Natigilan si Alemana. Kitang-kita pa niya ang nag-aapoy na mga mata ng dalaga. Alam niyang sa kaibuturan ng puso nito ay nagsasabi ito ng totoo. Pero bakit nga ba siya nagagalit? Nagseselos nga ba siya nang makitang halos magkadikit sina Zoie at Domenic kanina sa kusina nang maratnan niya? Mukhang nawala siya sa katinuan pagdating kay Zoie at hindi niya alam ngayon kung paano lumabas sa sitwasyong ito nang hindi niya pinag-iisipan nang maayos. Ineksamin niyang muli ang sarili. Nagseselos ba siya kay Domenic na nakipag-usap kay Zoie sa dis-oras ng umaga? Nagselos na ba siya noon nang makipag-usap ito kay Huapala at nakangiti pa nang matamis? ‘Maybe. I don’t want her to smile at other men!’ Naghihimagsik ang kalooban niya. “You’re against it? You mean, you do really want to get married,