Zac Point of view “Kababakasan ng takot ang mukha ng aking Sekretarya habang palipat-lipat ang tingin nito sa akin at sa mukha ng babae. Halatang natataranta siya na wari mo ay hindi maintindihan kung ano ang dapat niyang gawin sa mga oras na ito. Muli siyang lumingon sa akin at tumitig sa akin ang mga mata niyang nanlilisik sa galit. Halatang matindi ang pagkamuhi nito sa akin na wari mo ay isang lalaki na inagawan ng nobya. Akmang lalapit sana ang babae sa akin upang muli akong suntukin ngunit mabilis itong nahawakan ng aking mga tauhan sa magkabilang braso. Makikita sa mukha nito na wala siyang sinasanto kahit na mas matangkad ako kaysa sa kanya at higit na malaki ang katawan ko kumpara sa katawan nito. Dahil may kapayatan ang katawan ng babae, ika nga slim. “V-Vernice!” Nag-aalal