Ang Alamat ni Prinsipe Malik AiTenshi Part 11: Si Prinsipe Caleb 1 Noong mga sandaling iyon ay damang dama ko ang lungkot sa pag katao ni Malik. Ito pala ang kapalit ng kanyang kapangyarihan, ang maging malungkot at mapag isa sa loob ng mahabang panahon. Hindi ko tuloy alam kung paano ko ba ito kakausapin kaya naman hinimas ko na lamang ang kanyang likod. At nag patuloy pa ang pag k-kwento ni Malik tungkol sa kanyang sarili. "Hindi ko pinigilan sa kanyang pag lisan ang aking kanang kamay dahil nais kong hanapin nya ang kanyang kaligayahan kaya kahit nakakalungkot ay akin parin itong pinag bigyan. Tulad ng aking sinasabi ay hindi ako makasarili dahil ang kaligayahan ng iba ay kaligayahan ko na rin NGUNIT iba pa rin ang kaligayahan dulot ng bagay na masasabi mong saiyo lamang. Kaya