Ikaapat na kabanata

1540 Words
Nang tuluyang makaalis si Vernice ay kaagad na isinarado ni Marjorie ang pintuan. "Woah! Ang ganda naman ng boyfriend mo?" tila nang-aasar na saad ni Alex kaya naiinis na hinarap ito ng dalaga. "Huwag mong pakialaman si Vernice ko, kung hindi ay hihiwalayan kita." Galit na banta niya kay Alex, natatawa namang lumapit ito sa dalaga at mahigpit itong niyakap. “Bakit ko naman gagawin ‘yon alam mo naman kung gaano kita kamahal.” Si Alex bago naglalambing na hinalikan sa leeg si Marjorie habang ang kamay nito ay naglalandas paakyat sa kanyang hita. Huminto ang kamay ng binata sa pagitan ng mga hita ni Marjorie at hinaplos ang kaselanan nito. “Ano ba Alex baka biglang bumalik si Vern.” Saway ng dalaga ngunit ang binata ay ayaw paawat dahil masyado itong mapusok. Nagmamadali na ibinaba nito ang stocking ng dalaga kasama ang panty, isinunod nito ang kanyang pantalon na bahagya lang ibinaba at mabilis na pinadapa ang dalaga sa ibabaw ng lamesa na malapit sa kanila. Kita sa mukha ni Marjorie ang matinding pananabik para sa binata kaya ng maramdaman niya ito sa kanyang loob ay naipikit niya ang mga mata, pakiramdam nito ay para siyang nakalutang sa alapaap. Mula sa likod ay malayang inangkin ng binata ang kanyang kasintahan habang si Marjorie ay tila nasisiyahan pa sa kanilang sitwasyon. Hindi man lang ito nakunsensya sa panloloko niya kay Vernice dahil mahal na niya si Alex ngunit mahal din niya si Vernice. Kaya pinag-sasabay niya ang dalawa, sadyang salawahan ang puso ng dalaga. Vernice Point of view “May pagkain pa d’yan sa lamesa baka hindi ka pa kumakain.” Si Nanay Elsa na abala sa pagtutupi ng mga pininaw nitong damit, lumapit ako sa kanya upang magmano. “Si Papa po?” Tanong ko sa malumanay na tinig bago lumapit sa lamesa kung saan nakahain ang pagkain na adobong manok. Tinanggal ko ang takip nito saka kumuha ng pinggan at sumandok ng kanin sa kaldero. “Naku, hindi ko alam kung saan na naman nasuot ang mag-ama na ‘yon, kanina pa wala at hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik.” Naiinis na sagot sa akin ni Nanay Elsa, nakadama ako ng lungkot nang marinig ko ang sinabi nito. Sa totoo lang ay naiinggit ako kay Chito dahil sa atensyon na natatanggap nito mula sa aming ama. Samantalang ako ay parang hangin lang sa bahay na ‘to na tila hindi nakikita i nararamdaman ng aking Ama. Pero kahit ganun ang trato sa akin ni Papa ay never akong nagtanim ng galit sa aking kapatid o maging sa aking ama, tanggap ko na kailanman ay hindi ako nito matatanggap dahil sa isa akong babae. Nanatili akong tahimik habang kumakain mag-isa sa lamesa. Nang matapos ay hinugasan ko ang aking pinagkainan bago pumasok sa loob ng maliit kong kwarto. Kinuha ko ang aking laptop na nasa ibabaw ng kama, nakalimutan ko kasi ito kahapon ng kumuha ako ng ilang pirasong damit dito. "Nay, Alis na po ako." Paalam ko kay nanay Elsa na katatapos lang magtupi ng damit at kasalukuyan na itong isinasalansan sa loob ng kabinet. Bago lumabas ng bahay ay lumapit muna ako sa kanya at inabot ang ten thousand pesos para may panggastos ito at pambayad na rin ng aming monthly bill. "Salamat anak, mag-iingat ka." ani nito pagkatapos tanggapin ang halangang inabot ko, isang tipid na ngiti ang naging tugon ko bago tuluyang lumabas ng bahay. Pagdating sa apartment na inuukupa namin ni Marjorie ay hindi na ako kumatok at basta ko na lang binuksan ang pintuan. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay tumambad sa aking harapan ang pinsan ni Marjorie na kalalabas lang ng banyo. Nakahubad ito habang nakatoppies ng tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan nito kaya litaw ang maskulado niyang katawan. Nakadama ako ng inis dahil pakiramdam ko ay parang nananadya ata ito. Hindi ko siya pinansin at walang pakialam na nilampasan ko na lang ang lalaking 'to bago diretsong pumasok sa loob ng kwarto namin ni Marjorie Saglit akong natigilan ng maabutan kong nakahubad sa aking harapan si Marjorie at kasalukuyan itong nagbibihis dahil bagong ligo ito. Pakiramdam ko ay parang may sumipa sa dibdib ko at binalot ng kabâ ang puso ko. Pagkatapos niyang maisuot ang damit pang itaas ay mabilis na humarap siya sa akin, ni hindi na ito nag-abalang magsuot ng kanyang pang-ibabang damit kaya tanging panty na lang ang suot nito. Isang nang-aakit na ngiti ang ibinigay niya sa akin at saka maingat na lumapit ito sa aking kinatatayuan. "Babe, kumusta sina tita?" Malambing niyang tanong ngunit ang mga kamay nito ay mabilis na naipinasok sa loob ng suot kong polo at nagsimula na itong maglumikot sa aking katawan. "O-okay lang sila, Babe, amoy pawis ako," nauutal kong sagot at bahagyang inilayo ang sarili mula sa kanya. "kailan ka ba naman naging mabaho? minsan nga naiinggit na ako sayo kasi maghapon ka sa arawan ay amoy baby ka pa rin samantalang ako konting pawis lang hindi na ako kaagad kumportable." Nakasimangot na sagot nito sa akin bago nagdadabog na tinalikuran ako. Mabilis kong ibinaba ang hawak kong laptop sa ibabaw ng kama bago ko niyakap ang maliit niyang baywang . Ibinaon ko ang aking mukha sa pagitan ng kanyang leeg saka sinamyo ang mabango nitong amoy. “Para sa akin ikaw lang ang baby ko at ikaw lang ang pinakamabangong babae sa buong mundo, kaya please huwag ka ng magtampo. Nahihiya kasi ako biruin mo ang fresh mo tapos ako amoy araw. Maliligo muna ako babe.” Anya sa malambing na tinig, napangiti ako ng makita ko na siyang ngumiti. Bumitaw na ako bago kumuha ng isang pares na damit pantulog at saka lumabas ng kwarto upang maligo. Nadaanan ko sa sala’s si Alex ngunit hindi ko na ito tinapunan ng tingin at diretso na akong pumasok sa loob ng banyo. Inabot din ako ng kwarenta minuto bago matapos sa pagliligo. Paglabas ko ng banyo ay naabutan ko pa rin si Alex na nakaupo sa maliit na sofa. Lumingon siya sa akin at kita ko kung paano ito natigilan bago sinipat ng tingin ang aking kabuuan mula ulo hanggang paa. Mahigpit kong naikuyom ang aking mga kamay at matinding pagpipigil sa sarili ang ginawa ko para lang huwag itong upakan. Kaagad akong pumasok sa loob ng kwarto habang nagpupuyos ang aking kalooban. “Oh, bakit nakasimangot ka?” Nag-aalala na tanong sa akin ni Marjorie pagkatapos kong isarado ang pintuan. “Iyang pinsan mo, hindi ko gusto ang paraan ng mga tingin niya sa akin, pagsabihan mo ‘yan at baka makalimutan ko na kamag-anak mo ‘yan.” Nagtitimpi kong sagot bago padabog na naupo sa gilid ng kama. Sumandal ako sa headboard at dinampot ang aking laptop na nakapatong sa ibabaw ng maliit na table na nasa gilid ng kama. May kailangan kasi akong tapusing report para sa inventory ng Audit department. Nagtatrabaho ako sa isang private company at nakaassign ako sa Audit department, habang ang aking girlfriend ay isang Secretary sa isang kilalang kumpanya. Sumampa na sa kama si Marjorie at nahiga ito sa aking tabi habang ako ay abala sa aking laptop. “Pagpasensyahan mo na si Alex, hayaan mo at bukas ay pagsasabihan ko.” Hinging paumanhin nito sa akin, nilingon ko siya bago matamis na ngumiti sa kanya kaya halos nag-isang linya ang aking mga mata. Nanggigigil naman nitong pinisî ang aking pisngi kaya biglang nalukot ang mukha ko dahil nakaramdam ako ng sakit. Natatawa naman siyang bumangon at pinatakan ako ng halik sa labi. “You know babe, hindi ako magsasawang halikan ka, talagang nakakaadik ang mga labi mo, ang cute mo kasi.” Malambing niyang saad bago muling humiga sa tabi ko at yumakap sa aking baywang ang isang braso nito. Masuyo kong hinaplos ang kanyang buhok para mabilis itong makatulog, ito kasi ang kadalasan kong ginagawa sa kanya habang abala ang isang kamay ko sa pagtipâ sa keyboard ng laptop. Halos isang oras ang lumipas ng makaramdam na ako ng antok, kaya isinara ko na ang laptop at pinatay ang lampshade bago maingat na humiga. Inangat ko ang ulo ni Marjorie at iniunan ito sa aking braso saka ito niyakap ng mahigpit. Isang mabining halik sa labi ang iginawad ko sa kanya bago ko ipinikit ang aking mga mata hanggang sa tuluyan na akong igupo ng matinding antok…” Makalipas ang higit trenta minuto ay nagmulat ng kanyang mga mata si Marjorie bago maingat na bumangon, sinisigurado nito na hindi magigising si Vernice. Dahil sa matinding pagod at antok ay hindi na naramdaman ni Vernice ang paglabas ng kwarto ni Marjorie maging ang maingat na pagsara nito ng pintuan. Pagdating sa labas ay sumalubong sa dalaga ang nakasimangot na mukha ni Alex at makikita ang labis na inis sa mukha nito. “Bakit ba ang tagal mo?” Irritable na tanong nito sa dalaga. “Sorry na Babe, ang tagal kasi makatulog ni Vern,” malambing na sagot nito bago umupo sa kandungan ng nobyo. Nang mga sumunod na sandali ay naging mapusok na ang dalawa at may pagmamadali na inangkin ang isa’t-isa habang si Vernice ay mahimbing na natutulog sa loob ng kanilang kwarto. Walang kamalay-malay sa pagtataksil na ginagawa ng kanyang nobya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD