Ang Alamat ni Prinsipe Malik AiTenshi Part 10: Kasal, Kalituhan, Kalungkutan Madaling araw na noong ako ay magising dahil sa matinding panlalamig ng aking katawan. Halos mangatog ang aking baba dahil sa matinding ginaw kaya naman agad kong bumalikwas ng bangon at tinungo ang bintana upang isara ito. Sa dagat kasi nag mumula ang malamig na hangin kaya’t mas lalo pang bumibigat ang aking pakiramdam. Mas lalo pa yatang tumaas ang aking lagnat buhat noong magising ako kanina. "Tol, bakit bumangon ka? Hindi ka pa magaling ah." wika ni Malik habang bumabangon ito sa kanyang pag kakahiga. "Ayos lang ako tol. Giniginaw lamang ako, ngunit wag mo akong alalahanin. Kaya ko naman ito." tugon ko sabay bitiw ng pekeng ngiti sa kanya. "Mabuti pa ay mag pahinga ka na muna. Halika dito sa akin