SDSA4

1226 Words
Dinala siya ng kanyang mga paa sa isang shooting malapit sa isang mall na malapit sa lugar ng kanyang supplier. Magara ang lugar at maganda ang mga props. Maraming mga camera sa paligid open naman sa mga tao kaya malaya siyang nakasilip sa may loob. Except sa mismong kinaroroonan ng mga artista. "Kunting atras po tayo!" Nadinig niyang boses ng isang babae. Nakilala niya ang babae. Kaibigan niya ito at naging kaklase nung high school. "Mira!" Tawag ko dito. Lumingon naman ang babae at tila di agad siya nakilala. Maya maya pa ay nanlalaki ang mga mata na lumapit at yumakap sa kanya. "Uy beshie kumusta?" Tanong nito na binistahan ang porma ko. Naka faded ripped jeans lang naman ako, malaking itim na t-shirt at kulay itim na rubber shoes. Mukha siyang gusgusin pero wala siyang pakialam dun. "Ito ganun padin, ikaw mukhang big time kana a." Sabi ko dito. "Lady guard ako dito. Anong ginagawa mo dito fan ka din ni Miss Sabina?" Tanong nito sa akin. Isa lang ang kilala niyang artista na may pangalan na Sabina. Kung kanina ay balak niya lang makiusyuso ngayon ay iba na ang gusto niya. Gusto niyang masilayan ang mukha ng kanyang karibal. "Ah oo, nandiyan naba siya?" Tanong ko na sumisilip silip sa may loob ng building. "Naku mamaya maya pa yun, di pa nailalatag ang red carpet. Tsaka ang mga tao dapat ay nasa tabi lang." Sabi nito. Napanganga siya dun. Di niya tuloy maiwasang isipin ang personality ng babae. Tila diyos ito kung ituring ng mga tao parang masyado naman atang over acted yun samantalang pareho lang naman silang tao. Kumakain din sila ng mga pagkain na kinakain nila. Nagiging ginto ba ang nahahawakan ng babae at ganun nalang kung sambahin ito ng mga tao sa paligid nito. "Grabe naman kailangan ba ang red carpet?" Di ko mapigilang itanong dito. "Ay di mo nasagap ang balita, di yan umaapak sa walang carpet kaya lahat ng mga pupuntahan ay meron." Sabi nito. "Pati banyo?" Di ko mapigilang itanong. "Yun ang di ko alam hehe!" Sabi nito. "Grabe tao lang din naman siya, natutunaw ba siya pag makakaapak sa semento o sa sahig na walang carpet?" Tanong ko dito. "Yun ang di ko alam, pero nakasanayan na namin yun e. Simula ng manilbihan ako dito ay ganun na ang protocol." Sabi nito na inaayos ang lapel na nasa bibig nito. "Ganun ba, may pamilya kana?" Tanong ko dito. "Balo na ako Bes, pero wala pang anak kaya ito malaya kahit saan pumunta e ayos lang. Pahingi number mo text text tayo pag wala akong work. Babalik na ako sa loob e."sabi nito sabay abot ng cellphone nito. Agad naman na nilagay niya ang kanyang number. "Yan text mo ko, friend naman tayo sa mga social media accounts ko e." Sabi ko dito. "Sige maiwan na kita mukhang nandiyan na ang dragon!" Sabi nito sabay talikod. Sinundan niya lang ng tanaw ang papalayong bulto ng kanyang kaibigan. Maganda din ito ngunit para itong lalaki kung kumilos marahil ay dahil sa uri ng trabaho nito kaya ganun ang kilos nito. At nakasanayan na dati naman kasi ay di naman gaanong pang lalaki ang kilos nito. "Welcome Miss Sabina!" Dinig niyang sabi ng isang crew. Agad na lumingon siya at nakita nga niya ang isang sekseng babae na nakasalamin pa. She looks so hot in her attire na tila ang dide nalang ang natatabunan. Napangiwi siya kasi tila tingting na ang katawan ng babae. Malaki lang ang hinaharap nito pero bawing bawi lang sa mukha talaga. Tila reyna ito kung tratohin ng mga tao, halos suboan na nga e. Sa katagalan ay napagpasyahan niyang umalis na sa venue at bumalik sa kanyang pinapagawang store. Naabutan niya ang mga gumagawa na halos patapos na. Di na siya lumapit tiwala naman siyang matatapos ang construction sa oras na kanilang napagkasundoan. Naghanap siya ng makakainan sa may malapit sa may isang simbahan. Dali dali siyang tumawid ng makita ang isang tila mataong kainan sa kabilang bahagi. Naghanap siya ng mauupoan at inilagay niya ang payong na dala niya. Baka kasi wala siyang maupoan mamaya maya. Sa tabi niya ang nakapila ang isang matanda. Sa hitsura ng matanda ay mukhang salat sa maraming bagay. "Ano hong order nyo La?" Tanong ng cashier. "Gusto ko yun Neng! Tsaka yun!" Turo ng matanda sa mga display na pagkain. "Wala na po kayong idadagdag la?" Tanong ng kahera. "Wala na yun lang." Sabi ng matanda. "One hundred forty po lahat La." Sabi ng kahera sa matanda. "Naku e, bente lang tong pera ko!" Sabi ng matanda na bakas ang pagkadismaya. "Naku Lola pasensya na ho kayo pero di ko po kayo mabibigyan kulang pa nga ho ang sahod ko sa dami ng bayarin ko. Pasensya na ho kayo Lola." Sabi ng cashier. "Sige Miss ako na ang magbabayad ng order ni Lola." Bigla kung sabat sa usapan nila. Mukha naman kasing walang wala talaga ang matanda. Kung holdaper man ito ay wala naman siyang pera na dala. Tanging pulbos lang ang laman ng kanyang bag na dala dala. Agad na iniabot niya ang five hundred na ibabayad niya din sa inorder niya. Nasa back pocket niya ang isangdaang piso niya pamasahe pauwe. "Naku ineng salamat ng marami kagabi pa ako nagugutom e." Sabi nito sa kanya bakas ang katuwaan sa mukha ng matanda. "Walang anuman po Lola." Nakangiti kung sabi dito. Nang iniabot sa akin ang aking sukli ay kinuha ko ito. Balak niyang ibigay sa matanda ang sukli. Pero mamaya na pagkatapos nilang kumain. "Ma'am hanap na po kayo ng mauupoan. I serve nalang po ang order nyo!" Sabi ng cashier agad kung inalalayan ang matanda. Ipinaghila niya ito ng upoan para makaupo ng maayos. "Saan po ang punta nyo Lola?" Tanong ko dito. "Naku e uuwe sana ako ng Antipolo. Kahapon kaya lang kulang ang ibinigay na pamasahi ng apo ko. Kagabi pa nga ako nagugutom." Sabi nito parang gusto niyang awayin at bungangaan ang apo nito. Kawawa naman ang matanda. "E bat di kayo bumalik sa bahay ng apo nyo?" Tanong ko dito. Napakamot naman ito. "Tumakas kasi ako, nababagot na ako sa bahay nila lagi akong nakakulong sa loob lang. Mas gusto ko yung magtatanim tanim ako kaya uuwe ako sa anak ko sa Antipolo." Paliwanag nito. "Ilang taon na ho kayo Lola? Tanong ko dito. "Sixty eight palang ako Ineng, Lola Tinang ang itawag mo sa akin." Sabi nito na tila inaayos ang supot na dala dala nito. "Ano ho yang mga dala dala ninyo? " Tanong ko dito. "Ah ito ba mga gamit ko na dala dala ko lagi. Anong pangalan mo Hija?" Nakangiting sagot ni Lola Tinang. "Ako po si Xania Lola. Kain na ho tayo" Sagot ko dito. Ipinagpaliban ko muna ang pagtatanong dito alam ko kasing gutom na gutom na ito. Nasa mood siyang makipag usap dito lalo at mukha itong mabait. "Ito ho la, kumain po kayo!" Sabi ko dito na iniabot ang mga pagkain. At mukhang gutom nga ang matanda halos maubos agad nito ang order nitong pagkain di pa man siya nag uumpisa ng subo. Magana ang pagkain ng matanda bigla niya tuloy naalala ang kanyang Lola sa katauhan nito. Tuwang tuwa ito sa tuwing umuuwi silang magkakapatid sa probinsya. Lalo na sa kambal dahil ang mga ito lang ang kambal sa father side nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD