Gabi na pero heto siya nakatanga sa harap ng tv nila. Nag aabang siya ng balita tungkol sa kanyang ultimate crush.
Si Rex Sandoval, die hard fan siya nito at hanggang ngayon ay di parin nagbabago kahit na wala na ito sa industriya ng pagmomodelo. Isa itong bilyonaryo na wala na yatang magawa sa buhay noon at sinabak ang sarili sa mundo ng pagmomodelo. Kalaunan ay nagsawa din at ngayon nga ito lang yata ang lalaking pumasa sa napakataas niyang standards.
"Are you still dating Sabina?" Tanong ng talk show host.
"We are still yes," nagtilian ang mga audience. Siya naman ay napaismid sa narinig.
Napakaganda ng babae sa tv at sa mga magazine. Di niya lang tiyak kung dahil sa make up at ilaw lang ngunit para sa kanya ay mukha itong tingting na dinamitan lang.
"Natiis mong makipagdate dun, e ang arte arte kaya nun." Palatak niya.
"Naku Ate! Hanggang ngayon ba naman ay si Rex parin, di ka makakapag asawa kung yan ang inaasahan mong manligaw sayo! " Si Xadrin na naupo sa kanyang tabi. Nakikain ito sa kanyang kinukotkot na sitserya.
Nang malaman niyang ngayon ang pag air ng interview nito ay nag abang talaga siya. Di naman siya umaasa na mapagtuonan ng pansin nito gusto niya lang itong masilayan. Ganun naman siguro kung crush na crush mo diba konting ngiti niya lang e kilig na kilig kana kahit hindi para sayo ang ngiti ay tuwang tuwa ka.
"Di naman ako umaasa na mapansin. Crush lang naman!" Pag tanggi ko dito.
"Kailan kaba kasi mag nonobyo? Kinakabahan na si Mommy sayo e. Parang wala ka daw balak." Tanong nito.
"Wala naman kasi akong matinong manliligaw!" Palatak ko.
"Baka naman kasi pakataas taas ng standard mo. Alam mo kasi kung gusto mo ay gaya ni Rex di ka talaga makakapag asawa niyan. Tsk oo kung ganda ang usapan Ate may k ka mas maganda kapa nga kay Sabina kung tutuosin pero bagsak na bagsak ka naman sa height department." Si Xaniel na naupo sa kabilang bahagi ng upoan.
"Tapos napakasungit mo pa tsk!" Si Xadriel na nakikuha din.
"Sige laitin nyo pa ako!" Nakangusong reklamo ko.
"E sa totoo lang kasi Ate maganda yung minsan bawasan mo ang katarayan mo." Sabi ni Xaniel.
"Bahala sila, ano yun ako pa ang mag aadjust? Kung ayaw nila sa akin e di wag!" Sabi ko pa. Napailing naman si Xadrin.
"When are you planning to get married?" Tanong ng host. Doon napukaw ang kanyang attention ng marinig ang tanong. Malamang ay mabobroken hearted talaga siya oras na maikasal ito.
"By next year or next not sure yet. But already preparing for it." Sabi nito na ikinapanghina niya. Kasi mukhang wala na talagang pag asa ang kanyang pagsintang pururot dito.
"And who is the lucky girl?" Tanong ng host, ngumiti naman ang lalaki.
"I will announce once I already proposed!" Sabi nito. Kahit di nito sabihin ay nahulaan na niyang si Sabina ang tinutukoy nito. Ayon sa nasasagap niyang bali balita ay madalas na magkasama ang dalawa.
"Sus, papakasalan niya si Sabina? Naku pag mag artista kasi walang tumatagal na relasyon diyan e!" Si Xaniel na tila inaasar siya. Sinamaan niya ito ng tingin.
"What? Sinasabi ko lang ang opinion ko Ate." Tumatawang lumayo ito sa kanya.
"Mas gusto niyan ang matatangkad, di masakit sa leeg." Komento ni Xadriel.
"Huh?" Tila loading na tanong ni Xaniel dito.
"Masakit sa leeg, kailangan mong yumuko kung maghahalikan kayo!" Nakangising sabi naman ng isa. Nag appear ang tatlong mga kapatid niya.
"Grabe kayo sa height ko! Bakit si Daddy at Mommy, maliit din naman si Mommy a!" Palatak ko. Mabuti at malayo sa sala ang silid ng ina nila kaya kahit mag ingay sila ay di gaanong dinig.
"May sekreto kasi yun si Daddy." Nakangising sabi ni Xadrin. Napabaling naman ang tingin ko dito.
"Ano naman?" Tanong ko.
"Ayee interisado ang Ale!" Tudyo ni Xadriel.
"Ano na?" Tanong ko kasi di naman dinugtongan ng kapatid ang sinabi. Bagkos ay nagbukas ito ng beer at tumungga.
"Pilitin mo muna ako Te, para sabihin ko!" Nakangising sabi nito. Masarap din itong hambalusin halatang nasa mood ang mga ito na asarin siya.
"Lol mo, di wag!" Nakasimangot na muli kung ibinaling ang tingin sa pinapanood. Tila grupo kasi ang iniinterview kaya tinatanong lahat ng mga kasama nito.
"Kinakarga niya si Mommy para di siya mahirapang yumuko!" Si Xadriel ang sumagot at sabay silang nagtawanan. Malamang pag marinig ng Mommy nila ay mapipingot ang mga ito. Puro kasi kapilyohan ang nasa isip ng mga ito.
"Bilisan mo nang mag asawa Te, baka mabuntis ko si Melisa, masama yung mauunahan ng nakababata ang panganay!" Si Xadrin. Na mukhang back to pang aasar ito. Nililigawan palang nito si Melisa kababata nito ang babae at kailan lang nagbalik mula sa probinsya.
"Sus, balita ko balak kang bastiden nun e." Pang aasar ko dito. Medyo nakitaan ko naman ng pagkagusto si Melisa dito. Babae din siya e pero nakikita niya ang pag aalinlangan nito lalo na sa kanya. Akala siguro ay di niya ito gusto para sa kapatid niya. Isa lang kasi itong tindera sa sari sari store na malapit sa kanila. Nagkasakit ang ama nito noon kaya di na ito nakapag tapos kahit high school man lang.
"Ako? No no no aanakan ko siya ng wala sa oras pag binasted niya ako." Nakangising sabi nito.
"Hanapan kana kaya namin Te? Mukhang pati kami madadamay sayo e. Balak ko pa namang mag anak ng madami pag hinintay kapa namin baka tuyot na kami e wala pa kaming panganay!" Si Xadriel na nakurot niya.
"Mga baliw kayo!" Piangkukurot niya si Xadriel dahil ito ang nahawakan niya. Tawa ng tawa naman ang dalawa.
"Naiinip na kasi kami Ate. Ayaw mo naman kay Unyok diyan sa labasan." Sabi nito ng makalayo sa kanya.
"Alam nyo kung magsisipag asawa na kayo bahala kayo. Wag nyo akong intindihin tsk ako na ang bahala sa sarili ko no!" Sabi ko sa mga ito.
"Sure?" Tila duda pang tanong no Xadrin.
"Oo nga! Teka matulog na nga kayo!" Taboy ko sa mga ito.
"Manonood kami ng interview ni Bayaw Rex. Baka sakaling mabanggit ka niya." Biro ni Xadriel. Di nalang niya ito pinansin at itinuon ang pansin sa kanyang pinapanood.
Di naman siya worried na tumandang dalaga. Basta focus muna siya sa pagpapayaman para naman makabili siya ng bahay at sasakyan niya. Saka na siya mag iisip ng tungkol sa mga lalaki. Basta sa ngayon si Rex lang ang lalaki niya.
Napangiti siya ng muling tinawag ang pangalan nito. Tila tumalon pa ang kanyang dibdib ng tila tumagos sa tv screen ang titig nito.
"Any clue about your girl?" Tanong ng host dito.
"Pretty, cute and bubbly!" Sabi nito. Mukhang mahal na mahal nito ang nasabing babae. Di niya napigilan ang paninibugho na naramdaman. Kung sana kasi ay naging mayaman siya sa pera at sa height sana nakapag apply siyang modelo man lang.
"Wow, so any message to this mystery girl in your life?" Sabi uli ng host.
"Hi Sweetheart! See you soon!" Sabi nito. Wala na kinain na ng insecurities ang kanyang puso.
Tumayo siya at nagpasyang matulog nalang. Ayaw niyang bangungutin sa sama ng loob kaya maiging matulog nalang siya.
"O saan ka pupunta Ate? Nanonood pa tayo kay My labs mo dito e." Si Xadrin.
"Inaantok na ako, patapos na naman din yan." Sabi ko na nag inat inat. Naglakad na ako papasok sa aking silid alam ko na kung sadyang tatandang dalaga siya ay wala siyang magagawa. Pero umaasa siyang di naman maging ganun ang kanyang kapalaran. Gusto niya din naman na maranasan ang magkapamilya.
"Umiiwas sige night!" Sabi ni Xadrin. Nag agawan na ng remote ang tatlong baliw na kapatid. Nag iisa lang siyang babae kaya naman ay feeling prinsesa siya. Ngayon na wala na ang ama ay mas naging malapit siya sa kanyang ina.