bc

Possessing His Young Mayordoma

book_age18+
886
FOLLOW
2.3K
READ
billionaire
HE
bxg
lighthearted
office/work place
enimies to lovers
assistant
like
intro-logo
Blurb

Si Zoie ang napiling hahalili sa trabaho ng kaniyang tiyahin sa Campbell Ranch sa Hawaii. Dito ay nakilala niya ang siguro’y may pinakamatalas na dila na tao sa balat ng lupa. Wala siyang ideyang iyon pala ang kaniyang magiging amo at dapat na pagsisilbihan sa buong buhay niya...

Tama nga bang mahuhulog siya rito gayong alam niyang hinding-hindi puwedeng magpapakasal ang isang mayordoma sa kaniyang master dahil sa tradisyon ng angkan nila?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Ibinaba ng beinte y tres anyos na si Zoie Tabilla ang telepono pagkatapos ng tawag mula sa kaniyang tiyahin. Napabuntong-hininga siya. Napatingin sa kaniya ang kaniyang mga magulang at ang isang pinsan na siyang naghatid ng balita sa kaniyang tatawag ang kaniyang Auntie Lerma mula sa Big Island, Hawaii. Kauuwi lang niya mula sa kaniyang trabaho sa araw na iyon. Dalawang taon na siyang nagtatrabaho sa isang matayog na kompanya, ang International Software Company (ISC), sa Manila. Ang mabuti pa nito ay malapit lang ito sa kanilang tirahan na isang sakayan lamang. Isa pa, napamahal na sa kaniya kahit papaano ang trabahong ito. Ngunit dahil sa tawag na iyon na natanggap niya ay malamang mapatigil siya sa pagtatrabaho roon. “Ano’ng sabi ng Auntie Lerma mo?” ang tanong ng kaniyang tatay na si Mang Junrel. Napatingin siya sa mukha ng mga magulang at pinsan habang hindi nagbabago ang ekspresyon sa mukha niya mula nang makausap ang tiyahin sa telepono. Nagtatrabaho ito bilang isang property manager sa Campbell Ranch. In short, mayordoma lang pero sosyal ang titulo dahil sa malaki nitong responsibilidad. May tatlong malalaking bahay kasi ang may-ari ng rancho. Kahit na maliit na pamilya ito ay malalaki rin ang dalawang mansion at isang katamtaman na tahanan ang mayroon ang mga ito na malayo-layo rin sa rancho. Ang isang mansion naman ay malapit sa rancho. Ito ang kinatitirhan ng ulo ng pamilya Campbell at ng tagapangasiwa ng buong rancho at pati na sa financial matters ng buong pamilya nito⸺at iyon ang tiyahin niya. Kalimitang wala naman sa rancho ang kapamilya ng amo na may kani-kaniyang inaasikaso na para lang sa sarili ng mga ito, sa pagkakaalam niya. Napalulon ng laway si Zoie. Ayaw niyang ipakitang tutol siya sa mga sinabi sa kaniya ng tiyahin. Kinikilalang pinakamay awtoridad ang sinumang miyembro ng kanilang pamilya na siyang tagapamahala sa Campbell Ranch. Kahit sinuman ay walang makapag-ayaw rito. At siya ang magkakaroon ng pagkakataon, pribilihiyo, at karangalang iyon sa malapit na panahon. Siya ang magiging pangulo ng kanilang buong angkan. Ngunit may pakiramdam siyang ayaw niyang sundin ang kaniyang tiyahin nang hindi niya mawari. At hindi niya alam kung bakit nga ganoon na lang ang kaniyang nararamdaman. Gusto niyang maging malaya at hindi nakagapos sa isang responsibilidad sa buong buhay niya. “’Tay, kailangan na raw niyang may hahalili sa kaniya sa rancho,” pagpaalam niya sa maliit na boses at may bahagyang pag-aalala na pilit niyang itinatago mula sa mga magulang. Napatingin ang kaniyang Nanay Stephani sa kaniyang ama at saka napatingin ito sa kaniyang pinsang si Marilou. Nagtatrabaho ito sa isang kompanyang tinatawag na Garden and Landscapes Corporation. Isang landscape designer ang pinsan at malimit na ipanapadala sa kahit saang sulok ng Pilipinas at Asya. Kalimitan, sa trabaho nito ay sakop ang mga seminars, conventions, contracts, at iba pa kaya sobrang abala ito. “Ano? At ano’ng sabi niya? Bakit ikaw ang tinawagan niya?” kuryusong tanong ni Marilou kahit na may posibilidad na iisa lang ang rason kung bakit napatawag ang kanilang tiyahin na nasa Hawaii halos sa buong buhay nito. “Ako raw… ang… ang napili niyang papalit sa kaniyang posisyon doon,” marahang sabi niyang ibinaba ang tingin saka napangiwi. Pagkatapos ay inangat na niya ang kaniyang paningin sa tatlong miyembro ng kaniyang pamilya. “I-I don’t think it’s making sense! May mga pinsan tayo riyang wala pang trabaho at magagaling din. Hindi ba, Marilou?” Medyo natataranta na siya sa huli. Napakurap-kurap ang nag-aalalang pinsan sa kaniya saka napatingin ito sa mga magulang niya. “Alam din naman niyang may trabaho ka na mula noong grumadweyt ka na nang dalawang taon na ang nakalipas,” ang sabat ng kaniyang ina. Alam nilang lahat na ayaw nitong mawalay siya sa kanila. Isa pa, inaasahan din siyang tumulong sa kaniyang kapatid na lalaki na magkokolehiyo na. Kahit nga ba ang lahat ng kanilang miyembro sa buong clan nila ay tinutulungan ng kaniyang Auntie Lerma ay ‘di iyon sapat para sa kanilang lahat. And she would have to bear that responsibility all her life! Eventually. Oo nga’t isang pribilihiyo ang mapili at makapagtrabaho sa Campbell Ranch ayon sa naging tradisyon ng kanilang angkan ngunit ayaw rin naman niyang mawalay sa kaniyang pamilya rito sa Pilipinas. Kung talagang may kalayaan siyang makapagpili at siya ang masusunod ay ayaw niyang mapawalay mula sa kaniyang mahal na pamilya⸺at mga kaibigan. “’Nay, kahit ayoko man, wala tayong magagawa,” malungkot na pahayag niya pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan at pag-iisip. Tila sumusuko na rin siya ngayon sa kaniyang kapalaran nang mapag-isip-isip siya nang malalim. Tinatantiya niya rin ang kalagayan ng tiyahin doon. Batid niyang nahihirapan ito pero alang-alang sa kanilang tradisyon ay nagsasakripisyo itong manilbihan sa malayong lugar. “Oo nga, anak. Alam na natin ang tradisyong ‘yan. Nirerespeto natin ‘yan mula noon pa. Pero ‘di ako makahagilap ng rason kung bakit sa dinami-dami n’yong magpipinsan ay ikaw pa ang napili ni Ate Lerma na papalit sa kaniya sa rancho,” nalilitong ani ama niya. Nakakunot ang noo nito. Lalo naman siyang napasimangot dahil sa katotohanang iyon. Hindi niya kailanman naisip iyon. Hindi nga niya iyon pinangarap. Hindi lang dahil sa wala siyang magiging love life ay magiging alila pa siya sa ranchong iyon sa buong buhay niya! Ibig sabihin, wala siyang magiging sariling pamilya kapag nandoon na siya. That much was true. Gaya na lang ng kaniyang tiyahin. “Ano ang isinagot mo kay Auntie Lerma?” ang tanong ni Marilou sa kaniya. “Hindi ako makatanggi, eh.” Napakamot siya ng kaniyang ulo. “Kahit ayoko man sana, ayokong mahihirapan siya nang dahil sa akin. Isa pa, baka naman talagang emergency at importante ‘yon. Hindi pa natin naiisip kung okay lang ba talaga siya roon, ‘di ba?” “Tama ka, anak. Hindi ko man lang siya nakakausap nang tatlong taon na rin dahil ayaw niyang may tumatawag sa kaniya roon. Baka ayaw niya lang maistorbo sa trabaho o kaya ay istrikto ang amo niya ngayon. O kaya naman ay para hindi siya mapapaisip na masyado tayong malayo na pamilya niya kaya gano’n. Kakaiba rin kasi ang ugali at pag-iisip ng kapatid kong ‘yon. At ngayon, ikaw lang ang kinausap niya. Paminsan-minsan ay napapaisip din ako sa kalagayan ng Ate Lerma ko, ah. Kung iisipin mo naman, ako nga lang ang kaniyang kapatid niya at ang lahat ay mga pinsan na namin at wala na ang mga magulang namin,” ang mahabang wika ng kaniyang ama. Medyo pinagsakluban din ng mundo ang ekspresyong nakaguhit sa mukha nito. Napatingin ang dalaga sa kaniyang pinsan at mga magulang nang malungkot ang mukha. Hindi niya lubos maisip ang kalagayan ng tiyahin doon. Paano na kung siya na ang nandoon? Dumating ang kaniyang kapatid na high school galing sa eskuwelahan nito at napatingin ito sa kanilang lahat nang may bahid na pagtatanong sa mga mata. “Aalis na ang ate mo,” ang malungkot na balita ng kaniyang ina sa kaniyang kapatid at napamaang ito sa narinig.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.5K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
184.0K
bc

His Obsession

read
92.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook