Third person (POV) Napainum ako sa aking ininom na alak, nahihirapan ang mga tauhan ko na kunin ang anak ni Vince. Buti at hindi lumabas ang aking kapatid sa sasakyan kundi ay kulong na siya ngayon. Pinapatay ko din ang mga tauhan ko na palpak dahil malaki ang patong na pera sa kanilang mga ulo. Mayaman si Vince at kahit billion pa ang ang ubusin niya ay hindi mauubos ang kayang pera. Pagkatapos ng graduation ng kanyang anak ay pinamanmanan ko pero ilang araw na ay hindi siya mahanap. Hanggang sa natuklasan ko na ikinasal pala ulit si Vince at sa anak pa ni General. Ibinato ko ang baso na puno ng alak sa sahig dahil kung nag-asawa siya ulit ay siguradong mapupunta sa kanyang asawa at anak ang kanyang kayamanan. Kailangan mawala muna ang anak niya at bagong asawa wala akong paki-alam k