Madel (POV)
Maaga pa lang ay gising na ako, daha-dahan akong bumangon at nag punta sa kusina. Sa maliit na lababo na ako nag mumog at pagkatapos ay nag painit ng mainit na tubig. Nag saing na rin ako ng kanin at nag laga ng itlog. Isinuot ko ang aking makapal na jacket at kinuha ang timba. Huminga ako ng malalim dahil ito na araw-araw ang ginagawa ko ang mag salok ng tubig sa kapit bahay dahil wala kaming sariling gripo.
Malapit lang naman ilang hakbang lang pero nakakapagod parin. Pinuno ko ang aming drum para panpaligo na rin ng kapatid ko at Nanay pagkagising nila. Luto na ang kanin at itlog saktong naubos ang gas ng kalan. Hindi pa ako naka pag prito ng tuyo kaya sa kalan de kahoy na ako nag luto. Pagkapatapos kong nag luto ay mabilis na akong naligo, nasanay na ang katawan ko na maligo sa umaga. Pag bagong salok lang kasi ang tubig ay maaligamgam pa ito.
Mag-alaskwatro na kaya kumain na ako na nakapulupot ang tuwalya sa aking ulo. Mabilis akong kumain at naglagay na rin ako ng baon ko na isang itlog at tuyo. Ang natira ay kakainin nina Nanay at bunso pagkagising nila. Alas kwatro emedya na kaya mabilis kong sinuklay ang aking buhok. Unang araw ko ngayon sa aking trabaho, sabi ng agency ay sa malaking kompanya daw ako mag-tratrabaho. Sa edad ko na 29 ay halos apat na taon ko tinapos ang Secretarial course na kinuha ko dahil kada taon ay dapat akong huminto para magtrabaho. Late na rin kasi akong natapos sa highschool dahil sakitin ako noon.
Nakatapos naman ako sa aking kurso kaya lang ilang kumpanya ang ni reject ako dahil sa ugali ko daw na palatanong at makulit minsan. May nakapagtiyaga naman ng isang taon sa akin pero hindi ko akalain na may pagnanasa pala ang amo ko na iyon.
Bago ako umalis sa bahay ay tinignan ko na muna ang mga taong inspirasyon ko sa buhay, mahimbing ang kanilang tulog at nakayakap ang kapatid kong si Raselle kay Nanay. Nag text na ako kay boyok na magdeliver sila ng gas sa bahay, inilabas ko na rin ang tangke kanina para hindi na kailangan pang buhatin ni Nanay mamaya. Inilagay ko ang isang libo sa mesa, makikita na lang ni Nanay mamayang magising siya para pambayad sa gas at kung may sukli ay ibinili na lang nila ng kanilang ulam para pananghalian.
Sobrang pagtitipid ang ginagawa ko dahil 8 tawsan na lang ang natira kong pera sa huling sinahod ko sa ex na amo ko na manyakis. Ang pinapanalangin ko na lang ay walang magkakasakit sa amin dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Tuluyan na akong lumabas sa bahay na may hawak na kahoy pang hataw ko sa mga aso ng aming mga kapitbahay. Medyo madilim pa pero marami ng gising na mga maliliit na tindahan.
Napatingin ako sa orasan mag alas singko na. Saktong dumating ang bus, minsan pinipiling kong tumayo para may dahilan ako na hindi mamasahe pero malas ko ngayon dahil maraming bakante sa upuan. Umupo ako sa harapan at napatingin sa labas. Sana kung hindi nambabae si Tatay ay maganda ang buhay namin. Maliit pa si bunso nang iwan kami, ipinagpalit kami sa isang nagtratrabaho na DH sa Hongkong ng aking ama. Masakit man pero wala kaming nagawa dahil hindi pala kasal ni Nanay. Hindi na nila naisip ang kasal dahil nabuo ako noong kinse palang si Nanay. Okay naman ang buhay namin noon dahil driver ang Tatay ko ng malalaking truck at malaki ang sahod siya. Dumating ang araw na bihira na lang siyang umuwi at tuluyan na siyang hindi umuwi pa.
Kinausap ko noon si Nanay na habulin namin ang sustento niya kay bunso pero tumutol si Nanay. Hayaan nalang daw sila lalo na at nalaman namin na nag pakasal sila. Awang-awa ako sa aking ina, lagi siyang tulala noon at magsalita lang kung kakausapin. Tatlong buwan palang noon si Bunso at 1st year college naman ako noon ng Nursing. Dahil sa nangyari ay napilitan na ako ng tumigil at nagtrabaho ng ilang taon. Hanggang sa 2 years course na lang ang kinuha ko para mas mabilis akong makatapos na inabot parin ng apat na taon.
Dahil sa nangyari sa aking ina, hindi ko na naisip na magka boyfriend pa. Ang tingin ko sa lahat ng mga lalaki ay babaero kaya mas magandang tatandang dalaga na lang ako. Hindi namalayan ay nasa Manila na kami, mabilis akong bumaba at hinabol ang jeep papuntang Makati. Nakipagsisikan ako para makasakay lang, ilang saglit ay bumaba na ako at naglakad na ako para hanapin ang Vergara Building.
May nakasalubong ako at agad na nagtanong.
"Kuya saan po dito ang Vergara Building?" Tanong ko sa mamaya na naglilinis sa kalye.
"Ayan oh." Masungit na sagot ng Kuya.
Napataas ang tingin ko dahil sobrang laki nga at halos singkweta ito na palapag. Inayos ko ang aking buhok na sobrang gulo pati na ang damit ko para maging presentable naman ng konti. Pagpasok ko ay ipinakita ko sa guard ang sulat galing egency at pati ang approval ni Sir Vergara na ako ang bago niyang secretarya. Kahit na pinapasok niya ako ay pumunta parin ako sa information desk at sinabi sa akin kung anong floor ako pupunta.
Napahinga ako ng malalim dahil ang briefing lang sa akin ng agency ay huwag mag suot ng seksi na damit. Pagdating ko sa huling floor ay medyo na hihilo ako. "Diyos ko day sana hindi masira ang elevator para hindi ako mapasubo sa hagdanan." Bulaslas ko paglabas ko sa elevator. Napanganga ako dahil parang kay Sir lang ang opisina huling floor. May nakalagay na secretary sa table kaya agad akong umupo.
Inilagay ko ang gamit ko sa mesa at mabilis na pumunta sa pantry. Napalunok ako dahil puno ng snacks at iban't-ibang uri ng kape. Naisip ko tuloy kung pwedeng mag-uwi para may baunin sa school ang kapatid ko. Mabilis akong nag timpla ng kape at kumuha ng iba't-ibang uri ng tinapay. Kahit pala hindi na ako magbaon ay hindi na ako magugutom.
Habang nag kakape ako ay nilibot ko ang buong floor at tama ang hinala ko. Kami lang ni Sir, Sana lang ay hindi manyakis ang amo ko dahil sigurado ako na magtatagal ako sa kanya. Natapos ang aking pagkakape ay hinugasan ko na agad ang tasa. Malapit nang mag alas otso kaya umupo na ako sa aking mesa at mabilis na binuksan ang computer na nasa harapan ko. Ang mga email muna ang tingnan ko at nag sulat ng mga schedules niya. "Busy talaga si Bossing." Sambit ko habang nililista ang mga schedule niya.
Habang nagsusulat ako ay nagbukas ang elevator at lumabas ang kamukha ng lalaki sa picture na ibinigay ng agency na amo ko. Mas gwapo pala siya sa personal.
"Good morning Sir, Ako po ang bago ninyong secretary." Sabi ko at tinignan lang niya ako.
Pumasok na siya sa kanyang opisina at hindi man lang niya ako binati. "Suplado pala si boss, eh di mas maganda suplado. Less talk means less utos." Kaya masaya akong umupo at itinuloy ang ginagawa ko.
Dahil tapos ko na ay dapat niyang malaman ang mga schedules niya today, may intercom pero hindi niya naman ako sinasagot kaya kumatok na ako sa opisina niya sabay pasok. Salubong ulit ang kanyang kilay nang makita ako. Binasa ko ang schedules niya at may ibinigay siyang envelop sa akin na basahin ko daw.
Kinuha ko ito at binasa.
Rules to follow:
1. No flirting
2. Don't wear revealing clothes
3. Only talk to me if important matters and related to the job
4. Don't smile on me.
5. Don't
Babasahin ko pa sana ang number 5 ng biglang sinigawan niya ako na lumabas na daw at sa mesa ko babasahin ang mga rules niya. Nataranta tuloy akong lumabas sa opisina ni Bossing. Mabilis akong umupo at napahawak sa aking dibdib. Sana nag juice nalang ako kanina para hindi ako nerbiyosin. Binasa ko ang mga rules niya at tumawag ako sa kanya dahil may rules na wala. Para makasiguro lang.
Ilang beses ko siyang tinawagan sa intercom pero hindi niya sinasagot kaya kumatok ulit ako at pumasok agad.
"What" Masungit na tanong niya.
"Sir, wala po sa rules ninyo na hindi pwedeng mag take out ng mga snacks. Kung ganun Sir pwede ba akong mag-uwi para sa kapatid ko?" Tanong ko na hindi nahihiya lalo na kung ikabubusog ng tiyan.
"Take everything you want, out now." Masungit na utos niya, pero napangiti ako dahil hindi your fired ang lumabas sa kanyang bunga-nga.
Masaya ako dahil may mga instructions na rin ang paggawa ng kape niya. Kung anong oras ito ibibigay at ang kanyang lunch ay siya na ang bahala. Inayos kong maigi ang mga schedules at mga emails at mail na ipadala sa mga iba't-ibang tao hanggang sa makaramdam na ako ng gutom kaya inilabas ko na ang aking baon.
Kumuha ako ng juice at chocolate sa pantry at kumain na ako. Habang kumakain ako ay may dumating na delivery na pagkain kaya dinala ko ito sa opisina.
"Sir, food delivery po." Sabi ko at mabilis na lumabas dahil nakasimangot parin si bossing.
Pagkatapos kong kumain ay gumawa ako ng tea ni boss at dinala sa kanya. Wala siyang imik nang inilapag ko ito sa mesa niya.
"Sir, tea ninyo po." Sambit ko at napatingin sa pinagkainan ni Boss. Napakagat labi ako dahil isang putahe lang ang kinain niya at ang iba ay hindi ginalaw.
"Please, clean up." Utos niya na hindi tumingin sa akin. Kaya mabilis kong nilinis ang mga pagkain at dinala sa pantry. Ang mga pagkain na hindi niya ginalaw ay nilagay ko sa fridge para hindi ito masira dahil iuwi ko para ulam namin ngayong gabi.
Kung nag tea si boss ay nag tea din ako, "Waaa mag papakabait ako dito dahil maraming blessings." Sambit ko at humigop sa mainit na tea, sakto lang para sa malamig na building ni bossing.
Sobrang gaan ng trabaho ko ngayon, hindi tulad ng mga past na trabaho ko na sobrang daming folder ko na inaayos at dinadala sa iba-ibang lugar. Malas pa kung abutan ako ng ulan. Mabilis na lumipas ang oras at alas kwatro na kaya kinuha ko na ang mga pagkain sa fridge ang mga 3 n 1 na kape na malapit nang ma expire dahil walang gumagalaw at ilang tinapay.
Napatingin ako sa opisina ni Bossing, hard working talaga din pala siya. Kaya kumatok ako at nag-paalam na umalis pero na napagalitan pa ako. Inilagay ko sa aking back pack ang mga pagkain at umalis na ako. Ilalabas ko na lang pag nasa labas na ako ng building para hindi naman nakakahiya na makita nila na may bitbit ako na pagkain.
Maraming mga empleyado na nakasabay ko at dinig na dinig ko na pinag-uusapan nila si Bossing at curios sila kung sino ang bago niyang secretarya. Hindi ako umimik at nakikinig lang ako sa kanila. Hindi pala tumatanggap si Sir ng recomenda ng mga nagtratrabaho sa kanya. Kaya siguro sa agency niya inaasa sa lahat.
Paglabas ko sa building ay inilabas ko na ang plastic bag na may pagkain at inayos ko ang mga ito dahil natapon na ang mga ibang sauce. Masaya akong sumakay ng jeep papunta sa terminal papuntang bulacan. Nakaramdam na ako ng pagod ng makasakay na ako sa bus. Ayoko namang matulog dahil baka mahirapan na akong matulog mamaya.
Nag-aagaw na ng dilim ng maka-uwi na ako, sinalubong ako ng maganda kong kapatid.
"Ate ano yan?" Tanong niya.
"Ulam natin." Masayang sagot ko, hindi ko noon akalain na magkaroon pa ako ng kapatid sa edad ko na 20.
Malapit na rin ang birthday niya, sana may matira sa sahod ko para may pambili ako ng cake.
Dinala ko ito sa mesa at masaya niya itong binuksan.
"Wow, mukhang masarap Ate." Masayang bulaslas niya at palabas na rin si Nanay galing kwarto.
"Anak nag luto ako ng pinakbet may natira sa pera na pinambili ng gas."
"O sige po Inay, mag buffet tayo ngayon." Nakangiting sabi ko at nagpaalam muna na mag shower ng mabilisan.
Pagkatapos kong naligo ay pumunta na ako sa kusina at napangiti ako dahil tapos na silang kumain.
"Pasensiya ka na anak, hindi namin napigilan ni bunso. Ang sarap ng mga dala mo." Medyo nahihiyang sambit ni Nanay.
"Okay lang Nay." Sagot ko at kumain na rin.
Pagkatapos kong kumain ay inilabas ko ang mga kape na inuwi ko at mga tinapay. May cake bars din ako na inuwi para baon ng kapatid ko. Halos maiyak ako sa sobrang katuwaan ng aking kapatid. Pati ang Nanay ko ay masaya din sa kape na naiuwi ko. Minsan kasi ang sunog na kanin ang ginagawa naming kape.
Sobrang hirap ng buhay namin, ang nanay ko ay hindi pwedeng magtrabaho ng mabibigat dahil mahina ang kanyang lungs. Okay na rin sa akin na ako lang ang nagtratrabaho para mabantayan ang cute ko na kapatid. Marami pa man din ngayong nagagahasa na mga bata kaya lagi kong ipinagbibilin na mas magandang sa bahay sila maglaro ng mga kaibigan niya.
Maaga kaming natulog at kinabukasan ay ganun din ang routine ko. Maaga akong nakarating sa opisina at may mga bagong inayos akong schedule ng bossing ko dahil ang dami niyang iki nancel.
Maraming naghahanap sa kanya at isa na dito ang masungit niyang kapatid. Ilang beses itong tumawag at hindi naniniwala na out of town si Bossing. Ang bossing ko naman ay hindi sinasagot ang intercom kaya lagi ko siyang pinupuntahan sa opisina niya. Magulo din siyang kausap, ayaw niyang pumasok ako sa oipisina niya at sa intercom ako tatawag pero hindi naman niya ako sinasagot.
Nag ring naman ang telepono at sinagot ko ito ng magalang.
Line 1: Nandiyan ba si Vince
Me: Wala po Sir, pwede po kayong mag-iwan ng mensahe.
Line 1: Bagong secretarya ka ba niya?
Me: Opo Sir
Line 1: Kaya pala hindi mo ako kilala, I am Roger kaibigan ni Vince.
Me: Copy Sir Roger
Sabi ko at narinig ko ang malakas niyang pagtawa.
Line 1: I will just call my friend sa phone niya and see you soon Miss Secretary.
Sabi niya at ibinaba ko na ang telepono.
Tinawagan ko ulit sa intercom si Bossing at sa wakas ay sinagot na niya ito. Sinabi ko na paparating na ang kapatid niya at ilang saglit ay lumabas na siya dala ang kanyang mga gamit. Narinig ko ang malakas niyang mura ng sinabi ko na working hours ay aalis na siya at hindi man lang niya ako isinama na secretarya niya.
Sayang at wala akong mai-uuwi ng pang hapunan namin. Ipinag patuloy ko ang aking ginagawa at nag bukas ulit ang elevator.
May hawig siya kay bossing kaya alam ko na kapatid niya ito. Mas sobrang nakakatakot ang kapatid niya dahil agad siyang pumasok sa opisina ni Sir.
"Nasaan si Vince?" tanong niya sa akin nang hindi niya makita sa loob ang kapatid niya.
"Ma'am, out of town po si Sir." Magalang parin na sagot ko.
"Pwes I want to see his schedules." Utos niya at napalunok ako.
"Ma'am hindi po pwede." Sagot ko.
"Pag-aari ko din ang kompanyang ito at kaya kitang alisin." Sigaw niya sa akin at ipinakita ko ang schedule si Bossing.
Binasa niya ito at mabilis na umalis. Buti na lang at hindi ko pa denelete ang mga schedules niya kahapon kaya yun ang ipinakita ko. na hindi pa cancel. Ang bago ay nakatago sa files ko.
Kahit wala na akong gagawin ay hinintay ko pa ang 4 pm at umuwi na ako. Bumili na lang ako ng lutong ulam sa terminal ng bus at umuwi na ako. 50 peso na munggo ay kasya na sa amin kaysa mag luto pa si Nanay. Nakatipid pa kami sa gasul.
Pagdating ko sa bahay ay naligo na din ako agad at paglabas ko ay nadatnan ko si Ben na matagal nang nanliligaw sa akin. Ka babata ko siya at may isang anak. Hiwalay siya sa kanyang asawa na nanlalaki, mabait naman siya pero wala akong nararamdaman sa kanya.
"Pasensiya ka na Ben, kailangan kong matulog ng maaga alam mo naman na maaga akong nagigising." Sabi ko.
"Okay lang Madel, dumaan lang naman ako para makita ka." Sabi niya at nag-paalam na ding umuwi.
Kumain na kami at nagsalita si Nanay.
"Ikaw ba talaga Madel wala kang balak mag-asawa?" Tanong niya at nag lagay ng sabaw sa kanin ng kapatid ko.
"Naku Nay, hindi yan ang priority ko." Sagot ko at mabilis na kumain dahil kapag alas otso na ay antok na antok na ako.
"Hindi maganda na tatanda kang dalaga anak, walang mag-aalaga pag tanda mo saiyo."
"Si Bunso Nay, siya mag-aalaga sa akin." Nakangiting sabi ko.
"Opo, alagaan ko kayo ni Nanay." Sabat ng kapatid ko na cute.
"Sayang ang ganda mo anak, bakit hindi mo kasi sinagot yung anak ni Kapitan. Ngayon dalawa na ang anak niya."
"Eh, kung siya ang nakatuluyan ko Nay. Ako na sana ang na momoblema sa pambabae niya." Sagot ko.
Napailing na lang si Nanay at nauna na ako sa kwarto namin dahil hindi na kaya ng katawan ko.
Kinabuksan ay maaga akong nakarating sa trabaho ko at halos magkasunod lang kami ni Bossing akala ko pa man din ay makatulog ako kahit isang oras lang. Pumasok siya sa opisina niya at ilang saglit ay tinawag niya ako. Pinuntahan ko siya at nagulat ako sa mga offer niya. Hindi naman ako basta basta pumayag kaya marami akong naging tanong at may biglang tumawa sa likuran ko. Ang kaibigan pala ni Bossing na si Roger. Mukha niya palang ay babaero na. Hanggang sa pumayag na ako na titira kami sa Condo at sila ang magpapa-aral sa Kapatid ko. Kahit habang buhay na akong mag-trabaho sa kanya kung ganito ang benipisyo.
Nagulat ako ng isinama nila ako sa kaarawan ng anak ni Sir Roger, syempre kay bossing ko kukunin ang pamasahe ko dahil ang natittirang pera ko ay naka budget na ng isang buwan.