Lumayo ang kaniyang tiyahin at nakikipag-usap kay Zoie ang lalaking kanina’y kausap ng amo nila.
“I’m Huapala. I was supposed to pick you up yesterday but something… inevitable happened,” umpisa nito at napatango naman siyang nakipag-shake hands dito.
“I’m Zoie. Nice to meet you.”
Tumango itong nakangiti nang matamis. “So, you’ve met our great master on the ranch, eh?” Nakita ng dalaga na ngumiti pa ito sa kaniya nang mapakla.
“Yes,” limitadong tugon niya rito.
“Well, I’ll give you some tips about our master.” He said it conspiratorily.
“Aha. That’s... very thoughtful of you.” Ngumiti pa siya rito nang matipid. Pansin niya ang dark brown na mga mata ni Huapala.
“In fact, I am.” Tumawa naman ito bago nagpatuloy sa pagsasalita, “You must be careful with his tongue.”
“Huh?” nalilitong aniya.
Ngumisi ito. “His tongue lashes more than his actions. You see, when he speaks or merely coughs, the entire family and the ranch will tremble in fear.”
Napaawang ang mga labi ng dalaga dahil sa narinig. “Really?” Naisip niyang baka naman ay exaggeration lang iyong narinig niya mula rito.
“Really! He is an ill-mannered and devious man most of the time. You should be careful.” Saka kinindatan pa siya nito.
Naalala niya tuloy ang nangyari kahapon sa airport at kanina sa library. Mukhang totoo ang sinasabi ng lalaking ito. After all, bago lang siya rito at alam na alam siguro nito ang kalibre ng kanilang amo.
“You’re the right-hand man of Master Alem, aren’t you?” hula niya.
Tumawa ito sa kaniya at napasinghot. “Alem? His name is Alemana Campbell. I wonder why his parents gave him that name? Perhaps because it means ‘powerful man’?” Tuloy ay napadili-dili ito nang malakas.
Napakurap-kurap ng mga mata ang dalaga.
‘No wonder he’s acting like his name,’ napaisip tuloy siya. ‘Pero teka lang. Baka sinisiraan lang ng lalaking ‘to ang amo namin kasi sabi ni Auntie Lerma ay mabait naman daw si Master Alem.’ Tinitigan niyang mabuti si Huapala, tinatantiya. ‘Baka naman ay siraulo lang ang lalaking ‘to at kung anu-ano lang ang pinagsasabi. Pinagti-trip-an lang yata ako nito dahil bagong salta ako, eh!’
“Hey! What did you tell her?” Sumabat si Alemana sa kanilang dalawa at kasama nito si Lerma. Nagsalita ito sa native Hawaiian language kung kaya’t ‘di niya naintindihan iyon.
“Well, I just told her how bad you are. Is there something wrong with that? I had to warn her in advance.”
Narinig pa niyang sabi nito sa parehong lengguwahe kaya wala pa rin siyang maiintindihan na pag-uusap ng dalawa. Sumulyap siya sa tiyahin. Wala naman itong reaksyon na halatang nasasanay na sa dalawa.
“I called at least three people to get you out of here. Just rest your damn wound! I don’t want to buy you a damn coffin, Huapala!” ang tugon naman ni Alemana sa kaibigan na naiinis.
Hindi nagtagal ay dumating na ang tatlong tauhan ng lalaki sa rancho at inakbayan ang kaibigan nitong may sugat at halos kaladkarin na ng mga ito upang makauwi na sa bahay nito. Hindi man lang ito nakapagpaalam sa kaniya nang maayos na tila namimilipit sa sakit.
“I’ll see you later, Zoie!” anito.
Hindi talaga maintindihan ng dalaga ang sinasabi ng mga ito kaya napasimangot siya.
“What’s with you? He didn’t do anything wrong!” ang wika niya sa amo nang medyo may pag-aalala kay Huapala. “Must you have him dragged away from here?”
Hindi siya napigilan ni Lerma sa kaniyang biglang pagkagalit sa kanilang amo. At lalong wala itong nagawa sa naging reaksyon ng kanilang amo.
Napasimangot ang lalaki sa kaniya. Nanatili naman si Lerma sa kinatatayuan at baka pagbubuntunan naman ito ng galit ng amo. Alam ng lahat kung paano magalit ang lalaki at walang ibang makakaawat dito kapag nagkataon.
“Did you just say something to me?” Humakbang papalapit sa dalaga ang binatang amo.
Para siyang kandilang itinulos doon. Magkalapit na magkalapit ang kanilang mukha sa isa’t isa. Nalanghap pa ng lalaki ang mabangong hininga ng dalaga at ang fresh flower perfume nito na parang nag-aahon ng pananabik sa kaniyang dibdib. Minabuti niyang kontrolin ang damdamin at ipinakita rito ang nag-aapoy niyang mga mata sa likod ng sunglasses na suot ng babae. Pansin niya ang paglunok nito. Saglit na napunta sa leeg nito ang paningin niya na animo ba’y namimighani sa kaniya.
“I told you that he didn’t do anything wrong! He was just⸺” simula pa nitong magpaliwanag.
“Save your breath. I don’t want to hear anything from you. You know nothing about me or my men or anything about the ranch! You’re just new here. Act like one!” Pagkasabi’y umalis na siyang walang paalam.
Napasunod naman ng tingin ang magtiya sa lalaki. Ano kaya ang gagawin nito sa taong pinapakaladkad nito? Hindi alam ni Zoie ang kasagutang nasa utak niya.
“Auntie Lerma, ano po bang gagawin niya sa taong iyon?” ang tanong niya sa lumalapit na tiyahin.
Napabuga ng hangin ang tiyahin. “Bakit ka ba nagagalit? Pinapauwi lang ni Master Alem si Huapala dahil may sugat siya. Kailangan niyang magpahinga. Hindi ko pa nakikita si Master Alem na pinapagalitan ang bagong salta rito sa rancho nang ganoon, ah!”
Napaawang siya ng mga labi at napatingin siya sa likod ng among papalayo at pumasok na sa opisina nito sa rancho. Nanunuyo tuloy ang lalamunan niya. Tama nga naman ang kaniyang tiyahin. Wala siyang karapatang magalit. At tama rin ang amo niyang wala siyang alam tungkol dito, sa mga tauhan nito, at sa rancho!
Napasapo siya sa kaniyang noo. Her first day on the ranch was terrible, and it was totally a disaster!
Hinila na siya ng tiyahin upang bumalik sa mansion. Isang kilometro din ang nilakad nila pauwi. Hanggang ngayon ay hindi pa niya nakalilimutan ang eksenang iyon sa pagitan nilang dalawa ng kaniyang amo. Ang tanga-tanga kasi niya. Kung bakit pa siya nakialam sa amo niya. Ano na kaya ang iniisip nito sa kaniya ngayon?
Napangiwi siya tuloy at napakagat-labi pagkatapos.