Ang Alamat ni Prinsipe Malik
AiTenshi
Part 9: Ang Nalilitong si Miguel
"Sino ang may kagagawan ng buhawing iyan?! Sa kasaysayan ng Apresia ngayon lamang nag karoon ng buhawi sa ating lugar!!" ang sigaw ng matatandang taga payo at hindi nila maitago ang matinding pag katakot. "Dumito lamang kayo at huwag lalapit sa tubig. Ako na ang bahalang mag ligtas sa mga apektadong lugar." ang wika ni Malik at nag tatakbo ito patungo sa karagatan. Lumabas sa kanyang kamay ang trident scepter na ginamit niya upang makontrol ang alon at sumakay siya dito.
"Tekaa tol, mapanganib!!" ang pag pigil ko naman sa kanya. "Kailangan kong pigilan ang buhawi bago pa ito tumapak sa lupa. Maraming mapapahamak kapag nangyari iyon! Dyan ka lang Miguel at huwag kang lalapit sa tubig." ang tugon nito at mabilis siyang nag tungo sa kinaroroonan ng higanteng buhawi.
Pinag masdan kong mabuti ang gagawin ni Malik at doon ay nakita kong umangat ang tubig sa karagatan na nag mistulang tsunami, sumalpok ang higanteng alon sa umiikot na hangin ngunit wala itong epekto dahil sumama lamang ang tubig sa lakas ng pag yanig. Nag mistulan lamang itong isang washing machine na iniikot ang tubig mula sa pinaka ilalim.
Tumilapon ang katawan ni Malik ngunit agad na sinapo ito ng alon..
Muling umangat ang tubig sa ere at sa pag kakataong ito ay nag mistulang harang na salamin sa paligid ng buhawi upang mapigilan ang pag galaw nito. Para akong nanonood ng isang epikong pelikula. 3D kumbaga kung saan malinaw kong nasasaksihan ang labanan ng dalawang elemento, ang hangin at tubig. Pinatunayan lamang ni Malik na siya ang prinsipe ng karagatan dahil napapasunod nya ito ayon sa kagustuhan.
Namangha ang lahat noong makitang nag karoon na mala salaming harang ang paligid ng buhawi kaya naman pansamantalang napigilan ang pag galaw nito. Habang nasa ganoong panonood ako, may napansin akong isang batang babae na tinatangay ng alon sa di kalayuan kaya agad akong nag tatakbo sa karagatan upang languyin ito. At dahil nga abala si Malik sa kanyang ginagawa hindi na nito na mataan na ako ay nakalusong na sa dagat. Gamit ang paborito kong stroke swimming ang sidestroke mabilis kong nilangoy ang batang inaanod ng tubig. Marahil ay natangay ito ng malakas na hangin kanina habang nag sisimula ang buhawi.
Ipinag patuloy ko ang pag sagip sa bata samantalang si Malik naman ay patuloy sa pag pigil ng buhawing maaaring sumira sa buong nayon. Makalipas ang ilang minutong pag lalangoy, narating ko ang kinaroroonan ng batang bata at agad ko itong niyakap upang maka kapit sa aking katawan. Buhay pa naman ito ngunit nawalan lamang ng malay kaya naman mabilis akong nag langoy pabalik ng pampang.
Habang nasa ganoong posisyon ako, bigla na lamang may kung bagay ang kumagat sa aking likuran dahilan para mapahinto ako. Mabilis kong inabot ang bagay na kumagat sa akin at doon nakita kong maliit na pogita pala ito na kasing laki lamang ng bola ng deodorant. Dinampot ko ito at agad na itinapon sa malayo. "Miguel! Anong ginagawa mo diyan??" ang sigaw ni Malik noong makita akong lumalangoy pabalik sa dalampasigan. "Sinagip ko lamang itong nalulunod na bata!" ang sagot ko naman habang patuloy sa aking ginagawa.
"Tol, bitiwan mo iyan! Hindi tao yan!!" ang sigaw ni Malik habang inaalalayan ang harang sa paligid ng buhawi. "Anong ibig mong sabihin?! Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo!!" muling kong sigaw. Masyado kasing maingay ang alon kaya’t hindi ko ito masyadong marinig kaya naman nag patuloy na lamang ako sa pag lalangoy.
Nasa ganoong pag lalangoy ako ng bigla ko na lamang maramdamang may kumagat sa aking braso at ng tingnan ko ito ay laking gulat ko ng makitang hindi na tao ang aking hawak kundi isang sirena, na may buntot ng isang isa, katawan ng tao at ang kayang bibig ay maluwang at mayroong maliliit na pangil. Ibang iba ito sa ilustrayon ng sirena sa aming mundo na maganda at mala diyosa. Ang tunay na sirena pala ay isang halimaw na kumakain ng karne ng hayop o tao. Paano ba nabubuhay ang mga nilalang sa ilalim ng dagat? Natural kumakain ito ng kapwa nila hayop upang mabuhay at ngayon ako yata ang balak kainin ng isang ito.
Ramdam na ramdam kong naka pakat ang pangil nito sa aking braso kaya naman nag dugo ito at maya maya ay hinila na nya ako palubog sa tubig. Wala akong magawa kundi pigilin ang ulo ng halimaw na lumapit sa aking katawan dahil balak talaga akong gawing pag himagas nito. "Nag magandang loob lang ako upang iligtas ngunit balak pa niya akong gawin panang halian. Sira ulo!!" ang sigaw ko sa aking sarili habang inuupakan ng suntok ang halimaw sa umaatake sa akin. Minuto ang lumipas, tila nang hihina na aking katawan dahil ramdam kong nauubos na rin ang hangin sa aking baga. Ilang sandali na lamang ay baka matuluyan na ako, hindi dahil sa kagat ng sirenang ito kundi dahil sa lunod. At pag nag kataon ay paniguradong double dead na baboy ang kalalabasan ko. Namatay na sa lunod, pinapak pa ng halimaw sa dagat. Kawawa naman ako pag nangyari iyon.
Matindi pa rin ang pag atake ng nilalang na ito, sunggap dito at kagat doon ang ginagawa nya sa akin hanggang sa mag dugo na ibang parte ng aking braso, balikat at leeg. Gutom na gutom at walang sawa ito sa pag kain sa aking kalamanan hanggang sa tuluyang nang mapatid ang aking pag hinga.
Ang huling natandaan ko na lamang ay tumusok na parang tinidor ang tungkod ni Malik sa katawan ng halimaw dahilan upang mamatay ito. Hanggang sa unti unting pumikit ang aking mata..
Wala na akong natandaan pa..
Noong bumalik ang aking ulirat, natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakahiga sa silid ni Malik. Hinang hina ang aking katawan at inaapoy ako ng matinding lagnat. May bundahe na rin ang mga sugat na natamo ko sa pag kagat sa akin ng sirena. "Aarrghhhh. Ang sakit!!" ang impit na ungol ko noong maramdaman ko ang mainting kirot sa aking likuran. "Huwag ka munang gumalaw dahil hindi ka pa magaling. Inaapoy ka pa ng lagnat dahil sa lason na kumalat sa iyong katawan." paliwanag ni Malik habang pinigilan ako sa pag bangon.
"Nanghihina ang aking katawan at nanakit ang aking kalamnan. Paano ako nalason?" tanong ko
"Ang kagat ng bolang pogita ay natagpuan ng manggamot sa iyong likuran. Iyon ang nag bigay ng lason at pamamaga sa iyong mga kalamnan. Ang tusok ng mga galamay nito ay matindi pa sa kamandag ng ahas. Agad lamang naming naagapan ang lason dahil sa paunang lunas kaya’t hindi na ito kumalat pa sa iyong katawan. Huwag kang mag alala dahil pagaling kana. Labis mo akong pinag alala alam mo ba iyon? Ang tigas kasi ng ulo mo. Mapanganip ang dagat dahil may mga sirenang gumagala dito. Marahil ay dinala ang isang iyon malakas na buhawi kaya’t na padpad sa Apresia. Ang mga halimaw na iyon ay katumbas ng pating at buwaya sa lugar na ito kaya’t ibayong pag iingat ang kailangan." paliwanag ni Malik habang nilalagyan ng basang damit ang aking noo.
"Teka nasaan ang buhawi? Ano ang nangyari?" muli kong tanong. "Ewan, bigla na lamang nag laho ang buhawi noong ikulong ko ito. Pakiwari ko ba ay mayroong nag dala nito sa ating lugar. Pinag aaralan pa ito ng mga taga payo." sagot naman nya habang minamasahe ang aking kamay.
Tahimik..
"Salamat pala sa pag ligtas mo sa akin." pag basag ko sa katahimikan.
"Wala iyon. Mag kaibigan tayo hindi ba?"
"Oo naman. Mag kaibigan tayo." ang tugon ko sabay bitiw ng pilit na ngiti.
Maigi kong pinag masdan ang mukha ni Malik habang minamasahe ang aking kamay. Nakaka starstruck pa rin talaga ang kanyang anyo, mula sa mapulang labi, matangos na ilong, makinis at maputing balat, katawan na nililok sa perpektong pag kakagawa at ang pinaka paborito kong parte ng kanyang katawan, ang kanyang mga "mata" na nangungusap sa tuwing tinititigan ka nya. "Oh bakit ganyan kang makatingin sa mukha ko?" tanong nito kaya naman nagulat ako at agad na binawi ang aking pag kakatitig sa kanya. "Ah wala naman. Ang gwapo mo kasi. Daig mo pa ang mga artista sa mundo namin." biro ko naman. "Gwapo ka rin naman eh, mabait pa at matulungin. Kahit halimaw ay tinutulungan mo." sabi niya sabay bitiw ng pigil na tawa.
"Hmmpp, di ko naman na halimaw pala iyon. Ang akala ko ay batang babae lamang." pag mamaktol ko.
"Ang mga sirena sa mundong ito ay mapanlinlang upang maka kuha sila ng biktima. Nababasa nila ang laman ng puso ng isang tao at isinasakatuparan nila ang nasa isip nito. Nag papanggap sila bilang magandang babae, namatay na kaanak, batang babae, matandang lalaki o kahit anong nasa isipan ng tao para maakit nila ang mga ito. Noong mga oras na iyon, alam nila na nakaka awa ang kalagayan ng isang batang nalulunod sa dagat kaya’t iyon ang ipinakita niya sa mata ng mga tao. At dahil nga dayo ka lamang sa lugar na ito. Ikaw ang siyang nabiktima niya." muling paliwanag nito. "Pero ayos lang iyon dahil ang mahalaga ay buhay ka ligtas."
"Kung wala ka naman doon, baka pinag pipiyestahan na ko ng mga butete at isda sa dagat. Mabuti nalang na iniligtas mo ako. Pangalawang beses na ito tol. Noong una binigyan mo ako ng hininga at ngayon naman ay sa halimaw. Naku baka di na ako makabayad niyan sa iyo."
"Ano kaba, hindi naman mahalaga iyon. Basta ang mahalaga sa akin ngayon ay kasama kita at dahil sayo ay hindi na ako nakakaramdam ng kalungkutan. Kaya’t umasa ka lagi kitang ipag tatanggol ng paulit ulit at hinding hindi ako mapapagod na gawin ito." ang seryosong wika ni Malik habang inaayos ang basang damit sa aking noo. "Mabubuti kung mag pahinga ka muna. Mamaya ay gagamutin ko ang sugat sa iyong likod."
"Salamat. Maswerte pa rin ako dahil nandyan ka." sagot ko at muli kong ipinikit ang aking mga mata. Ang totoo nun ay ngayon lamang may nag alaga sa akin ng ganito. Kadalasan kasi kapag nag kakasakit ako ay tumatawag si mama o si papa ng doctor at binabayaran nila itong hanggang sa dumating ang araw ng pag galing ko. Kaibahan naman sa pag aalaga ni Malik na may halong pag papahalaga at pag mamahal. Ewan, ngunit nakaka kilig din palang mag alaga ang kapwa mo lalaki dahil alam niya kung paano ka lalambingin at iingatan. Alam kong lalaki rin ako at pareho kaming may lawit ngunit nakakaramdam ako ng kakaibang kuryente na dumadaloy sa aking katawan kapag siya ang kaharap ko. Hindi ko naman ito nararamdaman sa mga ka team ko sa swimming o kahit kay Marcus pa na aking malapit na kaibigan.
Posible ba na magka gusto ako sa isang lalaki dahil sa pag liligtas nito sa aking buhay o baka naman kaya dala lamang ito ng kasabikan na may mag alaga o mag ingat sa aking sarili? Ang gulo na talaga mga ateng! Naloloka na ako!! Krispin! Elsa nasaan na kayo!!"
Tahimik ulit..
Pinilit kong iwaksi ang lahat ng bagay na gumugulo sa aking isipan bagamat ramdam ko pa rin ang matinding sakit ang pang hihina ng aking buong katawan. Ito ang unang pag kakataon na tinamaan ako ng dalawang bagay. Ang una ay ang mataas na lagnat at ang ikalawa naman ay ang nakakalitong pag tingin ko sa taong nag liligtas ng aking buhay; si Malik.
itutuloy..