Ang Alamat ni Prinsipe Malik
AiTenshi
Part 7: Ang Pag babalik sa Mundo ni Miguel
Makalipas ang isang linggo ay muling bumalik sa normal takbo ng aking buhay. Sino ba naman ang mag aakala na sa loob ng ilang minuto ay nakapag lakbay ako sa ibang mundo. At hanggang ngayon naalala ko pa rin ang ganda nito na parang kanina lamang naganap ang lahat. Hindi pa rin nabubura sa aking ala ala ang halos perpektong mukha ni Malik, ang kanyang pag sasayaw sa ibabaw ng matayog na alon at pati na rin ang kanyang ginawang pag liligtas sa akin. Aminado ako na hanggang ngayon ay hinahanap hanap ko pa rin ang kanyang mukha.
"Okay Class, gusto kong makilala nyo si Marcus Victoria, siya ang inyong magiging bagong kaklase sa semester na ito. Galing siya sa malayong lungsod kaya’t maging mabait kayo sa kanya." wika ng aming prof.
"Goodmorning. Ako si Marcus, 21 taong gulang. May taas na 6ft at member ako ng swimming team sa aking dating campus na pinapasukan. Sana ay maging kaibigan ko kayong lahat. Maraming salamat." ang pakilala ni Marcus at katulad nga ng inaasahan ko ay siya ang aking naging bagong seatmate. V at Y na kasi agad ang susunod na apleyido ayon sa seating arrangement ng aming classroom.
Gwapo si Marcus at talaga namang kinikilig ang mga babaeng kaklase ko dito sa loob ng silid. Tamang tama sa kanya ang terminong "makalaglag panty" dahil sa taglaya niyang anyo. Ang akala ko ay si Malik lamang ang may ganoong kaperpektong anyo ngunit mayroon din pala dito sa aming mundo. Ang kaibahan nga lang ay maamo at maganda ang mata ni Malik, si Marcus naman ay singkit at matalim kung tumingin NGUNIT kapag siya naman ay ngumiti ay tila may kakayahang akitin ang lahat ng tao sa kanyang paligid.
"Hi!" ang bati nito sa akin habang umuupo sa aking tabi. "Marcus nga pala, kumusta?"
"Ako naman si Miguel" sabay abot ng aking kamay. "Ayos naman tol, welcome dito sa campus."
"Salamat tol, nga pala mayroong swimming team dito hindi ba?" tanong nito "Ah oo mayroon, miyembro ako ng team. Gusto mo bang mag try out?" tanong ko naman. "Oo naman, kung hindi naman ako makaka istorbo sa iyo ay maaari bang samahan mo ako? saka kung hindi mo naitatanong ay hilig ko talaga ang pag lalangoy. Bata pa lamang ako ay tinuturuan na ako ng aking ama na lumutang sa tubig. hehe."
"Oo ba, hayaan mo at ipapakilala kita sa aming coach, im sure matutuwa iyon lalo’t mag ttry out ka sa team."
"Salamat talaga tol, buti nalang ay nakilala kita kaagad."
At iyon nga ang set up, noong hapon ding iyon ay ipinakilala ko si Marcus sa aming coach. Nag usap sila ng kaunti at inatasan itong bumalik bukas ng hapon para sa try out. Madaling naging palagay ang loob namin sa isa’t isa marahil ay pareho kasi kami hilig na sport kaya hindi ako nahirapang maka adjust sa mga bagay na nais niyang pag usapan. Ngunit kahit na sa ganoon, may pag kakataon pa rin na natatahimik ako lalo na kapag nakaka kita ako ng tubig dahil naalala ko si Malik doon. Nakakalungkot lamang isipin na walang tyansa upang ako ay makapabalik pa sa kanilang sa Apresia. "Nakatulala ka yata?" ang tanong ni Marcus habang palapit ito sa akin hawak ang dalawang ice cream na binili niya sa labas ng campus. "Wag mong isipin iyon, mahal ka nun." ang biro pa nito sabay abot sa akin ng isang ice cream na kanyang hawak.
Hindi ko naman napigil ang mapatawa. "iniisip ko yung alaga kong aso. Hindi ko lang alam kung mahal nya ako dahil palagi na lamang niyang sinisira ang mga gamit ko." biro ko naman. "Mabait naman ang mga aso tol, basta mabait ka rin sa kanila. Arf arf arf!" ang pabirong tugon naman nito habang umaastang parang isang aso. "Hindi ka naman mukhang aso eh, mas bagay sa iyo ang maging pusa. Ngunit hindi ko naman sinasabing mukha kang pusa. Nakakatuwa ka lamang pag masdan lalo na kapag nag bibiro ka nang ganyan." sabi ko naman sabay tapik sa kanyang balikat. "Salamat naman tol, paano aalis na ako. Mag kita na lamang tayo bukas sa try out. Sana ay makapasok ako sa team. Pangarap ko talagang makapag laro sa college olympics."
"Oo naman. Malaki ang tiwala kong makakapasok ka sa team. Mag pahinga kang mabuti upang makaipon ng sapat na lakas ang iyong katawan. Mag kita nalang tayo bukas. Ingat ka."
Alas 6 ng gabi noong makauwi ako at tulad dati agad akong nag tungo sa likod bahay upang mag langoy. Mas malalim kasi ang aming swimming pool doon kaysa yung nasa harapan. Habang nasa pag lalangoy ako ay may kay kung anong pakiramdam ang lumukob sa aking pag katao. Tila nangungulila ako sa isang bagay o tao na aking hinahanap hanap kaya naman kakaibang lungkot ang dulot nito sa aking damdamin. Ilang minuto rin akong naka lutang sa tubig at maiging pinag mamasdan ang madilim na kalangitan. Nakakalito ngunit batid kong si Malik at ang kanyang mukha ang laman ng aking isipan sa mga sandaling ito. Posible kaya na ang isang lalaki ay makaramdam ng ganito sa kapwa nya lalaki rin? Ang ibig kong sabihin ay yung tipong namimiss mo siya at gusto mo siyang makita o kausapin man lang ngunit wala kang magawa dahil mag kaiba kayo ng mundo. Malayo siya at hindi ko alam kung saang direksyon ko siya tatanawin, sa kanluran ba, sa hilaga o timog? Ewan.. basta ang alam ko ay nais ko siya makita o mahawakan man lang kahit sandling oras lamang.
Iris
The Goo goo Dolls
And I'd give up forever to touch you
'Cause I know that you feel me somehow
You're the closest to heaven that I'll ever be
And I don't want to go home right now
And all I can taste is this moment
And all I can breathe is your life
And sooner or later it's over
I just don't wanna miss you tonight
And I don't want the world to see me
'Cause I don't think that they'd understand
When everything's made to be broken
I just want you to know who I am
Kinabukasan, sinamahan ko si Marcus sa pool ng campus upang mag try out sa aming team. Lumabas ito na suot ang kanyang kulay itim na swimming trunks at doon ay lumantad ang kanyang katawan na mistulang nililok sa perpektong pag kakagawa. Matambok ang dib dib, walang tiyan at mas lalo pang nag patingkad ang mamula mulang kulay ng kanyang balat. Halos mag hiyawan ang mga babaeng nanonood sa paligid kaya naman hindi na nakapag tatakang dumugin ito ng mga taga hanga. "Marcus, handa ka na ba?" ang tanong ko naman na noon ay naka suot na rin ng trunks na kulay asul. Ang set up ng try out ay sabay kaming lalangoy sa mag kabilang lane. At dahil ako ang pinaka mabilis lumangoy sa team, ako ang napiling maging sukatan ng kanyang bilis. "Handa na ko tol." ang sagot naman ni Marcus.
"Mr. Victoria, maaari mong pantayan o lagpasan ang bilis ni Miguel. Ngunit hindi ka maaaring mahuli ng ilang dangkal sa kanya. Maliwanag ba? Free style lamang ang inyong gagawing pag langoy. Sige pwesto na!" ang utos ni coach kaya namam agad kami lumakad sa starting line.
"Position! 3 2 1!"
BANG!! Ito ang hudyat ng pag sisimula kaya naman kapwa kami nag dive sa tubig.
Mabilis akong nag langoy sa lane at napapansin kong ganoon din si Marcus. Halos masing bilis lang din ang aming pag usad at hindi lang iyon dahil parehong pareho kami ng style sa pag langoy na parang salamin ang aking kasama sa tubig. Tulad nga ng usapan, bawal itong mahuli sa akin kaya naman pansin kong pantay na pantay ang aming ginagawang pag usad sa tubig na parang isang syncronize swimmer. Sige lang ang pag langoy at ilang saglit na lamang ay mararating na namin ng finish line pabalik. Halos nag sisigawan ang mga tao sa gym kabilang naroon ang aking mga kateam na manghang mangha sa aming pinapamalas na husay sa lalangoy.
Ewan, ngunit pakiramdam ko ay hindi ako napapagod man lang at mas lumakas ang aking baga sa pag pigil ng hangin dito. Marahil ay may kinalaman ito sa pag bibigay ng hininga sa akin ni Malik kaya’t ganoon na lamang ang lakas ng aking resistensya hanggang ilang sandali ay kapwa namin narating ang finish line. "Tabla!!" ang sigaw ng aming coach. "At ito ang pinaka mabilis na record na iyong nagawa Miguel, good job at sa iyo rin Marcus. Pasok kana sa team!!" ang wika ng aming coach habang patuloy na nag papalakpakan ang lahat ng mag aaral sa loob ng gym.
"Congrats tol. Welcome sa team." pag bati ko sabay tapik sa balikat nito. "Salamat tol. Pangako na mananalo tayo sa darating na college olympics, pag butihan nating dalawa ang pag eensayo." tugon naman ni Marcus at nag bitiw ito ng matamis na ngiti.
Matapos ang try out, inaya naman ako ni Marcus na mag libot sa mall upang mamili ng bagong damit at iba pang kagamitan sa pag langoy. Halos naikot din namin ang lahat ng fast food upang tikman ang mga pagkain dito. Para tuloy kaming nag d-date noong mga oras na iyon kaya ito marahil ang dahilan kung bakit pinag titinginan kami ng mga taong aming nakakasalubong. Hindi naman kasi ordinaryong pangitain ang makitang nag lalakad sa mall ang dalawang gwapong lalaki dahil sa panahon ngayon ay iba na rin ang lebel ng isip ng mga tao. Basta dalawang lalaking kumakain o nag lalakad sa public o private area ay may connotation na "mag jowa" na ang mga ito (agad agad). At sa palagay ko ay iyon din ang iniisip nila pag dating sa amin.
"Salamat tol ha, nag enjoy ako." ang sabi ni Marcus habang naka sakay kami sa loob ng taxi pauwi sa aming mga subdivision na tinitirhan. "Wala iyon. Basta ikaw." ang sagot ko naman sabay ngiti sa kanya. At doon ay naramdaman kong hinawakan nito ang aking kamay at marahang pinisil pisil. "Parang babae pala ang kamay mo, malambot at wala man lang bakas ng kalyo." pag bibiro ni Marcus habang patuloy na hinihimas ang aking palad. "Haha, oo naman. Wala naman kasi akong masyadong ginagawa sa bahay. Madalas lang akong nakababad sa internet o kaya ay gumagawa ng projects sa school." sagot ko naman at hindi ko malaman kung paano ko ba aalisn ang aking kamay sa kanyang pag kakahaplos ng hindi nya nahahalatang naiilang ako sa kanyang ginagawa.
Makalipas ang ilang minuto, ipinara ko ang taxi sa aming tarangkahan at mabilis na nag paalam kay Marcus. Muli ko siyang binati sa pag pasa nya sa try out ng aming team at labis naman nya iyon kinatuwa. "Salamat tol. Kita tayo bukas ha. Ingat ka." sabi ko sabay sara sa pintuan ng taxi. Kung tutuusin ay mas mabilis pang lumangoy sa akin si Marcus, ramdam kong sinabayan lamang nya ako kanina at ginawa pa nya ang lahat ng style na aking ginagawa. Ibang klase talaga ang taong iyon dahil nakaya niyang icopy paste ang aking kilos sa ilalim ng tubig.
itutuloy..