Napakapa ng isang kamay sa kaniyang dibdib si Zoie. Biglang kumirot ang kaniyang puso nang ‘di niya mawari. Naninibago siya sa kaniyang nararamdaman. Parang matindi kasi iyon ngayon. Hindi pa niya ito nararamdaman noon. At ito ang paulit-ulit na kaniyang napagtanto nang mahigit dalawang buwang pamamalagi sa mansion. Paano ba ginawa ng boss niya ang ganitong pagparamdam sa kaniya ng damdaming hindi man lang niya naranasan noon? Alam ba nito kung ano ang hatid nito sa puso niya? Alam ba nito kung ano ang epekto nito sa kaniya? “Hey, we’ve been looking for you,” ang untag ni Huapala sa kaniya. Napalingon ang dalaga sa may-ari ng boses. Nakita niyang kasama pala nito si Domenic na nakapamulsahan sa dark pants nito at malagkit ang titig sa kaniya. “Ah, I just got these.” Ipinakita pa niya a