Kinabukasan ay ipinatawag si Zoie ng amo ng rancho. Kinakabahan tuloy siya. Ano kaya ang sasabihin ng lalaki sa kaniya?
Pumasok na siya sa library-s***h-office ng mansion na nasa ground floor. Nakita niyang nandoon ang kaniyang tiyahin sa isang tabi na medyo nakayuko ang ulo at may kasama itong isang lalaki na napaka-dark brown na average lang ang hitsura, nasa mid-thirties, hindi masyadong matangkad, at medyo may katabaan ito. Nakasuot naman ito ng malinis na itim na jeans at puting T-shirt na naka-tuck in.
Napatingin siya sa lalaking nakatalikod. Hindi niya akalaing makikilala niya ito kahit nakatalikod ito. Nakasuot ito ngayon ng puting jeans at puting T-shirt. Mukhang totoong tao ito ngayon kaysa sa isang workaholic cowboy na nakatagpo niya kahapon.
“Good morning,” bati niya. Binalewala na lang niya ang dalawa pang kasama na nasa library-office din.
Pumihit ito at nakita niya ang hindi nakangiting mukha ng lalaki.
“I knew you would arrive yesterday.” Tumingin ito sa kaniya. Pagkatapos ay ibinaling nito ang paningin sa dalawa pang nasa parehong kuwartong kinaroroonan nila na nakatayo malapit sa bookshelves. Sumenyas ito at tumango ang dalawa bago umalis.
Napasunod siya ng tingin sa dalawang papalabas. Pagkatapos maisara ng butler, sa tantiya niya. Pagkuwa’y napatingin siya ulit sa lalaki.
“I heard you had an orientation done by your aunt early this morning, before breakfast, in fact. She also said that you liked your room. I’m glad to hear that. It is your room from now on.” Pagkatapos nitong tumingin sa kaniya ay sa mesa naman nito. “I already know about your clan and my family’s tradition regarding your service,” ang sabi nito.
‘Wow naman. In detail pa. Pero hindi naman halatang glad siya,’ taray ng kaniyang isipan.
“Yes, Master Alem…” sabi na lang niya nang marahan.
Napatitig sa kaniya ang lalaki nang maigi. Magkahinang ang kanilang paningin nang hindi sinadya.
Lumakas ang pagpintig ng kaniyang puso. Hindi niya iyon inasahan. Bakit ba ito ang kaniyang nararamdaman? Normal lang namang paminsan-minsan ay magkatitigan ang dalawang tao. Nang mata sa mata. Nang walang kisapan. Katulad ng kaniyang tiyahin at siya⸺o ng isang estranghero. Ngunit ito ay kakaiba sa lahat.
Napatitig tuloy siya sa medyo mahabang dark brown hair ng amo upang kalimutan ang nararamdaman at magkaroon ng distraction. Pero nagagandahan naman siya sa kulay niyon. Napakurap-kurap na lang siya at ibinaling sa mesa ang paningin.
“I can see from your file that you have worked for a software company before you got here,” bukas nito sa paksang iyon. Ewan niya pero ang ganda pakinggan ng boses nito. “I would like you to make a new program for the ranch and the estate. The details are here. If possible, I would like to see the initial software in a month. It’s enough time for you, I gather,” at saka itinuro pa nito ang isang malaking envelop na nasa mesa sa pagitan nilang dalawa.
Mukhang bago ang mahogany desk nito. Ngunit alam niyang medyo dalawang siglo na ito, sabi ng kaniyang tiyahin noon. Talagang maalaga sa mga gamit ang amo nilang ito pati na ang ibang nakatatanda nito. Ang lahat ng bagay na naroroon sa libray ay napakaayos at napakalinis. Kitang-kita niya iyon sa mga nakahilerang aklat sa bookshelves.
“So, can you do it?” tanong nito nang hindi siya sumagot.
Medyo napatda pa siya dahil doon. Ano, may test ba siya rito? Dapat kayang hindi niya ito ipapasa at baka puwede siyang makauwi sa Pilipinas?
“What if I can’t do it?” tanong naman niya rito. Itinaas pa niya ang nguso nang bahagya.
“Well, in that case, you are going to have some punishments,” simpleng tugon ng lalaki.
Nanlaki ang mga mata niya sa kaniyang narinig. Napamaang din siya. Ano naman kaya ang punishments ang tinutukoy nito? Bakit plural? Hindi ba puwedeng isa lang?
“W-what are the punishments, if I may ask?” Napalunok siya pagkasalita.
Ngumiti ito sa kaniyang habang lumalapit sa kinatatayuan niya. Ang lapit-lapit nila sa isa’t isa. Amoy na amoy pa niya ang mabangong aftershave nito at parang mas gumuwapo itong tingnan sa malapitan.
Naramdaman na lang niyang umiinit ang kaniyang mukha dahil sa malagkit na titig nito. Umatras siya.
“Don’t ask. Curiosity killed the cat.” Bigla naman itong sumeryoso pero narinig niya ang marahang tawa nito nang umalis ng library.
Napamaang siya saka napatingin ulit sa envelop na nasa ibabaw ng mesa pagkatapos ng ilang sandali. Narinig niyang may pumasok na naman. Ang kaniyang Auntie Lerma.
“O, alam mo na ba ang gagawin mo? Sinabi na ba niya lahat sa ‘yo?” usisa nito.
“Gagawa raw po ako ng bagong program para sa rancho,” ang tugon niya nang matabang. Batid niyang mga data ang nasa loob ng envelop na iyon na dapat niyang i-incorporate sa kaniyang software na gagawin.
“O, eh, magaling ka roon. Kayang-kaya mong gawin iyon. Nagpapasalamat talaga akong magaling ang napili kong papalit sa akin,” may kumpiyansang sabi ng kaniyang tiyahing nakangiti nang maluwag.
She could not just spoil her aunt’s satisfaction for nothing. Isa pa, pangalan ng kanilang pamilya ang nakataya rito kaya dapat na ayusin na lang niya ang kaniyang trabaho. Kung ito nga ba ang kaniyang kapalaran sa mundong ibabaw, ito na dapat ang kaniyang gawin.
At isa pa, alam na niya ang kaniyang life purpose sa mundo ngayon. Naalala pa niya noon na parati niyang tinatanong ang sarili kung ano ang kaniyang life purpose sa mundo. At ngayon, nasa harapan na niya ito. Maninilbihan na siya sa rancho sa tanang buhay niya. No more, no less. At sumusuko na siya sa kaniyang kapalaran ngayon.
“Auntie, hindi ba parang… exploitation na ‘tong ginagawa niya? Puwede naman siyang magha-hire ng developer. Tapos, ‘yong sa financial matters, ‘di ba dapat licensed accountant siya?”
Ngumiti sa kaniya ang tiyahin. “Oo, meron naman siya. Ginagawa lang naman niya ang lahat ng ito para subukan ka, kung sakaling kailangan niya ng tulong. Isa pa, hindi siya nagtitiwala kaagad kaya ginagawa ito ni Master Alem. Kapag nakapasa ka na, makikita mong hindi siya masamang amo.”
Napausli siya ng nguso. “Gano’n po ba?” Duda pa rin talaga siya.
Napangiti lang ang tiyahin niya na tumango sa kaniya.
Sa araw na iyon, ipinakita sa kaniya ng kaniyang tiyahin ang lahat ng mga gawain sa loob ng mansion. Inilibot na rin siya nito sa rancho sa abot na kanilang makakaya at kung saan naroroon ang mga baka na siyang inaalagaan ng kanilang amo at ng mga trabahante roon tulad ng mga handlers. Napakalaki ng rancho at aabot ng ilang araw bago niya malibot ang lahat upang makita lang ang bawat detalye nito.
‘Hay! Dito na ba talaga ako maninirahan habang-buhay?’