Nathalie (POV) Hapon na ng magpa-alam si Uncle Charles,dito din sana siya kakain ng hapunan pero may importante daw siyang tao na ka dinner. Pag-alis niya ay naging abala naman si Daddy sa mga kapatid ko na bunso na babae. Lalo na kay Snow na buhat niya dahil may karamdaman ito. Walang nagawa si Thunder ng si Daddy na ang bumuhat sa kapatid namin. Thunder is very close sa kanyang mga kambal pero iba ang pagka close niya kay Snow. Ayokong mag-isip ng hindi maganda lalo na at pareho ko silang kapatid. Pagdating ng hapunan ay hindi rin ako nakasingit kay Daddy dahil si Autumn at Kristine naman ang kanyang kausap. Ang hirap paman din sumingit kapag si Kristine na ang kausap ni Daddy. I decided to go to my room at magshower na lang muna. Pagkatapos kong nagshower ay napatingin ako sa orasan m