Ikalawang kabanata

1728 Words
Hainan, Province of China "Years have passed, mr. Zhōu, and you got almost a million dollars from me, I think it's time for you to pay what you’ve owed me.” Ani ng isang lalaki sa seryosong tono na may matigas na expression sa mukha. Nakasuot ito ng isang mamahaling suit habang naka de kwarto na nakaupo sa single sofa. kasalukuyan silang nasa loob ng opisina ni mr. Zhōu, hindi maikakaila ang labis na karangyaan sa hitsurá nito dahil sa matikās at puno ng dignidad na pangangatawan ng lalaki na naglalaro sa edad sixty. Makikita mula sa asul niyang mga mata na tila nauubusan na ito ng pasensya sa kanyang kausap. “Please, Mr. Hilton, I beg you, just a little more time to pay you.” Nagsusumamo na wika ni Mr. Zhōu ang ama ni Aiguo. Labis siyang nagulat sa biglaang pagdating sa kanilang bansa ng business tycoon na si Mr. Cedric Hilton. Inaasahan naman talaga niya ang pagsulpot nito sa kanyang opisina, ngunit hindi niya sukat akalain na mapapaaga ang pagbisita nito. “It’s been years, since I heard that from you Mr. Zhōu but until now you are still begging.” Mapanganib na sagot ni Mr. Hilton habang seryosong nakatingin sa mukha ng matanda. Pagdating sa negosyo ay mahigpit si Mr. Hilton at wala siyang pinalalampas na pagkakataon kaya wala ni katiting na awa ang makikita sa mukha nito para sa kanyang kausap. “Whether you like it or not, I will take over your company in exchange for the money you got from me.” Matigas nitong pahayag at makikita ang determinasyon sa kanyang mukha na makuha ang nais nito. Batid ni Mr. Zhōu na sa pagkakataong ito ay hindi na niya matatakasan pa ang problemang kinakaharap. Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan nito na tila tanda ng pagsuko. Bagsak ang mga balikat na tumingin siya ng diretso sa mga mata ni Mr. Hilton. "I am old enough and can no longer to manage a huge company, since your the owner of 70% of my company, then I will give all responsibilities and right in all my business, Mr. Hilton, but in one condition.” Anya kay Mr. Hilton habang ito naman ay matamang nakikinig na wari mo ay inaalisa ang bawat galaw at mga salitang lumalabas sa bibig ng matandang Chinese. “I know that you have an eldest son, I want your son’s marrying my granddaughter.” Seryosong pahayag ng matanda, makikita sa mukha ni Mr. Zhōu kung gaano kahalaga para kanyang ang hinihiling nito mula kay Mr. Hilton. Napaisip bigla si Mr. Hilton sa kondisyon na hinihingi ng matanda, sinipat niya ang mukha nito at inaarok kung ano ang tumatakbo sa isip ng kaharap. Kung tutuusin ay pabor sa kanya ang naging pahayag nito dahil kung sakaling maikasal ang kanyang anak sa sinasabi nitong apo ay mapapasa kanya ang kumpanya ng mga ito. Kilala rin naman niya ang ugali ng kanyang panganay na anak batid niya na kapag negosyo ang pag-uusapan ay wala itong palalampasin kaya sigurado siya na tatanggapin nito ang alok ng matandang chinese. “Okay, it’s a deal.” Pagsang-ayon niya at kapwa naglahad ng kanilang mga kamay ang dalawa bilang pagtatapos sa kanilang napagkasunduan. Yuay Zhõu Point of view “Twenty years ago, when Tiffany's gave birth to my grandchild and that time also chaos began in our family, everything went wrong because of that child I lost my wealth and my son. When my Son's Aiguo left us, our businesses also started to fall and my company even came to the point of bankruptcy. At that time only Mr. Cedric Hilton was the man who saved my company. My wife also started to get sick and I was the only one managing our businesses. The series of problems that came to us were because of that child and according to the fortune teller, the only thing that can remove the curse from our family is that the girl must marry the eldest son. The reason why I demand a marriage agreement for is eldest son of Mr. Hilton and my Aiguo's daughter. "Jǐnkuài zhǎodào wǒ érzi hé nàgè háizi, dài tāmen huí zhōngguó!" (Find my son and that child as soon as possible and take them back to China!) I sternly ordered my men, and they bowed quickly before leaving my office. That child who brought the curse on us, so she is also the only one who can remove misfortune into this family." Makikita ang matinding galit sa mukha ng matandang Chinese na kahit ilang dekada na ang lumipas ay sariwa pa rin sa kanyang isipan ang lahat ng nangyari at magpasa hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap si Vernice bilang sariling dugo at laman nito...... ———————————————————— "Juice ko at talagang nagsama pa kayong mag-ama sa loob ng kulungan? marami na nga akong problema, dumagdag pa talaga kayo?" Walang humpay ang panenermon sa amin ni nanay Elsa, ang aking Stepmother. Halatang nagpipigil lang ito ng galit na huwag kaming batukan ni Papa sa harap ng mga pulis habang kaming mag-ama naman ay kapwa mga nakayuko dahil sa labis na kahihiyan. Wala ni isa sa amin ang nagsalita at tahimik lang na tinatanggap ang mga sermon ni Nanay Elsa. Mabait si Nanay Elsa at sa simula pa lang ay siya na ang laging tumutulong sa aming mag-ama mula ng mapadpad kami dito sa Pilipinas. Itinuring na kami nito na parang sarili niyang pamilya hanggang sa naisipan nilang magpakasal ni Papa upang maging permanent resident kaming mag-ama dito sa Pilipinas. Dahil noong mga panahon na 'yon ay malapit ng matapos ang tourist visa na gamit ni papa at kailangan na naming lisanin ang Pilipinas. Halos maubos na rin ang pera ni papa sa pag-extend ng aming mga visa, wala naman kasi siyang makita na magandang trabaho dito sa Pilipinas. Dala ng awa ni Nanay Elsa ay inalok niya si Papa ng kasal para hindi kami mapilitan na bumalik sa China. Biyuda na ng makilala ni papa si Nanay Elsa, marahil, dahil sa kabaitan nito ay natutunan na rin siyang mahalin ni Papa hanggang sa nagkaroon sila ng isang anak na lalaki, si Chito. Alam ni Nanay Elsa ang dahilan kung bakit hindi kami maaaring bumalik sa aming bansa kaya kahit mahirap ang aming katayuan ay tinitiis na lang namin hanggang sa nasanay na rin kami sa hirap at tuluyan ng na adopt ng aking ama ang buhay dito sa Pilipinas. Sila ang dahilan kung bakit hindi ko magawang umalis sa lugar na ito dahil aalis lang ako kung kasama ko sila. Ang problema ay ayaw iwan ni Nanay Elsa ang bahay nito na minana pa niya mula sa kanyang mga magulang. Nakadama ako ng lungkot ng dumaan harapan ko ang aking ama ng hindi man lang ako nito pinapansin para lang akong hangin na hindi nito nakikita. Kasing lamig ng yelo ang pakikitungo sa akin ni Papa at ni minsan ay never kong nakita na tumingin siya sa aking mukha. Ni ang kausapin ako kahit na isang salita lang ay hindi niya magawa. Para bang isang malaking kasalanan sa langit sa oras na tumingin siya sa aking mukha, sadyang napakabigat ng loob niya sa akin at hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa kakayanin ang pangbabalewala nito sa akin. Napalingon ako sa aking tabi ng may isang kamay na dumantay sa 'king balikat, sumalubong sa akin ang mukha ni nanay Elsa habang malungkot na nakangiti. Tila sinasabi ng kanyang mga mata na, "pagpasensyahan mo na ang iyong ama, ikaw na lang ang umunawa sa kanya." Bata pa lang ako ay ito na ang itinatak ni nanay Elsa sa utak ko kaya isang walang buhay na ngiti ang isinukli ko sa kanya bago tahimik na sumunod sa likuran ng aking ama na kasalukuyang palabas ng presinto. Pagbaba namin sa tricycle ay sumalubong sa amin ang ilang kalalakihan na pawang mga naka black suit, mukhang kagalang-galang ang mga ito habang nanatiling seryoso ang kanilang mga mukha. Nang makita nila ang aking ama ay nagulat ako ng biglang nagsiyuko ang mga ulo nito tanda ng malaking respeto nila sa aking ama. Kung susuriin mo ang hitsura ni Papa ay nakasuot lang ito ng isang kupasing maong na pantalon at napakadumi pa ng suot nitong t-shirt na may punit pa sa bandang manggas kaya parang hindi akma para sa mga lalaki ang klase ng respetong ibinigay nila sa aking ama. Walang pakialam na dumiretso ng pasok sa loob ng bahay si Papa at hindi man lang nito binigyang pansin ang mga lalaki sa aming harapan. Nang lampasan sila ng aking ama ay saka pa lang nag-angat ng ulo ang mga ito at napipilan ako ng mapako ang kanilang mga mata sa direksyon ko. Parang namangha ang mga ito ng makita ang hitsura ko at sa klase ng kanilang mga tingin ay batid ko na alam nila na isa akong babae. Sunod nilang binalingan ay ang kapatid kong si Chito na nakatayo sa tabi ko. Kita ko kung paano nagliwanag ang kanilang mga mukha ng mapansin nila ang pagkakahawig nito sa aming ama. Parang iisang tao na nagyuko ng kanilang mga ulo ang mga lalaki sa aming harapan, pagkatapos nun ay pumasok sa loob ng bahay ang isa sa kanila upang kausapin ang aming Ama. Halos inabot ng Isang oras ang pag-uusap ng dalawa habang kami ay nanatili sa labas ng bahay, naririnig namin ang pag-uusap nila ngunit hindi naman namin maunawaan kung ano ang kanilang pinag-uusapan dahil gamit nila ang salitang Chinese. Maya-maya ay lumabas na ng bahay ang lalaki habang si Papa ay nakasunod sa likuran nito. Nagpaalam muna sa amin ang lalaking nakausap ni Papa sa wikang English bago ito tuluyang umalis. Napansin ko na tila malalim ang iniisip ni Papa ngunit labis kong ikinagulat ang sumunod na ginawa nito, dahil bigla siyang lumingon sa akin. Isang makahulugang tingin ang ibinigay niya akin, halos pigil ko ang aking hininga at bigla ang pagkabog ng dibdib ko dahil ito ang unang pagkakataon na nagtama ang aming mga mata. Ilang segundo lang na nangyari 'yon ay kaagad na akong tunalikuran nito. "Kailan kaya darating ang panahon na mahawakan at makausap ko ang aking ama? Abot kamay ko na lang siya ngunit parang napakalayo niya na kay hirap abutin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD