Nagpunas siya ng tirang pagkain sa kanyang labi. Tapos na rin na kumain si Lola Tinang.
"Dalaga kapa hija diba." Di iyon tanong kundi tila alam nito.
"Ah opo La dalaga pa po ako!" Sagot ko dito.
"Malapit kanang makapag asawa," sabi nito na seryuso ang mukha.
"Po?" Taka kung tanong dito.
"Malapit kanang makapag asawa ineng." Sabi ulit nito.
"Ngee, malabo po yung mangyari Lola ni nobyo nga po ay wala ako e." Nakangiwi kung sabi dito. Talaga namang wala akong nobyo sa ngayon, ang huli niyang pakikipag relasyon ay noong nasa ikatlong taon siya sa kolehiyo.
Dinala siya ng kanyang nobyo sa isang hotel na naging mitsa ng kanilang paghihiwalay. Akala siguro nito ay madadala siya nito sa kama. Halos mamaga ang mukha nito sa bugbog niya kung di ito nakiusap baka na demanda niya pa ito ng attempted rape.
"Isa siyang bituin na mahirap abutin pero isang pangyayari ang magiging daan upang magtagpo ang landas ninyong dalawa." Sabi nito.
"Naku kayo Lola a joker po kayo. Ano po pala ang balak nyo ngayon?" Tanong ko dito.
"Di ko alam ineng baka magpalaboy laboy nalang muna ako." Malungkot na sabi nito.
"Alam nyo ba ang address ng anak niyo sa Antipolo?" Tanong ko dito. Kasi kung alam nito ay bibigyan niya ito ng pamasahe pauwe kasi kawawa ito kung sa lansangan ito magpapalipas ng magdamag.
"Aba oo naman ineng." Sabi nito.
"Kailan ho kayo napunta sa apo ninyo?" Tanong ko dito.
"Aba e noong kakapanganak palang ng asawa ng apo ko. Kinuha ako upang mag alaga ng maldita niyang asawa." Sumbong nito.
"Lagi naman akong nagugutom doon." Sabi nito.
"Naku e sige ganito lola, isusulat ko po ang inyong address sa papel. Ihahatid ko kayo sa sakayan ng jeep." Sabi ko dito.
"Ang problema ko Ineng wala akong pampamasahe." Sabi nito na tila nag aalangan sa plano niya. Dinukot niya ang tatlong daan na sukli nila kanina.
"Ito ho pampamasahi ninyo. Wag ho kayong magpapaloko sa daan a. Ito ho bumili kayo ng biscuit at tubig pambaon nyo para di kayo magutom sa daan." Bilin ko dito.
"Napakaswerte ng lalaking mamahalin mo Ineng." Sabi nito sa kanya.
"Naku binola nyo pa po ako Lola Tinang." Nahihiya kung sabi dito.
"Magiging masaya ang iyong buhay pag ibig basta't magtitiwala kalang sa iyong minamahal. Uunlad ang iyong negosyo kayo na magkakapatid." Sabi nito na nakapukaw sa kanyang interes.
"Paano nyo po nalaman na may negosyo ako?" Tanong ko dito. Nagulat ako ng gagapin nito ang kanyang palad at ngumiti.
"Isa akong manghuhula, nakikita ko ang bukas at ang mga mangyayari palang. Alam kung di ka maniniwala ngunit bukas may isang surprisa ang naghihintay sayo. Isang surprisa na babago sa iyong kinabukasan." Makahulogang sabi nito.
"Ang creepy naman nyan Lola!" Palatak ko.
"Mabubuntis ng kapatid mo ang nililigawan niya. At maikakasal sila bago kapa maikasal." Sabi nito na tila nag ibang tao na ito.
"Ho?"
"Alam mo bang magkakalindol maya maya?" Sabi nito na binitawan ang kamay ko.
"Talaga po?" Tanong ko dito. Sa isip ko ay kung totoo ang sinabi nito ay doon palang siya maniniwala na manghuhula nga ito.
"Umusod ka dito, may mahuhulog na ilaw diyan sa kinauupoan mo." Sabi nito kaya naman nag aalinlangan man ay agad siyang lumipat. Di pa man nakakaupo ng maayos ay naramdaman niya ang pag lindol. Nanlalaki ang mga mata na tumingin ako dito. So totoo ang sinasabi nito na manghuhula nga ito.
Maya maya pa ay bumagsak ang ilaw sa may mismong kinauupoan niya kanina. Nanlalaki ang mga mata niya s nasaksihan. Di niya man lang kinabakasan ng pagkabahala ang matanda.
"Tapos na yan mamaya maya lamang, umupo ka lang dyan at may ibibigay akong gantimpala sayo." Sabi nito.
"Po? Naku la wala pong kapalit ang pagtulong na ginawa ko para sa inyo." Tanggi ko bigla akong natakot e. Baka lalaki ang gantimpala nito. Natawa siya ng lihim sa naisip.
"Hayaan mo lang akong bigyan ka ng gantimpala." Sabi nito na may dinukot mula sa supot na dala nito. Isang singsing ang iniabot nito sa kanya.
"Ano po ito la?" Tanong ko.
"Singsing!" Sagot naman nito. Alam niyang singsing iyon ngunit ang tanong ay ano ang gagawin niya sa isang singsing na tila luma at may mga deformities pa.
"Alam ko po La na singsing po ito, ang ibig ko pong sabihin ay paano ang gagawin ko rito?" Nakangiwing tanong ko dito.
"Singsing yan na pwede kang humiling ng kahit na ano at matutupad kahit na anong hilingin mo." Nakangiting sabi nito.
"E bakit nyo po binibigay sa akin?" Tanong ko dito.
"Dahil may mabuti kang puso." Sagot nito. Nagugulohan siya sa mga nangyayari pero di niya alam kung ano ang gagawin niya, kung tatanggapin niya ba o tatanggihan.
"Naku la di ko po matatanggap ito!" Sabi ko at pilit na ibinabalik sa matanda ang singsing. Lalo na ng maalala ang napanood na movie noon na the ring. Baka ito yung sa totoong buhay kaya natatakot siya para sa sarili.
"Magtatampo ako sayo kung di mo yan tatanggapin, nangangako akong di ka ipapahamak ng singsing na iyan. Lagi kitang gagabayan." Sabi ng matanda na tila nag iwan ng kilabot sa kanyang kaibutoran.
"Pero La-" wala na akong magawa ng ito na ang naglagay sa bag ko ng singsing.
"Uuwi na ako ng Antipolo!" Sabi nito na tumayo na.
"Lola ano po ang tunay nyong pangalan?" Naisip niyang itanong. Di naman siguro masama kung tunay na pangalan nito ang kanyang hilingin.
"Tina Duran, yan ang pangalan ko." Sagot nito.
"Sige po, ihahatid ko na po kayo sa terminal ng jeep." Sabi ko dito. Di na ito tumanggi pa nang hinatid niya ito sinigurado niya na makakauwe ito ng ligtas kinausap niya pa ang driver upang masigurado na makakababa ito sa mismong lugar na uuwian na nito.
"Salamat Ineng sa iyong kabutihang puso, sana ay magamit mo ang singsing na aking ibinigay!" Sabi nito bago umalis ang sinasakyan na jeep nito.
Naiwan siya sa gilid ng daan at nagpasya na ding na umuwe nalang. Pilit niyang iwinawaglit sa isip ang matanda.
Tinawagan niya lang ang mga tao niya na di na siya makakabalik sa store kaya ang mga ito na ang bahala sa pagsasara. Palaisipan sa kanya ang matanda. May singsing ito ng kahilingan ngunit di nito nagawang humiling na bigyan ng pamasahe upang makauwi. Napangisi siya ng matanto ang bagay na iyon.
Nang akmang itatapon niya ang singsing ay naalala niya ang sinabi nito na magtatampo ito sa kanya. Kaya naman ay iniuwe nalang niya ang singsing. Di niya lang alam kung saan niya itatago iyon nakakahiya naman kung isusuot niya iyon. Bukod sa di siya mahilig sa mga alahas ay sadyang di niya type ang singsing.