Ang Alamat ni Prinsipe Malik
AiTenshi
Part 5: Ang Haligi
"Malik? Malik po ba ang sinabi nyo?" ang tanong ko kay Lola Ona at hindi ko halos maitago ang pag kagulat. "Oo iho. Ang haligi ng Apresia ay si Prinsipe Malik. Bakit para yatang nabigla ka?" ang ni Lola sa akin.
"Ah eh, maganda po ang pangalan niya at bagay na bagay sa isang prinsipe." ang palusot ko bagamat sumagi sa aking isipan na si Malik ay isang halimaw na may katawan ng tao, may kaliskis at ang kanyang paa ay buntot ng dragon. Paanong nag karoon ng paa itong si Malik kung gayong ibang iba ang itsura nya sa naka tala sa internet. Kung sabagay, baka nag kataon lamang na iyon ang pangalan nya o maaari din na nag tatago lamang ito sa katawan ng isang tao. "Pero imposibleng nag kataon lamang iyon dahil ang Malik sa aking research paper ay pinuno kagaratan at ang Malik naman dito sa lugar ng Apresia ay haligi rin ng kagaratan. Parehong pareho ang nakatala ngunit malaki ang pinag kaiba ng kanilang mga anyo." bulong ko sa aking sarili habang pinag mamasdan ang pag sasayaw ng lalaki sa ibabaw ng alon.
Makalipas ang ilang minuto, natapos din ang pag riritwal ng binata at muli itong lumakad papunta sa daungan ng mga bangka sa palasyo. Sinalubong siya ng mga kawal habang ang mga alalay nya ay pinupunasan ang matipunong katawan nito. Matangkad sa akin si Malik, sa aking palagay ay nasa 6ft ang taas nito. Matipuno ang katawan, putok ang dib dib, walang taba ang tiyan, bilugan ang braso at maganda ang hubog ng mga hita nito. Kung aking susuriin ay halos parang mag kasing edad lamang kami dahil mahahalata mong bata pa ito sa tamis ng kanyang ngiti habang kumakaway sa mga taong bayan.
Ipinag patuloy ko ang tanaw kay Malik sa di kalayuan, pinag masdan kong mabuti ang kanyang mukha. Ang buhok ay basa maigsi ito at mayroon bangs ngunit may ilang parte sa likuran na mahaba at hindi pantay pantay ang pag kakagupit. Ang kanyang mukha ay maganda dahil taglay nito ang matangos na ilong, mapulang labi at ang kanyang mata ay itim na itim, mapayapa at banayad kagaya nga ng inilawaran ni Lolo Armando. Tila namangha ako sa kanyang anyo, sa buong buhay ko ay ngayon lamang ako naka kita ng ganito ka gwapong nilalang. Hindi mo ito makikita sa telebisyon sa aking mundong pinanggalingan. Ibang klase ang kanyang perpektong anyo na paniguradong pag kakaguluhan kababaihan sa aking pinag mulan. "Tayo na, pumasok ang prinsipe sa Palasyo, maaari na tayong makipag usap sa kanya." ang yaya ni Lolo Armando kaya naman agad kaming sumunod sa mga kawal upang makapasok din sa loob.
Nasa ganoong pag lalakad ako ng bigla akong makaramdam ng kakaibang pagod, habang palapit ako sa pintuan ng palasyo at tila nag sisikip ang aking pag hinga na parang nawawalan ako ng hangin sa katawan. Para akong nalulunod bagamat wala naman ako sa ilalim ng tubig. "Iho anong nangyayari sa iyo?" ang sabi ni Lola Ona habang inaalalayan akong makatayo. "H-hindi a-ako makahinga.." ang bulong habang unti unting napapaluhod sa hirap hanggang sa natagpuan ko nalang ang aking sarili nakabaluktot at halos mamatay na sa hirap. Kasabay nito ang pag lantad ng kulay asul na ilaw sa aking dib dib, batid ko ang liliwanag ang kwintas at mas malakas pa ito kaysa sa dati.
Tumahimik ng husto ang paligid..
Maya maya ay unti unting gumalaw ang lupa at umangat ang tubig sa karagatan dahilan para mag kagulo ang lahat. "Miguel! Anong nangyayari sa iyo?!" narinig kong sigaw ni Lolo ngunit wala na akong lakas pang mag salita.
"Anong nang yayari dito?" ang tanong naman ng lalaking nag mamadaling lumabas sa pintuan ng palasyo. Habang pilit na pinakakalma ang tubig sa karagatan. "Si Malik!!" ang sigaw ko sa aking sarili habang namamalipit pa rin sa hirap.
"Mahal na haligi, bigla na lamang siyang nakaramdaman ng hirap sa pag hinga habang tinatahak ang bulwagan. Tulungan niyo po siya paki usap." ang paki usap ni Lola Ona habang hinihimas ang aking likod. "Dayo lamang po ang binatang ito, at hindi siya nag mula sa mundong ito. Nakita lamang siya ng aking asawa sa pampang ng karagatan. Tulungan niyo po siya paki usap."
Hindi naman sumagot si Malik at agad nitong hinawakan ang aking katawan. Doon ay nakikita kong nag liliwanag rin ang kanyang dib dib at kapareho ito ng sa akin. Alam kong napapansin rin niya ito ngunit hindi lang nya pinapahalata. Inaangat nya ang aking ulo at marahang hinimas ang aking dib dib. Nakaramdam ako ng kung anong mainit na bagay na namumuo sa aking kaibuturan, masarap sa pakiramdam at tila lumulutang ako sa mapayapang tubig ng karagatan.
Nasa ganoong pakiramdam ako ng bigla na lamang niyang inilapit ang aking mukha sa kanyang mukha at walang ano ano ay sinunggaban nya ako ng halik. Ramdam na ramdam ko ang kanyang labi na naka sugpong sa aking bibig. Binibigyan na ako ng hangin dahip nalalasahan ko ang kanyang mabangong hininga na dumadaloy sa aking ugat. Ibang klaseng mouth to mouth resuscitation ito dahil parang oxygen ang kanyang hininga na nag bibigay ng hangin sa aking baga. Ito ang unang pag kakataon na nahalikan ako ng isang lalaki, ngunit hindi ko naman iniisip na halik ito bagamat ganoon na rin siguro iyon.
Makalipas ang ilang sandali, muling bumalik sa normal ang aking pag hinga at kasabay nito ang pag bitiw nya sa aking bibig. "Maayos na siya. Hindi angkop ang iyong katawan sa mundong ito. Nakapag tataka lamang dahil nakayanan mong huminga ng mas matagal pa." ang wika ni Malik at muli itong tumayo.
"Salamat." ang tanging nasabi ko habang naka luhod pa rin sa sahig. "Nga pala dayo, maaari ko bang makita kung anong bagay ang umiilaw sa iyong dib dib?" ang tanong nito kaya naman marahan akong tumayo at inilabas ang kwintas na kabibe na nakasabit sa aking leeg. "Ito ba? Nakuha ko lamang ito sa lumang kahon na pag aari ng aking ama." ang paliwanag ko at doon ay kitang kita ko sa kanyang mata ang labis na pag kabigla. "May problema ba?" muli kong tanong ngunit nanatili lamang itong nakatingin sa aking mukha na para bang may mali sa aking anyo.
Tahimik..
Nanatili itong nakatayo sa aking harapan..
Maya maya, kumilos ito at inilabas din ang kwintas sa kanyang leeg. "Ang kabibeng iyan ay aking pag aari." ang tugon nito at pinag dikit nya ang dalawang kwintas kaya naman nag kabit ito at naging buo. Para itong isang kabibeng magka suklob na may perlas sa loob. "Mag karugtong ang kabibeng ito at malakas ang kutob ko na ito ang dala sa iyo dito." ang muling paliwanag ni Malik at doon ay mas lalo pang nag liwanag ang aming mga kwintas.
"Anong ibig sabihin ng liwanag na iyan?" tanong ko lang. "Manatili ka muna kayo sa palasyo ng mga ilang araw pa. Iyon lang muna ang tanging masasabi ko sa ngayon." sagot ni Malik at muli itong lumakad pabalik sa loob ng kanyang palasyo hawak ang magka sugpong na kwintas.
At iyon nga ang bagong set up. Dahil nga hiniling ng prinsipe na manatili muna kami sa loob ng kanyang palasyo ay wala na rin kaming nagawa kundi sundin ang kayang salita. Hindi ko tuloy alam kung paano ko ilalarawan ang aking naramdaman noong kausap ko si Malik. Napaka mahinahon ng kanyang dating at ang kanyang mga mata ay nag bibigay ng ibayong kapayapaan sa aking isipan. Tama nga si Lolo Armando, kakaiba ang awra nito at talaga namang hahanga ka kahit isa ka pang tunay na lalaki.. Iyon nga lang ay boring siya at parang hindi marunong ngumiti hehe.
Ituro ng mga katiwala ang aming silid, katulad nga ng inaasahan ko ay magarbo ito at talaga namang mamahalin ang disenyo. Ang pinaka gusto kong parte ng silid ay ang tanawin na malapit sa karagatan dahil nag dadala ito ng malamig sa sariwang hangin. Habang nasa ganoong pag tanaw ako sa kalayuan, muli kong naalala ang pag susugpong ng mga labi namin ni Malik. Kakaiba ang kanyang ginawang pag bibigay ng hangin sa aking baga at bukod pa roon ay kakaiba rin ang aking naramdaman noong mga sandaling iyon, hindi ko ito maipaliwanag ng maayos ngunit tila may kung anong kuryenteng dumaloy sa aking katawan. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang lambot ng kanyang labi at maging ang mabango niyang hininga. Nakakalito ngunit nakakaramdam ako ng kakaibang tuwa sa tuwing maiisip ko ito.
Makalipas ang isang araw ng papanatili namin ni Lolo at Lola sa loob ng palasyo ay muli silang pinatawag upang isalaysalay kung paano ako natagpuan. Kagaya nga ng kanila sinabi sa akin ay ganoon din ang kanilang naging pahayag sa harap ni Malik at ng mga matatandang taga payo nito.
Ilang oras ang nakalipas ay pinatawag naman ako upang isalaysay ang aking karanasan kung paano ako napadpad sa kanilang mundo. At syempre ikinuwento kong lahat ang aking naaalala mula sa pag bubukas ng kahon, pag kuha ko sa kwintas, pananaginip ko ng tungkol sa lumulutang na sibilisasyon at ang pag daloy ng tubig sa aming buong kabahayan. Lahat ng ito ay walang pag aalinlangan kong ibinida sa kanila.
"Marahil ay nag sasabi ng totoo ang batang iyan, dahil ayon sa propesiya ay mayroon isang nilalang nadarating sa ating mundo at siya ang mag bibigay ng swerte sa buong Apresia. Ang nakapag tataka lamang ay kung paano napunta sa kanya ang kalahati ng sagradong kwintas ni Prinsipe Malik." wika ng isang matandang taga payo ng prinsipe.
"Wala akong maalala kung paano ko naiwaglit ang kalahati ng aking kwintas. Mayroon bang problema tungkol sa pag kaka kuha niya nito? Kung mayroon man, maaari ko bang malamang Esmael?" tanong ni Malik habang pinag mamasdan ang mag kapatong na kabibe sa kanyang harapan.
Muli sumagot ang matandang taga payo na si Esmael. "Narito po sa aklat na iniwan ni Neptune ang kasagutan sa inyong katanungan mahal na prinsipe." at wika nito at binasa ang nilalaman ng pahina sa lumang aklat. "Ang dalawang kabibeng ito ay sumisimbolo sa walang hanggang kapangyarihan na ipag kakaloob sa iyo ng karagatan. Sagrado ito at hindi maaaring pantanyan ng kahit na anong yaman sa buong kalawakan. Ang mga kabibeng ito ay mag kapareha at sumisimbolo din sa walang katapusang pamamahal kaya naman inaasahan na ibibigay ng sinong mang nag mamay ari ng kabibe ang kabiyak nito sa kanyang mapapangasawa." ito po ang sinasabi ng aklat.
"Anong ibig mong sabihin doon?" muling tanong ni Malik.
"Ang ibig pong sabihin ay kahit pag hiwalayin ang dalawang kabibeng ito ay hahanapin at hahanapin nila ang isa’t isa dahil sila ay mag kapareha. At ayon kay Neptune, ang nag mamay ari ng kabibeng ito ay ibibigay ang kalahati nito sa kanyang mapapangasawa. Sa makatuwid ang kalahating ito ay napunta at naging pag aari na rin ng dayuhang ito. Kaya siya ang inyong mapapangasawa mahal na prinsipe. Ang dayong ito ay taong itinakda para sa iyo." ang mga katangang lumabas sa taga payo dahilan para mapatayo kami ni Malik sa aming kinauupuan.
Kasabay nito ang muling pag liliwang dalawang kwintas sa aming harapan..
itutuloy..