SDSA6

1910 Words
Nakisilong siya sa isang tindahan ng bumuhos ang malakas na ulan. Nanonood uang mga tao sa loob ng TV kung saan nakabalandra na naman ang mukha ng babaeng karelasyon ni Rex. Di niya maiwasan na di mainis kasi ang swerte nito masyado sa buhay. Napakaganda pa at higit sa lahat napakasexy nito tapos nasa kandungan pa ito ng lalaking matagal na niyang pinapantasya. "Chocolate or s*x?" Tanong ng host na ikinalingon niya. Like seriously he have the guts to ask the model that question. Di naman siguro aamin ang babae na nakikipagsex ito. "s*x!" Nakangiting ngumiti pa ito. Kaloka, grabe naman ang babae. Para sa kanya ay di bagay ang babae kay Rex mukha itong liberated. "Daks or Juts?" Tanong uli. Of course alam niya ang meaning ng mga daks at Juts na yan. "Daks syempre." pilyang tumingin pa ito sa bandang hita ng lalaking katabi nito. "Grabeng liberated naman ni Miss Sabina." komento ng isang nandun sa loob. Patuloy lang ako sa panonood habang kumakain ng cup noodles na nabili ko sa tindahan. Parang kainan din kasi iyon kaya maraming tables kung saan pwede silang mga kustomer maupo at kumain. "Okay lights on? Or lights off?" tanong uli. "Lights on." sagot ng babae. Napangiwi siya sa sagot nito, nakakahiya siguro yun lalo kung magtitigan kayo habang sinasaksak ka ng tarugo niya. "Wow that was very hot and wild Miss Sabina." nakangiting komento ng host. Napatitig nalang siya sa gwapong lalaki na matagal na niyang pantasya. Rex Sandoval is everybodies crush lalo na ng college palang siya. Sa bata kasi nitong edad ay nagawa na nitong payamanin ang sarili. Ito rin ang isa maraming inspirasyon niya nung nagtayo siya ng kanyang negosyo. "Ang pogi niya no? Parang ang seryuso pero mukhang sagana sa dilig si Miss Sabina." sabi ng bakla sa tabi niya ngumiti lang siya. Ano ba ang pakialam niya sa dilig na sinasabi nito. Di naman niya pa nararanasan ang dilig dilig na yan, at wala siyang balak na maghanap ng didilig sa kanya kung di lang din naman si Rex ang didilig sa kanya. "Bayad ko po Ate." sabi ko sabay abot ng tira niyang isang daan sa tindira. Maglalakad nalang siya pauwe, exercise na din malamig naman kasi katatapos palang ng ulan. Bagamat basa ang semento ay ayos lang di naman bahain at malinis naman ang mga kanal kasi laging nililinisan ang lugar. May mga mangilan ngilang puno din kaya naman presko pa ang hangin. Mabagal lang ang ginagawa niyang paglalakad para naman maenjoy niya ang tanawin sa lugar nila. Meaning yung mga bahay na dati ay plywood lang na ngayon ay pawang mga bato na. Unti unti ng nagsusumikap ang mga tao, di siya naiinggit sa mga ito dahil gawa na din ang ilang bahagi ng bahay nila. Gusto nga sana ni Xadrin na tapusin na kaya lang sabi ng Nanay nila e unahin ang para sa kinabukasan nila kaysa sa bahay. Maluluma ang bahay at balang araw makakapagawa ng marami kung maayos na ang negosyo. Sa ngayon kasi sa kabila ng kanilang tagumpay sa negosyo ay nagbalik eskwela ang mga kapatid niya. Dati ay lingid yun sa kaalaman ng kanilang ina, Ngunit kamakailan lang ay nalaman nito matapos na mapaaway si Xadrin sa school. Natuwa ang nanay nila syempre, sinong magulang ba ang hindi? Sa ngayon ay malapit ng matapos ang kurso ni Xadrin at Xadriel kaya naman e excited na din ang mga ito na humawak ng deploma. Bagamat iba ang may pinag aralan ay talo parin kung may negosyo ka. Pag may pinag aralan ka, oo magkakatrabaho ka ngunit habangbuhay kaman magpakakuba sa pagtatrabaho still ang amo mo parin ang yayaman. At ikaw ay mananatiling isang empleyado lamang. Sapat lang sa pang araw araw na pangangailangan mo ang sasahorin mo. Maaga pa naman pagdating niya sa bahay nila. "O bakit ka naglakad lang, nasaan na ang pinabili ko?" tanong ni Nanay. Nakalimutan niya ang pinabili nito dahil sa pagiging mabuting mamamayan niya. "Nakalimutan kung magdala ng pera Nay, tinext ko na si Xadriel siya nalang ang bibili." sabi ko. Tinawagan ko pa nga kanina para sure alam ko kasi pag ganitong araw ay half day ang klase nito at dadaan ito sa shop nito upang i monitor ang sales at stocks nito. Yun ang nakakaproud sa mga ito, sa kabila ng tagumpay sa negosyo ay pinili paring tapusin ang pag aaral. Ilang subjects nalang naman ang kulang nito para makagraduate hopefully this school year ay magtatapos na ang dalawa magkaibang kurso nga lang. "Buti at di ka nabasa," sabi pa ng kanyang ina. "Nakisilong ako Nay," sagot ko. "Kailan kaba talaga mag aasawa Xania?" tanong ni Mama na ikinangiwi ko. "Nangapitbahay na naman kayo? Sabi sa inyo e dito lang kayo. Naiinggit kayo sa mga apo nila naku bata pa naman ako." kakamot kamot kung sabi dito. "Anong bata, hoy Xania para ipaalala ko sayo di kana bumabata, kailan ka mag aasawa? Pag inaamag na yang pempem mo? Naku baka magsara na yang bahay bata mo." tila si Nanay pa ang nag aalala sa aking love life e wala nga akong makuha kuhang kamukha ni Rex na manliligaw e. Anong maggagawa ko kung walang makapasa sa standard niya. "Nay kalma lang, hayaan nyo bukas iikotin ko ang Maynila, para mahanap ko na ang mapapangasawa ko, baka napadaan sa palda ng ibang babae." biro ko na muntik pa akong tamaan ng tsinelas na lumilipad. "Hay naku, kung nandito lang sana ang Papa nyo-" alam na niya ang kasunod nun mag mmk na naman ang kanilang inang reyna. Tiyak na may isang oras o higit pang pagbabalik tanaw sa pagmamahal nito sa kanilang ama. "Ooops Nay, nasa langit na ang kaluluwa ni Papa parang awa nyo na patahimikin niyo na. Napanaginipan ko nga po yun kagabi e." sabi ko kahit di naman. Pang asar naming magkapatid yun sa ina, ayaw kasi nilang nalulungkot ito lalo na pag inaalipusta kami ng mga ambisyosa naming kaanak. "Ano na namang kalokohan ang napanaginipan mo?" nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya. "Sabi niya hanapan daw kayo ng lovelife para daw sumaya na uli kayo." biro ko dito. "Sarili mo nga di mo mahanapan ng love life e. E ako pa kaya basta maghanap ka ng aasawahin pag hindi papayag akong mamanhikan si Tiban." sabi nito na tumalikod na. Mukhang seryuso ang kanyang ina sa sinabi. "Ang haba na naman ng nguso mo Ate, nag sermon na naman ba si Nanay?" bungad ni Xadrin. Alam na alam na talaga nila ang ugali ng kanilang ina. Mainit ang dugo sa kanyang pagiging single. "Araw araw nalang, ihanap mo nga ako ng afam yung matanda at mahina na ang tuhod." sabi ko sa kapatid na napabuga ng iniinom nitong tubig. "Baliw! Ihahanap kita, available pa naman si Tiban. Ikaw lang din yata ang hinihintay niyang mag asawa e." tatawa tawang pang aasar nito. "Wag na uyyy, gusto ko pang mabuhay ng matagal." sabi ko dito. "Bakit mapapakain ka naman nun." sabi nito, may tindahan kasi si Tiban may hitsura naman kaya lang ay nag aalala siya sa laway nito sa tuwing nagsasalita. Napapatitig siya doon. Parang laging nagbabalak mag suicide ng laway nito laging nasa gilid ng bibig. "Baka mamatay naman ako sa amoy niya, wag nalang." sabi ko pa. Di kasi ito mahilig maligo proud na proud pa nga ito sa once a week nitong ligo. "Grabe naman to, naliligo naman din yung tao." natatawang sabi ng kapatid niya. "Ligong minsanan lang sa isang buwan. Salamat nalang." nakangiwi kung sabi dito. "Alam mo ate kung si Rex ang batayan mo sa pagpili ng lalaking mamahalin mo aba e di na ako magtataka pa kung tatandang dalaga ka nga." sabat naman ni Xadriel. "Sinong Rex? Ex mo?" tanong ni Xadrin. "How I wish kasi kung maging nobyo ko siya e never akong magiging ex." sabi ko dito. "Naks, parang malabo pa sa mata ko ang katotohanan na makapag asawa ka." sabi ni Xadrin. Nabatukan niya ito bago paman makapasok sa loob. Ang priority niya sa ngayon na bigyan ng solusyon ay ang permanenting pagkukuhanan ng mga ibebentang items. Sa ngayon kasi temporary lang pinagkukuhanan niya, walang kakayahan ang mga ito na magdoble ng produksiyon. Wala naman siyang pang advance sa mga ito. Kasi paikot ikot lang ang kapital niya. "Mababaliw na nga yata ako e, di ko alam kung saan ako kukuha ng pang dagdag sa mga items ko. Gusto ko sanang may makuhanan ng maraming items, kaya lang saan? Limited lang ang aking kapital." daing ko. "Pautangin kita gusto mo?" sabi ni Xadrin na biglang sulpot sa kanyang tabi. "Saka na ako mangungutang mag asawa daw muna ako. Ayokong ipaasawa ako ni Mama kay Tiban." nakangiwi kung sabi sa mga ito na ikinatawa nilang pareho. Napapagod na din naman siyang magmahal ng sarili niya kaya siguro its time na i career na niya, ang paghahanap ng love life. Baka sakaling yun ang makatuwang niya sa pagharap sa mga suliranin niya. Wag lang sana na mapunta siya sa palamunin na lalaki at baka makapatay siya ng asawa agad agad. "Ate ayos lang ba kung mauuna akong mag asawa sayo?" si Xadrin na tumabi sa upoan ko. Nanlaki ang mga mata niya na napatulala dito. Bumalik sa alaala niya ang matanda kanina. Tandang tanda niya ang lahat ng sinabi nito sa kanya kanina. "Seryuso ka?" tanong ko pa dito. Baka sakaling mali lang ang dinig niya. Tumango naman ito. "Buntis naba si Melisa?" nag aalangan kung tanong dito pag tumama ito ay maniniwala na talaga siyang manghuhula ang matandang iyon. Napakamot ito. "Di pa naman sure pero napurohan ko yata e. Delay daw siya ngayong buwan." sabi nito na mukhang excited sa magiging resulta ng paggawa nito ng bata. Pero ang tumatak sa isip niya ay ang matanda. Lumingon lingon siya muna bago humarap sa kapatid. "Alam mo bang may nakilala akong matanda kanina, sinabi niya yan sakin." sabi ko dito. Di naman makapaniwala na tumingin sa akin ang kapatid ko. Maging si Xadriel na abala sa kakakalikot sa cellphone ay naagaw ang pansin. "Anong konek ng matanda?" tanong nito nakita yata na seryuso siya. "Kanina kasi bumili siya sa karinderya e walang pambayad kaya naawa ako ayon pakabayani ng slight. Nag uusap kami sabi niya lilindol daw, syempre di ako naniwala. E biglang lumindol kanina diba. Tapos sabi niya ikakasal ang kapatid ko bago ako maikasal. Tapos ayan nga mag aasawa kana." sabi ko. "Talaga?" si Xadriel, alam ng mga ito na nagsasabi siya ng totoo. "Oo ang wierd nga e, sinabihan niya kasi akong makakapag asawa na ako pagkatapos mo. E wala naman akong nobyo." sabi ko. "Hehe baka kinausap na ni Nanay si Tiban kaya makakapag asawa kana." si Xadriel. "Baliw, di no ayoko nga kahit mamatay ako ngayon di ako papatol dun. Sayang naman ang pagkachoosy ko kung dun lang din naman pala ang bagsak ko." nakanguso kung sabi sa mga ito. "Wag kana kasing choosy parang awa mo na, gusto ko naring mag asawa." si Xadriel na ikinatawa namin pare pareho. Mukha man akong niloloko ng mga ito pero alam kung nag aalala lang ang mga ito na baka tumandang dalaga siya sa sobrang pagkapihikan niya. Di nalang siya mag aasawa kung ang lalaki lang din naman ang mapapangasawa niya. Ang inaalala niya ang mangyayari daw bukas na magpapabago ng kanyang buhay. Ang hiling niya lang ay sana wag naman na makakilala siya ng lalaki agad agad di pa siya ready na ipagpalit si Rex.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD