Unang kabanata

2085 Words
Salot (lyrics by Siakol) “..Pagkagising ko sa umaga... Balita sa dyaryo ang nakita Wala pa ring pinag iba Karahasan ang makikita... Anong klaseng pamumuhay Kaguluha’y wala na bang humpay... Ako’y napadaan sa isang kanto... “AaaaMarami ang nag kakagulo... Tsimis pala ang kanilang punto Paninira sa kapwa tao...” Habang patuloy ako sa pag-awit ay abala ang aking mga daliri sa pagtipâ sa string ng gitara, sumasabay sa pagkanta ang aking mga kaibigan kaya ibayong saya ang dulot nito sa pakiramdam. Ang ilan sa mga kaibigan ko ay mukhang may tama na ng alak ngunit patuloy pa rin sa pagtagay ang mga ito habang ako ay huminto na sa pag-inom dahil hanggang limang tagay lang ang kaya kong inumin. Mahina kasi ang tolerance ko sa alak at mabilis akong malasing. Araw ng Linggo ngayon kaya nandito kami sa harap ng bahay nina Josh na halos nasa gilid lang din ng kalsada. “Hanggang ngayon ay wala pa ring sinaing? B****t na buhay ‘to!” “Oh! Bakit umuwi ka pang h***p ka!” “Hoy! Lumayas kayo dito kung wala kayong pambayad ng upa!” Ilan lamang ‘yan sa mga naririnig ko sa aking paligid habang nagkalat sa kalye ang mga batang mukhang malnourished. Masasalamin ang matinding kahirapan sa hitsura ng mga batang ito. Sa bawat sulok naman ng aming barangay ay naroon nagkukubli ang mga magsusugal na kasalukuyang naglalaro ng binggo. Kung bagong salta ka sa lugar na ito ay siguradong hindi mo kakayanin ang mabahong amoy ng paligid, bukod pa run ay kasing init ng matarik na sikat ng araw ang maalinsangan na lugar na aming kinaroroonan dahil sa dikit-dikit na maliliit na bahay na pawang gawa lang sa mga light materials at pinagtagpi-tagping trapal. Ang mga bahay dito ay katumbas lang ng isang palito ng posporo at sigurado ako na sa isang iglap lang ay tupôk kaagad ang mga ito. Patuloy lang kami sa kasiyahan at hindi alintana ang magulong paligid. Ilang sandali pa ay naghubad ng t-shirt niya ang kaibigan kong si Josh at ipinatong pa ang isang paa nito sa bangkong kahoy na kanyang inuupuan. Siya ang matalik kong kaibigan at sa aming grupo ay siya ang taga-tagay, kapag alam niya na nakalimang tagay na ako ay nilalaktawan na ako nito at hindi na pinapainom. Kumilos si Vincent, ang kaibigan kong tirador ng pulutan at si Carlo naman na nakaupo sa aking harapan na walang humpay ang pagkumpas ng katawan dahil feeling dancer ang gago. Ako si Vernice Zhōu o mas kilala sa tawag na Vern ang singer at guitarrista ng grupo. Bukod tanging ako lang ang babae sa aming magkakaibigan ngunit mas astig kumpara sa kanila. Tuwing Linggo ay lagi kaming may reunion ng mga kaibigan ko at maaga pa lang ay nakalatag na ang lamesa. Kanyanan ng ambag ang bawat isa sa amin para sa pambili ng alak, pero kapag wala pang sahod ay nandyan si aling Chona na laging maaasahan sa oras ng kagipitan kaya ang ending wala pang katapusan ay ubos na ang sahod. “..Ang mundo ay umiikot Huwag, ka sanang malikot Baka ikaw ay mahulog Hindi ka ba natatakot... At ikaw.. ay matawag na salot...” “Woohhh!” Malakas na hiyawan namin ng matapos ang kanta, malakas na sumipol naman si Carlo na halatang lasing na dahil hindi na ito mapakali sa kanyang kinauupuan. Sa aming magkakaibigan ay tanging ako lang ang may tinapos, dala ng kahirapan ay hindi na nila nagawa pang makapag-aral at ang ilan pa sa kanila ay may asawa na. Nakatapos lang ako ng kursong accountant dahil sa pagiging working student ko kaya sa ngayon ay may maayos naman akong trabaho di katulad ng mga kaibigan ko na puro mga jobless. Simula ng magkaisip ako ay sila na ang laging kasama ko kaya halos kilala na namin ang isa’t-isa. “Babe, napalingon ako sa aking likuran ng marinig ko ang tinig ng aking nobya, abot hanggang tainga ang ngiti ko ng masilayan ko ang magandang mukha nito. Napakasexy nito sa suot niyang pang office attire at halos litaw ang bilugan at maputi niyang mga hita. Mabilis kong ipinasa kay Josh ang gitara. Nang makalapit sa akin si Marjorie ay kaagad na umupo ito sa aking kandungan at sabik na hinalikan nito ang aking mga labi. “Hoy! Get a room!” Bulyaw sa amin ni Carlo habang nagtatawanan ang mga ito. “Putcha, pare english ‘yun, Ah!” Di makapaniwala na sabat naman ni Vincent habang hawak na nito ang pinggan na may lamang pulutan. “Abha, isang taon ko yatang pinag-aralan ‘yun.” Halos walang tigil kami sa katatawa dahil sa kakulitan ng mga ito habang si Marjorie ay nanatili sa kandungan ko at nakaakap ang isang braso nito sa aking leeg. Napakalambing ng girlfriend kong ito at halos limang taon na kaming magjowa. Si Marjorie ay kababata ko at kaklase ko rin simula high school until college, noon pa man ay malapit na kami sa isa’t-isa. Hanggang isang araw ay natuklasan ko na lang na mahal ko na ang kaibigan ko. Napag-alaman namin na pareho lang pala kami ng nararamdaman at bago pa kami grumaduate ay naging kami na. Wala namang pakialam ang mga magulang niya sa relasyon namin basta abutan ko lang sila ng pera siguradong mabango na ako sa kanila. Batid ko na hindi tanggap sa lipunan ang mga tulad kong lesbian, eh, kahit magpakababae naman ako ay wala pa ring magbabago, hindi pa rin ako tanggap ng lahat. Kung ituring ako ng pamilya ko ay parang isang salot sa lipunan kaya mas mabuti pang magpakatotoo na lang ako. Masyadong mapusok si Marjorie dahil wala itong pinipiling lugar, kahit nasa public place kami ay hindi ito nahihiya na halikan ako sa labi. “Hindi n’yo ako masisisi dahil lamang ng sampung paligo sa inyo ang babe ko.” Malandi niyang saad at nang-inis pa itong lalo dahil dinilaan pa niya ang mapula kong mga labi bago nang-aasar na ngumisi sa aking mga kaibigan. “Stop it, Marjorie.” Saway ko sa kanya dahil halatang napipikon na ang mga kaibigan ko sa ugaling ipinapakita ng aking girlfriend. Ngunit ang magaling na babae naglalambing pa na yumakap sa akin kaya pinulupot ko ang aking mga braso baywang nito. “Par, ano bang nakita mo sa babaeng ‘yan? Hindi na nga kagandahan masama pa ang ugali.” Diretsahang sabi ni Carlo na may bahid inis ang boses nito, halatang napikôn na ‘to, maging si Josh at Vincent ay hindi na rin maipinta ang mga mukha. “Anong sabi mo?” Galit na tanong ni Marjorie. “Enough, Babe, bakit ba hindi kayo magkasundo ng mga kaibigan ko?” Malumanay na tanong ko kay Marjorie. “Bakit ba kasi hindi na lang tayo lumipat? Maganda naman ang trabaho mo, may trabaho rin naman ako pero bakit mas gusto mo pa ang patuloy na manirahan sa ganitong klaseng lugar?” Irritable niyang tanong sa akin na siyang ikinatahimik ko, ito ang madalas naming pag-awayan at hindi ko akalain na hanggang sa harap ng mga kaibigan ko ay sasabihin pa niya ang mga bagay na ‘yun. Pakiramdam ko ay napahiya ako ng husto. “Sa bahay na lang tayo mag-usap, Marjorie.” Ani ko sa seryosong tono, tumahimik naman ito bago nagdadabog na umalis mula sa kandungan ko. Hindi naman masyadong matangkad si Marjorie at hanggang baba ko lang ang taas nito. Hindi rin siya masyadong maputi, marahil ay gumanda lang ang kutis niya simula ng gumagamit na siya ng mga pampaganda na binibili ko sa kanya at isa rin sa dahilan ay ang pananatili nito sa de aircon nitong opisina sa kanyang trabaho bilang secretary. Sa katunayan nga ay higit na makinis ang balat ko sa kanya at parang labanos sa puti ang kulay ng balat ko na kapag nasinagan ng araw ay namumula ng husto ngunit hindi naman nangingitim. Dahil ang dugong nananalaytay sa akin ay purong Chinese. Lumaki lang ako dito sa Tondo, Manila, kaya matatas akong magsalita ng tagalog. Hindi naman ako maarte at hindi ako tumitingin sa panlabas na aspeto, at iyon ang malaking pagkakaiba namin ng girlfriend ko. Aminado ako na medyo masama ang ugali nito at mahilig manlait pero kahit ganun ito ay minahal ko pa rin siya. Siya lang ang kasiyahan ko at buong buhay ko ay halos nakalaan na sa kanya para na nga kaming mag-asawa dahil kalahati ng sahod ko ay napupunta sa kanya at ang kalahati naman ay sa aking ama. “Par, alam mo kung ako sayo huwag mong seryosohin ang babaeng ‘yan, napakalayo ng ugali sa ugali mo, hindi talaga kayo compatible.” Si Josh na dinampot ang bote ng beer, hindi na ito gumamit ng baso at basta na lang tinungga. Halatang masama ang loob nito sa girlfriend ko, maging si Vincent at Carlo ay biglang nanahimik. “Pasensya na kayo kay Marjorie, hayaan n’yo at pagsasabihan ko.” Hinging dispensa ko bago inangat ang itim na sumbrero na suot ko saka hinawi patalikod ang maikli kong buhok. Natigilan ako ng makita kong nakatitig sa mukha ko ang tatlo kong kaibigan. “P**cha, Pare, iba yang mga tinginan n’yo na ‘yan, ah!” Matigas kong saad na siyang nagpabalik sa kanilang kamalayan. “Sa totoo lang, Par, nanghihinayang talaga ako sayo, alam mo bang sa oras na mabihisan ka lang ng damit pambabae siguradong pagka-kaguluhan ka ng mga kalalakihan. Siguradong tatalunin ng ganda mo ang mga contestant sa Miss. Universe sayang lang at laging nakatago ang gandang ‘yan sa likod ng kupasin na maong at t-shirt .” Ani ni Josh. “Ughhh!” Pagkatapos sabihin iyon ay isang malakas na daing ang ginawa nito ng dibdibân ko ito kaya naudalot ang sana’y sasabihin pa ng dalawa at mas pinili na lang ng mga ito na manahimik. “Mas manghinayang kayo sa mga buhay ninyo huwag sa akin.” Ani ko sa seryosong tinig kaya naghari ang katahimikan sa pagitan naming lahat. “Kuya Vern! Kuya Vern!” Halos sabay kaming napalingon sa aking likuran ng marinig namin ang natatarantang sigaw ni Chito, ang sampung taong gulang na kapatid ko sa ama. “Oh, Chito bakit? May problema ba?” Kinakabahan kong tanong sa kanya, hinihingal naman itong huminto sa aking harapan halatang takot na takot ito at bahagya pang namummutla ang mukha nito. “Si Papa, napaaway at pinagtutulungan doon ngayon ng tatlong lalaki.” Natatakot na saad nito sabay turo sa ibang direksyon, kinabahan akong bigla kaya mabilis akong tumayo at kulang na lang ay liparin ko ang kinaroroonan ng aking ama. Mabait ang papa ko at madalas ay ito ang laging inaaway dahil hindi siya marunong lumaban. Naramdaman ko ang presensya ng aking mga kaibigan na nakasunod sa aking likuran maging ang mga ito ay labis na nag-aalala. Ganun na lang ang galit na naramdaman ko ng makita kong suntukin ng isang lalaki ang aking ama kaya hindi na ako nag-isip pa ng matino at mabilis na lumapit dito saka pwersahan itong ipinaharap sa akin. Isang malakas na suntok ang pinatama ko sa pangâ nito kaya napaupo ito sa semento. Halos magkasing tangkad lang kami ng lalaki kaya hindi mahirap sa akin ang makipag-laban ng harapan. Mula sa gilid ng aking mga mata ay kita ko kung paano na pagtulungan ng mga kaibigan ko ang dalawang lalaki. Pagharäp ko sa direksyon ng lalaking sinuntok ko kanina ay isang suntok ang sumalubong sa aking mukha kaya kamuntikan na akong sumubsub sa lapag. Mabuti na lang ay mabilis kong naibalanse ang aking katawan. Lalong naningkit ang singkit kong mga mata dahil sa galit kaya walang takot na hinarap ko ang lalaking sumuntok sa akin na ngayon ay nakangising aso sa akin. Umangat ang kaliwang kamao ko upang suntukin ito mabilis naman siyang nakaiwas ngunit hindi na nito naiwasan pa ang kanang kamay ko na tumama sa kanyang tagiliran bago sinundan ko pa ito ng isa pang malakas na suntok na tumama sa sikmura nito. Ramdam ko ang pagtalsik ng mga laway nito sa akin kaya naiinis na tinulak ko ito, kikilos pa sana ako upang sugurin siya ngunit nagulat ako ng bigla na lang may humawak sa braso ko. Buong pwersa na nilagay ang mga braso ko sa likuran kasunod ang paglalagay ng malamig na bagay sa palapulsuhan ko. Paglingon ko ay tumambad sa aking paningin ang mga kaibigan ko na hawak ng mga pulis maging ang aking ama. Wala na kaming nagawa ng kaladkarin kami ng mga Police papunta sa police station”.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD