Vince (POV)
Abala ako sa aking ginagawa ng may kumatok at bumukas ang pinto. Walang iba kundi ang secretarya ko.
"Sir, may tumawag na babae. Kapatid ninyo daw."
"Anong sinabi mo?"
"Sabi ko wala kayo sa opisina ninyo at pinagbilin niya kapag dumating kana ay tawagan ko siya. Kanina pa daw siya tumatawag cellphone ninyo pero hindi niya kayo makontak."
"Okay, kapag tumawag ulit sabihin mo na out of town ako and next time use the intercom."
"Out of town na pala ang nasa opisina lang Sir." Sambit niya at tinignan ko siya ng masama.
"Sabi ko nga Sir, pero Sir sagutin mo ang intercom kung tumawag ako dahil hindi mo naman kasi sinasagot kaya pumapasok ako sa opisina mo.
Hindi ko siya sinagot at umalis na siya, paano ko hindi sagutin ang intercom, halos kada oras siya tumatawag. Napailing na lang akong napatingin sa phone ko na pinatay ko kanina, may cellphone ako na isa na ang anak ko at Magdalena lang ang nakaka-alam. Huminga ako ng malalim at pinagpatuloy ang ginagawa ko.
Hindi ko namalayan ang oras ay malapit nang lunch time, napatingin ako sa intercom na hininaan ko ang volume. Maraming incoming calls ang secretarya ko at hindi ko nasagot. Tinawagan ko siya para tanungin kung bakit tawag siya ng tawag.
Madel: Sir, kanina pa ako tawag ng tawag sa inyo.
Me: Why?
Madel: Yung kapatid ninyo po pa punta na dito, hindi siya naniniwala na out of the town ka.
Me: Anything else?
Madel: May kaibigan ka din na tumawag, Roger ang pangalan.
Me: May iniwan ba siya na mensahe?
Madel: Sino Sir yung kapatid mo o kaibigan?
Huminga ako ng malalim bago sagutin ito.
Me: Kaibigan
Madel: Grabe ka Sir, mas importante ba ang kaibigan mo kaysa kapatid?
Pinutol ko na ang tawag at tatawagan ko na lang ang aking kaibigan. Lumabas na ako sa opisina dahil parating na ang kapatid ko.
"Sir, saan kayo pupunta hindi pa tapos ang working hours!" Sigaw ng secretarya ko na papasok na ako sa elevator.
"F*ck!" Malakas na mura ko at narinig niya kaya mabilis siyang bumalik sa kanyang mesa.
Nagsarado na ang elevator at inilabas ko na ang aking phone, hinintay ko muna na makalabas ako bago tinawagan ang aking kaibigan dahil mahina ang signal sa elevator. Ilang ring at tsaka niya ito sinagot.
Roger: Hey Bud buti at tumawag ka. T*ngina ka, birthday ng inaanak mo bukas dapat magpakita ka kung hindi ay mag solihan na tayo ng kandila.
Mabilis akong tumalikod papunta sa exit dahil nakita ko ang aking kapatid na papasok sa building na nag mamadali at mukhang galit na galit.
Me: Okay bukas, what time?
Tanong ko na pasakay na ako sa aking sasakyan, uuwi na lang ako ng maaga at sa bahay na ako kakain ng lunch.
Roger: Susunduin kita sa opisina mo, na curious ako sa secretarya mo.
Me: Bakit?
Roger: Wala lang gusto ko lang siyang makita.
Me: Kung gusto mo magpalit tayo ng secretarya.
Roger: Nah, gusto ko lang makita siya. Hindi ko kailanman ipagpapalit ang secretarya ko.
Sagot ng aking kaibigan dahil matagal na ang secretarya niya sa kanya, hindi gaya ko na halos kada buwan ay iba ang secretarya ko.
Me: Okay then see you tomorrow.
Pinatay ko na ang tawag habang pauwi na ako, naalala ko hindi ko sinabi kay Magdalena na uuwi. Ayokong mataranta sila sa paghahanda ng pagkain ko. Sinabi ko sa aking driver na pumunta na lang kami sa paborito na restaurant ng aking asawa, habang nasa daan ako ay tumawag na ako ng nag-order ng pagkain for pick-up. Pagkatapos namin ito nakuha ay umuwi na kami.
Maaga akong dumating sa bahay, nagulat ang mgakasambahay sa biglaan kong pag-uwi dahil ito ang unang beses na hindi na ako ginabi. Paano hindi ako uuwi ng maaga kung ang secretarya ko ay makulit at dumating pa ang kapatid ko. Mas magandang tapusin ko na lang ang trabaho ko dito sa bahay kaysa sa aking opisina na kada oras ay pumapasok siya at napakadaming tinatanong. May mga point naman ang mga tanong niya pero hindi lang ako sanay sa dinadaldalan ako ng secretarya ko.
Ibinigay ng driver ko ang mga pagkain na binili ko sa isang kasambahay at umakyat na muna ako para magpalit ng aking damit pagkatapos ay bumaba na ako. Pumunta ako sa hapag kainan at kumain. Tahimik lang akong kumakain hanggang sa nag ring ang telepono sa bahay.
Tumayo ako at nakita si Magdalena na hawak ang telepono. Nag senyas siya na kapatid ko daw, umiling ako kaya alam na niya ang kanyang sinabi. Bumalik ako sa mesa at nadinig ko na sinabi niya na nasa ibang bansa ako. Pagkatapos kong kumain ay pumunta na ako sa aking opisina at tinapos lahat ang trabaho ko dahil sigurado bukas ay maaga akong susunduin ng kaibigan ko.
Mag-alas kwatro na ng natapos ako at bumababa ako sa sala para hintayin ang pagdating ng aking anak. Habang hinihintay ko siya ay binuksan ko na muna ang telibisyon at dinalhan ako ng merienda ng aking kasambahay. Ilang saglit ay dumating ang anak ko na nakasimangot at alam ko na kung bakit dahil hindi niya kasamang umuwi si Nathalie.
"Hey,bakit ganyan ang mukha mo." puna ko at niyakap siya.
"Mana lang ako sa iyo Dad." Sagot niya at napailing ako.
"Sige po Dad, akyat lang ako sa kwarto ko." Paalam niya.
Napalalim ang paghinga ko na pinanuod siyang walang ganang umakyat sa hagdanan. Hindi ako tutol sa relasyon nila pero hindi ko din alam sa aking sarili ang dahilan ko kung bakit ayaw ko silang pagtabihin na matulog kaht alam ko naman na pareho silang babae at walang mawawala.
Kinabukasan ay maaga akong dumating sa opisina at ito din ang unang beses na nandito na ang secretarya ko na bago.
"Bakit ang aga mo?" Tanon ko sa kanya.
"Mahirap nang maabutan ng traffic Sir, bakit ang aga ninyo din. Akala ko pa man din maitutulog ko pa." Sagot niya at iniwan ko na siya.
Ang akala ko pa man din ay may marinig akong magandang rason kung bakit maaga siya. Binuksan ko ang resume niya na pinadala sa aking ng agency at nakadalawang beses kong tinignan ang adress niya. Agad ko siyang tinawagan sa intercom para maka-usap siya. Ilang saglit ay may kumatok at pumasok na si Madel.
"Anong oras ka nagising?" Tanong ko at nagkasalubong ang kilay niya.
"Mga alas tres ng umaga Sir." bakit ninyo tinanong.
Ngayon na intindihan ko na kung bakit gusto niyang matulog, alas otso palang ang umpisa ng trabaho niya at mag alas syete palang ng umaga.
"Gusto mo bang tumira dito sa manila para mas malapit ka sa trabaho mo?" Tanong ko dahil galing pa siya ng Bulacan.
"Hindi pwede Sir dahil walang mag-aalaga sa Nanay at kapatid ko na 7 years old palang. Isa pa nag-aaral yun."
"May Condo ang kumpanya para sa mga katulad mo na malayo ang tirahan, you can bring your mother at kapatid mo. Companya na din ang magpa-aral sa kanya." Sabi ko at nagsalubong ulit ang kilay niya.
"Sigurado kayo Sir? Bagong hire lang ako? Oh baka naman may gusto kayo sa akin, gaya ng mga nagbabasa ko sa mga Novel. Gwapo at mayaman kayo Sir pero hindi ko kayo type." Bulaslas niya at narinig ko na may malakas na tumawa mula sa pintuan.
Napahigpit ang hawak ko sa resume niya dahil kung saan saan na napunta ang kanyang mapurol na utak. I just want to help her.
"Bakit ang aga mo?" Tanong ko sa kaibigan ko na tumatawa parin.
"Well napadaan lang ako. Hi Secretary, I am Roger. Yung tumawag kahappon na kaibigan ng hindi mo type." Natatawang nagpakilala ang kaibigan ko.
"Anong type mo Miss Secretary?" Tanong ng kaibigan ko, napailing na lang ako. Bahala si Madel kung makuha siya ng mabulaklak na dila ng kaibigan ko.
"Syempre yung mabait, hindi babaero at Virgin Sir." Sagot niya at napayuko nalang ako dahil bakit pati ang huli ay kasama sa gusto niya sa isang lalaki.
"What? Paano ka magka boyfriend niyan kung Virgin ang hinahanap mo na lalake. Kami pa man din ay hindi na Virgin sa edad na dose. Bakit ilang taon ka na ba?" Tanong ng kaibigan ko.
"Twenty nine Sir, eh hindi na lang ako mag boyfriend. Ah Sir, paano pala kami lilipat ng Nanay at kapatid ko?" Balik na tanong niya sa akin.
"Akala ko ayaw mo?"
"Sir naman, syempre pakipot na muna ako. Sinong hihindi sa libreng tirahan at makatipid pa ako ng pamasahe, tapos libre pa ang pag-aaral ng kapatid ko. Hanggang kolehiyo ba Sir?"
"Hanggang dito ka nagtratrabaho ay kumpanya ang magpapa-aral sa kanya. Pero kung bukas ay tinanggal na kita ay walang condo at scholarship." Seryosong sabi ko habang mukhang naaaliw ang kaibigan ko sa bago kong secretarya.
"Pagbubutihan ko po ang trabaho ko Sir, kahit na lagi ninyo akong tinuturuan na mag-sinungaling." Sagot niya at halos maubo na ang kaibigan ko katatawa.
Huminga ako ng malalim at sinabi ko na makipag coordinate na lang siya sa manager para sila na lang ang bahala sa paglipat nila dito sa Manila at pinaalis ko na siya.
"Bakit nandito ka pa?" Baling ko sa aking kaibigan na umupo sa mesa ko.
"I like her." Seryosong sambit niya.
"Paano yan, babaero ka at higit sa lahat ay hindi ka na Virgin." Sambit ko at hindi maiwasan ang mapangiti.
"Nah, babaguhin ko ang type niya." Sagot ng kaibigan ko.
Napailing na lang ako dahil kilala ko si Roger, kung may gusto ito ay gagawin niya ang lahat para makuha niya. Patay na ang kanyang asawa at may naiwan na special nilang anak. Darren is 10 years old now pero ang pag-iisip niya ay nasa 5 palang. Nakuha ito dahil balak palang ipalaglag ng asawa nniya ang kanilang anak dahil ayaw niyang masira ang kanyang katawan. Nalaman ito ng kaibigan ko at muntik na silang naghiwalay. Itinuloy niya ang bata at dahil sa komplikasyon ay namatay ang asawa ng kaibigan ko sa panganganak at nabuhay naman ang aking inaanak.
Maraming naging kasintahan ang kaibigan ko pero lahat sila ay ayaw makasama ang aking inaanak. Mahal na mahal ng kaibigan ko ang anak niya at hindi niya ito ipagpapalit kanino. May itsura naman si Madel, hindi lang halata dahil hindi siya masyadong nag-aayos dahil na rin siguro sa sobrang layo ang biyahe niya.
"Pwede bang isama natin siya mamaya sa bahay?"
"Anong oras ba ang okasyon, sa Bulacan pa uuwi yan at may Ina at maliit na kapatid na naghihintay." Sagot ko.
"Kung gusto mo ngayon na, we just do our work in my office at hayaan mo siya at Darren na mag bonding."
"Okay then, let's go." Sagot ko dahil miss ko na din ang aking inaanak na itinuring ko na rin na anak dahil wala akong anak na lalaki.
Ilang saglit at tumatawag si Madel sa intercom at hinayaan ko siyang magsalita.
"Sir, may naghahanap sa inyo Divina daw ang pangalan. Anong sasabihin ko, out of town o busy?"
"Out of town." Sagot ko at pinatay ko na ang intercom.
"D*mn hanggang ngayon ay kinukulit ka parin ni Divina?"
"Yes at mas naging makulit siya ng namatay ang asawa ko." Sagot ko sa aking kaibigan.
"Bakit nga ba ayaw mo sa kanya? Maganda at mayaman naman siya.
Tinignan ko ng masama ang kaibigan ko at natawa lang ito.
"Kung hindi ka tumigil diyan ay hindi na natin isasama si Madel." Pananakot ko sa aking kaibigan.
"Chill Bud." Sabi niya.
Nagkape na muna kami at nagulat si Madel nang sinabi ko na isasama namin siya sa aking pupuntahan.
"Sir, alam ninyo na malayo pa ang uuwian ko. Pagdating ng alas kwatro ay dapat alis na ako at bigyan ninyo ako ng pamasahe dahil sakto lang ang pera ko na pamasahe pauwi pero dahil sa ibang destinasyon tayo ay nadagdagan ang pamasahe ko." Sabi niya habang nasa sasakyan kami ng aking kaibigan at napatingin ako sa kaibigan ko na natulala ata sa kaprangkahan ng type niya.
"Ako na ang bahala sa pamasahe mo." Sabat ng kaibigan ko at hinyaan ko silang mag-usap hanggang sa nakarating kami sa bahay niya.