bc

Seven Days In A s*x Addict Body

book_age18+
18.0K
FOLLOW
150.8K
READ
dark
HE
badboy
kickass heroine
mafia
bold
soul-swap
like
intro-logo
Blurb

Mahirap lamang ang buhay nila Xania kaya naman ay nangarap siyang maranasan man lang ang buhay ng isang mayaman. Kaya naman ng makilala niya ang amo ng kanyang kaibigan na isang supermodel ay hiniling niya sa singsing na magkapalit sila ng katawan nito.

Nang idilat nya ang kanyang mga mata ay ganun nalang ang gulat niya ng makitang nangangabayo siya sa ibabaw ng isang lalaki.

Di lang basta bastang lalaki kundi si Rex pa na isang bilyonaryo. She is making love with him and when she got a chance to see herself in the mirror kanya ang mukha at ang katawan ng supermodel.

Ngunit paano ang magiging buhay niya kung malalaman niyang s*x addict pala ang katawang pinangarap niya?

chap-preview
Free preview
SDSA1
"Xania! Gising na o tanghali na!" Dinig niyang sigaw ng kanyang ina mula sa labas ng kanyang silid. Di naman ganun kalakihan ang kanilang bahay ngunit kumpara sa mga kapitbahay nila ay mas malaki itong di hamak. Di rin naman sila nakatira sa isang squatter's area kaya di gaanong maingay ang kanilang lugar. Kumbaga nasa average type ang kanilang pamumuhay. "Five minutes My!" Sigaw ko din. Inaatok pa siya at masarap ang tulog niya lalo dahil umuulan sa labas. May napapabalitang bagyo kaya naman ay masarap humilata lang sa kama boung maghapon. "Hoy Xania pangatlong five minutes mo na yan!" As usual nag monologue na naman ang aking ina. Kaya kahit inaantok at tinatamad pa siya ay napilitan siyang imulat ang kanyang mga mata at maghanda na upang bumangon. "Morning My!" Sabi ko dito. Nanay talaga ang tawag nila sa Nanay nila. Kaya lang nakasanayan na nyang i Mommy ito mula ng inaasar nilang apat ang kanilanh ina. Ayon kasi dito pag may milyon na sila saka na sila mag Mommy dito. Kaya ng kumita ng milyon si Xadrin ay Mommy na ang tawag nila dito. "Naku Xania, bagohin mo nga yang oras ng gising mo! Paano nalang kung mag asawa kana ano ang kakainin ng asawa mo kung tanghali kana kung bumangon!" Tungayaw nito. Napuyat siya kakanood ng kdrama kagabi. Ang ganda na kasi at ayaw niyang nabibitin sa kanyang pinapanood kaya naman kahit antok na antok na ay pinili niyang tapusin hanggang madaling araw. Sulit naman anh puyat niya dahil satisfied siya sa naging ending nito. "Wag ho kayong mag alala My, wala pa akong balak na mag asawa!" Nakangisi kung sabi dito. Kumuha siya ng pinggan at umupo na sa pwesto niya. "Ay naku Xania, ano nalang ang sasabihin ng tatay mo kung magpapakatandang dalaga ka, mag asawa ka at di habang buhay ay buhay pa ako!" Sermon nito. Kahit nasa harap ng pagkain may appetizer na sermon. May maliit siyang shop sa bayan nag bebenta siya ng mga bags na recycled. And so far mabenta iyon lalo at maganda ang quality ng kanyang benibenta. Isang grupo ng mga kababaihan ang kinukuhanan nya ng stocks niya. Kahit papano ay nakakapag ambag siya ng para sa gastosin nila sa bahay. Minsan siya ang sumasagot sa pagbabayad ng para sa kanilang ilaw o kaya tubig. Nung una ay maliit lang ang kanyang kinikita ngunit kalaunan ay naging patok ang kanyang negosyo. Lalo na ng pinasok niya ang online selling sa panahon ngayon yun na ang kadalasang tinatangkilik ng mga tao. Kaya naman ay mas pinili niyang makisunod sa uso. "Bumili ka ng bigas mamaya pag uwe mo!" Sabi ng Nanay niya habang kumakain sila. Matagal ng patay ang kanilang Ama ngunit nag iwan ito ng pension para sa kanyang ina at sa mga nakababatang kapatid niya. Bukod doon ay isang ahente ng mga bahay ang kanyang ina kung minsan ay nakakabenta ito kaya naman medyo malaki din ang kita. Dating isang Manager sa bangko ang kanyang ama na nabaril nung minsan na may nang holdap sa bangko na pinagtatrabahoan nito. Malaki din ang binigay sa kanila ng bangko na pinagtatrabahoan nito. Binigyan pa sila ng maliit na sari sari store na binabantayan naman ng kanyang ina. Sa cellphone lang ang ginagawang pagbebenta ng Nanay niya ng mga bahay at condo units. Sapat sa kanila ang kanilang kita kung tutuosin. Lalo pa nga dahil may educational plan naman silang magkakapatid. Graduate siya ng Entrepreneurship management at nung makagraduate ay nag trabaho bago nag ipon para sa kanyang negosyo. "Xania? Hoy narinig mo ba ang sinabi ko?" Tanong ng nanay niya sa kanya. Akala yata e tulog pa siya parang ayaw nga niyang magbukas ng tindahan ngayon. Kaya lang ay may dalawang orders siya ngayon kaya kinakailangan niyang magbukas. "Opo Nay dinig na dinig po!" Sagot ko dito. "Kumusta naman ang kita mo ngayong buwan?" Untag nito sa kanya. "Ayos naman Nay malakas parin naman ang kita kahit tag ulan na. Magdadagdag nga sana ako ng mga items balak kung magbenta ng diamond paintings. Ang kaibigan ko ay mahilig gumawa ng diamond painting." Sabi ko dito. "Naririnig ko ang diamond painting na iyan sa mga kaibigan ko. Maganda daw yan." Sabi nito sa kanya. "Opo Nay, yun po ang uso sa panahon ngayon kaya mas madaling i market." Sagot ko. "Ikaw ang bahala, ito kumain kapa at ikaw naman Xadrin ano ang kailangan mo sa school?" Tanong nito sa kasunod sa kanya. "Ayos na ako Nay, mag clearance na kami by next week." Sagot nito. "Naku salamat kung ganun, kayo namang dalawa mag aral kayong maigi ah. Para di kayo matulad sa akin. Ang hirap ng buhay sa ngayon naku!" Sabi nito sa dalawa ko pang nakababatang kapatid. "Ate pinapatanong po ni Kuya Lester kung kailan daw siya pwedeng dumalaw dito?" Sabi ng kanyang kapatid na si Xaniel. "Naku sabihin mo bawal na siyang pumunta dito, Sabihin mo may lahi tayong aswang para di na magtangka pang pumunta dito!" Nanlalaki ang mga mata kung sabi dito. Naramdaman ko ang pagbatok ni Nanay sa akin. "Puro kalokohan ang alam mong bata ka. Papuntahin mo dito Xaniel at ikaw tapatin mo ng maayos yung tao di yung tago ka ng tago!" Sermon nito na ikinangiwi ko. Ilang ulit niya ng binasted ang lalaki ngunit mukhang pinanindigan nito ang motto nito. 'Never say die!' kaya magpahanggang ngayon ay sige parin ito ng sige sa panliligaw sa kanya. May hitsura naman kasi ito kung tutuosin kaya lang di niya lang talaga mapilit ang sarili na magustohan ang lalaki. "Nay alam nyo naman ang lalaking iyon nakailang basted na ako sa kanya. Pero balik parin ng balik kahit anong sabihin ko ay sige parin." Nakanguso kung reklamo. "O siya papuntahin mo dito at ako na ang magpapaliwanag sa kanya." Sabi nito sa kapatid ko. At least diba di siya mahihirapan na makiharap dito. "Mag nobyo kana kasi ate Xania para di na habol ng habol sayo." Sabi ni Xadrin. "Sige ihanap mo ako!" Nakangising sabi ko dito. "Pwede naba si Kuya Kaloy?" Pang aasar nito. Yung kaloy na sinasabi nito ay ang maraming tattoo at bungal na kapitbahay nila. "Pass!" Mabilis kung sabi dito. Di bale nalang magpapakatandang dalaga nalang ako kung yun lang din naman ang papatulan ko. Bata pa naman siya sa edad niyang bente singko ay walang wala pa sa isip niya ang mag asawa. Kahit nga ang pag nonobyo ay di na niya iniisip dahil kontento at masaya na siya sa buhay niya. Nakakapaputla ang pagkakaroon ng nobyo lalo kung demanding ang nobyo na kagaya ng ex nyang si Dexter. Nung magnobyo sila ay gustong gusto nito na laging magkausap sila hanggang madaling araw. Nag aaway sila sa tuwing pinapatayan niya ito ng cellphone o di kaya sa landline nila tumatawag. Kaya tiniis niya na di magpatay ng cellphone kaya ang ending isang buwan palang anemic na siya. Kaya naman ako na mismo ang nakipagkalas di siya healthy sa buhay ko. Magiging sanhi siya ng aking maagang kamatayan. Demanding, seloso at napaka dominant nitong tao. Masyadong pakialamiro ang lalaki na nakakasakal kumbaga sa maikling salita ay nanggaling siya sa isang toxic na relasyon. Apat na anh nakaraan ngunit mas pinili niyang manatiling single. "Hoy Xania, mag asawa ka ha, naku wala sa lahi natin ang tumatandang dalaga!" Si nanay na nakatingin sa akin. "Sus Nay ayos lang yun at least ako ang una sa lahi natin!" Biro ko bago pa man ako mahampas ni Nanay ay nakalayo na ako. "Naku humanda ka sa akin talaga pag nag trenta ka na wala paring nobyo. Ipapaasawa kita kay Kaloy diyan!" Banta nito siya naman mabilis na nakakuha ng bag niya at nagtatakbo na paalis ng kanilang bahay. Alam naman niya na di nito magagawa ang bagay na iyon kaya kalma lang muna siya sa usaping pampuso. Bukod kasi sa di pa siya nag eenjoy sa kanyang pagkadalaga ay di pa niya nakikita ang sarili na nagpapamilya sa ngayon. Wala din naman siyang matino na manliligaw kaya ayos lang na ganito lang muna siya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Bewitching The Daddy (Cougar Series #3) -SPG

read
147.6K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
49.0K
bc

Daddy Granpa

read
206.8K
bc

My Cousins' Obsession

read
178.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
143.7K
bc

Mahal Kita, Matagal Na

read
74.0K
bc

LOVE ME AGAIN, MY SELAH (SPG)

read
64.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook