Part 8: Si Marcus

2275 Words
Ang Alamat ni Prinsipe Malik AiTenshi                Part 8: Si Marcus   Maaga pa lang ay nakatanggap na ako ng isang text message sa aming coach, mayroon daw kaming practice game sa gym mamayang hapon kaya naman umaga pa lamang ay kinundisyon ko na ang aking katawan. Alam ko namang sa game na ito ay si Marcus lamang ang mahigpit kong makakalaban dahil kakaiba ang kanyang talento sa pag langoy, napatunayan ko ito noong mga nakalipas na araw ng pag eensayo namin ng sabay. Bagamat kahit alam kong mas mahusay ito kaysa sa akin ay hindi naman ako nag tanim ng inggit o pag kainis sa kanya dahil habang tumatagal ay nagiging mas malambing pa ito sa akin. Nandyan yung inihahatid ako pag uwi, hinihintay ako kumain at madalas din itong nag ttxt o tumatawag sa akin kahit na madalas kaming mag kasama. Kakaiba, ngunit ayokong bigyan iyon ng kahulugan. Marahil ay natural lamang sa kanya ang pagiging sweet sa kaibigan kaya di nakapag tataka ganoon din siya sa akin.   Habang nag lalakad ako sa hallway ng campus, agad kong sinalubong ni Marcus at pilit kinukuha ang aking dalang knapsack. Siya na raw ang mag dadala nito dahil mukhang mabigat. Laging ganito ang eksena namin sa araw araw, para akong isang babaeng inaalagaan ng taong ito. Todo bantay rin siya sa akin kapag kasama ko ang iba kong kabarkada. Nakakalito ang kanyang mga kilos ngunit kagaya nga ng aking sinasabi ay hindi ko ito binibigyan ng kakaibang kahulugan. "Galingan natin sa practice game mamaya tol ha. Basta talunin natin sila." ang sabi nito habang mag kasabay naming tinatahak ang daan patungo sa classroom. "Oo naman, kayang kaya natin iyon. Saka malaki ang tiwala sa atin ni coach kaya galingan natin ang pag langoy. At isa pa ay alam kong magaling ka kaya’t paniguradong madadala mo ang buong team." tugon ko naman dahilan para mapangiti ito. "Malaki rin ang tiwala ko sa iyo tol. Masaya akong makasama ka sa mga practice game katulad nito." sagot nya at inakabayan ako nito.   Alas 3 ng hapon noong mag tipon tipon ang buong team sa loob ng gym at doon ay napuno ng mga estudyante nanonood ang bawat bench. Masigabong hiyawan ang palakpakan ang kanilang binibigay sa amin habang nag lalakad kami sa kanilang harapan suot ang aming mga swimming trunks. Umuulan daw kasi ng kagwapuhan sa buong gym tuwing kami ang lalabas. Teka kagwapuhan nga kaya o natutuwa lamang silang makita ang aming bukol at hubad na katawan? hehe.   Katulad dati ay karera sa pag langoy ang practice game. At dahil nga tatlong lane lamang ang aming pool, ang bawat manlalaro ay hahatiin tatlo pares na mag lalaban laban. 12 kaming manlalaro at hahatiin ito sa tig-tatatlo, sa makatuwid ay 4 na pares kaming lahat na may roong tig tatlong miyembro. Ang bawat tatlong miyembro ay mag lalaban hanggang sa may manalong isa. At sa huli ang bawat nanalo ay pag lalaban labaning muli hanggang sa isa na lamang ang matira at siya tatanghaling panalo.   "Pwesto!!" ang sigaw ni coach kaya naman lumakad na ako kasama ang aking dalawang makakalaban at sumampa kami sa starting block. Noong marinig namin ang putok ng baril hudyat ng pag dive namin ng sabay sabay. Mabilis akong umusad gamit ang sidestroke style ayon na rin sa nabunot naming istilo ng pag lalangoy. Nag kataon lamang na ito ang pinaka paborito kong style sa lahat kaya hindi nakapag tataka na naipanalo ko ito. Malayo ang aking naging agwat sa dalawa kong kalaban kaya naman humakot din ako ng palakpak at hiyawan mula sa mga manonood.   "Pwesto!!" ang muling sigaw ng aming coach kaya naman lumakad na patungong starting block ang susunod na tatlong pares kabilang na nga dito si Marcus. Ilang sandali pa ay nag simula na rin ang kanilang karera sa pag langoy gamit ang breaststroke. Tulad ng inaasahan ay malaki rin ang laki ng agwat ni Marcus sa kanyang dalawang kalaban kaya naman di nakapag tataka na siya ang nanalo sa kanilang batch.   At dahil nga kapwa kami nanalo Marcus sa aming mga batch, kaming dalawa ang agad na pinag harap ni coach para sa semi finals. Agad kaming lumakad patungo sa starting line at doon ay nag handa. "galingan natin tol." ang sabi ni Marcus sabay tapik sa aking balikat. "Oo tol. may the best man win. hehe." biro ko naman habang inaayos ang aking goggles.   tahimik..   Narinig namin ang putok ng baril kaya naman agad kaming lumundag sa tubig. Tulad dati ay free style ang gagamitin kaya naman ang pinaka gamay kong istilo ang aking ginamit. Hindi ko na alam kung anong istilo ang gamit ni Marcus pero tinitiyak kong mabilis din ito. Habang nasa ganoong pag langoy ako ay bigla na lamang mayroon akong nakasalubong na isang imaheng hindi ko maipaliwanag, lalaki ito at mabilis na dumaan sa aking katawan. Parang minulto ako o naka kita ng aparisyon sa ilalim ng tubig dahilan upang bumagal ang aking pag langoy. Namalayan ko na lamang na narating ko na ang finish line. Palakpakan ang lahat at halos nakakatulig na hiyawan ang aking narinig noong iangat ko ang aking ulo sa tubig. "Ang nanalo ay si Marcus!!" ang sigaw ng aking coach. Doon ko napag alaman na kaunti lamang pala ang kanyang agwat sa akin at halos dikit na dikit ang aming laban. "maganda laban ang ipinamalas nyo. Halos ma break nyo ang record ng inyong mga practice. Good job!!" ang dagdag pa ni coach habang inaalalayan kami sa pag ahon.   Kinamayan ki naman si Marcus at binati ito sa kanyang pag kapanalo. Tanggap ko ang aking pag katalo ngunit batid kong kaya kong ipanalo ang laban kung hindi ako naguluhan sa imaheng aking nakasalubog sa ilalim ng tubig kanina. Ewan kung ano ba iyon, marahil ay dulot lang ng aking malikot na imahinasyon. At iyon nga, habang nasa ganoong pag iisip ako muling pumutok ang baril para sa final rounds doon ay si Marcus ang tinanghal na overall champion.   Matapos ang practice game, agad kong tinahak ang daan pauwi ng aming subdivision. Hindi ko na nakasabay si Marcus dahil mayroon pa daw siyang subject na papasukan. Nakakatuwa lamang isipin na dati rati ay ako ang madalas na nanalo sa mga practice game at ngayon ay iba na ito. Pana-panahon lamang talaga ang pag kakataon.   "Kumusta ang practice game?" tanong ni papa noong pumasok ako sa aming sala. "Ayos naman papa. Natalo ako." ang sagot ko naman sabay labag ng aking knapsack sa sofa. "Tana, tatlo tatlo ang swimming pool dito sa bahay natatalo ka pa? Aba eh kahit sa banyo ay maaari kang mag ensayo ah." ang sabi naman ni papa at halatang nang aasar pa ito. "Papa naman. Talagang magaling lang iyong transferee kaya siya ang nanalo. Hindi naman ako kulelat kaya’t ayos lang iyon." ang pag tatanggol ko sa aking sarili.   Matapos naman ang hapunan, agad akong nag tungo sa banyo upang maligo. Malaki ang aming paliguan dahil mayroon din ito maliit na pool sa loob. Katulad nga ng sinabi ko noong una pa lamang ay tatlo ang swimming pool dito sa bahay. Isa sa harap, isa sa likod at isa rito sa banyo. Ewan ko ba naman kay mama at papa kung bakit nahilig sila sa tubig na kulay asul.   Pag pasok ko sa loob ng banyo, agad akong nag alis ng saplot. Hindi kasi ako sanay maligo ng naka brief o may damit.Agad akong tumapat sa shower upang mag sabon ng aking katawan. Mula ulo hanggang paa ay maigi kong nilinis at hiniluran. Hindi rin nakaligtas ang aking buhok sa kili kili at maging sa ibabaw ng aking pag kalalaki na noon ay unti unti nang nabubuhay dahil sa lamig ng tubig. Ilang minuto ko rin kinukuskos ang aking katawan hanggang sa mamalayan ko na lamang na nakaupo ako sa gilid ng shower area at itinataas baba ang aking kamay sa aking nag tutumigas na ari. Dahil sa dulas ng sabon ay mas lalo pa akong nakaramdam ng kakaibang kiliti sa aking katawan kaya naman hindi ko mapigilan ang mapa ungol.   Taas baba ang aking kamay, hanggang sa mamuo ang kakaibang bigat sa aking itlog dahilan para sumambulat ang masaganang katas sa aking katawan. Ang iba ay tumilamsik sa aking leeg,  dib dib at pati sa aking ilong ay nakarating din ito. Hanggang ilang sandali pa ay unti unting humupa ang init sa aking katawan. Mabilis akong nag banlaw ng sarili bago tuluyang mag lunoy sa pool.   Nakakarelax ang tubig at bibigay ito ng kakaibang sensasyon sa aking katawan. Pinahinga ko ang aking isipan at sandaling ipinikit ang aking mga mata habang lumulutang sa tubig ng hubot hubad. Nasa ganoong posisyon ako ng bigla kong naisipang sumisid sa ilalim nito at subukan gawin ang diving technique na inimbento namin ni Marcus. Habang nasa ganoong pag sisid ako ay tila nag iiba ang kulay ng tubig, mas lalo pa itong nagiging matigkad na asul. Ngunit inisip ko na lamang na baka pinalitan nila papa ang kulay ng ilalim kaya nag iba ito. Minsan kasi ay nakaka apekto ang kulay ng pintura o tiles sa tubig kaya nag babago ang anyo nito.   Tahimik kong ipinag patuloy ang pag sisid sa ilalim ng tubig. Gusto ko rin kasing malaman kung gaano katagal ang kaya kong pag pigil sa aking hininga habang nasa pinaka ilalim nito.   Payapa sa ilalim ng tubig.. wala kang ibang maririnig kundi ang lagaslas nito sa iyong mag kabilang tenga..   Noong hindi ko na kayang pigilin pa ang aking pag hinga, muli kong lumangoy patungo sa itaas upang maka langhap ng hangin. Agad kong inaangat ang aking ulo sa ibabaw ng tubig at doon ay tumama ang liwanag ng araw sa aking mukha. Narinig ko ang huni ng ibon sa paligid at ang pag hampas ng alon sa karagan. Noong ibukas ko ang aking mata, laking gulat ko noong makitang nasa dagat na ako habang naka harap sa palasyo ni Malik. "Anong ginagawa ko dito? Bakit nandito ako?" sigaw ko sa aking sarili habang pinilit na ikinakawag ang aking kamay at paa sa malalim na tubig.   Habang nasa ganoong pag iisip ako, nakita ko si Malik na naka upo sa balkunahe ng palasyo kung saan ako eksaktong naka upo noong gabing mag usap kami. Bakas na bakas sa mukha nito ang lungkot habang pinupunasan ang silver na bracelet na iniwan ko sa kanya. "Tol!! Nandito akooo tulong!!!" ang sigaw ko habang kinakawayan ito dahil para maalis ang kanyang atensyon sa pag lilinis ng purselas. "Miguel??!! Anong ginagawa mo diyan?" ang tanong nito habang pinag mamasdan ako. "Mamaya na ako mag papaliwanag. Tulungan mo muna ako." ang sagot ko naman. Gusto ko sanang sabihin na wala akong saplot sa katawan kaya’t hindi ako maka ahon sa tubig. Kung mayroon lang sana ay kanina ko pa ginawa.   Noong makita ako ni Malik. Agad na tumalon ito sa tubig at nag langoy patungo sa akin. "Ikaw nga! Nag balik ka tol." ang sabi nito at bigla na lamang nya akong niyakap. "Natawa ako at niyakap ko siya. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang sumaya ang aking pakiramdam, nawala ang bigat at pangungulila sa aking dib dib noong makita ko ang kanyang mukha."Teka muna, wala akong saplot. Nahihiya akong humahon sa tubig." bulong ko habang nakayakap sa kanya dahilan para magkatawanan kami. Agad niyang hinubad ang kanyang damit na pang itaas at ibinigay sa akin. "Ito muna ang gamitin mong pantakip sa iyong sarili." ang sabi nya at niyaya ako paakyat ng palasyo.   Edi ayun nga, wala na akong naitago pa sa kanya dahil nakita na nya ang lahat sa akin bagamat nag patay malisya lamang ito habang tinatakpan ang aking harapan gamit ang kanyang damit na binuhol na parang bahag. "Okay na muna iyan tol, makinis naman ang pwet mo hayaan mo nalang munang ang ari mo ang may takip." ang wika nito sabay bitiw ng tawang pigil habang inaayos ang aking tapis. Akalain mo yun, halos ma meet nya ng upclose and personal si Junior, buti na lamang ay hindi ito nagalit sa kanya hehehe. biro lang.   Pag pasok sa palasyo, agad nya akong niyaya sa loob ng kanyang silid at doon pinahiram ng damit na maisusuot. "Bakit ba wala kang saplot? Nasaan ang damit mo?" pag tatakang tanong nito habang inaabutan ako ng gamit. "Ang totoo nun ay naliligo lamang ako sa aming banyo at pag ahon ko sa tubig ay nandito na ako sa Apresia. Nakakalito man ngunit iyon ang natatandaan ko sa pang yayari tol." ang sagot ko naman.   "Ganoon ba? Marahil ay may kinalaman ang kabibe sa muling pag babalik mo sa mundong ito. Pero kung ano pa man iyon, masaya ako dahil nandito ka ngayon."   "Salamat pala sa pag tanggap mo sa akin ha. Ang akala ko ay hindi mo na ako makikilala."   "Pwede ba naman iyon? Tuwing nakikita ko ng purselas na iyong ibinigay sa akin ay lagi kitang naalala kaya’t kahit mahigit walong buwan na ang nakakalilipas buhat noong umalis ka ay lagi pa rin kitang naalala." ang tugon nito habang pinag mamasdan ang purselas sa kanyang braso. "Walong buwan? Parang tatlong linggo pa lamang mag buhat noong maka alis ako. Tila mabilis yata talaga ang takbo ng araw sa mundong ito." bulong ko sa aking sarili.   Ngumiti ako sa kanya at niyakap ko ito ng mahigpit. "Ako rin naman, masaya ako na makitang muli."   Habang nasa ganoong pag kukumustahan kami ay bigla na lamang umilaw ng malakas ang kwintas na kabibe at kasabay nito ang pag tawag ng matatandang taga payo ng palasyo. "Prinsipe Malik!! Mahal na prinsipe! May malakas na buhawi sa karagatan!!" ang sigaw ng mga ito kaya naman agad na bumalikwas ng tayo si Malik at nag tatakbo ito sa labas ng palasyo.   Doon nga ay tumambad sa aming paningin ang isang malakas na buhawing umiikot sa tubig at ito ay patungo sa aming direksyon.   itutuloy..      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD