SDSA 2

1236 Words
Pagdating niya sa bahay nila ay may dalawang sasakyan na nakaparada sa labas. Nangunot ang kanyang noo, puno ng pagtataka sa kanyang isip. Bukas naman ang tindahan ng Nanay niya ngunit walang bantay. Dali dali siyang pumasok at naabotan niya ang mga sosyal na mga pinsan sa side ng Tatay niya. Kasama ang tiyahin nila na feeling mayaman. "O nandito na pala si Xania, halika anak tamang tama ang dating mo." Sabi ni Nanay. Kung bwesit na bwesit siya ano pa kaya ang pakiramdam ng nanay niya ngayon. Lihim akong natawa lalo na ng makita ang mga pinsan na nagpapalakihan ng cellphone. She smirk with that, tingnan niya ang reaction ng mga ito pag dumating na ang kakambal ni Xadrin na si Xadriel, gadgets naman ang negosyo nito kaya iba ibang latest phone ang dala nito. "Saang mall kaba nagtatrabaho ngayon Xania?" Tanong ng kanyang pinsan na si Summer. Isa itong nurse sa isang hospital at ang alam niya ay pribado ang naturang hospital kaya mababa lang ang sinasahod nito. Ayon sa isa niyang pinsan na kasundo nila. "Diyan lang sa tabi tabi!" Sagot ko dito. Matagal na kaming walang balita sa mga ito. Last ay noong huminto na mag aral ang kambal dahil nagkasakit at namatay si Tatay. "Omg, dapat kasi nag teacher ka di sana professional kana din gaya ng mga anak ko." Sabi ni Tita Digna. "Okay na po ako sa ginagawa ko Tita." Magalang kung sagot dito. Sumama ako kay nanay sa kusina. "Xania, sungalngalin mo nga yan ng lilibohin mamaya!" Bulong ni Nanay na nakasimangot. "Mamaya nay bibigyan kita ng lilibohin sa harap nila para maglaway! " Biro ko dito na sabay pa kaming natawa. Tenext ko ang kambal na nasa bahay ang tiyahin nilang laitera. "Meryenda time!" Sabi ko sa mga ito. Buti at mukhang tao ako ngayon naka dress ako ng bongga. Dala dala ko parin ang bag ko na pang malakasan dahil kadarating ko lang naman kasi. Nasa sala ang pamilya ng Tita Digna niya ayaw pa naman nitong nalalamangan. "Salamat! O nakaorder na tayo nito dati diba nung birthday ni Roman?" Baling ni Tita kay Shella at Shilby. Lima ang anak nito ang dalawa ay pawang nasa high school palang. Si Shella ay isang accountant kasama nito ang nobyo nito ngayon balita niya isa itong manager sa isang store. Si Shilby naman ay isang teacher sa isang private school. "Masarap nga ito My, sino ang may birthday sa inyo?" Baling ni Shilby sa kanya. "Lagi ni Ate pasalubong yan pag nadaanan niya, diba te! Good afternoon po Tita!" Si Xadrin na kadarating lang. "O di ko naramdaman ang pagdating mo, saan mo pinark ang sasakyan mo?" Tanong ni Nanay dito ng humalik ito kay Nanay. "Sa harap ng bahay nila Isang, mamaya ko nalang ipasok. Anyway Ate Xania congrats patapos na pala yung branch mo sa dela paz. Ang ganda ng lugar mo nadaanan namin kanina." Sabi nito sa kanya. "Patapos na din yun e, nakausap ko na ang architect kanina sa details. Okay na naman." Sagot ko. Kita niyang nakatanga lang ang Tita nila sa kanila. "Ilang empleyado pa ang i hire mo?" Tanong nito na kumuha ng pansit mula sa pinggan ko. "Lima lang may dalawa na naman ako." Sagot ko dito. "Ang konti naman e ang laki kaya ng stall mo dun. Mano po Tita!" Sabi ni Xadriel na nagmano sa tiyahin namin na nakatanga sa porma ng kapatid nakasabit sa may beywang nito ang susi ng sasakyan nito. "Wala pa naman akong time mag hire ng tao. Pahiramin mo nalang ako ng accountant mo." Nakangisi kung sabi dito. Pawang nakatanga lang sa amin ang mga pinsan namin. Mukhang di ng mga ito inasahan na magsisiunlad ang aming buhay dahil nga di nakapagtapos ang mga kapatid ko. "Di pwede yun, yung kotse mo sa sunod na linggo pwede mo nang kunin, hulogan mo ba yun?"baling nito kay Xadrin na umupo sa tabi ni Tita. "Hindi ayoko ng may monthly amortization nakaka stress yun. Cash ko na kaya naman ng savings ko." Sabi naman ng isa. "Magkano ba cash nun?" Tanong ko. "One point six million may butal butal pa. Ikaw bumili kana din!" Sabi nito sa akin. "Makaganyan ka sa akin, akala mo naman milyon ang kinikita ng nag iisa ko palang na branch! " Nakanguso kung reklamo dito na ikinatawa ng mga ito. "Sus para namang di ko ka close ang tao mo dun, nakaka two hundred thousand kayo sa isang linggo." Pambubuko ni Xaniel. "Nag branch out nga kasi ako kaya dun napunta ang savings ko." Sabi ko sa mga ito. "Pautangin kita Te!" Sabi ni Xaniel. "Wag na uy!" Natatawa kung sabi dito. "Nga pala Sum dun ka parin ba nagtatrabaho?" Baling ko sa pinsan na tila natulala sa amin. Yun naman talaga ang aming balak kasi noon akala mo kung sinong mga mauunlad na tao kung makamata at makalait sa kanila ang mga ito noon. "Ahm oo, balak ko na nga na magresign." Sagot nito na tumingin sa ina nito na tila nanlisik ang mga mata. Malamang e masama ang loob dahil nalamangan. "O akala ko ba malaki sahod doon Sum, magkano nga ba yun fifty thousand per month?" Tanong ni Xandrin dito. "Ten thousand lang." Tila nahihiya nitong sagot. "Mababa lang pala ang sahod, kay Xadriel ka nalang mag apply mataas magpasahod yan." Biro ko dito. Malay mo kagatin nito. "Yeah hiring ako ngayon, nag dagdag ako ng tao ngayon twenty five thousand sahod, don't worry kompleto sa mga benefits naman ang mga empleyado ko." Sagot naman ng isa. "Ahm pag iisipan ko yan insan." Sabi nito. "Anong business mo ba Xadriel?" Tanong ni Shilby. "Im into gadgets, so far may apat na akong branches." Sabi ng kapatid. Walang bakas ng pagmamayabang pero deep inside para akong natatawa kasi tatlo palang naman ang branch talaga nito. "Eh ikaw Xadrin?" Tanong ni She. "Motor parts and accessories." Matipid na sagot ng kapatid. Sa boung durasyon ng pananatili ng mag anak sa bahay ay tila di na nakaimik pa ang kanilang tiyahin. Mukhang kinain na ng inggit ang kayabangan nito. Kung dati ay puro panghahamak at panglalait ang naririnig nila ngayon naman ay tila nabusalan ang bunganga nito. "Nga pala Tita kumusta po si Lola Helen?" Tanong ko dito. "Ayos naman siya, umiinom padin ng kanyang maintenance at malakas pa naman." Sagot nito. Kumuha siya ng ilang lilibohin sa kanyang pouch at iniabot sa tiyahin. "Tiyang ito po o pakibigay po kay Lola pang shopping niya kamo. Isa sa mga araw na ito e baka maligaw kami dun sa inyo." Sabi ko sa mga ito. Kinuha naman iyon ng tiyahin. Kumuha siya ng dalawang libo sa kanyang pouch at iniabot sa tiyahin. "Pabirthday ko sa inyo. Sa sunod na linggo na ho iyon diba? Happy birthday po!" Sabi ko dito. "Naku wag na!" Tila nahihiya pang sabi nito. "Kunin nyo na Ta, nga pala ako na ang bahala sa litson nyo." Sabi ni Xadrin. "Naku salamat kung ganun!" Sabi nito napatingin ako kay nanay, kita ko ang satisfaction sa mukha nito. Minsan napag uusapan nila ang mag iina. Sa tuwing may birthday di nila ini invite kung minsan ora orada sila kung mag imbita. Like same day ng occasion para di makarating ang mga ito. Minsan kasi mas mabuti nang di ka nalang mag invite ng mga toxic na tao sa masasayang yugto ng buhay mo. Kaysa masira lang ang okasyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD