Zaci Hilton’s Point of view “Sir, everything is ready, and you have thirty minutes before your meeting with the client starts.” Magalang na saad ng aking secretary, halata ang pagiging malambing nito sa tuwing nakikipag-usap siya sa akin. Hindi ko alam kung sinasadya ba nito o natural na sa kanya ang ganung way ng pananalita. Isang mabilis na sulyap sa direksyon nito ang ginawa ko bago marahang tumango bilang tugôn. Nanatili siyang nakatayo sa may pintuan at matamang naghihintay sa aking paglabas, inayos ko na ang aking sarili bago dinampot ang cellphone na nasa ibabaw ng table. Tumayo na ako mula sa aking swivel chair at taas noo na naglakad palabas ng opisina. Ang bawat empleyado na madaanan ko ay yumuyuko, tanda ng kanilang paggalang sa nakatataas sa kanila. Nanatiling seryoso an