Gaya ng nakagawian niya ay abala siya ng araw na iyon, kailangan niyang maghanap ng mga pwedeng maging supplier ng kanyang mga items. Habang tumatagal kasi ay lalong lumalakas ang pressure sa paghahanap ng mga items na papasa sa panlasa ng mga makabagong henerasyon.
Sa ngayon kasi although may mga items siya na pumapatok sa mga bata bata pa, ay may mas marami na naman siyang competitors lalo at nauuso na din ang online shopping. Di niya maaring ipagsawalang bahala ang mga demand ng mga customers niya. Lalo at ang mga ito ang bumubuhay sa kanyang negosyo.
"Tatay baka naman pwede nyong i consider. Handa naman po akong gumastos para sa production." pakiusap ko sa lalaking kinatawan ng tribu. Sinadya niya pa talaga sa Rizal ang nasabing gumagawa ng mga personalize bayong.
Aksedente lang naman ang kanyang pagkakadiskobre sa nasabing mga artworks. May naging kasabayan siya sa jeep nung minsan na gumala siya. Nagustohan niya ang bag na dala dala nito, hanggang sa nabanggit nga nito ang nasabing tribo.
"Maam kailangan ko munang tanungin ang aking mga ka tribu kung ano ang magiging pasya nila." Sabi pa nito. Naiintindihan niya naman ang bagay na iyon. Di naman pwedeng umuo ito ng umuo without consulting other members. Lalo at kailangan ng maraming man power lalo at di naman biro ang dami ng orders niya.
"Ito po ang contact number ko, pakitext o tawagan nyo po ako kung ano po ang magiging pasya ng inyong mga kasama." sabi ko nalang, nakuha ko na din naman ang numero nito. Umaasa siyang positibo ang magiging tugon ng mga ito sa kanyang proposal. Ilang araw na din siyang stress sa kakahanap ng mga posibling supplier niya.
Alam niyang mahirap tanggihan ang kanyang offer lalo at matumal ang bentahan ng mga ito pag ganito na mga buwan.
"Hello!" sagot ko sa tawag ni Xadrin.
"Ate, pabili naman ng palabok diyan. Naglilihi kasi si Melisa, gusto yung galing diyan i." sabi nito.
"Ngee e saan ako dito bibili di ko naman kabisado ang lugar na ito." kakamot kamot niyang sabi dito. Di pwedeng di maibigay ang pinaglilihian ng isang babaeng buntis, kaya naman ay bigla siyang nataranta. Di pa man din niya kabisado ang lugar.
"Text ko sayo kung saan." sabi nito kasunod niyon ay ang pagtunog ng end button.
"Malapit na pala ako." Pagkausap ko sa sarili ko habang naglalakad sa bahaging iyon. Medyo bukid na pero matao pa din naman sa paligid
Ito kasi ang lugar na tila pinupuntahan ng mga tao.
Paliko na siya sa dulo ng mapadako siya sa isang tindahan na may upoan. Kaya sumilong na muna siya.
Ibinaba niya ang bag na dala sa mesa pagkaupo. Nakakapagod talaga pag ganitong lumalayas layas siya kasi madalas e walang katiyakan kung may mahahanap siya. Good thing na kadalasan naman ay nakukuha niya naman ang kanyang nais na kleyente.
"Mr. Sandoval baka hindi po magustohan ni Miss Sabina na makipagkita sa inyo dito." sabi ng lalaki sa likod ko. Di ko lang pinagtuunan ng pansin.
"I dont care, kung ayaw niya ayos lang she is not the only woman in the world." sabi ng lalaki na tila ang suplado, kaya naman ay napasulyap ako sa nagsalita lalo at pamilyar ang boses. Nanlaki ang mata ng mamukhaan ang lalaki, nagsalubong ang kanilang tingin pero agad naman siyang nakabawi.
Palihim niyang kinurot ang kanyang sariling braso upang gisingin. Baka sakaling magising siya katitigan niya lang naman ang nag iisang Rex Sandoval. Matagal na itong wala sa limelight, kaya naman nawalan na siya ng pagkakataon na malaman ang mga wereabouts ng lalaki, maliban nung panahong naugnay na ito kay Sabina.
Tumunog ang kanyang cellphone na nasa bag, nagmamadali naman niyang kinuha.
"Hello Xadrin." sabi ko pagkapindot ng answer button.
"Hello Ate, nakita mo ba?" tanong nito.
"Excited lang? Papahinga muna ako ng konti, ang init kaya ng araw sa labas." reklamo ko.
"Okay hehe, basta wag mong kalimutan please. Lagot ako kay Melisa pag wala akong dalang ganun mamaya." sabi nito.
"Oo na po, sige na papatayin ko na." sabi ko na ibinaba na ang cellphone. Napangiti siya ng maalala ang pagbubuntis ng nobya ng kapatid niya. Excited na siyang magkarga ng pamangkin, Pagkauwe niya ay uudyokin niya ang kanyang kapatid na mamanhikan na.
Alam niyang hindi biro ang pinagdadaanan ni Melisa sa ngayon, lalo at simpleng tindira lang ito sa palengke. Pero kilala niya ang kapatid malamang ay di na nito pinayagan na magtrabaho pa si Mel lalo at buntis na ito.
"My god Rex, I can't stay longer in this kind of rotten place!" nadinig niyang malakas na reklamo ng isang babae. Di na niya ikinagulat na magkasama ang mga ito, di niya lang maiwasang di mainis sa babae. Di ito marunong mag appreciate sa mga bagay bagay sa paligid nito.
Sabagay dati pa naman ay bali balita na ang katarayan at kawalang breeding nito. May scandal din ito na kumakalat di lang niya alam kung totoo kasi di naman niya napapanood pa. Nakakainis lang dahil kahit ganun ang babae ay ito parin ang gusto ng lalaki.
"Sabina, I didnt ask you to come here. If you dont like here you are free to leave." sabi ng lalaki dito.
Tila lalong na highblood ang babae sa lalaki.
"Fine, bye." sabi nito na tila napapaso na umalis sa harap ng lalaki at tumalikod agad na napalingon siya sa lalaking tumabi ng upo sa kanya.
Nanlaki ang mata niya ng mapagsino ang lalaki. Si Rex lang naman na hinihilot hilot ang batok.
"Paano nyo Sir natatagalan ang ganung ugali?" sabi ng isang may edad na lalaki.
"Kailangan ko munang pagtyagaan sa ngayon habang di pa pumapayag ang mapapangasawa ko." sabi nito na tumitig sa kanya. Kaya napaiwas siya ng tingin dito. Baka umambisyon na naman siya ng bongga at umasa.
"At least now malapit na tayong magtagumpay. I enjoy mo na muna." sabi ng isa pa nitong kasama.
"Is she really that hot in bed?" tanong naman ng isa.
"Sort of, she love sex." sabi nito na ikinailang niya. Nakakailang palang makarinig ng ganun lalo na kung lalaki ang nagsabi.
Di naman siya nito kilala kaya kunwari di sya nakikitsismis, sikat parin ito in the first place.
"Miss, you look familiar." sabi naman ng isang lalaki. Lumingon lingon pa siya kung siya ba talaga ang kinakausap nito.
Nang mapansin na wala namang ibang babaeng bata bata sa lugar. Kaya malamang siya ang kinakausap ng lalaki na kasama ni Rex.
"Ako po?" tanong niya na itinuro pa ang sarili.
"Oo ikaw nga, I think I saw you the other day kasama mo ang asawa at ang cute mong anak." sabi nito na ikinatawa ko.
"Nag joke ka po? Boyfriend nga wala ako asawa at anak pa kaya?" nakangiwi kung sabi dito.
"See, ganyan ang tamang pagtatanong sa babae kung single." nakangising inilahad nito ang kamay sa akin.
"Jared pala, and this is Rex and Gio." pakilala nito sa dalawang kasama nito. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya ngayon. Sobrang kaba niya lalo na ng inilahad ng tatlong lalaki ang kamay ng mga ito sa kanya.
"Xania." pakilala ko sa sarili ko, tipid mode ako. Di niya kasi alam kung paano aaktong normal sa harap ng mga ito. She don't know who is the two guys with Rex pero sa tindig palang ng mga ito ay alam mo ng may sinasabi sa buhay.
"Seriously I already saw you somewhere in QC, sa isang shop ka nagwowork diba?" tanong ni Jared uli.
"Oo sige una na ako, nice to meet you guys." paalam ko.
"Same too pretty Xania." si Gio.
Habang naglalakad ay naalala niya ang matanda, ito pala ang sinasabi nitong mangyayaring magpapabago sa buhay niya. How she wish na siya nalang si Sabina na nobya ni Rex.
Ang nagbago ngayon sa kanya ay ang kawalan ng pag asa sa pagsinta niya sa lalaki. Maybe its the sign na may ibang lalaki na nakalaan sa kanya at di iyon si Rex. Maybe si Jared ang hula ng matanda na pakakasalan niya.
What ever it is ay ayaw na niya munang maisip sa ngayon.
Ang inaalala niya ay ang palabok na pinaglilihian ni Melisa. Kahit sa kapatid nalang niya ang forever ayos lang, ang mahalaga ay masaya ang mga mahal niya sa buhay, bonus nalang kung bibigyan din siya ng love life.
Dalawang stall lang pala ang pagitan mula sa tinambayan niya ay nandun na ang palabok na hanap niya. Kaagad siyang bumili at nagpasyang umuwe agad.