Nakatitig si Alemana sa babaeng lumabas ng KOA Arrival Lobby. Ito agad ang umagaw sa kaniyang pansin nang hindi niya mawari. Suot lang naman nito ay kaswal na damit at walang espesyal.
‘Is it something about how she walks? Her hair? Her pretty face?’ sa loob-loob niya.
Kung hindi pa nagkaroon ng disgrasya si Huapala, ang kaniyang right-hand man sa rancho, dahil sa mga toro ay ito sana ang susundo sa bago niyang property manager.
Hindi niya na-imagine na napakaganda at napakaseksi pala ng pamangkin ni Lerma. Wala naman kasi itong ipinakitang larawan sa kaniya at wala siyang interes kung sinuman ang papalit dito basta ba’t magaling. Batid niyang kamag-anak ng kasalukuyang property manager ang kukunin nitong hahalili ayon sa nakaugalian na ng dalawang angkan.
Pasimpleng namasyal ang paningin niya sa babae. Dahil sa suot nitong skinny jeans ay nabigyang-diin ang medyo mahaba nitong legs kahit na katamtaman lamang ang tangkad ng babae. Ang suot naman nitong sleeveless blouse ay fitting na nag-e-emphasize sa overall figure ng dalaga. He had never checked out any woman like the way he did right now. Wala naman kasi siyang interes sa mga babae lalo na’t napaka-busy niya sa rancho. It had never occurred to him to get involved with any woman, be it no-strings-attached affair or not.
Maganda ang boses nito nang magsalita ngunit hindi naman niya nagawang kausapin talaga ito. Para kasi siyang nabatubalani dahil dito kaya napatingin lang siya sa dalaga habang papalapit ito sa kaniya at nakipag-usap.
Batid niyang hindi talaga siya ang best gentleman sa modernong panahon. He was used to having his way, bagay na alam niyang dapat na baguhin sa kaniyang sarili. Nagpatiuna na siya upang sumunod lang ito sa kaniya. Pinagbuksan lang niya ito ng pinto at sinabihan itong ilagay na sa likod ang bagahe nitong dala-dala. Sa tingin niya ay hindi naman mabigat iyon. Otherwise, she would have asked help, wouldn’t she?
Right now, he did not want to encourage anything between them. Gusto niyang obserbahan ang babae. Gusto niyang tingnan at malaman kung ano ang reaksyon nito sa bawat kilos niya.
‘So far, so good,’ sa isip niya.
Nang makapuwesto na ito sa tabi niya sa passenger seat ay amoy na amoy niya ang tila fresh flowers sa isang hardin kahit sa mahaba-haba nitong biyahe. Habang nagmamaneho ay para naman iyong tila tukso sa kaniyang katauhan. Pasulyap-sulyap lang siya rito sa isang sulok ng kaniyang mga mata.
Ano kaya ang flowery perfume na gamit nito at ito na lang ang kaniyang nararamdaman para sa babaeng ito?
Para pigilan ang sarili, hindi na lang niya ito tiningnan man lang kung nakapasok na ito sa mansion. Pinilit din niya ang isipang bumalik sa trabaho. Pagagalitan pa niya sana sina Huapala at Lihau dahil siya ang gumawa sa trabaho sana ng dalawa pero nadisgrasya ang kaibigan niya samantalang hindi marunong magmaneho ang butler niya. Bakit ang malas niya? Sabagay, hindi naman niya ni-require ang butler niya na marunong magmaneho noong nagha-hire siya. Hindi kasi siya sanay na may ibang magmamaneho para sa kaniya.
Alam niyang dalawang linggo pa lang bago makakabalik sa pagtatrabaho sa rancho si Huapala ayon sa sinabi ng doktor nito. Mayroon itong sugat sa tagiliran dahil sa nasungay ito ng isa sa mga toro na kararating lang sa rancho. Kahit papaano naman ay naawa siya rito. Buti na lang hindi grabe ang natamo ng kaibigan.
Nabuwisit siya sa sarili habang nasa opisina. Palaging pumapasok sa isipan niya ang dalagang bagong dating lang⸺ang napakagandang dilag na pamangkin ni Lerma. Kung bakit ito ang laman ng isip niya gayong kakakilala niya lang dito. Maybe it was just his testosterone acting up. Matagal naman na kasi siyang walang aksyon sa kama dahil puro trabaho lang ang inaatupag niya.
Kinagabihan ay hinanap niya ang babae ngunit ipinagpaalam sa kaniya ni Lerma na pinagpahinga na nito ang pamangkin dahil sa pagod ito sa biyahe kaya kailangan niyang maghintay ng umaga upang makita itong muli. He could not almost wait for morning to come and lay his eyes on her once again.
Plano niyang subukan ang galing ng babae ayon sa pagmamalaki ni Lerma. Kailangan niya ring makita ang iba pa nitong kalidad bilang property manager niya sa rancho at sa iba niyang ari-arian. Kaya naman ay pinapagawa niya ito ng software para magagamit sa rancho. Kunsabagay, kailangan nang i-update o kaya ay palitan iyon upang mas lalong efficient, mabilis, at organisado. ‘Ika nga, killing two birds with one stone.
“Master Alem, look!” Ininguso ni Lihau ang direksyong gusto nitong ipatingin sa kaniya.
Nagsalita ito ng Hawaiian dahil sa patakaran din ng rancho bilang universal language nila. Nais ng angkan niyang hindi mawawala nang basta ang lengguwaheng iyon kahit na Ingles ang gamit sa Hawaii.
“Why? Did something happen to the cattle?” naitanong niya.
Tumigil siya sa pagtse-tsek ng inventory. Sinunod niya ang direksyong ininguso sa kaniya ng kaniyang butler.
Nakita na lang niya si Zoie na naglalakad sa rancho kasama si Lerma. Batid na niyang ipinagpaalam ng may edad na babae ang lugar at kung ano ang ginagawa roon.
Nakasuot ito ng boots para sa rancho, skinny jeans, sleeveless blouse sa ilalim ng manipis na floral jacket, at naka-sunglasses pa ito dahil sa sinag ng araw. Para naman itong bagay na bagay sa rancho dahil alam nito ang isusuot at akma ito roon.
Bigla niyang nahagip ang hininga.
‘She looks amazing!’ sa isip ng binata na humahanga.
Hindi niya mawari na para bang proud siya rito. Bakit naman kaya? Property manager lang naman niya ito. Gayunpaman, hindi pa nakakita ng ganoon kaganda ang rancho nila. Gayon din ang paghanga niya ritong hindi siya nakakita ng mas maganda pa kaysa sa dalaga. At tila ba ay naisip niyang napakabagay nitong tumira sa rancho niya.
Pero bakit parang ayaw niyang aminin iyon? Ang isang sulok ng kaniyang isipan ay nagsasabing isang property manager lang niya ang babae at wala nang hihigit pa roon ang pagiging bagay nito sa kaniyang rancho. Sa kabilang banda naman ay alam niyang nasa parehong pahina ang kaniyang isipan at puso dahil sa babae.
“Alemana, what are you looking at?”
Narinig niya ang boses ni Huapala mula sa kaniyang likuran. Lumingon siya rito pero hindi nagsalita, kahit na nagtataka kung bakit ito nandoon gayong injured ito.
“Ah, such treasure to behold!” Ngumiti pa sa kaniya ang cowboy.
Alam na niya ang nasa isipan ng kaibigan s***h right-hand man sa rancho. Nakita rin pala nito ang kaniyang tiningnang maigi. Ito lang ang tanging servant niyang tinatawag siya ng kaniyang buong pangalan at walang “master” na title niya sa rancho bilang nakasanayan na simula sa mga ninuno niya.
Kababata niya si Huapala kung kaya’t ito ang best friend niya simula noon pa. Magkatulad sila ng paningin at paniniwala sa buhay at magkapareho rin ang tipo nilang babae.
Iyon nga lang ay alam niya ring mas guwapo siya kaysa sa kaniyang kaibigan. Si Huapala ay katamtaman lang ang kapogian at may dugong pure Hawaiian, katulad ng kaniyang bulter na si Lihau. Hindi tulad niyang kalahati dahil ang ina nila ng kaniyang kapatid ay Hawaiian at ang ama ay purong Amerikano. Dahil sa pagiging magandang lalaki, isa iyon sa rason kung bakit mas maraming babaeng nagkakandarapa sa isang bata at napakayamang bachelor na katulad niya sa buong Hawaii at Polynesia.
“Is that your new property manager?” ang pagpatuloy pa ni Huapala na hindi rin inihiwalay ang paningin mula sa babae.