahihirapan.
"Ah ganon po ba kuya 'di ka po pala kumakain ng karne. Napakasarap po kaya, lalo na po yung fried chicken. Favorite ko nga po 'yun eh kapag po napapatambay po ako sa may Jollibee minsan po may mababait na customer na nagbibigay po ng fried chicken. Kaya po sarap na sarap po ako, pero okay lang po kung ayaw mo po ng karne. Kakain na lang po ako ng gulay tsaka masarap din naman po ang gulay eh tsaka bihira lang ako makakain ng ganyan." Wika nito pero tila may pagtataka na mababakas sa mukha.
"Gusto mo order ka na lang diyan sa karinderya o mas okay kung doon mo na lang kakainin. Wala namang problema iyon sa akin eh. Ako kasi talaga bumabaliktad ang sikmura ko kapag nakakakita ng karne, lalo na iyong sariwa." paliwanag niya kay Janine.
"Hala bakit po ganon kuya? Hala bakit po eh ang sarap-sarap kaya po ng karne. Ano po yon parang aswang lang?" natatawang tanong nito sa kanya.
Pero medyo nagulat siya sa tinuran nito na tungkol sa aswang. Kaya napatitig na lamang siya dito.
"Naku kuya biro lang po yung aswang ha at saka po di naman na uso iyon sa ngayon ah. Binibiro lang po kita pero may mga gano'n naman talaga pong tao eh yung bang ayaw talaga nilang kumain ng karne. Kaya po naiintindihan ko po, sige po hayaan niyo po pag-aaralan ko na lang na hindi na kumain ng karne at saka po maganda naman po sa kalusugan kapag hindi po kumakain ng karne yung bang puro gulay lang po ang kinakain. Kaya wag po kayong mag-alala kuya. Kung ano pong kakainin ninyo, yun na lang din po ang kakainin ko." nakangiting wika nito at saka napapakamot pa sa ulo.
"Okay lang 'yun totoo naman," pabulong na wika niya, pero dinugtungan niya iyon ng pagtawa.
"Si kuya naman tinatakot ako, ikaw talaga ang dami mong kalokohan." natatawang wika nito sa kanya.
"Kuya sa susunod ako na lang po ang magluluto para kahit papano may pakinabang naman po ako. Marunong po akong magsaing tsaka po magluto po ng gulay kaya wala po kayo dapat ipag-alala sa akin. Syempre po nakakahiya naman po na kayo na nga po ang may-ari ng tinitirahan ko, kayo pa rin po ang magluluto, kaya po huwag niyo na pong alalahanin kuya. Mamayang hapunan natin ako na lang po ang magluluto. May mga gulay ka na man pong binili diba, ako na lang po ang bahala kasi marunong po talaga ako. Noon pokasi sa Tiya ko ako lahat ng gumagawa doon kaya natuto po ako magluto." mahabang pahayag ng dalagita.
"Sige mabuti marunong ka, hindi kasi ako marunong magluto. Sa tanang buhay ko kasi hindi ko pa naranasan magluto. Palaging ang Nanay ko lang, kaya lang wala na nga siya kaya ngayon lang ako sumubok. May youtube naman eh, pero kung hindi mo magustuhan yung lasa ng ulam natin. Pwede ka namang bumili sa labas. Alam mo na, first time kong nagluto niyan." nakangiwing pag-amin niya dito.
"Ay wala pong problema doon kuya, kahit ako na lang po lagi ang magluto. Lahat po ng klase ng gulay kaya ko pong pong lutuin." wika muli nito sa kanya.
Natutuwa naman siya dahil mukhang malaking tulong nga ito sa kanya dahil hindi na siya mamo-mroblema pa kung papano magluto.
"Sige, mabuti nga yon kasi nag-aalala talaga ako baka ayaw mong kainin yung niluluto ko pero ako promise, kahit anong luto mo kakainin ko hindi naman din ako mapili sa pagkain basta gulay nga lang."
"Mabuti naman po kung ganon kuya, bale ako na lang din po ang maglalaba ng mga madudumi nating damit at saka maglilinis ng bahay kaya po ikaw wala ka na pong gagawin. Iyon na lang po ang kwenta bayad ko sayo sa pagtira ko dito sa bahay ninyo." nakangiting wika muli nito.
"Ikaw ang bahala Janine, ay hala kumukulo na yung kanin sa wakas malapit na tayong makakain. Wala pa tayong mesa kaya dito na lang muna tayo sa sahig kumain ha."
"Okay po kuya, kahit naman kasi wala na tayong mesa. Alam nyo po excited na ako, first time ko pong makakatulog sa isang bahay at makakakain ng maayos sa loob ng tatlong taon na pagiging palaboy ko. Maraming salamat po talaga kuya." muling pasasalamat na naman ito.
Nginitian na lamang niya ito at ginulo ang buhok. Ang daming beses na kasi itong puro pasasalamat.
Ilang sandali pa ay masaya na nilang pinagsaluhan ang kanilang payak na pagkain ng tanghaling iyon. Na kahit napangiwi si Janine ng malasahan iyon ay magana pa rin itong kumain. Pano ba naman sobrang alat, inubos ba naman niya itong toyo na nasa sachet. Iyon kasi ang sabi sa youtube eh. Hindi niya manlang ikinonsidera na marami iyong niluto sa youtube kesa sa niluto niya.
Kaya si Janine ay napasabi na lamang na, ito na ang magluluto mamayang hapon sabay kamot sa ulo. Parang napilitan lamang itong kumain ng napakaalat na adobo niyang sitaw. Pero dahil siguro sa gutom na ito kaya hindi na iyon ininda dahil naging napakagana nito habang kumakain.
ITUTULOY