Hindi agad nakasagot si Alemana sa kaibigan. Walang nakaligtas na impormasyon mula kay Huapala. Siguro na rin ay dahil sa kaniyang butler na matabil ang dila. Medyo kasali ito sa pinagmumulan ng grapevine sa rancho, kung hindi man ito ang ugat.
Napatingin siya kay Lihau na umiwas naman ng tingin mula sa kaniya at sa dalawang Pilipina. Halatang guilty itong tingnan. Siguro ay nasabi nitong magsisimula na ang babae sa araw ding iyon.
“Lihau, you go to my office and face the wall,” marahang sabi niya sa kaniyang butler.
Napaasim ang mukha ng butler. Kapag hindi nagustuhan ng amo ang mga ginagawa nito ay pinapaharap na ito sa anumang dingding upang huwag din niyang marinig ang gusto nitong sasabihin o kaya ay paliwanag man lang.
“Master Alem…” simulang protesta ng butler.
Ngumuso lang si Alem dito at sa direksyon ng one-story building na gawa sa kongkreto at bricks.
Napatawa naman si Huapala at tinapik sa balikat ang butler habang ang isa nitong kamay ay nakasuporta sa tagiliran nitong may malaking sugat dahil sa pakikipag-away nito sa toro kahapon na kararating lang sa rancho, katulad ni Zoie.
Lumayo na si Lihau na may kaunting sama ng loob sa amo kapag ito ang nangyayari.
“Why are you here anyway?” puna pa niya sa kaibigan. “The doctor said⸺”
“I was also very curious about your new property manager. That’s why I’m here,” diretsahang anito sa kaniya.
“What? And why are you curious about her? Besides, you saw her already,” tila naiinis na aniya rito sabay kumpas. “Now, why don’t you go back home and rest your damn injury?” Nagmartsa na ang binata papalayo sa kaibigan.
Narinig niyang napa-tsk nang nakangisi si Huapala. “Why are you being like this?”
Binigyan niya lang ito ng masamang tingin.
Paparating na sina Lerma at ang pamangkin nito. Batid niyang babatiin ng kaibigan ng “Aloha!” at “E como mai!” (Welcome!) ang dalaga. Para naman hindi akalain ng babae na bastos ang mga locals ng Big Island.
Siguro ay may ideya na ito kung bakit ganito na lang ang kaniyang reaksyon sa bago niyang property manager. Kung wala lang sakit si Lerma ay magtatagal pa ang singkuwenta anyos na napakaloyal na alila ng binata. Walang ibang nakakakuha sa mood swings niya kundi ang malalapit na mga tauhan niyang sina Lerma, Huapala, at Lihau. Kung hindi pa, matagal nang iniwan ang may masamang ugaling amo ng Campbell Ranch.
“Lerma! Is that your niece?”
Narinig ni Alemana na usisa ng kaibigan niya kahit sa hindi magandang ayos nito dahil sa sugat sa tagiliran.
‘Such a piece of work!’ sa isip na lang niya.
May kunwari’y inaasikaso ang binata habang panakaw na pasulyap-sulyap sa mag-tiyahin. Alam niyang naintindihan ni Lerma ang inasta ng kaibigan niya dahil sa tagal na nitong paninirahan sa Big Island. Trenta y uno anyos na itong naninilbihan sa pamilya nila katulad ng kaniyang edad.
“Yes, Huapala. I heard what happened yesterday. I never thought something like that would happen to you,” ang mahinahong tugon ni Lerma rito.
Sa tagal ba namang isang cowboy at handler ng kaibigan niya ay nadisgrasya pa ito kahapon. Kung bakit kasi ang laki ng kumpiyansa nito sa sarili tuloy ay nasugatan ito. Buti na lang ay nakatakas ito sa tiyak na kamatayan. Pinaglalamayan na sana nila ito ngayon kung hindi pa ito masuwerte kahit papaano.
***
Napatingin si Huapala kay Zoie. Pati na rin ang dalaga ay napatingin sa guwapong Native Hawaiian. Kung ‘di niya alam na isa itong lokal ay iisipin niyang isa itong Pinoy. Ngunit iba naman ang amo nila. Mas mukha itong tanned American. Tuloy napadili-dili siya kung ang puti at makinis na kutis niya ay masusunog din sa araw katulad ng kaniyang among si Alemana Campbell. Malamang magiging gaya nga siya sa mga ito sa katagalan lalo na’t aaraw-arawin niya ang paglabas sa mansion.
“Accidents happen when we don’t think of them. By the way, can I have a word with your niece alone? Later maybe? I’ll just give her some tips while she’s here.” Kumindat pa ito sa Auntie Lerma niya. “It’s going to be her home from now on, after all.”
Tumango si Lerma nang nakangiti. Mukhang may magandang kalooban naman ang Native Hawaiian na ito. And he was charming in his own way.
Iniwan sila nito nang saglit upang kausapin sandali ang among abala sa pag-iinspeksyon sa bakod na mukha namang matibay sa paningin niya.
Naaamoy na niya kanina pa ang libo-libong baka sa rancho. Alam niyang ang mga nakikita niya ngayon ay hindi pa kalahati sa lahat ng kabuuan ng mga bakang inaalagaan sa rancho upang ipagbibili sa local at international markets. Isa sa mga beef and milk suppliers ng America at ilang mga bansa ang Campbell Ranch kaya hindi na nakapagtataka na ang may mahigit isang daang ektarya na rancho ay may marami ring mga baka. Napakalapad din ng damuhan para sa pagkain ng mga baka. Hindi masyadong nahihirapan ang mga tagapangalaga roon lalo na ang may-ari. Pero ano nga ba ang alam niya sa rancho? Baka sa malao’t hindi ay malalaman niyang hindi pala madali ang pamumuhay roon.
Kanina ay nakita niya ang tatlong kalalakihang seryoso sa pag-uusap at umalis ang butler ng lalaki at nakikipag-usap ito sa isang lalaki at iniwan ito nang makita silang mag-tiya na papalapit. Saglit na nag-usap ang Native Hawaiian at ang kaniyang tiyahin.
Hindi niya maintindihan ang lengguwaheng gamit ng mga ito. Kung kaya’t tuturuan muna siya ng kaniyang tiyahin bago ito babalik sa Pilipinas. Kahit na English ang ginagamit dito ay dapat niya ring matutunan ang Hawaiian language, which was basically taught in schools, upang makaintindi at makapagsalita naman siya kapag kailangan lalo na’t ito ang isa sa mga patakaran sa rancho.
‘Hay! Makakaya ko kaya ito kung maraming gawain dito?’
Mapaisip lang siya ay parang gusto na niyang lumangoy pabalik ng Pilipinas.