Kinahapunan gulay na ampalaya naman ang napagpasyahang lutuin ni Janine na ulam nila. Sinabi nito na ito na rin ang magsaing, hindi na talaga siya nito hinayaan na gumalaw pa sa bahay. Kaya naman inayos na lamang niya ang ilang kagamitang nabili pa nila kanina. Balak kasi niya na si Janine ang patulugin sa papag at siya na lamang ang sa sahig. Pero balak din niya na bumili ng kurtina para may pagitan man lang ang tulugan nilang dalawa. Para kahit papaano ay may privacy silang dalawa lalo pa at dalagitan na si Janine.
Kahit na wala pa sa isip nito ang ano mang bagay pero siya itong nakatatanda at nakakaalam ng lahat kaya dapat bilang kuya ay protektahan niya si Janine at i-guide ng tama. Lalo pa at tila may kakaiba siyang nararamdaman para sa dalagita. Lumabas din siya kanina para bumili pa ng ilang groceries pero mabilis lang naman siya dahil sa may labasan lamang iyon.
Nang makabalik siya ay naabutan pa niya si Janine na nagagayat ng amapalaya kaya naman minabuti niya na manood habang nagluluto si Janine para naman matuto din siya. Parang sanay na sanay ito sa pagluluto kaya mabilis lamang itong nakatapos magluto ng gulay pati na ang kanin. Balak niyang bumili na lamang ng rice cooker para hindi na mahirapan si Janine sa pagluluto ng kanin.
Hindi na nilagyanan ng sahog na piniritong isda ni Janine ang ampalaya. Sinahugan na lamang nito iyon ng dalawang pirasong itlog at ang isda kanina na kanyang pinirito ay pinandagdag na lamang nila sa kanilang ulam.
At bago mag alas syete ng hapon ay kumain na sila ng gabihan para maaga silang makatulog dahil sinabi niya kay Janine magtutungo sila ng maaga bukas sa Baclaran para makabili pa ng iba nilang kagamitan.
"Teka ilang taon ka na nga pala Janine? Kanina pa tayo nag uusap pero diko pa alam kung ilang taon ka na." Natatawang tanong niya dito, halos maghapon na silang magkasama pero hindi pa rin niya alam ang tunay na edad nito.
"Labing tatlong taong gulang pa lamang po ako kuya bale sampung taon lamang po ako ng umalis ako sa bahay ng tita ko. Kasi kahit po ang lalaki na ng anak niya mga batugan po lahat. Ako ang gumagawa ng gawaing bahay, ako pa ang magluluto, ako pa ang naglalaba. Sa edad ko po na sampung taong gulang napakarami na pong nakaatang noon sa balikat ko tapos palagi pa po ako pinapagalitan at sinasaktan ng tita ko." mahabang pahayag nito sa kanya.
Ibig sabihin dalawang taon lamang pala ang agwat na niya dito. Talagang napakabata pa nga pala nito pero sa trese anyos na edad nito ay halatang batak na nga ito sa trabaho. Halata naman sa palad nito na magaspang. Yun nga lang magandang bata talaga si Janine kaya kahit na medyo malaking bulas ito ay mahahalata dito na napakabata pa at hindi nga siya nagkamali mas bata pa nga ito sa kanya.
"Ah kinse anyos naman ako dalawang taon lang pala ang tanda ko sayo. Tama nga lamang na magsama tayong dalawa. Teka mag-aral ka ba nakapagtapos ka man lang ba ng elementary?" tanong niya dito.
"Hanggang grade four lang po ako kuya kasi po umalis na nga po ako noon kina Tita." sagot nito sa kanya.
"Ahh sayang naman kung tutuusin pala grade 7 ka na ngayon kung nagpatuloy ka Hindi ba?"
"Oo nga po kuya eh kaya lang hindi po gugustuhin ng tita ko na pag-aralin ako kasi wala po silang nauutusan at wala po silang alila sa bahay nila. Kaya kahit gusto ko pong mag-aral noon hindi ko po sila non napilit dahil hindi naman po ako gagastusan ni tita kapag nag-aaral ako. Iyon pong school doon po sa inuupahan nilang bahay ay kailangan pa pong mamasahe papunta sa eskwelahan, malayo po kung lalakarin kaya hindi na rin po ako nagpursige kasi nagagalit din po si tita, nakiusap na ako sa kanila nasaktan lang po ako." malungkot na pahayag nito sa kanya nakikita nila na nais talaga nito sana mag-aaral kaya lang wala nga itong pagkakataon.
"Kapag nagawan natin ng paraan pumasok ka sa pasukan ha, dapat makapag-aral ka rin dahil iyon ang isa sa magiging way para magtagumpay ka sa pagtanda mo. Hindi iyong lagi ka na lang palaboy tsaka kakailanganin mo na talaga para hindi ka na ulit manirahan sa lansangan. Isa pa babae ka kaya dapat lang talaga na mag-aral ka." nakangiting wika niya dito.
"Hala talaga po Kuya? S-Seryoso ka po ba sa sinasabi ninyo na mag-aaral po ako? Sa totoo lang po gustong gusto ko po talaga sana mag-aaral, ano ba 'yan naiiyak po ako. Para po kasing hulog kayo ng langit sa akin, sa loob po ng tatlong taon na palaboy-laboy lamang po ako sa lansangan wala akong maayos na matulugan, wala akong makain na maayos tapos ngayon inampon niyo ako. Tapos pangarap kung mag-aaral na akala ko hanggang pangarap na lang pero gusto niyo po na pag-aralin ako. Napakasaya ko po, kaya lang po kung mag-aaral po ako saan naman po tayo kukuha ng pera? Sobra sobra na po ang naitulong niyo sa akin sa pagpapatira niyo pa lamang po at pagpapakain sa akin ng libre dito sa inyong inuupahan eh napakalaking bagay na po niyon sa akin. Kaya naman po kung mahihirapan lang po kayo kapag nag aral ako, wag na lang po. Okey na po ako na ganito na lang. " mangiyak-ngiyak na pahayag nito halatang nais talaga nitong mag-aral.
Pero minabuti nitong tumanggi dahil siguro naiisip nito ang gagastusin niya. Sa totoo lang hindi rin niya alam kung bakit sobrang gaan ng loob niya sa dalagitang kaka-kilala pa lamang niya. Pero naniniwala siya dito na mabuti itong tao at baka nga may marating pa ito kapag makapag-aral. Hindi iyong palagi na lamang itong gumagala sa lansangan. Isa pa wala rin naman itong gagawin dito sa bahay kaya mabuti pa ay alamin muna niy kong papaano sila makaka pag-aaral na dalawa ni Janine.
"Huwag mo nang alalahanin ang dapat na gastusin natin. Hindi ba at sinabi ko sayo na ako na ang bahala sa lahat. Kaya wag mo nang isipin iyon, ang problemahin natin ngayon ay kung papaano ba kita mai-enroll at syempre kailangan ko rin mag-enroll. Sa totoo lang medyo natatakot din ako dahil ngayon pa lamang ako mag-iisa. Pero kasama na kita ngayon, kahit mga bata pa tayo dapat tibayan natin ang ating loob para kayanin natin ang lahat ng pagsubok na darating sa atin." pahayag niya dito.
"Okay po Kuya magtitiwala po ako sayo na kakayanin po natin at makaka-asa ka po na palagi po kitang tutulungan at dadamayan sa lahat ng bagay. Maraming-maraming salamat po sa kabutihan ninyong ipinapakita sa akin kahit hindi naman po tayo magkaano-ano. Basta maasahan niyo po ako sa lahat ng bagay." nakangiti sagot nito sa kanya.
"Salamat naman kung ganoon Janine, iyon talaga ang nais ko sa'tin. Basta kapag dumating ang araw na parehas na tayong nakakapag-aral, pagbubutihin ang pag-aaral ha. Para naman maging maayos ang buhay mo pag pagdating ng panahon." wika muli niya dito habang maganang kumakain nang niluto nitong ampalaya.
Napakasarap kasi ng pagkakaluto nito ng gulay na ampalaya halos wala na iyong pait. Natatandaan niya kapag nagluluto ang kanilang mga kasambahay ay mapait ang pagkakaluto ng mga ito sa ampalaya. Sa probensya kasi masyadong mapagbalat kayo ang kanyang mga magulang kunyari mas hilig ng mga itong kumain ng gulay. Bihirang bihira lamang sila ang makakain ng karne doon. Iyon pala sa tuwing sasapit ang kabilugan ng buwan ay nagpapasasa ang mga ito sa sariwang karne ng tao.
Sa totoo lang natatakot siya sa sinabi ng kanyang ina ng huli silang mag-usap. Iyong sinabi nito na pagsapit sa edad na 21 ay mararanasan na rin niya ang maging aswang. Mararanasan na niya ang sumpa ng pamilya, pero hindi siya makakapayag na makatikim ng sariwang laman ng tao. Gagawin niya ang lahat para makawala sa sumpa.
Matapos nilang kumain ng hapunan ay minabuti nilang maglakad-lakad sa labas. Matutulog na sana silang maaga pero sabi ni Janine, hindi pa ito makakatulog dahil napakaaga pa ng anaman. Kaya minabuti nilang lumabas, nais nilang makabisa ang buong lugar. Mabuti na lamang si Janine ay pamilyar pala sa lugar na iyon Kaya naman nailibot na siya nito.
Marami palang mga pagkaing sari-sari kapag gabi. May mga niluluto pero karamihan ay karne na barbecue at hindi niya kayang kumain ng ganon. Kaya lang nakikita niya si Janine na parang nais nito, pero dahil sa alam nito na ayaw niya ng karne ay pinipigilan na lamang nito ang sarili.
Kaya naman minabuti niya na lumapit sa isang pwesto na nagtitinda ng french fries at inumin. Pwede rin silang maupo doon kaya naman inaya niya si Janine na doon na lamang kumain habang masaya silang nagkukuwentuhan ng kung ano ano na lamang. Nakakatuwa lang parang napakatagal na nilang dalawang magkakilala sa paraan ng pagkukwentuhan nilang dalawa kahit na ang totoo wala pang isang araw ng magkakilala sila.
Kaya naman ang masasabi niya, na ang pangalawang araw niya sa siyudad kahit papano nasiyahan siya.
ITUTULOY