Roger (POV)
Napangiti akong ibinaba ang aking telepono pagkatapos kong makausap ang bagong secretarya ng kaibigan ko. She sounds jolly and interesting, ipinag patuloy ko na ang aking trabaho at ilang saglit ay nag ring ang aking telepono. Sinagot ko agad dahil ang kaibigan ko ang tumatawag. Ipinaalala ko sa kanya ng kaarawan ng inaanak niya bukas, alam ko naman na hindi niya makalimutan dahil taon-taon ay present siya. Gusto ko lang makasigurado na pupunta siya dahil siguradong hahanapin siya ng aking anak.
Iba pa man din ang anak ko na magtampo, He is 10 pero ang isip niya ay 5 years old. I love him so much at ibibigay ko lahat ng gusto niya. May magagaling na Doctor na tumitingin sa kanya, ang sabi nila ay may pag-asa pa na maging normal siya na bata. Dinala ko na noon siya sa America at nag tagal din kami doon ng ilang taon. Pero walang progress kaya inuwi ko na lang dahil kailangan kong asikasuhin ang aking mga negosyo dito sa Pilipinas. Buti dito ay marami siyang kalaro, kaya nga lang ay mapili siya ng kakaibiganin. Mahirap din na makuha ang kanyang loob, ilang girlfriends na ang ipinakilala ko at nauwi sa hiwalayan dahil mas pinili ko ang aking anak kaysa sa mga naging karelasyon ko.
Napahinga ako ng malalim at iniligpit ko na ang aking mga gamit. Maaga ako ngayong uuwi dahil nag promise ako sa aking anak na maliligo kaming dalawa sa swimming pool.
"Nadia, mauna na akong umuwi." Paalam ko sa aking Secretary.
"O sige po Sir, kumusta na lang po kay Darren." Sabi niya
Ngumiti ako at umalis na. Matagal nang secretary ko si Ate Nadia. Dati siyang secretary ni Daddy at malapit na rin siyang mag senior. Pakiramdam ko ay nalalapit ko na rin maranasan ang narasan ng kaibigan ko sa pag-hahanap ng secretarya, 2 years more at 60 years old na siya. Sana ay gusto parin niyang magtrabaho sa akin kung maabot na niya ang kanyang edad ng pagreretiro.
Sumakay na ako sa aking sasakyan at nag maneho na pauwi sa bahay. Kung sa opisina lang ako ay ako na ang nag mamaneho dahil anong silbi ng magandang sasakyan kung iba naman ang nag mamaneho.
Pagdating ko sa bahay ay dinig ko na ang malakas na tawa ng aking anak mula sa swimming pool. Dumeretso ako doon at nadatnan ko ang tatlo niyang Yaya na binabaril niya ng water gun. Panay ilag naman ng kanyang mga Yaya at napailing ako.
"Son, enough!" Malakas na sambit ko.
"Daddy!" Sigaw ng anak ko patakbong lumapit sa akin.
Niyakap niya ako at napailing na lang na niyakap din siya dahil basang-basan na din ako.
"Behave okay, magpapalit lang ako. Mag merienda ka na muna habang magpapalit ako ng pampaligo."
"Okay Daddy." Sagot ng anak ko at umupo na siya sa tabi ng Yaya niya.
Napatingin ako sa aking anak dahil sinusubuan parin siya at sobrang kalat niyang kumain. Sa edad niyang sampo ay para siyang trese dahil namana niya sa akin ang tangkad ko at isa pa ay kamukhang-kamukha ko siya. Mabilis na akong pumasok sa loob at pumunta sa aking kwarto. Nagbihis agad at nag suot ng roba.
Ang anak ko ay walang kapaguran halos abutin na kami ng paglalaro sa swimming pool. Pagkatapos naming kumain sa pool ay sabay na kaming naligo. Gusto pa rin niyang binabasahan siya ng story book na pambata bago matulog, I can't wait na mag matured na siya para may kasama akong pumunta sa paglalaro ng golf at dalhin ko siya sa mga club. Tulog na ang aking anak, kaya inilagay ko na ang libro sa mesa. Umalis na ako sa kama niya at pinatay ang mga ilaw.
Kinabukasan ay maaga akong pumunta sa opisina ng kaibigan ko ang balak ko lang naman sana ay dumaan lang para makita nag secretarya niya pero nadatnan ko sila sa nakatatawang sitwasyon. Alam kong napuruhan ang kaibigan ko sa sinabi ng secretarya niya na hindi siya nito type. Hindi ko mapigilan ang mapatawa habang nakikinig sa kanila.
Napatitig ako na nakangiti kay Miss Madel, simply lang ang damit niya. Mahaba ang buhok na nakapusod at balingkinitan ang katawan. May kaputian din at halatang walang make up dahil marami siyang maliliit nunal sa mukha. At higit sa lahat ay may nunal siya sa gilid ng pang-itaas niyang labi na kung mag lipstick ng siya ng makapal at kulay pula ay napaka hot niyang tignan.
Hindi ko alam kung ano ang maramdaman ko ng sinabi ang hinahanap niya sa isang lalaki. Halatang hindi rin siya interesado sa akin dahil ni hindi man lang kuminang ang mga mata niya nang kausapin ko siya. Unang rinig ko palang sa boses niya ay nag kainteresado na ako agad, lalo na ngayon at nakita ko siya sa personal. Tago ang kanyang ganda, mahahalata lang ang kagandahan niya kapag tinititigan ito. Ang unang mapapansin sa kanya ay ang pranka nitong pananalita at madaldal.
Nang bumalik na siya sa kanyang mesa ay agad kong kinausap ang aking kaibigan na dahil namin ang secretarya niya sa bahay ko. Buti naman at pumayag ito kaya sa sasakyan ko sila sumakay. Tumawag na lang ako kay Ate Nadia na sa bahay ako mag-tratrabaho at kung may importanteng tawag ay i text na lang niya sa akin.
Simple lang naman ang karawan ng aking anak, imbitado ang mga kalaro niya sa village. Home school siya kaya wala nang ibang imbitado na bata. Ang mga grandparents niya sa kanyang Ina ay nasa States at nag padala na lang sila ng regalo. Habang nag mamaneho ako ay narinig ko ang reklamo ni Miss Madel kaya sumabat ako at inako ang pamasahe niya umuwi.
Now I am wondering kung paano siya ini hahandle ng kaibigan ko araw-araw. Ayaw pa man din nito ang kinukulit siya. Ilang saglit ay dumating na kami sa bahay. Wala pang mga dekorasyon ang pool, baka tulog pa nga ang anak ko dahil mag alas nwebe palang ng umaga.
Hindi pupunta ang teacher niya ngayon dahil nag maka-awa ang anak ko na break time daw na mag-aral dahil kaarawan niya ngayon.
"Madel, feel at home. Mag stay kami ng kaibigan ko sa opisina niya."
"Eh, anong gagawin ko dito Sir? Ang feel at home ba ay pwede akong matulog?" Sagot niya at sabay pa kaming napatingin sa kanya.
"Whatever!" Masungit na sambit ng kaibigan ko at naiiling na nauna sa opisina ko.
"Sir Roger ano ang gagawin ko?" Tanong niya sa akin.
"Gawin mo lahat ang gusto mo, huwag mo lang sunugin ang bahay."
"Grabe ka naman Sir Roger, bakit ko naman susunugin ang bahay mo?"
"Malay ko ba, mamaya yun ang maisip mo."
"Dito na nalng ako sa sala Sir, ano nga pala handa ng anak mo?"
"May catering, sila na ang bahala sa lahat."
"Nasaan ang anak mo Sir, nasa School ba?"
"Nope, home school siya at breaktime nia. Baka tulog pa siya." Sagot ko.
"Bakit mo hinahayaan na tulog pa siya ng ganitong oras Sir?
Tinignan ko siya dahil kailangan ko bang sagutin ang tanong niya.
"Just, feel at home Miss Madel." Sabi ko na lang at iniwan siya.
Baka hindi ako maka pagtimpi ay araruhin ko ang labi niya na walang kasawaan sa katatanong. Pagpasok ko sa aking opisina ay busy na ang kaibigan ko sa laptop niya, umupo na rin ako sa harapan niya at nagtrabaho na rin. Halos tatlong oras kami na nakatutuk sa aming trabaho. Ilang saglit ay may kumatok at bumukas ang pinto.
"Sir, nandito handa na po ang mesa at nandito na po ang mga kalaro ni Darren." Sabi ng Yaya ng anak ko.
Mga 4 to 5 years old din ang mga kaibigan ng aking anak, lahat sil ay half day sa school kaya. Lunch time ang napili ng anak ko na i celebrate ang birthday niya.
"Nasaan siya?" Tanong ko.
"Kasama po niya si Miss Madel na nakikipaglaro sa mga bata. Sige po Sir at tutulungan ko si Miss Madel sa pagbabantay sa mga bata dahil lahat sila ay kinukulit siya."
Pagka-alis ni Yaya ay napangiti akong napatingin sa kaibigan ko.
"I think she's the one." Masayang sambit ko dahil sa wakas ay may nagustuhan na ang aking anak.
"Good luck nalang saiyo, ang regalo ko sa kasal ninyo ay maraming earplug." Sambit niya at napatawa kaming dalawa.
Lumabas na kami sa aking opisina at dumeretso na kami sa garden dahil doon ang handaan. Paglabas namin sa bahay ay dinig na dinig na namin ang malalakas na tawa ng mga bata. Napabilis ang paglakad ko dahil parang ngayon ko lang marinig ang tawa ng anak ko na ganun kalakas.
Napalibutan si Madel ng mga bata at dinig na dinig ko ang mga sigaw nila na iba't-ibang pangalan ng mga hayop. Bawat pangalan ng hayop ay ginagaya niya at ang props niya ay ang kanyang buhok na naka buhaghag na. Kahit ang mga yaya ng mga bata ay tumatawa na rin.
"She's witty and adorable." Sambit ko dahil wala siyang pakialam kung ano man ang itsura niya ngayon para lang mapasaya ang mga bata.
"Yeah, ngayon nagtataka na ako kung bakit nasa opisina ko siya." Sabi ng kaibigan ko at napangiti ako dahil pwede siyang maging guro ng kindergarten.
"More! more!" Sigaw nila kaya kumanta naman siya ng kids song na may action pa at nakasibay ang mga bata sa kanya pati ang aking anak na pinakamatangkad sa lahat.
Hinayaan lang namin siya hanggang sa nagutom na ang mga bata. Masayang kumain ang mga bata at kahit tapos na ang birthday party ay ayaw pa nilang magsi-uwian. Game naman si Miss Madel na makipag-laro sa kanila kaya masaya akong pinapanunuod siya.
"Matunaw." Bulong ng kaibigan ko at napangiti nalang ako.
Hapon na nang magpa-alam ang mga bata. Pati Si Miss Madel ay nagpa-alam na din pero ayaw siyang pauwiin ng aking anak. Ang kaibigan ko ay kailangan na niyang umuwi din at hindi na niya maihatid si Miss Madel sa terminal ng bus.
"Daddy, gusto kong sumama kay Ate Madel sa bahay nila."
"Anak, hindi pwede." Sagot ko at napatingin kay Miss Madel na maraming bitbit na pagkain.
"Please Daddy regalo mo na sa akin." Napailing na lang ako at nagpakuha ako ng damit naming dalawa dahil sigurado ako na doon kami matutulog.
"Pwede ba Miss Madel?" Tanong ko.
"Pwede naman po Sir Roger, pero walang aircon ang bahay namin at sa sahig kami nag lalatag. Mahirap naman pong maka hindi lalo na at napakadami kong dala na pagkain." Sagot nito.
Isang katamtaman na maleta inilagay ang gamit naming mag-ama at sa likuran nila sumakay. Napangisi ako dahil walang kapaguran ang bunga-nga ni Madel. Ngayon ay nag kwekwento siya tungkol sa naka babata niyang kapatid. Pati ako ay palihim na nakikinig sa kanyang kwento at hindi namin na mamalayan ay nasa harapan na kami ng kanilang bahay.
Medyo madilim na, bilib din naman ako sa kanya dahil kinakaya niyang magtrabaho sa Manila. I understand clearly now kung bakit nagtitiis siya nang makita ko ang kanilang bahay. Siya ang breadwinner at sobrang pina bilib niya ako.
"Ateee!" Sigaw ng batang babae na patakbong papalapit sa amin.
"Ingat baka madapa ka!" Sambit ni Miss Madel.
"Ate. sino Sila?"
"Si Sir Roger at si Darren." Pakilala niya sa amin sa kapatid niya na napaka cute, bagay ang kanyang pangalan na Raselle.
Napatingin ako sa aking anak na nakatingin lang kaya Raselle at ngiming ngumiti. Habang si Raselle ay agad na hinawakan ang kamay ng aking anak at dinala sa loob ng kanilang bahay.
"Pasensya ka na sa kapatid ko Sir Roger. Wala kasing kuya yan kaya ganyan."
"No worries, masaya ako dahil mukhang magkasundo sila ng anak ko." Sagot ko.
Pumasok na kami sa loob ng kanilang bahay at napatingin ako sa loob. Semento ang sahig, may maliit na sala at maliit din na kusina.
"Anak sino sila?" Tanong ng isang may edad na babae.
"Si Sir Roger, kaibigan ng boss ko at ang anak niyang si Darren na birthday niya ngayon Nay. Gusto daw makita ang bahay natin kaya sumama sila at dito sila matutulog.
"Huh!" Sagot lang nga Nanay niya. Kung gaano kadaldal si Madel ay siya namang kinatahimik ng Nanay niya.
"I am sorry po Nay, hindi ko kasi mahindian ang anak ko." At sinabi ko na mahina ang aking boses ang kalagayan ng aking anak.
"Ay Anak, okay lang. Mukhang mayaman kayo, kaya nahihiya ako. Buti pala at naglaba ako ng mga punda at kumot namin." Nahihiyang sabi nito.
Nagpa-alam ang Si Nanay na dalhin ang mga pagkain sa mesa, habang ang anak ko ay masayang nag cocolororing na kasama si Raselle. Napatingin ako kay Madel na may bitbit na dalawang balde.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko.
"Ubos na kasi ang laman ng drum Sir, kailangan kong mag-igib." Sagot niya.
"Samahan na kita." Sabi ko.
Malapit lang ang gripo, pinanuod ko siya kung paano niya itaas baba ang tubo ng gripo. Napuno ang dalwang balde at mabilis ko na inagaw ang mga ito.
"Just wait me here." Utos ko.
"Sigurado ka Sir?" Tanong niya at hindi ko siya sinagot.
Halos trenta minuto din ang aming pag-iigib haggang sa mapuno ang drum nila. Nauna kaming maligo na mag-ama dahil basang basa ang pants ko dahil sa pag-iigib. Masaya naman ang aking anak, he is amazed dahil tabo ang ginamit namin at natuwa ako dahil wala siyang reklamo. Buti at manipis ang mga damit na pantulog na inihanda ni Yaya sa amin dahil katatapos lang naming maligo ay pinag papawisan na kami.
Sumunod na naligo sina Raselle at Miss Madel. Napangiti ako dahil dinig ko ang cute na hagikgik ni Raselle.
"Daddy sana sa kanila ako nakisabay na naligo." Sabi ng anak ko na super behave ngayon.
"Mga babae sila anak, dapat lalake din ang kasabay mo na maligo."
"Bakit naman Daddy. bakit sa pool na pinuntahan natin ngayon sabay ang mga lalaki at babae na maligo?" Tanong ng anak ko.
Napakamot ako dahil keen observer din pala ang anak ko kahit batang isip siya.
"Sa banyo kasi anak, hubad tayo naliligo at hindi maganda na makita ng iba ang private parts natin."
"Eh, bakit si yaya kung pinapaliguan niya ako ay nakikita niya ang body ko?"
Napahilot na ako sa aking sintido dahil ilang oras lang niya nakasama si Madel ay palatanong na ang aking anak.
"Si Yaya kasi ang nagpalaki at nag-alaga saiyo anak mula baby ka kaya okay lang. Sina Ate Madel at Raselle ay hindi natin ka ano-ano."
"Then para makasabay ko si Raselle na maligo ay gusto ko siyang maging kapatid."
Narinig ko ang pagtawa ni Nanay mula sa kusina.
"Anak, pwedeng Tita mo si Raselle at hindi kapatid," Sagot ko at napakamot sa aking ulo.
Ilang saglit ay tapos na din naligo ang dalawa. Napalunok ako na napatingin sa hita ni Madel. Tama ang hinala ko maganda ang katawan niya at sobrang kinis ito. Ang kamay lang niya ang magaspang dahil sa kanyang kasipagan and I love it. Naka Short siya ng cotton na medyo maluwag na hanggang kalahati ng kanyang hita at na ka Sando ng medyo makapal ang tela pero maluwag ito kaya kita ko ang bra niya na itim.
Ibinaling ko ang aking paningin sa maliit nilang telebisyon. Ang anak ko naman ay magiliw na pinaupo si Raselle sa tabi niya. Tinawag na kaming kumain at pumunta kaming lahat sa kusina. Sana ay hindi mag wala ang aking anak dahil hindi siya kumakain ng inuulit. Galing sa bahay kasi lahat na nasa mesa. Nasanay kasi siyang iba-iba ang kinakain niya.
Umupo ako sa tabi ng aking anak na masayang katabi si Raselle. Hindi ko tuloy alam kung susubuan ko siya na kumain. Pinanunuod ko ang ginawa ni Raselle, naglagay siya ng kanin sa plato ng aking anak at pinapili ng ulam.
"Kung anong gusto mo ay gusto ko rin." Sabi ng anak ko.
"Gusto ko lahat eh. Lahat masarap" Sagot ni Raselle at nag lagay siya ng konti sa bawat ulam sa plato ng aking anak at napuno ito.
Naglagay na din si Raselle sa plato niya at nag umpisa nang kumain. Nagulat ako dahil sumasabay ang aking anak sa pagkutsara ng pagkain sa kanyang plato. Napapa-isip tuloy ako, na spoiled ko ba ang aking anak?
Lahat kami ay maganang kumain, kung may nahuhulog ang aking anak ay pinupulot ni Raselle at isinusubo kaya ginaya siya ng anak ko. Walang ni isang butil ng kanin sa mesa at parang naiiyak akong panoorin ang aking anak na unang beses kong makita na independent.
Pagkatapos naming kumain ay tumulong din ang anak ko na magligpit ng mga plato sa mesa. Bawat ginagawa niya na bago sa aking paningin ay naka video para ipakita ko sa kanyang Doctor. Si Miss Madel ang nag hugas at inutusan ang dalawa na mag sipilyo. Sunud-sunuran ang aking anak kay Raselle at napa good job ako sa aking anak dahil kaya niya palang mag sipilyo mag-isa.
Nag sipilyo na rin ako at sumunod si Miss Madel. May kinuha siyang libro at pinatay ang TV. Umupo siya sa gitna ng dalawa at binasahan ng libro habang si Nanay ay inaayos ang aming higaan.
"Mga anak, pwede nang matulog." Sabi ni Nanay
Unang tumayo si Miss Madel at humawak sa kanya si Raselle na ginaya naman ng aking anak. Pumasok kami sa isang kwarto at napangiti ako dahil lahat kami ay matutulog sa sahig na may kulambo. May electrifan na din na umiikot .
"Anak. doon ka sa pinaka gilid katabi mo si Darren." Utos ni Nanay kaya pumasok na ako sa loob ng kulambo.
"Lola can I sleep inbetween Raselle and Ate Madel?" Magalang na tanong ng anak ko.
"Oh yes okay." Sagot ni Nanay kaya napangiti ako.
Hindi din pala nakakatulog si Raselle kung hindi katabi si Nanay kaya si Madel ang katabi.
"Wala naman sigurong mangyari na hindi maganda." Sambit ni Nanay.
"Nanay, bunganga ninyo." Sabat ni Miss Madel at humiga na siya sa tabi ko.
"Good night everyone." Masayang sabi ng aking anak at pinatay na ni Nanay ang ilaw.
Napalunok ako dahil magkadikit ang aming katawan ni Miss Madel, sanay pa man din akong may niyayakap na malaking unan. Hindi ko alam kong makakatulog ako ngayong gabi lalo na kung may seksi akong babae na katabing matulog. Alam ko na tilog na ang katabi ko dahil paghinga na lang niya ang aking naririnig. Ipinikit ko na lang din aking mga mata at hindi ko na namalayan na nakatulog na rin ako sa pagod.
Nagising ako sa tilaok ng manok, babangon sana ako pero hindi ako makabangon dahil may nakadagan sa akin. Naalala ko nasa ibang bahay kaming mag-ama at si Madel ang nasa ibabaw ko. Napamura ako dahil bakit siya nasa ibabaw ko? Ang akala ko ay ako ang hindi mag behave pero itong katabi ko pala na mahimbing na natutulog at nakasiksik pa ang mukha niya sa leeg ko.
"Well enjoy the blessing" sabi utak ko at dahan-dahan na inilagay ko ang aking palad sa kanyang pang-upo at bahagyang nilamas.
Magising man siya sa ginagawa ko ay hindi ko na kasalanan dahil siya ang pumatong sa akin.