Pagkatapos ng party sa gabing iyon, nagpahinga na sa kani-kaniyang kuwarto ang mga tauhan at kamag-anak ng may-ari ng rancho. Umuwi ang karamihan sa kani-kanilang bahay pero sa mansion na magpapalipas ng gabi ang ilan dahil sa kalasingan. ‘Di pa rin makatulog si Zoie hanggang sa dalawin na siya ng gutom. Alas kuwatro na iyon ng umaga. Dalawang oras na siyang nakahiga sa kama ngunit ‘di pa rin siya makatulog. Laging bumabalik sa kaniyang alaala ang among pumasok sa library kasama ang isang bisita nitong napakagandang babae. Pa-iba-iba na siya ng puwesto sa kama niya ngunit ‘di pa rin siya dinalaw ng antok. Maya’t maya ang pagbiling at pagbuntong-hininga niya. Naisipan niyang bumaba na lang at magtungo sa kusina. Nag-iingat siya upang hindi makaistorbo sa ibang natutulog kahit na soundpro