Ikatlong kabanata

1553 Words
“Pre, kumusta ang pag-apply mo, natanggap ka ba?” Tanong ni Vincent sa kaibigan niyang si Josh, kasalukuyan silang naglalakad sa isang makipot na eskinita, ito ang kanilang shortcut pauwi sa kanilang mga bahay. "Wala, Pre, puro waiting, kaya pati ang bulsa ko ay butas na sa kakawaiting. Wala na ba silang ibang alam sabihin kundi wait for the call's company, tsk, gasgas ng eardrum ko sa mga linyahan na 'yan." Naiinis na sagot ni Josh, sinubukan nilang maghanap ng trabaho ngunit dahil sa kakulangan sa edukasyon ay hindi sila pinalad na matanggap sa lahat ng kumpanya na kanilang inapplayan. Parehong bagsak ang kanilang mga balikat at uuwi ng bahay na wala man lang napala. Malungkot na nagpatuloy sa paglalakad ang dalawa habang bitbit ang isang plastic envelope na naglalaman ng kanilang mga requirements. Maya-maya ay biglang hinatak ni Josh si Vincent upang magkubli sa gilid ng pader. "T- hmp!" Hindi na naituloy ni Vincent ang sana'y sasabihin nito ng mabilis na takpan ni Josh ang bibig ng kaibigan gamit ang kanang kamay nito upang hindi na ito makagawa ng anumang ingay. "Ssshhh..." si Josh habang ang hintuturo nitong daliri ay nasa bibig, sumesenyas na huwag siyang maingay. Bigla namang nanlaki ang mga mata ni Vincent ng makita nito ang tinitingnan ng kaibigan kaya naunawaan na niya kung ano ang nais mangyari ng kanyang kaibigan. Inalis na ni Josh ang kamay sa bibig ni Vincent at kapwa pinanood kung paano makipaghalikan si Marjorie sa isang lalaki na nakatalikod sa kanila kaya hindi nila makilala kung sino ito. "Bro, kawawa naman ang kaibigan natin harap-harapang niloloko ng malanding babae na 'yan!" Nanggigil na pahayag ni Vincent sa mahinang tinig habang matalim na tingin ang ipinupukol sa dalawang tao na walang humpay sa paghahalikan kahit na may ilang tao na dumadaan sa paligid, walang pakialam ang mga ito kahit pinagtitinginan na sila. Matinding galit ang makikita sa mukha ni Josh dahil sa panloloko ni Marjorie sa bestfriend niyang si Vernice. "Oh, mga bro, kumusta ang lakad n'yo?" tanong ni Carlo habang nakaupo ito sa isang bangkong plastic. Kasalukuyan itong nakatambay sa harap ng tindahan ni Aling Chona. "Sa hilatsa ng mga mukha n'yo parang alam ko na ang sagot, ah!" Nakangising sabi ni Carlo na tila may planong mang-asar. Kaagad na dinampot nito ang gitara at sinimulang kantahin ang “Alaws Arep” by siakol. “..Maghahanap ng trabaho Kahit ano papasukin ko... Di matanggap kahit waiter Mukha raw akong holdaper... Alaws arep lagi sa araw araw Dehins tuloy ako makapanligaw Uuwi na lang ako sa amin Magdadasal na lang ng ama namin yeah...” Nang-aasar na kanta ni Carlo kaya lalong hindi na maipinta ang mukha ng dalawa, mabilis na nilock ni Josh ang ulo ng malokong kaibigan sabay batok naman dito ni Vincent habang si Carlo ay tawa ng tawa. “Gago! Atleast kami may pangarap, eh ikaw? Wala ng pag-asa ang ekonomiya sayo!” Bulyaw ni Vincent bago umupo sa tabi ni Carlo. "Yun! buo na naman ang barkada." Nakangiting pahayag ni Vernice na kararating lang galing trabaho. Nang makalapit ito ay hindi makapaniwala na tumitig sa mukha ni Vincent at Josh. "P**cha, bro, tinalo n'yo pa ang namatayan, Ah!" Nang-aasar na sabi ni Vern bago sumandal sa isang poste na nasa gilid ng tindahan saka pinagsalikop ang dalawang braso sa ibabaw ng kanyang dibdib. "Talagang magmumukha kang namatayan sa oras na malaman mo ang mga nakita namin, huh!" Si Vincent na nanatiling seryoso ang expression ng kanyang mukha. Ngunit bigla itong natigil sa pagsasalita ng sikuhin ito ni Josh. "Babe!" Narinig nilang sigaw ni Marjorie, naglalakad ito palapit sa kanilang kinatatayuan at halos iisang tao na lumingon ang lahat sa dalaga. Biglang lumapad ang ngiti ni Vern ng makita ang kanyang nobya, nang makalapit ito ay pumulupot kaagad ang mga braso nito sa katawan ni Vernice saka mapusok na hinalikan ito sa mga labi. Mula sa gilid ay nagpupuyos sa matinding galit sina Vincent at Josh dahil alam na nila ang tinatago nitong baho, habang si Carlo ay walang muwang sa mga nangyayari. "Aling Chona, isang bilog nga d'yan." anya sa tindera ng tindahan, kaagad namang dumampot ng isang alak ng Gin ang may edad na babae at inabot ito kay Josh bago nagsulat sa kanyang mahabang listahan. "Babe, maiwan na muna kita dito, pero sumunod ka kaagad sa bahay ha, kasi may bisita tayo." Malambing na saad ni Marjorie habang nakapaskil ang isang matamis na ngiti sa mga labi nito. Isang magaan na halik ang ginawa nito bago tuluyang umalis sa kanilang harapan, ni hindi man lang nagawang batiin ang kanyang mga kaibigan. "Pare, mukhang malaki yata ang problema mo, ah?" natatawa na sabi ni Vern na ang tinutukoy ay ang hawak ni Josh na alak. Binuksan ito ni Josh gamit ang kanyang matibay na ngipin at ng mabuksan ito ay kaagad na inabot ito sa dalaga. Nagkatinginan naman sina Carlo at Vern na parehong nagtataka dahil sa kakaibang ikinikilos ng kanilang mga kaibigan. "Para sayo talaga 'yan bro, oh, kunin mo at magmumog ka para matanggal ang bacteria d'yan sa bibig mo." Si Josh na nanatiling seryoso ang mukha kaya batid nila na hindi na ito nagbibiro.. " Vern, may kailangan kang malaman, kanina, nakita namin si Marjorie na nakikipaghalikan sa isang lalaki, Bro, niloloko ka ng girlfriend mo." Si Vincent habang nakatitig ng diretso sa kanyang mga mata. Sa pagkakataong ito ay batid ni Vernice na seryosong usapan na ito dahil nakikita niya sa mga mata ng kaibigan ang determinasyon at walang balak na bawiin ng mga ito ang kanilang mga binitiwang salita. Ramdam din ng dalaga ang labis na pag-aalala ng mga kaibigan para sa kanya. Sandaling katahimikan ang namagitan sa kanilang lahat at halos walang naglakas loob na magsalita sa kanila na kapwa nagpapakiramdaman. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Vernice bago ito ngumiti sa mga kaibigan ngunit ang ngiti na 'yun ay hindi umabot sa kanyang mga mata at kapansin-pansin ang biglang pagtamlay nito. "Kumusta na nga pala ang paghahanap ninyo ng trabaho?" maya-maya ay tanong ni Vernice, batid nila na nais nitong ibahin ang usapan kaya hinayaan na lang siya ng kanyang mga kaibigan. Napa Kamot sa ulo si Vincent habang si Josh ay wala sa sarili na tinungga ang hawak na alak, umiiling na dumukot sa kanyang bulsa si Vernice at naglabas ng dalawang libuhing papel at inabot sa dalawa. "Don't worry, makakahanap din kayo ng trabaho." Anya sa mga ito habang nakalahad ang perang hawak nito sa kanilang harapan. Tinanggap naman ng dalawa ang pera at isinilid iyon sa kani-kanilang mga bulsa, sanay na sila sa isa't-isa kaya hindi na uso sa kanila ang salitang hiya. Vernice Point of view "So, paano bro, uwi na ako, maiwan ko na muna kayo dito." Pagkatapos sabihin iyon ay tinalikuran ko na sila, habang naglalakad ay nahulog ako sa isang malalim na pag-iisip. Magagawa kaya ni Marjorie ang iwan ako? For almost five years na relasyon namin ay ni minsan hindi ako nakaramdam ng anumang kakaiba sa girlfriend ko, until now. Kaya hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan ang sinabi ng mga kaibigan ko. At kung sakaling totoo man 'yun ay hindi ko yata kakayanin na mawala sa akin si Marjorie dahil buong buhay ko ay sa kanya lang umiikot. "Babe!' Pagdating ko sa pintuan ng apartment namin ni Marjorie ay sumalubong sa akin ang magandang ngiti nito, lumapit siya at naglalambing na yumakap sa akin. Mahigpit ko naman itong niyakap ngunit natigilan ako ng makita ko ang isang lalaki na nakaupo sa single sofa na may dalawang dipa ang layo mula sa aking kinatatayuan. Iba ang pakiramdam ko sa isang ito at parang kay bigat ng loob ko sa lalaking 'to. "Oh, Babe, si Alex nga pala pinsan ko, Alex si Vernice boyfriend ko." Masayang pakilala ni Marjorie sa aming dalawa, kaagad namang tumayo ang pinsan ni Marjorie saka naglahad ng palad sa aking harapan. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag ng malaman ko na magpinsan ang dalawa. Bakit ba napapadalas na yata ang pagiging nerbyoso ko? anya sa aking isipan parang gusto kong batukan ang aking sarili. "Kumusta, pare." Bati ko sa kanya bago tinanggap ang kamay nito, matamis siyang ngumiti sa akin at masasabi ko na napakafriendly ng dating nito ngunit ang hindi ko nagustuhan ay ang pagpisil niya sa aking palad at hindi maganda ang dating nito sa akin. "Babe, okay lang ba kung makituloy muna dito pansamantala ang pinsan ko? wala kasi siyang matutuluyan dito sa Manila, isang buwan lang naman, kasi seaman si Alex at next month ay sasakay na siya sa barko." Nakikiusap na tanong sa akin ni Marjorie, ayoko sanang pumayag ngunit hindi ko naman matanggihan si Marjorie. "Yun lang ba? sure, no problem." Ani ko bago hinalikan sa labi ang aking nobya na kaagad naman nitong tinugon. "Ehemm.." narinig kong tumikhim ng malakas si Alex na tila inaagaw ang aming atensyon. Ito ang ayoko kapag may kasama sa bahay may asungot kaya nakadama ako ng inis pero hindi ko ipinahalata sa kanila. "Babe, sasaglit muna ako sa bahay namin kukunin ko lang yung laptop na naiwan ko doon." Paalam ko sa kanya at tinalikuran na ito. Sa tingin ko ay dito na ako laging matutulog dahil kahit na magpinsan pa rin ang dalawa ay wala akong tiwala sa lalaking ito..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD