Part 4: Ang Mahiwagang Mundo ng Apresia

2494 Words
Ang Alamat ni Prinsipe Malik AiTenshi   Part 4: Ang Mahiwagang Mundo ng Apresia   Noong bumalik ang aking malay, natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakahiga sa isang papag at doon ay napansin kong wala ako sa aking silid. Nasa ibang bahay na ako at kakaiba ang disenyo nito. "Nasaan ako?" ang mahina kong usal habang pinag mamasdan ang isang matandang babae na may hawak na plato at mangkok ng sabaw. "Mabuti naman at gising kana iho. May masakit ba sa iyo?" ang tanong nito.   "Nasaan po ako? Uuwi na ako!" ang tugon ko naman sabay baliwas ng bangon. "Nandito ka sa aming lugar, natapuan ka ng aking asawa na palutang lutang doon sa pampang ng dagat kaya’t inuwi ka nya rito. Taga san ka ba iho at ano ang pangalan mo?" tanong nito.   "Ako po si Miguel at taga Luzon po ako, saan ba ito? Mindanao ba ito o Visayas?" ang tanong ko habang iniaangat ang aking sarili mula sa higaan. "Luzon? Ngayon lamang ako nakarinig ng ganyang lugar iho. Maaaring hindi ka nga taga rito dahil kakaiba ang kausotan mo noong matagpuan ka ng aking asawa na walang malay sa dalampasigan. At alam mo ba na tatlong araw ka nang natutulog at ngayon ka lamang nagising." pag sasalaysay nito.   "Anong lugar po ba ito? Maaari po ba na samahan ninyo ako sa istasyon ng polisya upang makapag report ako. Baka hinahanap na ako ng aking mga magulang doon sa aming lugar."   "Ang lugar na ito ay tinatawag na Apresia o mas kilala sa tawag na "Hidden Coral." Ang hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng polisya at istasyon iho. Bago lamang ito sa aking pandinig."   "Apresia o Hidden Coral? Ngayon ko lang po ito narinig at mukhang wala naman ito sa mapa ng Pilipinas." bulong ko sa aking sarili. "Ah eh, mawalang galang na po lola, saang lugar po ba ito sa Pilipinas? Batid ko pong nandito lang tayo sa bansa dahil pareho tayong nag sasalita ng tagalog."   "Pilipinas? Ngayon ko lamang narinig iyan. Nag iintidihan tayo dahil mahiwaga ang lugar na ito, ang bawat salitang lumalabas sa aking bibig ay kusang isinasalin ng hangin upang maintindihan mo at ganoon din naman ikaw sa akin. Ang bawat salitang iyong binabanggit ay kusang nag iiba sa aking pandinig kaya’t naiintindihan kita. Sa makatuwid ang ating salita ay mag kaiba, nagiging wika nyo lamang ito kapag aming pinaka walan at isinalin na ng hangin. Ganoon din pag dating sa amin, gamit ang aming sariling salita, dinadala ito ng hangin at isinasalin sa iyong wika. Ito ang dahilan kaya’t nag kakaintindihan tayo. Ito rin ang dahilan kaya mas maraming dumarayong mangangalakal sa lugar na ito dahil mahiwaga ang hangin, walang problema pag dating sa komunikasyon." paliwanag ng matanda. "Ako nga pala si Alona. Pero mas kilala ako sa tawag na "tandang ona". Iyon na lamang din ang itawag mo sa akin."   "Kung ganoon, nasa isang planeta ako?" ang tanong ko. "Maaari iho. Ngayon ko lamang narinig ang mga lugar na sinasabi mo. Sa isang daang taon kong mapapalagi sa mundong ito ay ngayon lamang ako nakarinig ng ganoong lugar."   "Isang daan? Hindi po ba kayo nag bibiro? Mukha lamang po kayong 60 at mas bata pa. Malakas pa kayo at hindi ganoon katanda."   "Hindi ako nag bibiro iho. Ganoon na ako katanda. Sadyang makapangyarihan lamang ang lugar na ito kaya’t hindi namamatay ang aming katawang lupa."   "Edi confirmed! Wala nga ako sa planet Earth. Nasaan ba akong lupalop?" ang tanong ko sa aking sarili. "Mainam pa iho ay mag kumain ka muna at mag pahinga, bukas na bukas din ay sasamahan ka namin sa palasyo ng taga pag bantay upang matulungan ka nya." wika ni tandang ona.   "Taga pag bantay? Ano po iyon?" tanong ko naman.   "Ang lugar na ito ay mayroong taga pag alaga, siya ang itinuturing na taga pamuno ng lahat dito sa Apresia. Sa kanya nag mumula ang lahat ng enerhiya dito sa aming lugar, mula sa hangin, tubig at lupa. Siya ang nag tataboy ng mga mananakop na nag tatangkang sumalakay dito sa amin. At dahil dito ay iginagalang siya ng lahat. Sa makatuwid ay makapangyarihan siya kaya’t alam kong siya lang makatutulong sa iyo upang maka uwi ka sa iyong pinag mulan. Sa ngayon ay dumito ka muna at mag pakondisyon. " muling paliwanag ni Tandang Ona.   At iyon nga ang set up, pinilit ko munang ipahinga ang aking pag iisip dahil pakiramdam ko ay masisiraan na akong bait kapag ipinag patuloy ko pa ang pag alam sa mga bagay na hindi ko naman maintindihan. Muli akong humiga at doon bigla kong naalala ang tungkol sa kwintas at kabibe na sa aking palagay ay dahilan ng aking kaka lipat sa mundong ito. Kinapa ko ang kwintas at naka suot pa rin ito sa aking leeg samantalang ang kabibe naman ay wala na sa aking bulsa. Marahil ay inaanod ito ng matinding pwersa na humila sa akin patungo dito.   "Kumusta ang dayo?" boses ng isang lalaking matanda habang pumapasok sa loob ng bahay. Marahil siya ang asawa ni Tandang Ona. "Nagkaroon na siya ng malay. Pinakain ko siya kanina at ngayon ay nag papahinga na siya sa papag." boses naman ng matandang babae.   "Mabuti naman, marahil ay hindi tiga rito ang batang iyan. Ang kutob ay nag mula iyan sa ibang mundo. Naalala ko tuloy ang tungkol sa lumang kasulatan ng Hidden Coral. Sinasabing may isang nilalang na darating dito upang magdulot ng kasiyahan at kalungkutan sa ating mundo. Ang nilalang  na ito ay nag mula sa isang kasalanang inukit sa kasaysayan at siya rin ang sinasabing mag dadala ng swerte at kamalasan sa ating lugar. Kung ano man ang ibig sabihin ng kasulatang ito ay walang nakaka alam. Kung ito nga ang nilalang na iyon, dapat lamang na ibigay natin siya sa haligi ng mundong ito." wika ng matandang lalaki.   "Ikaw naman Armando, naniniwala ka agad mga lumang kasulatan, malakas ang kutob ko na ang batang iyan ang mag dadala ng swerte dito sa Apresia. Maniwala ka sa akin." ang wika naman ng kanyang asawa habang inaayos ang lamesang hapag kainan. Marami pa silang bagay na pinag usapan ngunit tila wala na akong lakas pa upang makinig pa. Bukod pa roon ay hinihila na ng matinding antok ang talukap ng aking mga mata kaya naman nag pasya akong mag pahinga na muna.   Halos madilim na noong ako ay nagising, kaya naman pinilit kong bumangon at mag tungo na muna sa labas upang makita ko kung anong klaseng lugar ba itong napuntahan ko. At dito ay nakita ko ang itsura ng paligid. Para lamang itong ordinaryong beach na may kumikislap na buhangin, payapa ang kagaratan at maraming mga batang nag lalaro dito na hindi alintana ang lamig ng kapaligiran. Kung hindi ako naengkanto ay iisipin kong nasa Pilipinas lamang ako dahil kapareho din ito ng aming lugar. "Iho maayos na ba ang kalagayan mo? Halika at ipapasyal kita sa dalampasigan. " ang wika ng matandang lalaki na asawa ni tandang Ona.   "Maayos na po ako Lolo, maraming salamat po sa pag tulong mo sa akin."   "Wala iyon iho. Ano ba ang nangyari sa iyo? At bakit ka napadpad dito?"   "Ang totoo po nun ay hindi ko rin alam kung paano ako napunta rito. Basta ang alam ko lang ay tinangay ako ng rumagasang tubig at pag gising ko ay nandito na ako."   "Misteryoso ang iyong pag kaka punta rito ganoon ba? Hayaan mo dahil bukas ay dadalhin kita sa taga pag alaga ng lugar na ito. Siguro ay matutulungan ka nyang makabalik sa iyong mundo. Sa ngayon dito kana muna at samahan akong pumalaot sa kagaratan." ang yaya nito habang itinutulang ang kanyang bangka. "Tawagin mo na lamang akong Tandang Armando."   Sumakay kami ng bangka ni Lolo Armando at tinatahak mga alon na nag mumula sa karagatan. Maganda ang natawin lalo’t maliwanag ang buwan at pati na rin ang mga bituin sa kalangitan na nag sisilbing taklaw namin sa pag lalayag. Habang palayo ng palayo ang aming sinasakyan ay mas lalo ko pang nakikita ang ganda ng lugar na tinatawag nilang Apresia o Hidden Coral. Punong puno ito ng makukulay na ilaw at naiibang desenyo ng kapaligiran. "Iyan ang ganda ng Apresia, buhay na buhay ito kapag gabi. Kung iyong titignan ito mula sa itaas ay makikita mo na parang isang higanteng korales ang buong lugar na nababalutan ng kakaibang kinang at iyon ang dahilan kung bakit tinawag itong hidden coral." paliwanag ni Lolo Armando.   Manghang mangha ako sa ganda ng kanilang lugar, natatangi ito sa lahat. At marahil kung may ganitong lugar sa aming mundo, malamang ay masasama ito sa 7 wonders of the world. Halos matulala ako sa kakaibang ganda ng paligid at isama mo pa rito ang mala kristal na tubig ng karagatan. Banayad ito ay mapayapa, nakapag tataka nga lang dahil nakikita ko ang mga isdang lumalangoy sa ilalim ng tubig na parang nakapalaot kami sa isang malaking aquarium. Malinaw kong nakikita ang mga isda, pagong, korales, halamang daga’t at iba pa bagamat batid kong nandito kami pinaka gitna ng karagatan. Hindi ko alam kung paano nangyari ito ngunit labis talaga akong namangha sa ganda ng tanawin sa pinaka ilalim. "Dito kami sa dagat kumukuha ng pangunahing ikabubuhay. Ang biyayang bigay ng karagatan ang nag sisilbing dugtungan ng aming mga buhay kung wala ito ay hindi maraming nilalang sa Apresia ang mamatay dahil sa gutom. Kaya naman nag papasalamat kami ng lubos sa taga pangalaga ng lugar na ito kung wala siya, malamang ay matagal nang inabuso ng mga manlalakbay at mananakop ang aming teritoryo. Ang Hidden Coral ay ang pinaka mayamang lugar dito sa aming mundo kaya naman maraming mananakop ang nag tatangkang agawin nito dahil sa kanyang likas na ganda. At iyon marahil ang dahilan kaya’t mabigat ang tungkulin ng aming taga pag bantay." wika ni Lolo Armando habang nag sasagwan pabalik ng pampang.   "Lolo, mabait po ba ang taga pag bantay?" tanong ko naman.   "Minsan ko lang nakita ang taga bantay ng Apresia at kahit kailan ay hindi ko makakalimutan ang kanyang mukha. Ang kanyang tingin ay banayad at napaka payapa katulad ng kagaratan. Ang kanyang mata ay kulay itim ngunit nagiging asul kapag nakakaramdam ng ibayong emosyon. Ang kanyang galit ay katumbas ng isang tsunami at ang kanyang kalungkot naman ay katumbas ng ulan. Imortal at hindi tumatanda, siya ang pinaniniwalang tagapag mana ni Neptune ang Diyos ng kagaratan at lahat ng kapangyarihan nito ay ipinag kaloob nya sa taga pangalagang ito." ang kwento ni Lolo.   "Kung gayon, may kakayahan siguro siya na ibalik ako sa aking mundo. Sana ay matulungan nya ako." tugon ko naman. "Malakas ang paniniwala kong matutulungan ka nya ito. Bumaba kana ng bangka upang tao ay makapag hapunan na tayo." pag yaya naman ni Lolo sabay tapik sa aking balikat.   Kinabukasan..   Maaga akong ginising ni Lola Ona upang mag handa na sa aming pag tungo sa lugar ng taga pag bantay ng Apresia. Ang tawag daw sa palasyo kung saan ito naka tira "Dragon Palace" at siya ang "prinsipe" ng buong kaharian. So ang ibig sabihin ay lalaki siya at sa palagay ko ay hindi tatalab ang kagwapuhan ko sa kanya. heheh.   Sakay ng bangka ay tinahak namin ang dagat patungo sa dragon palace. Mga dalawang oras na pag lalayag daw ito patung roon kaya’t nag baon kami ng pag kain dahil tiyak na matatagalan ito. Habang nasa bangka, marami pang naikwento sina lolo at lola ukol sa kasaysayan ng kanilang lugar at siyempre ay nag kwento rin ako tungkol sa aking mundong pinag mulan. Sinabi ko rin na marunong mag langoy at sa aming lugar ay isa itong sport.   Makalipas ang halos dalawang oras na pag lalayag sa karagatan, muli naming narating ang daungan ng bangka. At doon ay tumambad sa aking paningin ang mga nag lalakihang gusali. Ito palang gitnang bahagi ng Apresia o parang "City" sa kanilang lugar. Sa pinaka sentro nito matatagpuan ang Dragon Palace na naka tayo sa gitna ng tubig. Ilang minutong lakaran lamang ito mula sa daungan ngunit habang nag lalakad kami ay naka tingin sa akin ang mga tao na para bang naiiba ako sa kanila. "Huwag mo silang pansinin iho, natutuwa lamang sila sa iyong damit kaya’t maigi ka nilang pinag mamasdan." bulong ni Lolo sabay tapik sa aking balikat. Kaya naman ipinag patuloy ko ang aking pag lalakad ng tuwid at hindi ko pinansin ang mga taong nakatingin sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay mayroon akong nakakahawang sakit o ano pa man kaya’t nagagawa nila akong pag masdan ng paulit ulit.   Narating namin ang palasyo na kung tawagin ay "Dragon Palace." Hindi nga nakapag tataka dahil mayroon estatwa ng dragon sa mga haligi nito. Ewan, ngunit sa aking palagay ay ibinatay yata ang disenyo nito sa mga ancient chinese palace sa China at kung hindi ako nag kakamali ang asul na dragon sa poste ng bulwagan ay tinatawag na si Seryu. Ang tinagurian simbolo ng elemento ng tubig ayon sa Japanese folklore.   Pag pasok palang sa bulwagan ay mapapansin na ang mga taong nag lalakad dito. "Mukhang mahihirapan tayong makapasok at makita ang taga pangalaga ngayong araw dahil mayroon pala siyang ritwal sa kagaratan ngayon." ang wika ni Lola Ona habang pinag mamasdan ang mga taong nag lalakaran sa bulwagan na animo mga toristang bumibisita.   "Kung gayon ay maswerte tayo dahil natapatan natin ang pag riritwal ng haligi. Sinasabing swerte daw ito at nag bibigay ng basbas. Kaya halika na kayo upang maabutan natin ito." ang pag aapura ni Lolo Armando na hindi maitago ang pananabik kaya naman mabilis kaming nag lakad patungo sa pag gaganapan ng nasabing pag riritwal.   Noong marating namin ito, maraming tao ang nanonood at talaga naman lahat sila ay pinag mamasdan ang isang lalaking naka tayo sa gitna ng karagatan. Naka hubad ito at suot lamang ang isang manipis na puting pantalon habang ang kakaibang tungkod sa kanyang kanang kamay. "Trident" ang tawag sa kanyang hawak, isang mahabang sandata na mayroong tatlong tulis at karaniwan itong makikitang hawak ng mga shokoy sa mga pelikula sa aming mundo.   Nag lalaking ito ay sumasayaw sa gitna ng kagaratan habang inikot ang trident scepter na kanyang hawak kaya naman nag sasayaw din ang mga alon. Nag liliwanag ang karagatan na animo nababalutan ng daan daang bumbilya sa ilalim at ang kulay asul na anyo nito ay napalitan ng kulay dilaw at kasabay nito ang pag kulimlim ng kalangitan. Unti unting tumaas ang alon at binuhat siya nito habang patuloy na sumasayaw. Tila kaisa ng kanyang katawan ng karagatan kaya naman ang lahat ay humahanga ang namangha sa kanilang nasasaksihan.   Maging ako ay hindi makapaniwala sa nakikita ng aking dalawang mata. Para akong nanonood ng isang pelikulang sobrang sa visual effects at high definition pa ito. "Iyan po pala ang ritwal na ginagawa ng haligi. Napaka gandang pag masdan." ang bulong ko kay lola Ona.   "Oo iho, ang kanyang pag sayaw ay nag bibigay ng biyaya sa buong karagatan at ang pag wasiwas nya ang kanyang tungkod ay nangangahulugang pag bibigay proteksyon sa buong Apresia. Ang ilaw na nag mumula sa kagaratan ay sensayales ng "pag sang ayon" ng tubig sa kanyang mga kahilingan. Iyan ang kapangyarahing taglay ni Prinsipe Malik."   itutuloy..  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD