Bagsak ang mga balikat na pumasok ako sa loob ng bahay, gusto kong magwala at mag-sisigaw dahil sa matinding sakit na nararamdaman ko. Hindi ko matanggap na niloko ako ng babaeng minahal ko ng buong buhay ko. Halos hindi ko na makita ang aking dinadaanan dahil nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa mga luhang nagbabadya ng pumatak. Natigilan ako ng mabungaran ko ang aking ama na nakatayo sa maliit naming sala’s halatang may hinihintay ito. “Panahon na para bumawi ka sa ating angkan, kung gusto mong makamit ang kanilang kapatawaran at lubusan kang tanggapin ng ating pamilya ay kailangan mong sundin ang nais nila. Tumawag ang lola mo, maghanda ka dahil nalalapit na ang kasal mo. Sa susunod na linggo ay susunduin ka nila dito.” Walang ganang saad ni Papa, kahit na balikot pa rin ang tagal