Madel (POV)
Sobrang na pahanga ako sa ganda ng bahay ni Sir Roger, ma papa sana all ka na lang sa sobrang laki. Ang kaniyang sala ay buong bahay na namin. Feel at home daw kaya umupo ako sa magandang sofa, hindi ko napigilan ang aking sarili kaya napahiga ako sa malabot na sofa.
Nagising ako na may pilit na binubuksan ang aking mga mata. Napabalikwas ako ng bangon at umupo agad.
"Who are you?" Tanong ng bata, kamukha siya ni Sir Roger kaya matik na ito ang anak niya.
"Ako si Madel, secretarya ako ng Sir Vince." Sagot ko at umupo siya sa tabi ko.
"Nasaan si Ninong?" Tanong niya na nakatitig sa aking mukha. Halos magkalapit na ang ilong namin sa sobrang lapit niya kaya lumayo ako ng konti.
"Nasa opisina sila ng Daddy mo nag tratrabaho." Sagot at nagulat ako ng dilaan niya ang aking ilong.
"Ewwww!" Sambit ko at natawa siya.
Ang lutong ng kanyang tawa kaya pati ako ay napatawa na rin.
"Madel, laro tayo."
"Dapat sabihin mo Ate Madel para makipag laro ako saiyo." Utos ko.
"Ate Madel laro tayo please." Sabi niya kaya napangiti na ako.
"Anong gusto mong laruin natin?" Tanong ko.
"Sa labas tayo mag lalaro, habang hinihintay ang mga kaibigan ko, alam mo birthday ko ngayon. May regalo ka ba?"
"Huh! regalo? naku wala eh dahil ngayon ko lang din alam na kaarawan mo at kahit alam ko na kaarawan mo ay wala akong pambili ng regalo."
"Why, are you poor?"
"Maka poor ka naman, wala lang sa budget."
"Okay lang Ate na walang kang gift basta laro tayo, halika ka na." Sambit niya sabay hila sa akin.
Lumabas kami sa bahay nila at dinala ako sa isang napaka gandang hardin may may malaking open space na pwedeng pag-dausan ng mga parties. May mesa at upuan na din, ilang saglit ay dumating na ang kanyang mga kaibigan. Nakaka-aliw ang mga bata, halatang mayayaman ang mga ito. Masaya akong nakipaglaro sa kanila at pakiramdam ko ay bumalik ulit ako sa pagkabata. Nakalimutan ko saglit ang hirap at pagtitiis na dinadanas ko. Kaya lang naman ako hindi maka pag boyfriend dahil nag-aalala ako sa aking Ina at kapatid. Paano na sila kung magka-pamilya ako. Paano kung hindi sila matatangggap ng mapapangasawa ko. Hindi ko kailanman magawa na pabayaan ang aking Ina na marami na ring hirap na pinagdaanan.
Nagutom na ang mga bata at nagutom na rin ako. Naalala ko tuloy ang aking kapatid, kailangang mag-uwi ako sa mga handa nila. Nakakaaliw kasi siyang panuorin kung bibilog ang mga mata kapag makakita ng mga pagkain na bago lang sa kanya. Pagkatapos naming kumain ang daming natira kaya kinausap ko si Sir Vince muna.
"Sir, pakisabi naman kay Sir Roger na mag-uwi ako ng handa tapos yung pamasahe ko n sinabi niya na ibibigay niya." Bulong ko kay Sir Vince at tinignan ako.
"Bakit hindi mo sa kanya sabihin?"
"Eh, Sir nahihiya ako, mas close ako saiyo."
"Close na agad tatlong araw palang na nagtratrabaho ka sa akin." Masungit na sagot niya.
"Sir, ngayon ko lang nakilala si Sir, Roger hindi ba mas nakakahiya kung kakausapin ko siya. Eto na ang supot Sir pwedeng ikaw na ang mag lagay. Damihan mo ng Cake para sa kapatid ko." Narinig ko ang pag mura ng amo ko at hindi kinuha ang plastic na ibinigay ko.
Umalis siya sa aking harapan at naka ramdam ako ng lungkot. Pamasahe ko nalang ang kukunin ko kay Sir Roger tapos aalis na ako. Lumapit ako kay Sir Roger na kausapang anak.
"Excuse me Sir, yung pamasahe ko po."
"Ate Madel ano yung pamasahe?"
"Pambayad ko sa jeep at taxi para makauwi na ako." Sagot ko at napatingin ako kay Sir Vince na kausap ang mga kasambahay at nag lalagay sila ng mga ulam sa mga Styrofoam.
"Ate Madel, gusto kong sumama saiyo." Sambit ni Darren at nag maka-awa pa siya sa kanyang Ama.
Ilang saglit ay ibinigay ng kasambahay ang mga pagkain na inilagay nila sa styrofoam, inutusan daw sila ni Sir Vince kaya tuwang-tuwa ako.
"Bud, I have to go ikaw na bahala diyan." Masungit na sabi ni Sir Vince pero nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis.
Sobrang dami kasi ang ipina balot niya sa akin, halos hindi ko na mabuhat ito. Pumayag si Sir Roger na sasama sa akin si Darren ang hindi ko inakala na pati siya ay sasama. Kahit gusto kong tumutol pero nahihiya naman ako sa dami ng pagkain na iuuwi ko. Bahala na kung anong mangyari sa bahay pagdating nila.
Sinabi ko Sir Roger ng aking address at masaya kaming nag kwentuhan ng gwapong anak niya. Ilang oras ay nakarating na kami sa bahay at masayang sumalubong ang cute kong kapatid. Napangiti ako dahil agad niyang hinila sa Darren pagkatapos ko silang ipakilala. Nahihiya ako kay Sir Roger dahil nahalata ko na lumibot ang kanyang mga mata pag pasok niya sa loob ng bahay.
Ibinigay ko kay Nanay ang pagkain na dala ko at ipinakilala ko din siya sa dalawa naming bisita. Hindi na ako nag palit pa ng damit, kinuha ko ang dalawang timba para mag-igib ng tubig. Nagulat ako ng sumunod si Sir Roger, nahihiya man ako na siyang ang mag buhat pero nag pumulit siya at isa pa sobrang pagod na ang katawan ko. Konti na lang ay babagsak na talaga ako ang katawang lupa ko.
Pagkatapos naming nag-igib ay pinauna ko silang maligo at sumunod naman kami ng kapatid ko. Kumain kami at napansin ko na kinukuhanan niya ng video ang kapatid at anak niya.
"Sir, bakit mo sila kinukuhanan ng Video?" bulong ko na may kasamang pasinghot dahil ang bango ni Sir kahit pawisan ang noo niya.
"Sa bahay ay never siyang kumain mag-isa, laging sinusubuan kung kumakain at kahit sinusubuan ay makalat pa. Ipapakita ko sa kanyang Doctor." Bulong din ni Sir kaya napatango nalang ako.
Bawat galaw ng kanyang anak ay kinukuhanan niya ng Video pati ang kanilang pagsipilyo. Pagkatapos kong basahan sila ng libro ay tinawag na kami ni Nanay na matulog. Salamat naman at ang katawan ko makahiga na rin sa wakas. Si Nanay ang nagsabi sa amin kung saan kami mahihiga, hindi na ako nag reklamo pa nang mag request si Darren na sa gitna namin siya ni Raselle kaya katabi ko sa gilid si Sir Roger. Pagkapatay ng ilaw ay inalis ko na ang aking bra at inilagay ko sa ilalim ng aking unan. Tumalikod na ako kay Sir Roger at tuluyan na akong nakatulog.
Napayakap ako ng mahigpit sa punong kahoy na inakyat ko dahil sa mga asong humabol sa akin. Ang dami pa man din nilang tumatahol mula sa aking iba-iba. Sinusubukan kong umakyat pataas pero parang hindi naman ako umaakyat. Ramdam ko sa aking pang-upo ang mga kuku ng mga aso na pilit akong binababa. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa , pinilit kong pumaitaas pero na hihila nila akong baba. Naiiyak na ako ng marinig ko ang boses ng aking Inay. "Madel nakakahiya ka, bumangon ka diyan!"
Iminulat ko ang aking mga mata at mabilis akong bumangon dahil naka dagan pala ako kay Sir Roger. Mabilis akong lumabas sa kulambo at pumunta sa sala. Sinundan naman ako ni Nanay.
"Ikaw pa talaga ang pumatong Madel, akala ko ba Virgin ang gusto mong lalake? Eh may anak na yang pintungan mo?" Sambit ni Nanay.
"Shhhh! ang ingay mo Inay, baka marinig ka at magising si Sir Roger." Sambit ko.
"Bakit ka ba pumatong doon, buti at mahimbing ang tulog nun. Nakakahiyang ikaw pa ang mademanda sa panggagahasa babae ka! Buti nalang at nagising ako." Sabi ni Nanay na naiiling at napa upo naman ako sa bamboo naming upuan.
"Hindi ko alam Nay basta nanaginip ako na hinahabol ako ng aso at umakyat sa puno." Sagot ko.
"Sige na iligo mo na at mag luto na ako. Itlog at tuyo lang ang mayroon tayo anak. Tapos mag sinangag na lang ako. Kakainin kaya nila anak?" Tanong ni Nanay na medyo problemado ang mukha.
"Bahala na Inay, yan ang meron tayo." Sagot ko, kinuha na ang aking jacket at isinuot ko ito.
Naubos namin kagabi ang naigib namin ni Sir Roger kaya, mag-igib ako ulit. Natapos akong nag igib ay naligo na ako, nakatapis lang ako ng tuwalya dahil ang mga damit ko ay nasa kwarto. Sumulip na muna ako at mukhang tulog naman sila lalo na si Sir Roger. Kung mag hubad man ako ay madilim pa naman ang kwarto at tiyak ko na hindi ako kita.
Dahan-dahan ang aking galaw pati pag bukas ng aking aparador. Panty at bra ko na muna ang kinuha ko, inalis ko ang aking tapis at nag lagay na muna ako ng lotion. Mawalan na ako ng pambili ng shampoo huwag lang ang lotion ko. Pagkatapos kong nag pahid sa buo kong katawan ay mabilis ko nang isinuot ang aking bra at panty. Pagkatapos ay pumili na ako ng aking isusuot dahil next week pa daw darating ang aking uniporme.
Pagkatapos kong nagbihis ay lumabas na ako sa kwarto at amoy na amoy ang tuyo na niluluto ni Nanay.
"Nay baka mauna na akong umalis, sa opisina na ako mag kakape. Baka ma late na po ako mag alas sais na ng umaga"
"Paano ang mga bisita Anak?"
"Subukan nalang ninyo po sila pakainin, kung hindi sila kakain ay wala tayong magagawa." Sagot ko at umalis na ako sa bahay.
Halos takbuhin ko ang pagpunta sa kalsada, saktong huminto ang bus at mabilis akong sumakay. Wala nang mauupuan kaya naka tayo ako hanggang Manila. Mabilis akong sumakay ng jeep at problemado na ako dahil ma traffic na. Napahinga ako ng malalim sana ay hindi ako ma late.
Pagkahinto ng jeep ay agad akong napatingin sa relo ko. Napahinga ako ng maluwag dahil may trenta minuto pa. Inayos ko na ang aking sarili habang nag lalakad patungo sa kompanya. Ilang saglit lang ay nasa loob na ako at paakyat na sa itaas. May mga nakasabay akong mga impleyado ni Sir Vincent. Napayuko ako dahil walang-wala ako sa kanila.
Pagdating ko sa huling palapag ay umupo na ako sa aking mesa. Hindi na ako nag kape pa dahil nakakahiya naman kay Sir kung abutan niya ako na nagkakape. Agad kong ginawa ang aking trabaho at napatingin ako sa schedule ng boss ko dahil nasa cebu siya. Bakit hindi man lang niya ako isinama, parang hindi naman niya ako kailangan dito dahil alam na niya ang mga schedule niya. Kahit na ganun ay ipinag patuloy ko ang aking ginagawa hanggang sa makaramdam na ako ng gutom at pumunta na ako sa pantry. Napangiti ako dahil puno na ulit ito, mabilis akong nagtimpla ng kape at kumuha na din ng tinapay.
Ito na rin ang maging lunch ko dahil hindi na ako nakapag baon pa. Habang nagkakape ako ay nag bukas ang elevator. Napatayo ako bigla at lumabas ang isang napaka seksing babae.
"Good morning Ma'am, may I help you?" Magalang na tanong ko.
"Nan diyan ba si Vince?" Agad na tanong niya.
"May appointment po ba kayo kay Sir, Ma'am?" Magalang parin na tanong ko kahit pakiramdam ko ay napaka sungit niya. Alam ko naman ang schedule ng bossing ko na walang babae na may appointment sa kanya. Nagtataka lang ako kung paano siya naka akyat na walang appointment.
"Gusto kong magtrabaho ka sa akin, I will pay you twice of your salary just let me know ang mga schedules ni Vince at kung may babae na pumupunta dito sa opisina niya."
"Sorry po Ma'am. Kontento na po ako sa aking sweldo."
Tumalim ang mga mata niya.
"You! tell me your price!" Pagalit na sambit niya at may inilagay na checke sa aking mesa.
Tinignan ko lang ang checke at hindi ako gumalaw. Galit na galit siyang umalis halos sirain pa niya ang pindutan ng elevator. Naiiling nalang akong ipinag patuloy ang aking pag kakape. Kung iyon ang makakatuluyan ng bossing ko sigurado maging dragon ang ugali ng anak nila.
Mag-alas kwatro na nang nag text ang Nanay ko, nagulat ako sa aking nabasa. Kaya tinawagan ko siya agad at sinagot naman niya ito.
Me: Nanay, anong sinasabi ninyo?
Nanay: Si Sir Roger, pinatira na tayo sa bahay niya.
Me: Ano, bakit Nay?
Nanay: Ang anak niyang si Darren ayaw niyang bumalik sa bahay nila kaya kinausap niya ako kung gusto ko daw na sa bahay nila tayo titira.
Me: At pumayag kayo agad?
Nanay: Oo naman anak, siya na daw ang bahala sa pag-aaral ng kapatid mo .
Me: Anong sabi ni Raselle?
Nanay: Eh di Masaya dahil may kapatid na daw siya na lalaki.
Me: Eh sino na ang kasama ko sa bahay Nay, iniwan na ninyo ako.
Nanay: Yung mga gamit mo din anak ay kinuha na namin, sa bahay kana din nila daw titira.
Me:Huh ganun lang iyon? Ano daw kabayaran ang pagtira natin doon sa bahay niya?
Nanay: Basta daw masaya ang anak niya ay gagawin niya ang lahat.
Me: O sige po Naym kausapin ko si Sir Roger pagdating ko diyan.
Nanay: O sige anak, ang ganda dito.
Pinatay ko na ang tawag at inayos ko narin ang mga gamit ko. Ang problema ko ay hindi ko alam ang saktong adress nila kaya nag text ulit ako kay Nanay at tinanong ang kompletong adress nila. Ang ginawa ko ay sumakay na lang ng taxi para hindi ako mawala.