Chapter 1
Disclaimer
No part of this book may be reprinted reproduced or utilized in any form or by any electronic, mechanical, or other means now known or hereafter invented, including photocopying and recording or any information storage or retrieval system without the author's permission.
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Nathalie (POV)
Habang nag kaka-isip ako ay mas gusto ko nga makipag-suntukan sa mga nakakabata kong kapatid na apat na quad na lalaki. Sumasama ako sa training nila kasama si Daddy.
Tulad ngayon, katunggali ko si Thunder na naunang ipinanganak sa apat na quad.
"Ate are you sure about this?"Tanong niya na ikinainis ko.
May matanda ako sa kanya ng tatlong taon pero mas malaki ang katawan niya at mas matangkad siya sa akin.
"Dad, takot si Thunder na kalabanin ako!" Malakas na sigaw ko na ikinatawa ng tatlo kong kapatid na nanunuod sa amin.
"Thunder come on, kanina pa dapat kayo nag-umpisa!" Malakas na sigaw ni Daddy.
Nasa park kami ngayon ng mansion at may ipinatayo si Daddy na training area para sa pakikibaka.
"Ate, ikaw ang susugod." Mahinang sambit ng kapatid ko na ikinainis ko dahil parang minamaliit niya ang kakayahan ko.
Sa buhok ko ngayon ay para kaming quintuplets dahil morena din ako pero medyo light lang, silang apat ay talagang moreno na namana nila kay Daddy.
Sa inis ko ay mabilis ko siyang binigyan ng malakas na flying kick at hindi niya inaasahan kaya natamaan ko siya sa pisngi na ikinabagsak niya sa lupa. Nagulat din ako dahil nalakasan ko ata at siya ay nawalan ng malay.
"Hey, Thunder! Dad help!" Malakas na sigaw ko dahil hindi na bumangon ang kapatid ko.
Agad namang lumapit sina Daddy na may dalang first aid. May pinaamoy si Daddy ay bumukas ang mga mata ng kapatid ko.
"Are you Okay?" Nag-aalalang tanong ko at tumango lang ito.
"Hunter ikaw ang sunod na lalaban sa Ate mo." Sambit ni Daddy na inalalayan ang kapatid kong si Thunder.
"Dad, ayoko." Sabay tingin kay Thunder at napasalubong ang kilay ko na may isinenyas si Thunder sa kanya.
Na kuha ko na nag kuwari lang ang kapatid ko para matapos lang ang laban namin.
"Kung hindi mo ako kakalabanin Hunter liligawan ko si Jenefer." Sabi ko na ikinatigil niya.
"Ate naman may Melissa kana bakit pati si Jenefer?"
"Type niya daw ako eh." Nakangising sambit ko.
Alam kong may gusto ang kapatid ko kay Jenefer pero na torpe ang kapatid ko. Painitin ko lang ang ulo niya at siguradong makipaglaban sa siya sa akin.
Tama nga aking ginawa dahil umigting na ang kanyang mga panga at nakahanda na ang kanyang kamao. Una akong sumuntok pero nakaiwas siya at sumuntok din siya na tumama sa aking tagiliran. Naramdaman ko ang sakit kaya alam kong totoo na ito.
Nakipagsabayan ako sa mga pinakawalan niyang suntok at parehong duguan na ang aming ilong. Ayoko namang matalo kaya inipon ko ang aking lakas at sinikmuraan ko siya at muntik na siyang mapahiga sa lupa. Mabilis naman niya akong pinatid kaya ako ang napahiga sa lupa at umibabaw siya sa akin hanggang sa sumuko ako dahil galit ang mukha niya.
"Huwag mong liligawan si Jenifer Ate." Seryosong sabi niya na nakatingin sa akin.
"Okay fine."Sagot ko at lumuwag ang pagkahawak niya sa kamay ko kaya malakas ko siyang pinahiga at siya naman ang nasa ilalim ko.
Nagbilang sina Daddy ng Sampu at nanalo ako. Pero alam kong nagpatalo ang kapatid ko na seloso na wala sa lugar.
Magtutunggali pa sana sina Dark at Light pero dinig namin ang boses ni Mommy na papalapit.
"Oh my God Nathalie bakit ka nandito anak!" Malakas na sigaw ni Mommy at pinagalitan si Daddy.
"Baby, gusto lang mag training ng self-defense ni Nathalie." Sagot ni Daddy na nanlalambing kay Mommy.
"Self-defense? Anong silbi ng pagka General mo kung hindi mo mabantayan ang anak mong Babae?" Galit na sabi ni Mommy.
"Huwag kang tatabi sa akin mamayang gabi." Inis na dagdag pa ni Mommy at inakay ako papasok sa loob ng bahay. Narinig ko na pinag push up ni Daddy si Hunter.
"Dahil saiyo hindi ko makatabi ang Mommy mo." Malakas na sabi ni Daddy at hindi ko na narinig pa ang usapan nilang apat dahil mas malakas ang tawanan ng tatlo kong kapatid na tinatawanan si Hunter habang nag pu push-up.
"Anak naman look at your face namaga at dumudugo pa ang ilong mo." Saad ni Mommy na kumuha ng gamot.
"I am fine Mom, kina Melissa ako matutulog. Siya na ang gagamot sa akin. Don't worry small bruises lang ito." Sabi ko at humalik na kay Mommy sabay nagpaalam.
Lumabas na ako sa bahay at kinausap ko ang driver namin na ihatid sa bahay ng girlfriend ko. Alam na ni Kuya ang bahay nina Melissa dahil halos limang taon na rin akong doon natutulog lagi. Malapit lang ang Mansion nila 15 minutes drive lang mula dito sa bahay. Mas matanda lang siya ng isang buwan sa akin dahil 18 na siya at ako ay sa susunod na buwan pa.
Habang nasa sasakyan ako ay nag text ako sa girlfriend ko na dalawang taon na rin ang aming relasyon. Ramdam ko na tutol si Mommy pero wala na siyang magagawa pa dahil ito talaga ako. Minsan nga sabi ni Mommy na baka nagkapalit kami ng kasarian ng kapatid ko na si Sander na may pagka bakla din.
Ilang saglit lang ay nasa bahay na nila kami. Excited akong bumaba at nag paalam na rin si Kuya. Marami na akong damit sa kwarto ng girlfriend ko. Kaya hindi na kailangan na mag-dala pa ako.
Si Tito na hindi palangiti ang nabungaran ko sa sala kaya nagbigay ako ng galang.
"Good afternoon po Tito." Sambit ko at napatingin siya sa akin.
'What happened to your face?" Tanong niya na napatayo mula sa pagkaupo sa sofa.
"Nag practice lang po ng self-defense." Sagot ko na napayuko.
"Tito, pwede po bang makitulog dito?" Tanong ko na medyo kinakabahan dahil ngayon ko lang ulit nadatnan si Tito Vincent sa bahay nila.
Alam na niya na girlfriend ko si Melissa pero strict parin siya.
"Okay but not in Melissa's room." Sagot niya na ikinahaplos ko sa aking batok. Walang maka hugs ngayong gabi.
Sa totoo lang hanggang yakapan pa lang ang narating namin ng Gf ko at halik sa pisngi. Kahit ganito ako ay malaki ang respeto ko kay Melissa.
"Okay po Tito, salamat po." Sabi ko at yumuko na muna bago umalis sa harapan niya.
Pakiramdam ko ay nanginginig ang aking tuhod kung makita ko si Tito lalo na at sobrang seryoso ang mukha niya. Noon naman buhay pa si Tita ay masahin siya na tao. 3 years ago ay nakidnap si Tita, ibinigay naman ni Tito ang pera pero pinatay parin nila ito. Sana ay lumapit noon nalang si Tito kay Daddy pero natakot daw si Tito na papatayin nila si Tita kung maki-pagcoordinate siya sa mga alagad ng batas. Ang hirap pa nito ay hindi pa alam kung sino ang mga kumidnap kay Tita kaya, sobrang bantay sarado ako sa girlfriend ko baka siya naman ang isunod. Kahit ilang taon na ang nakalipas ay mas mabuti na rin ang nakakasiguro. I have to learn martial arts at humawak ng baril para kung dumating man ang araw na manganib ang buhay ng girlfriend ko ay maipagtanggol ko siya.
Melissa is very sweet, caring at higit sa lahat ay napakaganda niya. Buti at sinagot niya ako kahit hindi ako tunay na lalaki at kahit marami akong naging flings na mga babae sa school namin. Ang totoo kasi ay habulin ako ng mga babae, minsan ay napagkakamalan ako na isa sa mga quad na nakababatang kapatid ko. Magkakamukha kasi kami pero ang pinagkaibahan ay malalaki ang kanilang katawan at kayumanggi sila.
Nakahinga ako ng maluwag ng makarating ako sa kwarto ng girlfriend ko. Kumatok ako at ilang sandali ay nag bukas ito. Pagbukas niya ay napanganga ako sa itsura niya.
"Baby, bakit ganyan ang suot mo?" Tanong ko na parang gusto kong hawakan ang dibdib niya para matignan kung gaano ito kalaki.
"Pangit ba babe? ang init kasi." Sagot niya at napakamot ako dahil naka on naman ang aircon ng kwarto niya.
"Ang hot mo sobra babe, I want to eat those." Sambit ko sabay tingin sa dibdib niya.
Ito ang asset ng girlfriend ko ang kanyang harapan, mahaba niyang biyas na sobrang kinis at ang maganda niyang mukha.
"Then do it, babe." Matamis na sambit niya at lumapit sa akin. Napalunok ako dahil sobrang lapit na siya sa akin.
Hinawakan ko ang kanyang mukha at nagkatitigan kami. I gulp at dahan-dahan kong inilalapit ang aking labi, habang siya ay nakapikit. Palapat na sana ang aming labi ng may kumatok, mabilis ko na hinalikan ang labi niya para maka kiss man lang kahit smack.
Ngumiti siya at binuksan ang pinto ang isang kasambahay nila ang kumatok.
"Sabi ni Sir ay sabay-sabay kayong maghapunan."
"O sige po Ate, gamutin ko lang si Nat." Sagot niya at umalis na ang kanilang kasambahay.
"Nga pala bakit hindi mo sinabi na nandito si Tito para nakapaghanda ako.?" Tanong ko sabay upo na sa kama niya dahil masakit ang buong katawan ko.
"Biglaan ang pagdating ni Daddy babe kaya hindi ko na nasabi saiyo. Sandali at kunkunin ko lang ang first aid." Sabi niya at pumunta na siya sa banyo.
Sanay na ang girlfriend ko na pumupunta ako sa kanya na may mga pasa sa mukha at iba pang bahagi ng aking katawan. Agad na akong nag hubad dahil alam ko na may pasa din ako sa aking likod, hita at tagiliran.
Humiga na muna ako sa kama niya at ilang saglit ay hawak na niya ang first aid. Ibinaba niya muna ang hawak niya at hindi ko nagpaghandaan ang pag-upo niya sa aking tiyan. Napaangat ang ulo ko kaya nagdagdag pa ako ng ilang unan.
Napakaigsi ng palda at nakabukaka siya sa harap ko, kaya kitang-kita ang ang panty at ang maputi niyang singit na Halos hiwa lang niya ang natatakpan.
Napakagat labi pa siya ng tignan ako kaya parang nag-iinit ang pakirandam ko.
"Don't move babe, bilisan natin at ayaw ni Daddy ang naghihitay." Sambit niya at kumuha na siya ng cotton at nilaglayan ng betadine.
Idinampi niya sa kilay at gilid ng labi ko. Sobrang marahan ang pagdampi niya kaya halos hindi ko maramdaman. Napahawak ko sa kanyang makinis na hita ng mapadiin niya ang pagdampi ng bulak na hawak niya sa taas ng pisngi ko na napuruan kanina.
"Aray baby." Reklamo ko at ngumiti lang siya.
Pagkakatapos sa mukha ko ay sa katwan ko naman. May mga ilang pasa ako kaya cream na lang ang ipinahid niya.
"Babe, dapat sana naligo ka muna bago kita ginamot."
"Ngayon mo lang sinabi, tapos na." Natatawang sagot ko, mabilis na upo ako at pinatakan ng halik ang mapupula niyang labi.
Matamis siyang ngumiti at niyakap niya ako. Niyakap ko naman siya habang naka-upo siya sa aking kandungan.
"Baby, handa ka na ba next month?" Tanong ko na pabulong.
Kumalas siya, ngumiti at sumunod ang tango.
"Nag order na ako ng gagamitin natin. Make sure na wala ang Daddy mo para sa kwarto mo ako matutulog." Sabi ko na mabining hinahalikan ang buo niyang mukha. Pagkatingin ko sa mukha niya ay may mga konting betadine tuloy dahil hindi pa ito natuyo sa gilid ng labi ko.
Napatawa ako at ang kasalubong ang kanyang mukha.
"What's funny?" Tanong niya.
"Go look at the mirror baby." Utos ko kaya umalis na siya sa aking kandungan.
Nagdamit na rin ako at umalis sa higaan.
"Babe!" Inis na sambit niya pero alam ko na hindi naman siya inis.
"Maghilamos ko nalang baby." Natatawang sambit ko at pumunta sa siya sa banyo.
Paglabas niya sa banyo ay lumabas na rin kami sa kwarto niya. Nakaakbay ako sa kanya habang kami ay pababa sa hagdnan, pero mabilis ko na inalis ang aking braso sa balikat ng nobya ko dahil nasa sala si tito at seryosong nakatingin sa amin na pababa.
Walang salitang nag lakad si Tito na pumunta sa hapag kainan, sumunod kami ng nobya ko sa ama niya na walang imik din. Sana ay aalis din si Tito Bukas para malaya kaming gumalaw ng baby ko. Iba kasi pag nandito siya sa bahay, parang lahat ng kilos ko ay kalkulado.
Kahit din ang Nobya ko ay takot sa Daddy niya, tipid lang magsalita si Tito. Minsan ay sa akin umiiyak ang nobya ko dahil pakiramdam niya ay wala na siyang ama dahil bukod sa laging wala si Tito ay hindi din sila masyadong nag-uusap. Kaya mas lalong malapit kami dahil ako ang bestfriend at boyfriend ni Melissa.
Kahit sa pagkain ay tunog lang ng mga kutsara at tinidor ang naririnig. Malayong malayo sa bahay dahil bukod sa maingay kaming magkakapatid na kumain ay binabangka ni Mommy ang kwentuhan. Iba talaga pag ang bahay ay may ilaw ng tahanan, kung Daddy ko lang ay siguradong parang ganito din kami dahil may pagkakapareho si Tito at Daddy. Ang tipid nilang magsalita at napakaseryoso pa.
Pagkatapos kumain si Tito ay nag salita siya " I will go now to my room, remember Nathalie sa guest room ka matutulog. I am watching you." Sabi niya sabay tayo.
"Good night Dad." Paalam ng nobya ko at lumapit si Tito sa kanya sabay hinalikan sa kanyang buhok at umalis na siya.
Sabay pa kaming nag breathe in and out ng nobya ko kaya sabay kaming napatawa. Pati ang mga kasabahay nila ay napangiti na rin dahil umalis na ang aming kinakatatakutan.
Pagkatapos naming kumain ay sa sala na muna kami nag tambay. Tinapos namin ang isang movie at napagpasyahan nang umakyat sa taas. Inihatid ko ang nobya ko sa kwarto niya at mabilis na pinatakan ko ulit ng halik ang labi niya.
Napangiti ako ng isinara na niya ang pintuan ng kwarto, dahil naka tatlong halik man lang ako ngayon sa maganda kong nobya at sa labi pa. Lumakad na ako papunta sa guest room nila, may mga gamit na ako doon dahil kapag nandito si Tito ay sa guestroom na niya ako pinapatulog mula nang malaman niya na syota ko na ang kanyang anak.
Pagpasok ko ay kumuha na ako ng damit ko na pantulog, sando lang naman at underwear ang lagi kong suot. Pumasok na ako sa banyo at mabilis na naligo dahil mahapdi ang mga sugat ko kung napapahiran ng sabon.
May first aid din sa guest room nila kaya pagkatapos kong naligo ay nag lagay ako ulit. Cream na lang ang ginamit ko dahil mas mabilis ito ipahid. Hubo't hubad parin ako na naglalagay ng cream sa aking tagiliran, Napailing akong napatingin sa didib ko na lagi kong inipiit ng masikip na sport bra. Sa aming magkakapatid ay isa akong nagmana sa malaking hinaharap ni Mommy. Huminga ako ng malalim, balak kong ipaalis ito time will come. Alam ko na mas magagalit na si Mommy sa akin sa binabalak ko. Sana maintindihan niya ako dahil dito ako masaya.
Iniligpit ko na ang first aid kit at nagsuot na din ako ng damit. Towel lang ang pinantuyo ko sa maiksi kong buhok at lumabas na ako sa banyo. Nagulat ako dahil naabutan ko si Tito sa kwarto at seryosong nakatingin sa akin.
"Tito, bakit po?" Agad na tanong ko.
"Nothing, I just want to make sure na nandito ko sa kwarto. Bukas ay aalis ako at saiyo ko ipinagkakatiwala ang aking anak." Saad ni Tito at napangiti ako dahil kahit paano ay may tiwala siya sa akin.
"Makakaasa po kayo Tito, I will take good care of Melissa." Seryosong Sagot ko at napatingin sa kanya na salubong ang mga kilay.
"Make sure na guestroom room ka matutulog kahit na wala ako." Bilin pa niya kaya napakamot na ako sa maiksi kong buhok.
Naisip ko tuloy na sa bahay na lang namin ko patulugin si Melissa para sure na tabi kaming matulog.
"Alam ko ang iniisip mo, Melissa will not sleep sa bahay ninyo." Sabi niya at napamura na lang ako sa aking utak.
"And next time kung lalaki ang tingin mo sa sarili mo ay huwag kang manamit ng ganyan. Good night!" Sabi niya at umalis na sa kwarto.
Napatingin ako sa salamin ang itsura ko, naka sando lang ako ng sleeveless at crop top pa. Tapos na ka panty lang habang ang dibdib ko ay halatang-halata ang aking mga n*pples dahil malakas ang aircon at medyo nilalamig na ako. Lalo na at kagagaling ko lang sa banyo.
"T*ngina lang na dede ka!" Inis na sambit ko dahil medyo napahiya ako sa kanya.
Inis kong pinatay ang ilaw at humiga na sa kama. Nahihirapan tuloy akong makatulog sa sinabi sa akin ni Tito. Bakit kasi ipinanganak ako na babae. Bakit kami nagkapalit ng katayuan ng kapatid kong si Sander? Napalalim ang aking paghinga at nakaramdam ako ng uhaw.
Napamura ako dahil nakalimutan kong magdala ng tubig, kaya kinuha ko ang roba sa banyo at lumabas. Mabilis akong lumakad pa baba sa hagdanan at dumeretso sa kusina. Binuksan ko ang fridge nila at kumuha ng bottled water. Pagkasara ko sa pintuan ng fridge ay nagulat ako dahil biglang may tumikhim at si Tito ito.
"Kumuha lang po ako ng tubig Tito." Sabi ko.
Huminga lang siya ng malalim na may hawak na baso na puno ng wine.
"Sige po tito matutulog na ako." Paalam ko at halos patakbo akong umakyat sa hagdanan patungo sa aking kwarto.
Pagpasok ko ay mabilis kong binuksan ang de-boteng tubig at mabilis na nilagok ito. Ma heart attack ata ako sa takot ko kay Tito buti at aalis na siya bukas. Sana ay matagalan siya dahil baka maging bakla na ako kung parati siyang nandito sa bahay na nanggugulat.
Pinatay ko na ulit ang mga ilaw at hinubad ang aking roba sabay lundo sa kama.